Chapter 15

NANG MATAPOS NA silang kumain niyaya na ni Luis si Shopie para ihatid ito sa bahay nila.

"Kuya, mamaya na tayo mag-usap ihahatid ko muna si Shopie sa kanila."

"There's no need to do that, Luis. She has a car outside the house. She came here alone. Then she can go home by herself, right, Shopie? " Vanessa responded, her gaze fixed on the girl.

Nang kakalaiti naman sa inis ang kalooban ni Shopie sa sinabi ni Vanessa.

"Damn! pakialamera magpasalamat ka asawa ka ng kuya ng babe ko kung hindi, you will see how I got angry!" inis na wika nito sa sarili.

"Oh, really akala ko kasi nag taxi lang siyang pumunta rito, ate Vanessa."

"Oh yes babe, it's okay huwag mo na akong ihatid sa bahay, baka importante ang sasabihin sa iyo ng kuya mo," nakangiting sang-ayon niya sa sinabi ni Vanessa.

"Ganon naman pala, Luis. Sige na ihatid muna siya pero hanggang labas lang ha, bumalik ka kaagad dahil mag-uusap tayo malinaw ba, Luis?"

"Opo kuya, malinaw pa sa tubig ulan," hininaan niya ang boses sa huling tinuran.

"What did you said ha, Luis?"

Kinabahan bigla si Luis."Ku-kuya, ang sabi ko OPO!"

Makahulugan tinignan ni Jake ang kapatid."Okay go ihatid mo na siya."

"Lets go, Shopie," kaagad na silang lumabas ng bahay.

Nang wala na sila."Daddy, Mommy, I don't like her, para kay Tito Luis?"

"Why you don't like her, Maui anak?"

"She's so maarte kasi, eh," maarteng tugong niya sa ina.

"Ehemmm, Maui. Maarte pala, eh. Bakit ang arte mo rin magsalita?" sabat naman ni Jake.

"Daddy, ginagaya ko lang naman siya, eh. Of course babe too see," panggagaya muli ni Maui sa sinabi ni Shopie sa Tito niya.

Napangiti naman si Vhenz sa bata dahil gayang-gaya nito ang pagkasabi ni Shopie.

Napatawa tuloy ang Daddy at Mommy niya.

Nang nasa labas na ng gate sina Luis."Babe, I think they don't like me," malambing na sabi ni Shopie sa binata.

"Who?"

"All of them!"

Tama naman ito nahalata din niya."Hindi naman siguro Shopie, si Ate Vanessa, pranka siyang tao kung ano ang nakikita niya sinasabi talaga."

"I feel it naman, eh. They really don't like me. Tell me babe, kung ano ang dapat kung gawin para magustuhan nila ako?"

"I don't no, Shopie."

"I will change naman, eh. Kung ano ang ayaw nila sa akin, I will babe, para sa iyo gagawin ko."

"Well, nasa sa iyo iyan Shopia, maybe you know what they don't like you, okay go now baka maiinip na si kuya sa paghihintay sa akin, bye see you na lang sa University, " saad niya sa dalaga at agad na niyang binuksan ang pinto ng kotse nito.

Naalala ni Luis puwede na palang hindi siya pumasok dahil tapos na ang exam nila. Sembreak na rin nila.

"Bye, babe," bago sumakay sa kotse nito ginawaran muna ng halik sa labi ang binata."I love you, Luis. I really do!"

"Okay," sagot lamang ni Luis.

"Luis, answer me do you love me or not?"

"Shopie, go baka magalit lalo sa akin ang kuya ko," ibang sagot niya.

"Okay." Agad nang pumasok sa kotse niya ito.

Nang makasakay na si Shopie sa kotse nito pumasok na rin si Luis sa loob ng bahay nila.

Hindi muna umalis si Shopie. dahil inis na inis siya sa pagkat hindi sinagot ni Luis ang tanong niya.

"Luis, magiging akin ka hindi ako papayag na mapunta ka sa Vhenz na Iyan, babaguhin ko ang akin ugali para sa iyo, kung ang gusto nila ay ang kagaya ni Vhenz, magiging ako siya." Detirminadong turan niya.

Sa study room demeretso si Luis. His brother waiting for him. Napakunot noo siya kasi naroroonan din si Vhenz katabi ang dalawang bata.

"Kuya, ano ba ang sasabihin mo sa akin?" agad niyang tanong ng makaupo na.

"Okay, di ba tapos ang mga exams ninyong dalawa?"

Napatingin si Luis kay Vhenz dahil hindi ito naka exams kanina."Kuya, ako tapos na pero si V..."

"Tapos na rin po ako, kuya Jake," salo agad ni Vhenz sa sasabihin ni Luis. Okay lang naman na hindi siya naka exams may kasunod pa naman ito babawi na lang siya sa susunod.

Kunot noo naman na napatingin si Luis kay Vhenz sa sinabi nito. Bakit sinabi nitong tapos na eh hindi nga ito naka exam dahil sa nangyari sa pagitan nila ni Shopie.

"Well, okay kung ganon. Sa ayaw at sa gusto ninyo sasama kayong dalawa sa amin pati narin si Manang Irma."

"Kuya naman!" protesta agad ni Luis.

"Walang kuya. Kuya Luis, sasama kayo tapos ang usapan ito!"

"Saan ba tayo pupunta, kuya?"

"Saan pa kundi sa Bataan sa Ate Janine mo, dahil gusto rin namin makita ang baby nila ni Carlos, kaya pack your thing now!"

"Kuya now na ba talaga?"

"Ano ba ang sabi ko Luis, di ba NOW NGAYON NA?" madiin pang ulit ni Jake.

"Kuya, ang bilis naman, eh." mag proprotesta talaga siya. Ang boring kaya sa Bataan, mas gugustuhin niyang maiwan dito sa Manila. Para gabi-gabi nasa mga bar silang magkakaibigan.

"Go, pack your thing now, Luis, Vhenz."

Pumasok ang kasambahay nila dala ang ginawang kape para kay Jake."Sir, kape mo."

"Salamat, Manang," aalis na sana ito."Ah, Manang sandali," awat ni Jake sa ginang.

"Bakit, sir? may kulang ba diyan sa kape mo?"

Tikman muna ni Jake ang kape niya."Hmmm, okay naman siya Manang, gusto ko lang sabihin sa iyo na sasama ka sa amin sa Bataan."

Sa sinabi ni Jake napasigaw ang ginang."Yessss! Yahooo," masaya ito dahil makikita niya si Janine.

Wala naman nagawa si Luis kundi sumunod sa utos ng kuya niya.

Pagkatapos nilang mag empake dumaan muna sila sa bahay ng mag asawa para kunin ang gamit nila.

After five hours of driving salitan sina Jake at Luis mag drive mabilis magpatakbo si Luis kaya kaagad silang nakarating sa Bataan.

"KUYA Jake Ate Vanessa, kayong lahat narito!" masayang bati ni Janine sa mga bagong dating.

"Yup, kasi wala nang pasok ang mga bata kaya naisipan namin dumito muna sa inyo at mamasyal na rin kina Lolo at Lola."

"Mabuti naman para kompleto tayo rito, parang reunions na rin ng ating pamilya. Manang, mabuti at sumama ka?"

"Salamat kay Jake, sinama niya ako Janine."

"Manang, wala kang kasama sa bahay, baka gang rape ka pa," biro ni Jake.

"Jake, naman sa tanda kong ito ikaw talaga."

"Manang, joke lang. Sina Daddy at Mommy nasaan sila, Janine?"

"Hay naku, kuya nasa bukid na naman tila ba gusto na nilang doon na sila tumira, eh. Luis, hindi ba ako babatiin man lang parang napipilitan kang pumunta rito sa amin. Hi Vhenz, akala ko hindi ka pupunta dito salamat at narito ka."

"Sembreak na namin ate kaya sumama na ako kina kuya Jake."

"Good, kayong dalawa na super cute hindi ba ninyo I-hug si Tita?"

"Siyempre hug ka namin Tita, at may kasama pang kiss, we miss you Tita Janine, sana narito si Tito Carlos?" sabay na yumakap at humalik sa pisngi ni Janine ang dalawa

Lumabas si Karen nahuli ito dahil may ginagawa."Hi, Tita Karen," bati ng dalawa sabay yakap rin nila sa dalaga.

"Kamusta kayo, lalo kayong nagiging cutepie na dalawa, ha?"

"Mabuti naman po, Tita Karen!"

"Ate," niyakap ni Vhenz ang kapatid.

Binati naman ni Karen sina mag asawa at si Luis.

"Magpahinga muna kayo, Ate Vanessa kuya Jake, Luis, doon ka na sa guest room okay, ikaw naman Vhenz, magkasilid na lang kayo ng Ate Karen mo, ha."

"Opo Ate Janine, salamat."

"Manang, sa isang guest room ka na ha."

"Janine, wala bang silid tulungan ng kasambahay dito sa bahay ninyo?"

"Manang, meron pero ang gusto ko doon kana okay, para makarelax ka naman ng mabuti."

"Oh sige, kung iyan ang gusto mo Janine, at salamat talagang ang babait ng pamilya ninyo, pero mamayang hapon puwede ba na ako ang gagawa ng hapunan natin?" prisenta nito.

"Manang, huwag na kasi may tagaluto rito sa bahay, hindi ka pumunta dito para magluto o gumawa ng gawain bahay Manang, bakasyon ka po."

"Aba, eh. Anong gagawin ko rito hindi pa naman ako sanay na walang ginagawa?"

"Manang, magrelax ka lang, ha."

"Manang, gusto mo bang may ginawa ka?" tanong ng dalawang bata.

"Oo naman?"

"Makilaro ka sa amin ng taguan Manang, o di ba para may ginawa ka, Tito Luis, Tita Vhenz, sali rin kayo, ha."

"Ayoko nga pang bata lang ang larong iyan."

"Tita Janine. Oh, ayaw ni Tito Luis na sumali sa amin."

"Don't worry sasali siya di ba, Luis?"

"Ha? Eh," sagot ni Luis pinagdilatan naman ito ni Janine.

"Oo na sasali na ako," napilitan sagot ni Luis.

"Oh, hayan pumayag ang Tito ninyo, mamaya andito na kambal, kaya marami na kayong maglalaro ng taguan."

"Saan ba sila nagpunta, Janine?" tanong ni Jake.

"Kuya, saan pa kundi sa bukid, nagmana yata sa ama nila ang dalawang iyon, gustong-gusto rin nilang maglagi doon, eh."

"Tita Janine, gusto ko rin pumunta sa bukid ninyo?"

"Oo pupunta tayong lahat bukas sa bukid at mag pipicnick tayo doon."

"Yessss!" masayang sigaw ng kambal.

Napangiti sina Jake at Vannessa sa dalawa.

"Teka Janine, kaya mo na bang pumunta sa bukid?"

"Oo naman kuya, two week na akong nanganak."

"Tita Janine, sasama din ang baby mo?"

"Oo may bahay naman kami doon, eh," tugon ni Janine sa pamangking.

"Oh, sige na magpahinga na kayo at tatawagan ko si Carlos, para maaga silang uuwi ngayon."

Pagpasok naman ni Luis. Sa silid ang una niyang na sabi."Damn! Ang boring dito," pabagsak siyang nahiga sa kama pagpikit niya nahila na siya ng antok.

Masayang umuwi sina Jay Veron, Carlos at ang kambal. Dahil sa pagdating nila Jake.

Hindi naman nag paawat si Manang sa pagluluto ang mga paburito nilang lahat ang kaniyang inihanda para sa hapunan nila.

"Nick, tawaging mo na ang Tito Luis mo para kumain," utos ni Jay sa apo.

Agad naman tumalima ang bata pinuntahan si Luis na mahimbing na natutulog naupo ang bata sa tabi nito at niyugyog ang balikat nito."Tito Luis, gising na kakain na sabi ni Lolo."

Sa pagod niya sa biyeha kahit anong gising ng bata sa kanya para sana kumain ng hapunan hindi magising-gising ang binata.

Bumalik ang bata sa hapag kainan."Ayaw ni Tito Luis, gumising, Lolo," sabi nito.

"Hayaan na ninyo siya pag nagutom sigurado babangon iyan si Luis, lets eat now," turan ni Jay.

Hating-gabi na nang magising si Luis. At nakaramdam siya ng gutom.

"I need to eat something, kumakalam na ang sikmura ko, ah."

Paglabas ni Luis napatingin siya sa balkunahe nagulat siya hindi niya maigalaw ang paa may nakita siyang babae na nakaputi nagsitayuaan ang kanyang balahibo porket probinsiya na niniwala siya sa multo.

Pagharap ng nakita sa kanya siya'y napasigaw dahil sa sobrang puti ng mukha nito."Multooo!" Tumakbong bumalik sa kanyang silid si Luis.

"Huh? Nasaan ang multo? Tarantadong, Luis. Ah! Nananakot pa," turan ni Vhenz.