Chapter 30
(Lady Arthisa’s POV)
"Are you surprised?" Nakangising tanong ni Ace nang makalapit siya sa akin. Ngumisi ako sa kaniya at humakbang ng isa pauna.
"Kailangan ko bang masurpresa? Oops. Pasensya na, ah. 'Di kasi ako na-informed," nang-aasar na sabi ko. Nawala ang ngisi sa labi niya pero kalaunan ay ibinalik din.
"'Di ka pa rin talaga nagbabago. Ang tabas ng dila mo ay hindi ko pa rin nagugustuhan," aniya kaya napataas ang aking kilay.
"Hindi ka rin naman gusto ng dila ko," pang-aalaska ko. Ramdam ko na nag-iiba na ang kaniyang timpla at kumukulo na siya sa loob pero pinapanatili pa rin niyang nakangiti na parang wala lang iyon sa kaniya.
Sasagot na sana siya sa akin ng may lumapit sa kaniya na isang tauhan siguro niya at may ibinulong doon. Napapatingin siya sa kinatatayuan ni Rieka at saka napapangisi ng malaki na parang may na-realize na kung ano. Nang tapos na sa ibinubulong ang kaniyang tauhan ay umalis na ito at nagtungo sa likuran. Si Ace naman ay lalong lumaki ang ngisi sa mukha at humalukipkip.
"Rieka!" parang gulat na aniya na animo'y ngayon lang napansin si Rieka. "Nand'yan ka pala aking kaibigan. Hindi ko man lamang napansin ang iyong presensya. Pasensya ka na sapagkat ang iyong kasama ay masyado akong pinasisiya," aniya at umakmang lalapit kay Rieka nang humarang si Kobie sa unahan.
Umaktong nagulat si Ace na parang hindi inaasahan ang ginawang pagharang sa kaniya ni Kobie.
"Kobie, my friend! Kasama ka rin pala rito sa kaunting pagtitipon na ito. Nagustuhan mo ba ang konting palabas na ginawa ko sa iyo?"
Umigting ang panga ni Kobie at kita ko ang unti unting pagkuyom ng kaniyang kamao na parang handang sumugod. Napansin ko na nakatingin sa nakakuyom na kamao ni Kobie si Ace kaya napahalakhak siya.
"Relax, kaibigan. 'Wag kang masyadong magalit at baka bigla na lamang umapoy ang ating paligid," ani Ace habang nakataas ang kamay na parang sumusuko. Napakunot naman ang aking noo sa narinig. Siguro ay apoy ang kapangyarihan ni Kobie kaya iyon ang sinabi ni Ace.
"Balik tayo kay Lady Arthisa," baling niya sa akin at ipinangsawalang-bahala ang nag-aapoy na mata ng aking mga kasamahan. Not literally.
"Balita ko ay napatay mo ang isa sa mga labis kong pinagkakatiwalaan. Sino nga ba iyon?" umakto siyang parang nag-iisip bago pumitik sa hangin nang kunwari ay naalala iyon. "Ah! Si Amara! Ang aking kanang kamay na siyang gumaya sa katauhan ng aking kaibigan na si Rieka."
Walang interes ko siyang tiningnan na parang isa lamang siya sa mga hayop na pagala-gala sa gubat na walang kakayahan. Handang sumunggab pero walang pangil. Handang mandakma pero walang kuko. Isa lamang siya sa mga hayop na papatayin dahil walang pakinabang.
"May tenga talaga ang lupa, may pakpak ang balita. Ano pa bang aasahan sa isang katulad mong taksil? Tsismosong walang kwentang patapon," blanko ang mukhang sabi ko. Palihim akong napangisi ng makitang kumuyom na rin ang kaniyang kamao at nawala ang ngising nang-aasar sa kaniyang mukha. Good job, Arthisa. Well done.
"Sa salang pagtataksil, Ace Caser Clifford, ikaw ay hahatulaan ng kamatayan kasama ang iyong mga kaalyado. Ang paglabag sa batas ng paaralan at ng bayan ng Aphelonia ay hindi matatawaran. Ang kung sinong hindi sang-ayon sa ipinataw na parusa, lumapit sa akin at siya ang mauunang mamatay." Biglang sabi ng King Alpha na ngayon ay nasa harapan na nina Ace. Gulat ang nakarehistro sa mukha ni Ace at ng kaniyang mga kasamahan dahil sa pagpapakita ng King Alpha.
"K-King Alpha! Ang taga-sunod ng White Deity Alpha, Dyosa ng mga Puti at Buhay," nahihintakutang ani Ace. Pansin ko ang panginginig ng kanilang katawan at halos nawalan na sila ng dugo dahil sa putla.
"Kamatayan ang hatol sa taksil. Kamatayan para sa iyo at sa iyong mga kaalyado! Sa ngalan ng Dyosa ng Puti at Buhay, bilang taga-sunod ng White Deity Alpha, kinukuha ko ang buhay na inyong hiniram. Ang inyong mga kaluluwang may masamang budhi ay magtutungo sa kadiliman kung saan ito ay maghihirap sa kamay ng Black Deity Alpha, ang Dyosa ng Itim at Kamatayan. Sa ngalan ng White Deity Alpha, kinukuha ko ang inyong hiniram na buhay! Sa ngalan ng Dyosa ng Puti at Buhay! Kamatayan ang hatol sa inyo!" Sa bawat pagsasalita ng King Alpha ay kasabay ng pagkumpas ng kaniyang kamay na may hawak na puting baston. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling pero sa tingin ko, iyon ang kaniyang espada.
Nawala ang pokus ko sa baston ng King Alpha nang magsisigaw na si Ace kasama ang kaniyang mga kasamahan. Lahat sila ay humihiyaw dahil sa sakit. Nagtatatalon ang puso ko dahil sa aking nasasaksihan. Ang mga hiyaw nila ang siyang nagbibigay kulay sa walang buhay kong dugo. Sigaw pa lamang nila ay nabubusog na ako. I want their souls. I want to eat their sinful souls. Sila ang mag-aalis ng uhaw at gutom ko.
Sa huling pagkumpas ng King Alpha sa kaniyang baston, nawala ang mga hiyaw at may itim na parang usok ang lumabas galing sa katawan nila. Nagsama-sama sa mga itim na usok sa ere hanggang sa maging isang buong halimaw ito. Napaurong sina Kobie at Gyle ngunit wala namang ginawa ang halimaw na gawa sa itim na usok bagkus ay lumutang ito paitaas at tumigil bago bumulusok pababa sa lupa hanggang sa pumasok ito ng tuluyan doon.
"Ang halimaw na iyon ay nabuo dahil sa pinagsama-samang masasamang kaluluwa. Magtutungo iyon sa lugar ng Black Deity Alpha at magiging isang alipin ng Dyosa ng Itim at Kamatayan," paliwanag ng King Alpha.
Wala ng kahit isa ang umimik dahil sa nasaksihan. Marahil ay nagulat sila sa ginawa ng King Alpha pero ako, nasiyahan.
"Tara na. Tapos na ang ating misyon." Ani Gyle at naunang lumakad. Ang katawan nina Ace ay nawala ng parang bula matapos lumabas ng halimaw. Siguro ay kinuha rin ng King Alpha.
Nagsimula na kaming maglakad paalis sa lugar na iyon. Hindi pa man ako nakakalayo ay napatigil na ako sa paglalakad dahil sa sipol ng hangin. Tila may ibinubulong na naman ito na hindi ko na naman maintindihan. Napansin ko na napatigil na rin ang iba dahil sa biglaan kong pagtigil. Magsasalita na sana si Gyle nang biglang pumaspas ang malakas na hangin at pinalibutan ako nito.
Naririnig kong ang malakas na sigaw ng mga kasamahan ko pero tila nawawala ako sa aking sarili. Habang tumatagal ay nagiging kulay itim ang hangin na pumapalibot sa akin. Patuloy ang mga pagbulong sa akin na parang may ipinapahiwatig. Patuloy rin ang pagsigaw ng aking mga kasamahan na nasa labas ng hangin. Unti-unti ay nawawala ang kanilabg sigaw at natatakluban iyon ng mga bulong. Mas lumalakas ang bulong na dumadaan ang magkabila kong tenga. Nakakawala ng sarili. Hanggang sa mas lalong bumilis ang pag-ikot ng hangin at para akong kinakapos ng hininga. Napaluhod na ako dahil sa kawalan ng hangin.
Pero ilang minuto lang, ang itim na hangin ay pumasok sa ilong ko kaya bumalik sa dati ang aking kondisyon. Ramdam ko ang pagbuti ng aking pakiramdam at ang pagpasok ng enerhiya sa aking katawan. Tila nagre-energized ang aking katawan dahil sa pumapasok sa itim na hangin sa akin.
Nang tuluyang matapos ang pagpasok ng itim na hangin sa akin ay siya namang pagtakbo palapit sa akin ng aking mga kasamahan. Tahimik na muli ang paligid na parang walang nangyari.
"Lady Arthisa, ano bang nangyari sa'yo? Bigla ka na lamang tumigil. Tawag kami ng tawag sa pangalan mo pero parang hindi mo kami naririnig," sabi ni Kobie kaya nangunot ang aking noo. Hindi ba nila nakita ang itim na hangin?
"Nakatayo ka lamang sa kinatatayuan mo tapos nagulat na lang kami ng bigla kang napaluhod at hirap na hirap sa paghinga," sabi naman ni Gyle. Imposibleng hindi nila nakita iyong itim na hangin. Nakapalibot iyon sa akin pero bakit parang hindi nila nakita?
Sasagot na sana ako sa kanila ng biglang nagsalita ang King Alpha.
"Tara na. Kailangan na nating bumalik sa Academy," seryosong sabi ng King Alpha at naunang lumakad. Inalalayan naman ako ni Kobie at Gyle at sumunod na rin sa King Alpha. Si Rieka naman ay tahimik lang na nakasunod sa amin habang kinakagat kagat na naman ang kaniyang kuko.
Imposible talagang hindi nakita ng mga ito ang itim na hangin na pumalibot sa akin kanina. Sigurado akong may kung anong mahika ang nakalagay sa itim na hangin na 'yon kaya hindi nila nakita iyon.
Napatingin ako sa King Alpha na nasa unahan namin at sinusundan. Pakiramdam ko ay may alam siya. Ramdam ko na nakita niya ang buong pangyayari at nakita niya ang itim na hangin na iyon.
Inalis ko ang pagkaka-alalay sa akin ng dalawa dahil kaya ko namang maglakad. Ang itim na hangin na iyon ang siyang nagbigay ng malakas na enerhiya sa akin kaya nakakapagtaka kung ano iyon. Kailangan kong alamin kung anong ibig sabihin no'n. I need to figure it out.