Chapter 63: Missing.
"May dinala ba akong gamit dito?" Tanong ko sa aking sarili habang naghahanap sa loob ng silid.
Mamaya pagkatapos naming kumain ay aalis na kami at babalik sa Jurmon City. Napatigil ako sa paghahanap dahil may kumatok sa pintoan.
"Pasok."
Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Frost. Binigyan ko naman siya ng nakangiting mukha, may problema ba ang lalaking 'to?
"Trixia, alam mo ba kung nasaan si Rim at Maica?" Tanong nito sa akin na hindi man lang pumasok.
"Hindi. Bakit nawawala ba sila?"
"Oo, hinahanap ko kasi si Rim sa kwarto niya para maghanda sa pag-alis natin pero wala siya doon. Kaya pinuntahan ko si Maica sa kwarto niya para magtanong, kaso wala din siya do'n." Paliwanag niya upang magtaka din ako.
"Baka magkasama ang dalawa. Babalik naman siguro 'yon mamaya, huwag kang masyadong mag-alala." Pakalma ko pa sa kanya.
"Pero hindi aalis ang dalawang 'yon na hindi nagpapa-alam sa akin."
"Magulang ka ba nila para magpa-alam sila sa 'yo?"
"Hindi."
"Gano'on naman pala eh, don't overthink okay? Sandali, dito ba tayo kakain?" Tanong ko upang mapa-iling siya.
"Oo naman, pagkatapos mo diyan pumunta ka sa dinning area." Napatango naman ako kay Frost, aalis na sana siya pero agad ko siyang pinigilan.
"Frost, may dinala ba akong gamit dito?"
"Wala naman."
"Ah." Tumango ako sa sinabi ni Frost, naghanap pa ako wala naman pala akong dinalang gamit dito. "Sabay na tayong pumunta doon Frost."
Sabay naming tinungo ang Dinning Area ni Frost, bumungad sa akin ang naghihintay at bagut na mukha nila KC. Nakita kong napa-taas ang kilay nilang dalawa ni Ara nang magkatabi kaming umupo.
Namangha ako sa lamesa at kubyertos na nandito sa harapan ko. Parang lahat sila ay gawa sa ginto, naparami ding masasarap na pagkain sa hapag. Karamihan sa kanila ay hindi pamilyar sa akin, sa paglibot ng aking mga mata.
Nahagip nito ang babaeng tumulong sa akin na nahapin sina Ara, natabi nito si Queen Isabella. Ngumiti ako sa kanya at ilang naman itong ngumiti pabalik sa akin.
"Hoi Trixia, tinatanong kita! Alam kong maganda ako, hindi mo naman kailangang matulala ng ganyan." Napatingin ako sa kay KC na mukhang naiinis.
"Hhmmm?"
"Bakit kayo magkasama ng ASAWA ko?!" Singit pa ni Ara upang mapa-lingon kaming lahat sa kanya.
"Anong pinagsasabi mo na ASAWA mo SIYA?! Walang sa 'yo Ara, akin lang ang ASAWA KO!" Bulalas pa ni KC upang mapalingon kaming lahat sa kanya.
Napatigil ang dalawa at saglit na nagtitigan, nagulat nalang ako ng bigla silang tumingin sa akin sabay sigaw ng, "BAKIT KAYO MAGKASAMA NG ASAWA KO?!"
"Relax lang kayo okay? Pumunta kasi si Frost sa kwarto ko kaya sab-." Naputol ang sasabihin ko ng bigla silang tumili at masamang tumingin sa akin.
"PAANO MO AKO NAGAWANG PAGTAKSILAN ASAWA KO?! MATAPOS ANG ILANG TAON NATING MASAYANG PAGSASAMA TAPOS GANITO?!
"Ang OA ha, tatlong buwan pa lang kayong magka-kilala KC." Masama naman tumingin si KC kay Hannah. Natatawa namang bumaling si Hannah sa kanya.
"AT IKAW NAMAN TRIXIA! PINAGKATIWALAAN KITA AT ANO ANG GINAWA MO?! INAHAS MO KAMI NG ASAWA KO, I TRUSTED YOU BUT YOU CHOOSE TO BETRAY ME!"
"Hoy Gaga! Moment ko 'yon kanina." Bara ni KC kay Ara na umagaw sa linya niya.
"Sorry, nadala lang kasi ako sa mga nangyayari." Napa-iling naman kaming lahat pati ang Reyna sa kalokohan ng dalawa.
"Ahem. Nasa hapag kainan tayo, were are your table manners?!" Napatigil ang dalawa dahil sa biglang pagsalita ni Queen Isabella.
Hindi mapinta ang mukha ng dalawa, agad silang pinawisan. Alam nilang ano ang mangyayari kapag kinalaban nila ang Mahal na Reyna. Habang kaming lahat naman ay nagpipigil ng tawa, kahit nasi Trevor na hindi pala tawa ay natatawa.
"I'm sorry po Queen Isabella." Paghingi ng paumanhin ni KC na hindi man lang makatingin kay Queen Isabella.
"Hindi na po namin uulitin 'yon, nadala lang po ako sa eksena." Dahilan ni Ara sabay yuko.
Napa-nganga kami ng biglang tumawa ng malakas si Queen Isabella. Gano'on din din si Prince Usko, things are getting weirder and weider.
"Sorry, for the unexpected laugh. I was just joking, I wanted to see your nervous face. Your line are actually entertaining." Nakita kong parang tangang tumawa ang dalawa dahil sa pagbibiro ng Reyna sa kanila. "Who's Trixia by the way? And is it true Frost that these two are your wives?"
"I'm Trixia, Queen Isabella. That's the name that my parents gave me in the human world." Napatango si Queen Isabella sa dahilan ko at tumingin kay Frost.
"Hindi ko po sila asawa Queen Isabella, sila mismo ang nagsabi no'n. Ayoko po kasi silang ipahiya na sabihan na hindi nila pwede akong tawaging ASAWA." Nakita kong naantig ang puso ng dalawa sa pagrespeto ni Frost sa kanila.
"Ganyan talaga kaming mga gwapo Queen Isabella. Maraming nagpapakamatay ma-asawa lang kami." Singit pa ni Blake sa usapan dala ang kahanginan niya.
"Woah! Ang hangin! May bagyo ba dito sa loob ng palasyo?" Bara ko pa upang kindatan ako ni Blake.
Yucks!
"Your such a gentleman Frost, kaya naman pala baliw na baliw sa 'yo ang dalawang 'to." Puri sa kanya ng Reyna upang mapangiti siya.
"It's an honor po."
"Likewise, bakit ka pala nandoon sa kwarto ni Princess Amira?" Usisa ng Reyna sa kanya upang maging hyper ang dalawa.
"Oo nger!"
"We want to know!"
"Pinuntahan ko kasi siya para tanongin kung nasaan sina Maica at Rim dahil wala ito sa sari-sarili nilang kwarto." Paliwanag nito upang mas lalong tumaas ang kilay ng dalawa.
Nasaan na kaya ang dalawang 'yon? Bakit wala sila ngayon sa hapagkainan? Hindi ugali nilang dalawa na umalis ng walang paalam at mag-aliw. Parang naiintindihan ko na ang ibig sabihin ni Frost kanina.
"Pero bakit ka pumunta sa kwart ni Trixia?! Nandito naman ako at naghihintay sa 'yo sa kwarto ko."
"Wow, naghihintay daw sa kwarto tapos nauna pa sa amin sa dinnng area." Pabulong na sabi ko upang bigyan ako ni KC ng 'makisama ka nalang' look.
"Mas malapit kasi ang kwarto ni Trixia sa kwarto ni Maica kaya ayon."
"That's weird, sa pagkakaalam ko hindi umaalis si Rim ng hindi nagpapa-alam." Suhesyon pa ni Blake.
"Iyan nga ang naiisip ko! Saan kaya pumunta ang dalawang 'yon?" Bulalas pa ni Frost. Napatigil kami sa pag-uusap ng itinaas ng babae tumulong sa akin ang kanyang kamay.
"Yes, Michelle? May sasabihin ka ba?" Tanong ni Prince Usko sa kanya.
"N-nakita ko kasi s-sila kagabi na magkasama matapos ang celebrasyon. Napa-upo silang dalawa sa malawak na damohan sa labas ng palasyo." Nahihiyang sabi nito sa amin. Michelle pala ang pangalan niya.
"Maraming salamat Michelle." Nahihyang tumango si Michelle kay Prince Usko at namumulang yumuko.
Hhmmm...
May gusto ata si Michelle kay Prince Usko.
"Alam mo ba kung saan sila nagpunta?" Tanong ni Trevor na nakisali din sa usapan.
"Hindi ko po alam, umalis ako agad dahil ayokong isipin nila na tumitingin ako sa kanila." Napatango kaming lahat sa paliwanag ni Michelle.
"Magkasama nga ang dalawa kagabi, pero nasaan sila ngayon?" Tanong ni Frost sa sarili.
"Kalurkey, baka nagtanan itechi!"
"Let's not overthink, sasabihan ko ang mga kawal dito na hanapin ang kaibigan niyo bago kayo tuloyang umalis. Let's just say peacefully, lumalamig na ang pagkain." Dahil sa sinabi ni Queen Isabella ay ipinagpatuloy namin ang pagkain.
Matapos ang mabusog ng napakasarap na pagkain ay nagpaalam kami sa kanila na aalis na kami at tumungo sa labas ng palasyo. Naghihintay kami sa loob ng karwahi sa sasabihin sa amin ng mga PalaceGuards.
"Nandito ba si Princess Amira?" Rinig kong may nagtanong sa labas ng karwahi. "Pwede ba siyang maka-usap?"
Nakarinig ako ng ilang yapak ng paa bago may tuloyang nagbukas ng pinto ng karwahi. Bumungad sa aming lahat ang nakangiting mukha ni Lejaby.
"Lejaby!"
"Princess!" Agad kaming nayakapan at nagkumustahan. "Nabalitaan ko na aalis na daw kayo ngayon kaya agad akong nagtungo dito." Tugon niya at kumalas sa pagkakayakap sa akin.
"Maya-maya aalis na kami, mami-miss kita Lejaby."
"Ako din Princess Amira, gusto ko sanang sumama sa inyo pero mukhang hindi na pwede." Malungkot na sambit ni Lejaby at binigyan ako ng nagmamaka-awang mukha.
"Sana maisama kita Lejaby pero mukhang mahihirapan kaming itago ka dahil sa pakpak mo."
"Naiintidihan ko, balik po kayo ulit dito. I'll tour you around, isama mo na din ang mga kaibigan mo." Alok nito at napangiti ako.
"Sige, babalik ako kapag matapos ang lahat ng ito. I'll expecting some good sights."
"Opo, Princess Amira hindi ko kayo bibigoin!" Nagtawanan kami ni Lejaby pero biglang nagbago ang timpla ng mukha nito ng dumating sa likuran niya si Francis.
"Princess Amira, hindi po namin mahanap ang mga kaibigan niyo. Nagawa po namin ang lahat, sa tingin ko po wala na sila dito sa Fairytopia." Paliwanag nito upang malungkot akong tumango.
"I understand, maraming salamat Francis." Yumuko muna si Francis sa akin bago tuloyang umalis.
"Paano ba 'yan? Saan natin mahahanap sina Maica at Rim?" Tanong ko sa kanila.
"I guess, we'll leave without them." Simpleng sagot ni Trevor upang mapasimangot kami.
"Baka nandoon na sila sa Jurmon City, don't overthink guys." Sabi ni Frost mula sa likuran namin at pumunta sa unahan ng karwahi.
"Paano ba 'yan Lejaby? Aalis na kami, see you soon!" Paalam ko at muli kaming nagyakapan.
"Sige Princess Amira, everyone! Enjoy your trip at sana magtagumpay kayo." Tanging ngiti ang naging tugon nilang lahat bago tuloyang lumabas si Lejaby sa karwahi.
Inayos muna namin ang aming sarili bago naghintay sa pagpabalik sa amin ni Lejaby sa Mount. Nariem. Mabuti nalang at binigyan kami ni Queen Isabella ng ReversePotion para maging norma ulit kami.
Maica at Rim kung nasaan man kayo, sana nasa maayos kayong kalagayan.