Chapter 8

GULAT ang mga kaklase nila sa ginawa ni Luis. Sa biglang paghalik niya kay Vhenz.

Sobrang selos naman ni Shopie sa nakita aawatin sana niya ang dalawa kaso hinawakan ito ng isang kaibigan ni Luis sa braso.

"Let me go!" Pilit na inaalis ang kamay ng lalaki sa braso niya.

Iiling-iling naman ang lalaki lalo pa nitong hinigpitan ang pagkahawak sa braso ni Shopie.

Nadala na si Vhenz sa halik na ginawad sa kanya ni Luis. Kahit na nalasahan niya ang dugo sa labi nito his kiss was good. Itataas na sana niya ang kamay para ikawit ito sa batok ni Luis ng putulin nito ang halik na iginawad sa kanya at patulak siya nitong binitawan.

"Oh, nice pay right Vhenz. I know you like my kiss, pero ang labing ito hindi para sa'yo," turan ni Luis. At sabay talikod na niya sa dalaga.

Napatulala naman si Vhenz sa ginawa at sinabi nito at hindi niya napigilan ang pag landas ng luha sa kanyang mata.

"Iyan ang bagay sa'yo pahiya ka no," wika ni Shopia sabay ismid pa nito at sumunod kay Luis.

Tila wala naman sa sarili na pinulot ni Vhenz ang mga libro niyang nagkalat."You bastard Luis Ramirez, pagbabayaran mo itong pag papahiya mo sa akin," na wika ni Vhenz sa sarili.

Hindi na siya tuloy sa kanyang klase nagpasya na laman siyang maglakad-lakad sa isang mall para mawala ang nararamdaman inis. Nang mapagod siya sa ginagawa ipinasya na niyang umuwi na.

"Oh, Vhenz. Bakit ang aga mong umuwi nasaab si Luis?" tanong ng Manang Irma sa dalaga.

"Nasa School pa siya Manang, hindi ako pumasok kasi masakit ang ulo ko."

"Kasi naman kinalahati mo iyon alak ni sir Jay, ang lakas pa naman ng tama nito."

Hindi na niya sinagot pa nagpaalam nalang siyang aakyat na."Sige po Manang, maiwan na kita medyo masakit pa ang ulo ko."

"Oh sige na, magpahinga ka muna at akoy gagawa ng sabaw para sa iyo, mamaya bumaba ka para makahigop ng mainit na sabaw."

"Sige po Manang, salamat po!" sagot niya at agad na siyang umakyat sa silid.

Sa University pagkatapos ng klase ni Luis hinanap niya si Vhenz. Nang hindi niya ito makita medyo naiinis na siya dahil kanina pa siya naghahanap. Hindi naman niya puwedeng iwan ito pagginawa ito at siguradong sasabihin ito sa kakambal tiyak sasabihin naman ni Lyka sa Daddy nila mapapagalitan siya. At lalo siyang masesermonan pag sinabi rin ni Vhenz na nakipag-away ito kay Shopie.

"Ahhh, saan naman kaya nag punta ang babaeng iyon?" aniya sa sarili ng may makita siyang kaklase ni Vhenz nagtanong siya dito.

"Ah, Hilda, nakita mo ba si Vhenz, kanina ko pa siya hinahanap, eh?"

"Hindi naman pumasok si Vhenz, Luis. May exam nga kami ngayon eh, importante pa naman ang exams namin ngayon, at nagtanong pa mga ang professor namin kung bakit wala siya ngayon dahil alam niyang hindi uma-absent si Vhenz?"

"Sinabi mo ba sa professor ninyo na nakipag-away si Vhenz?"

"Hindi, pero malalaman din niya ito, Luis."

Tatatango si Luis."Damnit, san naman kaya nagpunta ang babaeng yon," bulong niya sa sarili."Salamat, Hilda," aniya sa kausap at agad na niyang tinalikuran ito.

"Oh bro, bakit tila masama ang timplada mo anong meron sa iyo?" wila ng kaibigan niya nang magkita-kita sila sa parking area.

"Si Vhenz, hindi pala tumuloy sa klase niya kanina?"

"Aba bro, sa ginawa mo sa kanya siyempre nasaktan iyon baka nagtampo siya sa iyo?"

"Sige na mga bro, mauna na ako sa inyo titignan ko lang siya kung nasa bahay na."

"Ehemmm, nag-aalala ka rin pala sa kanya, bro?"

"Hindi naman, Jack, pagsasabihan ko lang siya kung bakit hindi siya pumasok dahil may importante pala silang exams ngayon." Yes totoo ang sinabi ng kaibigan he really worried about her. Kaya niya nasabi iyon sa kanya nadala siya sa ginawa nito. Sinalat niya ang labi may kunting maga pa mabuti na lang agad siyang nagtungo sa canteen kanina para kumuha ng ice.

"Luis, hayaan mo muna siya mag bar na lang tayo nauuhaw na ako ng tiquilla with matching ladies," wika naman ng isa niyang kaibigan.

"Ang libog mo, Jayson!"

"Nagsalita ang hindi malibog, tara na Luis, Jack!"

"Wala akong gana mag bar ngayon, Jayson?"

"Woah, efected ba sa hindi pagpasok ni Vhenz, baka naman may tama ka na sa puso mo para kanya bro, tinatago mo lang, ha?"

Tinignan ni Luis ang nagsalita."Wala akong gusto sa kanya bro, talaga lang na wala ako sa mood mag bar ngayon sige na maiwan ko na kayo."

"Wala daw bro, hindi halata eh, puwede bang galingan mo pa ang pag-acting hindi halata, eh." Tumawa si Jack.

"Kung ayaw ninyong maniwala bahala kayo, diyan na nga lang kayo," may pagkairitang wika niya sabay bukas niya sa pinto ng kotse.

"Ang pikon ay talo," natatawang turan ni Jack.

Sasakay na sana si Luis sa kanyang kotse ng may tumawag sa pangalan niya.

"Luis, wait for me sasama ako," sigaw ni Shopie.

Pero hindi pinansin ito ni Luis bagkus dali-dali na siyang sumakay at agad na pinaharurot ito.

Napamura naman si Shopie sa ginawa ni Luis."Ahhh, damn you Luis," sigaw nito. Nagkatingin naman ang dalawang kaibigan ni Luis at napatawa pa.

"Anong tinatawa-tawa ninyong dalawa ha!" inis na wika nito.

"Masama bang tumawa Shopie?" Nakangising sagot ni Jayson.

"Ahhh, magsama kayong tatlo," inis na sigaw nito sabay talikod na sa dalawa. Napatawa pang lalo ang mag kaibigan.

Habang pauwi na si Luis biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ng kaibigan niya. Na baka may tama siya sa dalaga. Bigla tuloy na alala niya noon una niyang makita si Vhenz. At napangiti siya.

"Yeah tama ka nga si Jayson, unang pagtama ng mata ko sa kanya noon crush ko na siya, ang cute kasi niya kahit na may pagkahiya sa mukha niya noon at mahigpit pang nakakapit kay ate Karen ang kanyang dalawang kamay, kay gandang pagmasdan ang napakainosenting mukha nito," paglalarawan niya kay Vhenz noon bata pa ito.

Kagigising naman ni Vhenz. Sa mahaba nitong tulog."Uhhmm, ang sarap na ng pakiramdam ko na wala na ang sakit ng akin ulo, makapaligo na nga lang muna bago ako bababa para kumain," wika niya.

Pagkatapos niyang naligo naghanap siya ng maisusuot niya sa kakahalungkat niya nakita niya ang mga damit na binigay sa kanya ni Janine.

Ayaw niyang tangapin noon ang mga damit dahil mga sexy itong isuot pero ngayon nakita niya napangiti siya.

"Masubukan ngang maisuot ang mga ito ngayon," aniya at pinili niya ang isang sobrang iksing short kita yata ang pisngi ng kanyang puwet at hagging blouse.

Nang maisuot niya ito naasiwa siya sa pagkat pag tumuwad siya kita na ang gilid ng puwet niya. At ang hagging blouse naman luwa ang kanyang pusod.

"Uhhmm, tutal wala naman tao ngayon ito muna ang isusuot ko, bagay naman pala sa akin eh, sexy mo pala Vhenz, kasing sexy mo na si Kristine Reyes," nakangiting wika niya sa sarili habang paikot-ikot siya sa harap ng salamin.

Pagdating naman ni Luis sa bahay nila pagkapasok na pagkapasok agad na tinanong sa kasambahay nilang naglilinis.

"Manang si Vhenz po, andito na ba siya?" biglang tanong niya.

"Ay kambing na may na bangs!" sigaw nito dahil sa gulat ang hawak pa nitong basahan naihagis pa nito."Naku ikaw na bata ka, papatayin mo ako sa gulat, ah?" wika nito at sapo pa ang dibdib.

Napatawa naman si Luis sa naging reaction nito."Manang, pasensiya na kung nagulat kita akala ko kasi napansin mo ang pagpasok ko."

"Sa susunod huwag mong gawin iyan sa akin Luis, maaatake ako sa puso sa iyo eh, ano bang sinabi mo kanina?"

"Si Vhenz po, ba narito na ba sa bahay?"

"Aba oo kaninang umaga pa, masakit daw ang ulo kaya hindi na siya pumasok pa, anong nangyari naman sa iyo ah, nakipagbugbugan ka naman ba ha, Luis?"

"Ho? Hindi po, Manang?"

"Anong hindi hayan oh, ang ibidensiya may pasa ka sa gilid ng labi mo, hay naku hindi ka na ba magtitino, Luis?"

"Manang, hindi po talaga ako nakipag away promise po!"

"Oh, kung hindi napaano iyan labi mo pumutok, eh. Kung hindi ano nadapa ka ganon ba? Naku sa tanda mo nang iyan."

"Si Vhenz kasi Manang, sinun..." Hindi na naituloy pa ni Luis ang sasabihin pagkakita niya kay Vhenz na patungo sa sala.

"Anong sinun ha, Luis?" tanong ng kasambahay nila.

Hindi naman sumagot si Luis dahil ang mata nitoy nakatutok sa dalaga. Sinundan naman ng tingin ng kasambahay nila ang tinutumbok ng kanyang mata.

"Kaya pala iyan mata mo lumuwa na dahil may isang sexy na dalaga ang nakikita nito?"

Hindi sumagot si Luis. Hindi niya maialis ang mata kay Vhenz. Damnit totoo ba itong nakikita niya. Nakita na niya ang katawan nito wala yatang 48 hours. Pero kakaiba ito ngayon she's so damn gorgeous.

"Vhenz, iyon sabaw nasa slow cooker kumuha ka nalang ha," sigaw ng kasambahay nila.

Kung kayat napatingin si Vhenz sa kinaroroonan nito. At siya'y nagulat dahil nakatayo si Luis sa tabi nito at titig na titig sa kanya. Gusto niya tuloy tumakbo pabalik sa silid niya para magpalit ng damit.