Chapter 59: Attacked.

"We're here Princess Amira."

Sa aking paglabas sinalubong kami ng isang magarbong kaharian. Halos lahat ng aming makita ay kumikinang na ginto. Mas maganda pa ata sa dalawang kaharian ng Legion at Cricraf na pinagsama, it's gigantic too.

Sandali, I've never been to the castle of Legion. Basta maniwala nalang kayo.

"Omo! Is thating where I thought it is?" Kinikilig na sambit ni Hannah sa kanyang paglabas. "They're FairyGuards!"

"Ang gwa-gwapo nila!" Tili ni KC at tumalon pa talaga. "Enebe mge esewe ke, nekekeheye nemen eng remeng te-e. Heleke ne keye eewe ne teye, 'de ne eke gelet."

Dahil sa lakas ng tili at hiyaw ng dalawa nakuha nilang dalawa ang atensyon ng lahat na FairyGuards. Even Francis was shocked in seeing Hannah at KC's reaction.

"Sorry Francis, ganyan talaga kaming mga tao kapag nakakita ng mga fairies." Pilit ngiting sabi ko sa kanya.

"It's okay Princess Amira." Tugon nito at yumuko kasabay ng pagyuko ng iba pang FairyGuards sa akin.

Naging dahilan ito upang matigilan sila KC at mapatingin sa akin. Hindi ko napansin na nakayuko na din pala silang lahat. Na-atras ako sa gulat at namula dahil sa ilang.

"P-please stand up..."

"Please go inside Princess Amira along with your friends. Prince Usko will be the one to escort you to Queen Isabella." Nakangiting sagot nito sa akin at pumunta sa kanyang karwahi sabay lipad sa himpapawid.

"Well, that was surprising." Basag ni Trevor sa katahimikan.

"Sandali! Bakit kayo yumuko kanina?" Tanong ko upang mapangiti sila.

"Because your Our Long Lost Princess." Sagot ni Frost.

"Please don't call me Princess again." Pagmamaka-awa ko.

Napa-ismid ako ng marinig kong tumawa si Blake, "Your peculiar for a Princess, must of them like to be in the spotlight. While you on the otherhand don't like it. Nakakatawang tingnan ang pamumula ng mukha mo."

Hindi ko nalang siya pinansin at ibinaling sa iba ang aking atensyon. "Huwag niyo ulit gawin 'yon. Nakakailang and also, hindi pa ako ganap na Princessa."

"Bakit?"

"Malalaman niyo din."

"Kung iyan ang nais mo Trixia, we'll do as you wish." Nakangiting sabi ni Lejaby sa akin upang mapangiti din ako sa kanya.

"Sana all! Ang humble mo talaga Amira." Singit ni KC sa usapan.

"Don't call me that KC! Trixia ang pangalan ko, hindi Amira!"

"If you say so."

Nag-ayos muna kami sa aming sarili bago tumuloy sa palasyo. Sinalubong kami ng isang matipunong lalaki fairy sa entrance pa lamang.

"Welcome Princess Amira." Bati nito sa akin kasabay ng kanyang pagyuko.

"Likewise, you are?"

"Prince Usko." He replied as his beautiful wings shined.

Kaya naman pala maraming pagkaka-parehas sila ni Queen Isabella. Ginto ang kulay ng kanyang buhok at pakpak, kulay itim naman ang kanyang mga mata. Suot niya ang pangkaraniwang suot ng isang Princepe, kahit sino ay mararamdaman ang authoridad sa kanya.

"Emeged! Eng gwepe, mes gwepe pe se mge pelece geerd!"

"Alangan KC isa siyang Princepe."

"Hannah sa tingin mo magiging half fairy, half human ang anak namin?"

"Wow! May ovary ka ba para masabi mo 'yan?"

"Hannah ano ka ba, sa panahon ngayon wala ng impossible. Tsaka, if you believe everything you dream will come true."

"Sandali, bakit pamilyar ang sinabi mo?"

"Alangan, that's our graduation song in elementary."

Pinandilatan ko ng mata ang dalawa upang matigil sila sa pagdadaldal dahil halatang naririnig sila ni Prince Usko basi palang sa mukha niya.

This is so embarrassing. Pinagnanasaan nila si Princepe Usko harap-harapan.

"This way, Princess Amira."

Sumunod kami sa bawat paglikong ginawa niya sa malaking palasyong ito. Sinisigaw ng buong paligid ang karangyaan at kayamanan.

Huminto kami sa isang malaking gintong pinto sa aming harapan. Binuksan ito ng dalawang FairyGuards na nakabantay doon.

Sa pagbukas ng pinto, bumungad sa amin ang dalawang presteryosong gintong upoan. Ang isa sa mga ito ay bakante habang ang isang upoan ay doon naka-upo si Queen Isabella. Yumoko kaming lahat sa kanya bilang simbolo ng pagrespeto.

"Maligayang pagdating sa aking palasyo, Princess Amira. Gano'on din sa iyong mga kasama." Bati ni Queen Isabella matapos ang aming pagyuko.

"Maraming salamat Queen Isabella sa pagpapa-unlak sa amin dito." Pabalik na bati ni Blake sa Mahal na Reyna.

"Maraming salamat Queen Isabella sa malugod na pagtanggap sa amin. Sana matulongan niyo kaming mahanap ang ika-pitong dyamante." Wika ko upang sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"Hmmm..." Tumingin ng matalim sa akin si Queen Isabella bago nagsalita. "You and your mother are really alike, hindi nagpapaligoy-ligoy."

"Are you a close friend of my Mother, Queen Isabella?"

"Not really, may tinatanaw kasi akong utang na loob sa Ina mo. She's a role model person and I expect more from you Princess Amira." Kwento nito upang mapalunok ako.

Gosh, ayokong ma-dissapoint si Queen Isabella sa akin. I think I'm a failure in many ways.

"Come."

Tumayo sa kanyang pagkaka-upo si Queen Isabella at inalalayan naman siya ng kanyang anak sa pagtayo.

"Son, please lead the way." Tugon nito kay Prince Usko.

"Yes, Mother." Pumilit si Prince Usko at bago may sinabing salita na hindi ko maintindihan.

Maya't-maya biglang may lumitaw na sekretong lagusan sa aming harapan. Kung susumain ay para itong blackhole kung titignan.

"Follow me." Sumunod kami sa kay Prince Usko at isa-isang pumasok sa sekretong lagusan.

As we silently entered the secret room, we saw darkness and it filled the room. But a shining orange light caught my attention, parang tinatawag nito ako. Nakalutang ito sa ere mula sa isang malaking tipak na bato.

Nagsimula kaming maglakad papalapit sa dyamante, napaka-dilim ng paligid. Tanging ang dyamante lang ang nagbibigay liwanag na nasa paligid.

"Prence Eske, cen e esk e questeon?"

"Sure. What's your name?"

"KC pe! 18, sengle end seper ready te menggle!" Pabebeng sagot ni KC at mahinang tumili. "Where did you find the gem? And why is it here? Tinatago niyo ba ito?"

Napa-isip din ako sa tanong ni KC, bakit nila tinatago ang dyamante? Pwede nila naman itong gamitin sa mabubuting bagay kung makakapasa sila sa mga pagsubok ng dyamante.

"We Fairies were given the task to protect the gem from being stolen and only be given to a person who has a pure heart." Prince Usko replied.

"By who?"

"The Gods and Goddesses of this world." Tugon ng Reyna at mas lalong lumapit sa umiilaw na dyamante. "Who wants to try?"

Kahit ako'y nanginginig ay dahan-dahan kong itinaas ang kaliwa kong kamay.

"C-can I?"

"Go ahead, I'm expecting you'll do great Princess Amira." Tugon ni Queen Isabella upang mas lalo akong kinabahan.

Hindi ko alam kung bakit nagiging interesado na bigla akong kunin ang dyamanteng ito. Pakiramdam ko mula ito sa mga expectations nila na akin na kailangan kong ma-achieve.

Hahawakan ko na sana ang dyamante ng biglang may marinig akong kalabog mula sa lagusan. Maskin silang lahat ay parang nagulat sa kanilang narinig na mga sigawan matapos ang malakas na kalabog.

"What's happening?" The Queen asked in confusion. "Son, kindly check outside. Mukhang may malaki na naman tayong problema."

"Yes, Mother." Agad na nagtungo si Prince Usko sa lagusan at nagmamadaling lumabas. Naiwan kaming nagtataka sa mga nangyari.

Napatigil ako, mukhang ayaw ng tadhanang makisama at parang tumututol. Kaya ko naman sigurong makuha ang dyamante na 'to hindi ba?

"Continue Trixia." Napatango ako at hahawakan na sana ang dymante ngunit napatigil ako ng biglang may malakas na sumigaw.

Galing sa labas tumilapon sa ere si Prince Usko, his face almost ate the ground because of the impact.

"Usko!" Tawag nito sa anak at nagmamadaling lumapit sa kanyang anak si Queen Isabella.

Pati sila Frost ay lumapit upang tulongan si Prince Usko na tumayo 'di kalayoan na kinatatayoan ko ngayon. Sino naman kayang mapangahas ang maaring gumawa sa kanya nito.

"Who did this to you Prince Usko?" Agad na tanong ni Frost matapos niyang alalayan si Prince Usko.

"P-people wearing masks."

"Masks?" Nagtatakang tanong ni Maica na parang may inalala.

"Don't tell me it's..."

"Look who's here. Thanks for finding the gem for us." A familiar voice said as we look at the portal. A figure of six persons was there.

"LunaLight." My mouth automatically said.

This should be trouble. More importantly how did they find us?