Chapter 64: Meeting.

Tatlong araw na ang nakalipas ng bumalik kami dito sa Jurmon City at hanggang ngayon hindi pa din namin nahahanap sina Maica at Rim. Labis na nag-alala sina Frost at Blake sa kanilang kaiibigan, sabagay matagal na nilang kaibigan ang dalawa.

Halos araw-araw silang naghahanap kasama si Ara at Trevor. Dahil abala kami sa eskwela hindi namin sila nasasamahan. Pero papaminsan-minsan ay tinutulongan namin silang maghanap at magdikit ng poster sa mga kalye na nagbabakasakaling may makatulong sa amin.

Kasalukuyang naglalakad ako kasama ni Hannah at KC sa sala ng RestHouse ni KC. Dito kasi naming napag-usapan na magkakaroon ng meeting para sa pinakahuling dyamante.

Umupo naman ang dalawa sa sofa habang ako ay dumeritso sa aking kwarto upang magpalit. Bumaba ako at naabotan silang nanood ng PBB OTSO, kita ko ang pagka-inis sa mukha ni KC dahil kay Sansan habang si Hannah ay mamatay kakatili dahil kay Gian. Gusto ko sanang manood kaso magluluto pa ako ng haponan namin.

"Guys, dito kayo kakain?" Tanong ko mula sa kusina habang nagsu-suot ng apron.

"Hindi ko alam Trix, kung matatagalan tayo baka dito ako kumain." Sagot ni Hannah mula sa sala.

"Ako din Trixia, magluto ka lang ng marami para makasigurado." Dagdag ni KC.

"Okay."

Masaya akong nagluto habang naririnig ko ang tili ng dalawa sa sala. Nagbabangayan pa nga ang dalawa dahil kay Karina na 'yon. Ngayon lang ata sa PBB ang napakaraming issues, kasi naman may jowa na, gusto pa ng isa? Pero ayokong husgahan si Karina dahil pinipigilan niya namang magkagusto kay Aljon.

Matapos kung magluto ay nagtungo ako sa sala upang manood din ng PBB OTSO  kasama sila. Napa-ismid nalang ako noong nadatnan ko parin silang nag-aaway. Lumapit ako sa kanila upang marinig ang kanilang ka-dramahan sa buhay.

"Ikaw ang bakla KC!" Sabunot ni Hannah sabay patong sa itaas ni KC.

"Si Huaze Lei ang bakla! Matagal ko na siyang naamoy! Feminine-ish kaya siya!" Ngayon si KC naman ang nasa itaas habang sinasabunot si Hannah.

"Si Dao Ming Si ang bakla! Kung totoong lalaki siya hindi niya tatakotin si Huaze Lei na masisira ang F4 kapag 'di niya lulubayan si Shancai! Pareho kayong bakla!"

"Gusto niyo patayin ko 'yang Dao Ming Si at Huaze Lei niyo?!" Sigaw ko upang mapatigil ang dalawa sa pagsasabunotan at napa-upo ng maayos. "Gusto niyo 'yon? Gusto ko 'yon!"

"Hello kamusta mga Ka-Igan! Panib-."

"Ano namang pinagsasabi mo d'yan KC?" Bara ko pa sa kanya. Ang hilig-hilig magsalita ng mga bagay na wala sa topic.

"Sinabi mo kasi ang line ni Ate Lloyd kaya sinabi ko nalang ang intro ng Jamill." Napahilamos na lamang ako sa aking palad kahit wala namang tubig.

Haaayyy.

"Please, huwag kayong mag-away ng ganyan. Last 3 days nalang at matatapos na ang MetoerGarden tapos ang pinag-aawayan niyong dalawa ang mga naunang episode pa nito!"

"Oo nga no?" -KC.

"Paano nga tayo napunta sa topic nq 'yon?" -Hannah.

I just rolled my eyes before leaving them. Pero mabuti na 'yon at natigil ang bangayan nilang dalawa.

Nag-aral nalang ako sa loob ng aking kwarto at napagpasyahang bumaba matapos marinig ang boses nila Frost. Naabotan ko ang kanilang mga pagod na mukha.

"Kumusta naman ang paghahanap niyo?" Tanong ni Hannah bago umupo kasama sila Trevor.

"Kahit saan na kami naghanap pero hindi namin sila mahanap." Nanghihinayang na sagot ni Frost.

"Baka nandoon pa sila sa Fairytopia." -KC.

"Kung nandoon sila, the whole time ay malamang naiisipan na nilang umuwi ngayon." Suhesyon ni Blake.

"May nagcontact na ba sa inyo tungkol kila Maica at Rim?"

"Wala ni isa." Sabat ni Trevor.

"Mukhang pagod kayo, halina kayo at kumain naghanda ako ng marami." Alok ko sa kanila na may ngiti sa labi.

"Opo Ma." Mahinang humagikhik si Hannah sa sinabi niya upang bigyan ko siya ng masamang tingin.

"What's for dinner? Nagugutom ako kakalibot, hindi pa kami nagmeryenda." Nanghihinang sambit ni Ara at naglakad patungo sa kusina kasama ako.

Masaya ang aming haponan habang nag-uusap, tila nakalimutan ang problemang aming hinaharap. Panay ang patawa ni KC at panay naman ang bars ko sa kanya.

Napatigil ako sa pagtawa ng may maalalang importante. Dahil sa pagkawala ni Maica at Rim ay nakalimutan na naming hanapin ang ikawalo at ikahuling dyamante.

Mahina akong umubo upang makuha ang kanilang atensyon, agad naman nilang itinuon ang pansin sa akin.

"I know that some of us has gone missing and I know that made us all worry a lot." Simula ko upang bigyan nila ako ng natatakang tingin. "Pero sa tingin ko nakakalimutan nating ang ikawalong dyamante. Papaano na lang kung maunahan tayo ng LunaLight na makuha ito?"

Biglang binalot ang paligid ng nakakabinging katahimikan. Nakita kong naintindihan nila ang ibig kong sabihin. Alam nilang pwede kaming matalo ng LunaLight kapag nakuha nila ang ikahuling dyamante lalo na't nawawala si Maica.

"Pasensya na Trixia, alam kong masyado kaming naging abala dahil sa paghahanap kina Maica at Rim. Nakalimutan kong ang isa pang nakapa-importanteng bagay, ang mailigtas ang mundo." Binigyan ko ng ngiti ang paghingi ng tawad sa akin ni Frost.

"Alam ko Frost ang pinagdadaanan mo dahil kaibigan ko din sila."

"It's settled then, sisimulan na natin ang paghahanap sa ikawalong dyamante." Bulalas pa ni Ara.

"Let's do that after eating." Suhesyon ni Trevor upang makatango kaming lahat.

"Tama si Trevor! Mahiya naman kayo sa grasya at sa kagwapohan ko." Hambog na sabi Blake sabay nagpa-cute.

"Asa ka pa!"

Matapos naming kumain tinulongan nila akong iligpit ang pinagkainan sabay hugas nito bago tinungo ang sala upang magplano. Puwesto kami ng maayos upang 'di magkagulo dahil medyo maliit ang lamesang naroon.

"Ang sarap mong magluto Trixia." -Ara.

"Pwede ka nang mag-asawa Trix." -Hannah.

"Those dishes we're satisfying." -Trevor.

"May nagturo ba sa 'yong magluto Trixia?" -Blake.

"Ang sarap ng mga pagkain na hinain mo kanina Trixia! Dapat ikaw nalang pala ang laging nagluto noong nasa Mahonotopia tayo." -Frost.

Halos mamula ako sa pagpuring ibinigay nila sa akin. Ang niluto ko lang naman ay simple gaya ng adobong manok, tinulang manok at higit sa lahat chicken curry ang pinakapaborito ko.

"Mas masarap ako!" Patawang sambit ni KC upang magtawanan kami.

"Stop with the jokes, let's get serious. Alam niyo ba kung saan malapit ang karagatan na 'to?" Turo ni Frost sa mapa at ipinakita sa amin.

Nasa gitna ng karagatan ang huling dyamante. Mukhang mahihirapan kami sa paghahanap nito lalo na't nasa tubig, mas magiging mahirap ito kapag nakasagupa pa namin ang LunaLight.

"Sandali, KC ba't parang pamilyar sa akin ang karagatan na 'yan?" Sabi ni Hannah habang sinusuri ang mapa.

"Sandali!" Bulalas pa nito at marahang itinuro ang mapa. "Kalerkey, alam ko itechie! Malapit 'yan sa beach resort ni namin!"

Tiningnan kong mabuti ang mapa tama nga siya, malapit ang karagatan na 'yon sa Beach Resort nila KC. Huwag na kayong magtaka, mayaman sina KC at hindi malabong magmay-ari sila ng isang mamahalin at sikat na Resort.

"Meron kayong Resort KC? How rich are you?" Bulalas pa ni Ara.

"Richer than you, akin lang si Frost." Taray nito kay Ara upang magkaroo ng tensyon sa loob ng sala.

Nagbigayan ng masasamang titig ang dalawa sa isa't-isa. Kung nakakamatay lang ang pagtitig, kanina pa siguro sila nakahandusay sa lupa.

"Tap! Tap! Tap! Bawal mag-away dito!" Pigil ko pa upang mag-iwas tingin ang dalawa sa isa't-isa.

"Calming down! Don't warfreaked KC!" Suway nito upang mapatigil si KC.

"Pfff..." Napaimpit sa tawa kami dahil sa sinabi ni Hannah.

Napaka-seryoso na ng nangyayari tapos dumagdag pa ang English grammar niya. Alam kung masama ang ginagawa namin kaya pinigilan ko nalang ang aking sariling tumawa.

"KC is it okay for you to bring us to your Beach Resort?" Tanong ni Frost.

"Sure!" Sabat agad ni KC.

"Ang problema nalang ay ang sasakyan natin. I can use my magic to create a water boat pero baka may makakita sa atin." -Trevor.

"Rim can do it!" -Ara.

"Nawawala nga 'di ba?" -KC.

"Let's not make things complicated, huwag kayong magbangayan." Saway ni Frost sa dalawa upang matahimik ito.

"Iba talaga kaming mga gwapo, ang raming nag-aagaw."

"Akala ko tapos na ang bagyo? Ba't ang hangin pa din?" Bara ko pa kay Blake.

"Gwapo naman." Blake confidently replied. Sasagot na sana ako ng biglang sumingit si Trevor. 

"Stop flirting in front of us."

"We're not!" Bulalas ko pa.

"Let's getting serious na! Lumalim na ang gabi, kailangan ko pang umuwi." Natahimik kami dahil sa sinabi ni Hannah.

Baka mapagalitan siya kung nagkataon dahil sa amin.

"Let's think of a sulotion." Sabi nito at ibinaling ang atensyon kay KC. "Wala ba kayong mga pumpboat sa Resort niyo?"

"Wala." Nanlanta ako dahil sa sinabi ni KC. Ano kaya ang gagamitin namin?

"Maybe be can rent one?" Sabi ko pa upang luminaw ang kanilang mukha.

"No need Trixia, magpapa-alam ako kay Mommy na gamitin natin ang yacht namin." Pahumble na sambit ni KC.

"Yacht? Meron kayo no'n?" Bulalas ko pa, alam kung mayaman sila pero hindi ko inakalang may yacht sila.

"Yup."

"Papayag ka kaya ni Tita Carina?" Tanong ni Trevor.

Pansin kong unti-unti nang nagbabago si Trevor, hindi na siya ang malamig at walang paki-alam sa mundong nakilala ko. Has he meet someone that changed his life?

"Oo naman." KC confidently replied.

"Aalis na ako, nagtext na si Mama na umuwi na ako. Maghahanda na ako para bukas." Sabi ni Hannah sabay tayo.

"Tutal tapos na ang meeting aalis na din ako, sabay na tayo Hannah." Naglakad palabas ang at sinunda ni Frost upang ihatid.

"Since we're going to be beach, everyone prepare your swimsuits tommorow!" Anunsiyo ni Blake na nakangisi upang mapatigil ang tatlo.

"This should be exciting." Bulong ni Trevor na ikinagulat ko.

Bakit siya excited?!

I've got a bad feeling about this! Ayokong magsuot ng swimsuit bukas! Papaano naman kami mga flat?!