Chapter 65: Too Late.
"KC ba't tayo nandito? Hindi ba dapat nasa daungan tayo ng mga yatch?" Tanong ni Hannah kay KC upang pagpawisan ito.
Kita ko ang lungkot sa kanyang mukha. Alam ko na ang sasabihin niya, surely it'll disappoint the others.
"Eh, k-kasi..." Nauutal na tugon ni KC na parang ayaw sabihin ang totoo. Binigyan ko naman siya ng 'sabihin mo na ang totoo' look. "Hindi kasi ako pinayagan ni Mommy na gamitin 'yong yacht kaya ito nalang 'yong pinadala niya."
"It's okay, malaking tulong na ito sa amin." Nakangiting sambit ni Frost at ginulo ang buhok ni KC upang mamula ito.
"Weleng enemen Frest, beste ekew. Ehe!" Pabebeng turan ni KC na nakangiting nakatingin kay Frost.
Isa-isa kaming sumakay sa pumpboat ni KC. Mabuti nalang at tinulongan nila kaming makasakay, ang hirap! Agad kaming naghanap ng pwesto, mabuti nalang at medyo malaki ang pumpboat na ito at kumportable kaming naka-upo lahat.
"Sandali, sinong magmamaneho nito?" Tanong ko upang mapatigil silang lahat.
"Oo nga no? Ba't hindi natin 'yan naiisip?" -Hannah.
"Ako, hindi ako pwede. Bawal maiinitan ang makinis kong balat." -Blake.
"What shall we do?" -Ara.
"Don't panic, kaya kong magmaneho nito." Sabi ni Trevor upang lumuwag ang dibdib ko kahit wala naman.
"Saan ka naman natutong magmaneho ng saksakyang pandagat Trevor? Malayo ang karagatan sa ating kaharian." Nagtatakang tanong ni Frost upang mapakunot ang noo namin.
"Remember, I can control water." Maangas na sambit ni Trevor at biglang gumalaw ang pumpboat upang mapakapit kami at mapasigaw.
"Imberyenadete Sambrano, Trevor! Huwag ka namang manggulat, kakabihis ko lang. Baka mahulog ako diyan, sayang ang outfit!" Saway pa ni KC upang magtawanan kaming lahat.
Nagsimula na naming tahakin ang dagat patungo sa dyamenteng aming hinahanap. Ninamnam ko ang malamig na hangin na tumatama sa aking mukha. It's relaxing, matagal na din akong nakapunta sa karagatan.
Napangiti ako habang pinagmamasdan na unti-unting lumiliit ang daungan na aming pinanggalingan habang tumutungo kami sa napakalawak na karagatan. Ang ganda at ang linis ng karagatan dito, matagal na akong hindi nakaligo ng ganito kasaya.
Bago pumunta sa daungan, dumaan kami sa Beach Resort nila KC at doon nagsaya. Naligo kami ng isang oras doon at gumawa ng water activities bago kumain ng masasarap na seafood. Ngayon lang ako naka-inom ng tubig ng buko mula talaga sa lalagyan nito.
Hindi din mawawala ang mga picture taking at mga groufie. Ang dalawa todo pose upang ma-upload nila ito sa kani-kanilang social media accounts. Instagramable daw kasi ang paligid, and it's true.
Nagpapasalamat talaga ako at ngayon lang ulit ako nagsaya ng ganito sa buhay ko dito sa Earth. Mas masarap pa nga eh dahil libre ang lahat ng kinain at ginawa namin.
Tita Carina your the best!
"Alam kong gwapo ako, hindi mo kailangang maging tulala ng ganyan sa akin." Napabalik ako sa realidad ng bumungad sa akin ang hambog na mukha ni Blake.
"Ang lakas na nga ng hangin, dumagdag ka pa." Bara ko pa nito at napa-iwas ng tingin dahil wala siyang pang-itaas na suot! "Magsuot ka nga damit! Ang sagwa mo tingnan!"
Tumawa naman ang loko at kinindatan ako. Nakaka-inis talaga ang bad boy look niya pati na din ang abs ni-.
Tap! Tap! Tap!
Walang kang nakitang kahit ano sa kanya at wala kang sinabi. Sandali, baka nahawaan na ako ni KC?!
"Magsu-suot na nga ako ng damit, baka sakaling nawala 'yang pula mo sa mukha." Bigla akong napahawak sa aking pisngi dahil sa sinabi ni Blake.
Am I blushing?!
Umiwas nalang ako ng tingin at hindi siya sinagot. Ibinaling ko nalang ang aking tingin kina Hannah at KC na abala sa panood ng mga dolphins.
"Woah! Ang cool ng isang 'yon!" Tuwang-tuwang sambit ni Hannah dahil sa pag-flip ng dolphin sa harap niya.
"Trixia, you should watch this!" Manghang tugon ni KC upang lumapit ako sa kanila.
Lumipas ang dalawang oras at tumgil kami sa gitna ng dagat. Agad ko namang isinawsaw ang aking paa sa asul na dagat.
It's so relaxing...
"We're here." Anunsiyo ni Trevor upang mapatingin kaming lahat sa kanya.
"Wear the gem? Nasa ilalim ba natin ito?" Tanong ni Hannah.
"Are we going to dive?" Nakangiting tanong ni Ara upang maintrega din. Hindi pa ako naka-dive sa buong buhay ko.
"Yes, we will. Ang problema, wala tayong gamit pang-dive. If Rim was only here." Frost said in disappointment. Kahit ako ay nanghinayang, gusto ko pa namang ma-experience ang mga gano'ong bagay.
"Sayang, may diving gear pa naman kami sa Resort." Sambit ni KC upang mas lalo kaming manghinayang.
"It's okay, I still got something up my sleeve." Bumalik ang aming masayang mukha dahil sa sinabi ni Trevor.
"What's up with you today Trevor? You became so energetic." Nagtatakang tanong ni Blake sa kanya.
Tanging ngiti ang naging sagot ni Trevor sa kanya at tinungo ang pinakamalapit na tubig sa dagat. His really changed, he's not the sane cold and snobbish person I know.
"Maybe it's time for a change." Sambit ni Trevor sa amin at biglang nagkaroon ng isang bilog na hiwa ang dagat sa kanyang harapan.
"Woah!"
"So intellectual!"
Maya-maya nagkaroon ng hagdan pababa ang butas sa dagat. Nakakamangha talaga si Trevor at napakatalino. I think we're going to have a stroll in the oceans floor. How cool is that?
"Let's go?" Tanong ni Trevor sa aming upang mas lalo kaming mamangha sa kanya.
Naunang naglakad pababa si Trevor upang maging gabay namin at isa-isa kaming sumunod sa kanya pababa. I just saw the beauty of the ocean without getting wet! Maraming klase ng isda akong nakita at ang iba pa nga ay ngayon ko lang nakita.
"What?! Stingray ba 'yon?"
"O'min'G! May whale akong chuchun na nakita!"
"What's that thing called? It looks majectic."
"It's a jellyfish."
"WAAHHH! Nemo is that you?"
"Gaga, clownfish 'yan."
Nang makarating kami sa baba ay nasilayan ko ang napakaraming corals. Ang gaganda nila, parang nasa isang paraiso kami.
"It's like we're in a OceanPark." I said in amusement and was about to touch the water.
"Don't." Napatigil ako ng biglang nagsalita sa aking likuran si Trevor.
"Sorry."
"Saan ba natin mahahanap ang dyamante?" Tanong ni Ara matapos ang ilang minutong pagsight seeing namin.
"It's hidden in the middle of the ocean and guarded b-." Napatigil sa pagsasalita si Frost dahil sa biglaang pasingit ni Hannah.
"Mermaids?" Hannah asked in excitement, parang siyang bata tingnan ngayon.
"Nope, it's guarded by numerous species of shark."
"Sayang! May dala pa naman akong camera." Nanghihinang sambit ni Hannah.
"We better get going, I can't hold the water too long." Napatango kaming lahat sa anunsiyo ni Frost.
Nagpatuloy kami sa paglalakad habang tumitingin-tingin sa paligid. Napatigil ako sa dahil may pulang likido akong nakita.
"Ano 'yon?" Tanong ko at may itinuro 'di kalayoan sa direksyong aming tinatahak.
"Is that blood?" Ara exclaimed. Unti-unting kumakalat ang pulang likido sa karagatan.
Parang hindi may hindi normal dito, kung isang shark attack iyon ay malamang may nakita kaming pating na umaaligid sa paligid. Bakit may dugo dito?
"O'min'G! Isang Sharkerous ba 'yon?" Turo ni KC sa isang patay at nagpalutang-lutang na HammerHead Shark.
Ito pala ang dahilan ng mga dugo sa paligid. Pero sino o ano naman ang pwedeng gumawa no'n. Naalerto kami bigla dahil sa shockwave na aming naramdaman.
Dapat kaming mag-ingat mas delikado ang mga shockwave kapag nasa ilalim ng dagat. Mas malakas at mas malawak ang impact nito kaysa sa lupa.
"Sa tingin ko kailangan nating puntahan kung saan nanggagaling ang shockwave na 'yon." Suhesyon ko pa sa kanila.
"We should, tsaka mag-ingat kayo sa paghakbang baka masugatan kayo ng mga bato." Paalala ni Frost at biglang tumingin sa akin. "Lalo na ikaw, Trixia."
Agad akong umiwas ng tingin dahil sa kakaibang tingin na ipinukol niya sa akin. Matiyaga naming hinahanap kung saan nanggaling ang shockwave na 'yon.
Sa aming paghahanap bumungad sa amin ang anim na pigura ng tao na suot ang kani-kanilang maskara.
"What took you all so long?" Nakangiting tanong sa amin ni Olivia habang nakatayo sa lupa gaya namin.
Nakita kong kayang kontrolin ng isang kasamahan nilang kulay Berde ang maskara ang karagatan gaya ni Trevor. Hindi talaga sila mawawalan ng pasabog kahit kailan.
Nakita kong may walang buhay na babae ang nakahandusay sa lupa. Habang nakatingin ng matalim sa akin si Nero, sandali bakit siya nandito? Pansin ko ding wala dito si Alexander.
Paano nila kami naunahang makapunta dito? Mukhang nakuha na din nila ang ikawalong dyamante, this should be trouble.