Chapter 13
GULAT sina Vhenz at Luis sa ginawa ng batang si Maui.
Nagsisisigaw ni Shopie ng mahulog ito sa swimming pool. She feel so angry. Nabasa lahat ng gamit sa bag niya okay lang ang cell phone nito dahil water resistant naman ito.
Nang matauhan si Luis sa nangyari at makita ang itsura ni Shopie. Pinipigilan ni Luis ang sarili na hindi mapahalakhak ng tawa.
Kahit si Vhenz, nagpipigil din na hindi mapatawa pero ang batang si Justine, tuwang-tuwa ito sa nangyari napapalakpal pa ito.
"Maui, why did you that?" sigaw ni Luis sa pamangking ng matauhan siya pero hindi siya pinansin nito dahil tumakbo nang papasok sa loob ng bahay ito.
Agad na nilapitan ni Luis ang babae kahit paano naawa siya."Shopie, I'm sorry, hindi naman siguro sinasadya ng pamangking ko na itulak ka," paumanhin ni Luis sa dalaga.
Nang marinig ni Shopie na pamangking ito ng binata biglang lumambot ang galit na mukha nito."Siguro nga babe, hindi niya sinadya, it's okay babe," wika nito pero ang totoo kumukulo ang dugo niya sa galit.
Umahon na si Luis at tinulungang niyang makaahon si Shopie.
"Justine, kunin mo iyan sapatos ng Tita Shopie mo," utos ni Luis sa pamangking.
"Ako na," sabat ni Vhenz. Mabilis na kinuha ang nakalutang na heels nito inilagay niya ito sa gilid.
Nang makatayo si Shopie hinagod nito ng tingin mula ulo hanggang paa ang binata at tumigil ang mata nito sa hinaharap ni Luis sabay kagat sa labi nito."Babe, you are so yummy talaga, so damn hot," her voice was full of lush.
"Tita Vhenz, look oh, kung makatingin iyon babae kay Tito parang gusto na niyang kainin si Tito Luis."
"Hay naku, Justine. Sinabi mo pa, ang sarap niyang ipain talaga sa pating eh, halikana umahon narin tayo medyo Lumalamig na," anyaya ni Vhenz sa bata.
"Sige po Tita Vhenz, pagod narin ako at na gugutom na ang mga alaga ko nagwawala na sila," sagot naman nito pero bago sila umahon may naisip na kapilyuhan ang bata.
"Tita Vhenz, I have idea."
"Huh? ano iyon Justine?"
Bumulong naman ang bata sa kanya."Okay ba Tita, let's go."
Napangiti naman si Vhenz sa sinabi nito."Naughty boy," aniya at sabay iling pa niya.
"Tita Vhenz, takbo ka na at kumwari hinahabol kita go."
Ayaw sana niya sa gusto nitong mangyari para kasing kinukunsinti niya ito dahil naiinis siya kay Shopie dahil sa nangyari away nila kaninang umaga sumangayon siya sa nais ng bata."Huh? Oh, okay," sagot ni Vhenz. At tumakbo na nga siya.
Agad naman siyang hinabol ni Justine."Tita Vhenz, hayan na ako, lagot ka sa akin pagnahuli kita," sigaw nito.
Nang malapit na sila sa kinaroroonan nila Luis na nakatayo pa rin sa gilid ng swimming pool.
"Ah shopie dito ka lang muna I get you same clothes, may damit dito si ate Janine, ikukuha muna kita para makapagpalit ka okay."
"Okay, babe," sagot nito.
Aalis na sana si Luis ng nagulat siya dahil biglang sumigaw ang pamangking niya sa tapat nila.
"Tita, huli ka!" Sigaw nito at kumwaring itinulak nito si Vhenz.
"Ayyy!" sigaw ni Vhenz at nagkumwaring siyang matutumba at napasandal siya kay shopie.
"Oh, damnit," sigaw muli ni Shopie dahil muling nahulog siya sa swimming pool. At si Justine hinila niya ang kanyang tita Vhenz para hindi ito mahulog sa tubig.
Hindi naman nagawang hawakan ni Luis si Shopie dahil paalis na sana siya para kumuha ng tuwalya at damit na isusuot muna nito nagulat na lang siya sa nangyari.
"SHIT! SINADYA MO AKONG IHULOG ANO?!" galit na sigaw nito kay Vhenz."How dare you to do this me!"
"Naku hindi ah, sorry hindi ko sinadya, naglalaro kasi kami ni Justine, eh," sagot ni Vhenz.
"Sinungaling ka, damn you!" galit na sigaw nitong muli.
"Luis, pakituruan mo naman ng magandang asal ang babe mo kasi masama ang tabas ng dila niya, may bata pa naman na nakakarinig sa sinasabi niya," baling ni Vhenz sa binata.
Narinig naman nila Jake at Vanessa ang malakas na boses ni Shopie.
"What happen there? tila may nag-aaway, ah?" turan ni Jake.
"Tila nga baby, halika tignan natin, parang si Shopie iyon sumigaw, ah?" binitawan ni Vanessa ang ginagawang pagpupunas sa buhok ng anak na katatapos naligo.
Agad naman lumabas ang mag asawa nasa likuran naman nila ang anak nilang si Maui.
"What happening again here? Bakit tila may nag-aaway dito?" turan ni Jake.
"Ah, kuya wala," sagot ni Luis.
Napatingin si Jake kay Shopie na nasa tubig."Oh, Miss, anong ginagawa mo diyan, mag swi-swiming ka ba? you need to take out your clothes, wala kabang dala na pang paligo, Luis. Bakit di mo siya ikuha ng swimming suit sa loob maybe mayroon si Janine na naiwan sa kuwarto niya?"
"Hindi ako maliligo they are push me here?"
"Sino ang nag tulak sa iyo, Shopie?" tanong ni Vanessa.
"Excuse me, walang nagtulak sa iyo, maybe atat kang mag swimming dahil sa mainit ang nakikita mo pati yata iyan bag mo eh, naiinitan narin kaya sumabay sa iyo," turan ni Vhenz. At ang mata niya'y nakatutok kay Luis.
Gusto sanang humalakhak ng tawa si Vanessa pero pinigilan niya ito.
"Kuya, hindi pa ba siya umahon mula kaninang nahulog siya?" bulong ni Maui sa kapatid.
"Humahon na sila ni Tito Luis, kaya lang inihulog na naman namin siya ni Tita Vhenz," sagot nito. dahil sa sinabi ng kuya niya.
Isang malakas na natawa ang pinakawalan ni Maui."Yes!" sigaw nito.
Kung kayat napatingin ang apat na matanda sa bata.
"Anak, anong angyayari sa iyo? bakit ka tumatawa mag isa, sana sinabi mo na tatawa ka pala sana sinabayan kita?" turan ni Vanessa sa anak.
Pinaglakihan naman ng mata ni Jake ang asawa. Dahil alam niya ang ibig sabihin ng nito.
"Baby, ko joke lang," wika ni Vanessa sa asawa na may ngiti sa labi.
Ngiting-ngiti naman si Vhenz, nararamdaman niya na ayaw ng tita Vanessa kay Shopie. Pero anfmg tito Jake niya hindi mo mahahalata, kung ayaw niya sa babae. Sobrang bait kasi nito.
Napapailing na lang si Luis, yeah he can feel it na hindi welcome si Shopie sa pamilya niya lalo na ang kakambal niyang si Lyka. Well hindi naman siya seryoso sa babae. Pero si Shopie, alam niya na head over heels ito sa kanya kaya ito mismo ang gumagawa ng paraan para makita siya o makasama siya. Pero ang kanyang puso alam kung sino ang gusto nito walang iba ang koryanang kapatid ng kanyang ate Karen. Napatitig siya kay Vhenz, really she's pretty the more you looked at her lalo siyang gumaganda. artistahin ang ganda nito and her body wow pang miss Universe.
Nararamdaman ni Vhenz na may nakatingin sa kanya napaangat siya ng tingin sa gawi ni Luis. Tama nga siya dahil titig na titig sa kanya ang binata. Bigla tuloy siyang na asiwa iniwas ang tingin dito. Napatingin siya sa kanyang suot ito siguro ang dahilan kayat nakatingin sa kanya ito."Namamanyak na naman yata siya," sabi niya sa sarili. She look at him again.
Ewan ba ni Luis. When she look at him. He smiled ngiting pangpa-in love ba sa babaeng napupusuan.
"My gosh, bakit ako nginingitian
ng lalaking ito?" fot the first time ngayon lang ginawa ni Luis ito sa kanya. Suddenly her heart beat fast. Alam naman niyang she like Luis. Or maybe she love him already. Pero ngayon kakaiba ang kanyang puso. Dahil ba may ibig sabihin ang ngiti nito na tila ba pinapahiwatig nito na may gusto na ito sa kanya? Hindi namalayan ni Vhenz napaangat ang kanyang kamay nilagay sa tapat ng dibdib dinama ang mabilis na pagpintig ng puso.
Luis see it what Vhenz did, lalo siyang napangiti. Sa isip niya sa sandaling iyon ang kanilang puso ay iisa ang tinitibok a love between them.