CHAPTER NINE
NAKAHALUKIPKIP ako habang pinagmamasdan si Lanz na nakikinig sa head ng department namin. Per department ang meeting kaya maraming tao ang nasa loob ng faculty room ngayon. Kapansin-pansin ang di maalis na tingin sa kanya ng mga schoolmates ko pati na rin ng ibang mga guardian. Ito naman parang walang pake kahit maraming nagkakagusto sa kanya, sanay na sanay. Ang hambog.
Nilingon niya ako at nginitian. Sa di malamang dahilan ay naapektuhan ako nun. Ilang beses naman siyang ngumiti sa akin pero iba ang epekto nun ngayon.
Sinenyasan ko siyang makinig at sinimungutan niya ako. Nakarinig ako ng impit na kilig sa likuran, hinampas naman ako ng katabi ko.
Inirapan ko siya at umiwas ng tingin.
Dalawang oras ding tumagal ang meeting at agad niya akong nilapitan. Kinurot ako ni Monde na kilig na kilig.
Sinita ko siya. "Huwag ka ngang oa."
"Hindi naman ah. Ikaw ba naman kasi Yasmin kung ganyan kaguwapo ang naglalakad papalapit sa 'yo, hindi ka maiihi sa kilig?"
Ngumiwi ako. "Hindi."
"Ganun? Ako kasi kanina pa nanakit ang pantog ko. Ngiti pa lang kanina halos mangisay na ako."
Napailing ako sa kanya at hinarap si Lanz. Kinawayan siya ng mga kaklase ko na parang tarsier kung makakapit sa akin dahil anytime ay mahihimatay daw kuno sa kanila.
He smiled at them and slightly wave his hand that make them shriek. Nagtulakan sila.
"Okay na, yun lang naman ang gusto namin. Alis na tayo, bigyan naman natin sila ng space." At agad silang nagsialisan. Nagtutulakan pa.
"Ang guwapo talaga niya."
"Sana all kay Yasmin."
"Magpaparetoke talaga ako at gagayahin ko ang mukha ni Yasmin baka sakaling makahanap din ako ng Lanz Verona."
Napanganga ko sa sinabi ni Kira. Natawa naman si Lanz.
"Ang obsess nila sa'yo, sila na lang kaya ang ligawan mo."
His face became sad but it's full of act. "Grabe ka naman, binusted mo na nga ako tapos pinamimigay mo pa ako. Ayaw mo ba talaga sa akin?"
"Ayaw."
"Dahil ba baog ako?" bulong niya.
My lips parted and immediately shook my head. "No, hindi naman sa ganun." I make a dismissive move too.
Bahala ng baog siya, magaling naman siya sa kama.
Biro lang.
The corner of his lips tugs up. "Talaga?"
"Oo. May iba akong rason, Lanz. Anyway...." Napatingin ako sa screen ng cellphone ko oras alamin kung anong oras na. "It's already lunch. Treat kita bilang pasasalamat ko sa'yo?"
Agad naman siyang pumayag at siya pa mismo ang humila sa akin palabas ng faculty room.
Nakasalubong namin si Kuen habang naglalakad kami papunta ng parking lot. Dumapo ang mga mata niya sa kamay kong hawak ni Lanz at nakita ang pagkakadisgusto roon.
"Saan mo balak kumain?"
Naalis ang tingin ko sa kanya at binalingan si Lanz.
"Sa kalenderya."
Natigilan siya. "Kalenderya? You sure?"
Pinagkunuotan ko siya ng noo. "Oo naman, bakit? Di ka roon kumakain?"
"Kumakain. Tara."
Kumain kami sa kalenderya kung saan ako madalas kumakain. Masarap kasi ang luto nila.
Habang nag-oorder kami ng pagkain ay halatang di siya sanay sa turo-turo dahil matagal pa siyang nakapili pero in-fairness at marunong siyang bumili.
Naupo kami sa bakanteng upuan at nagsimulang kumain.
"Kumakain ka pala rito?"
Napatigil ako sa pagsubo at natawa. "Oo naman, ano ba ang tingin mo sa akin?"
"Mayaman na maarte."
Tinaliman ko siya ng mata. "Grabe ka! Hindi kaya ako ganun. Lumaki akong mahirap at mas gusto ko pa ngang kumain sa kalenderya kaysa sa resto noh. Masarap na ang pagkakaluto at swak pa ang bayad."
He was startled.
"What?" I snap.
"Nagulat lang ako sa term na ginamit mo, yung swak. Kung magsalita ka kasi para kang professional, yung pangmayaman talaga." There's an amusement in his voice.
Napailing ako. "Naging ganun lang naman ako magsalita dahil hinahasa kami. Siyempre, future flight attendant kaya dapat maganda yung tone of voice namin, yung accent. We'll going to communicate with different people and with different languages. It should be clear."
Mahina siyang pumalakpak at sumandal sa kinauupuan. "You know what, you're making me fall harder."
I drop the spoon and gaped. "A-a-ano?" Fall?
Napagtanto niya naman ang sinabi. Umayos siya ng upo at umiwas ng tingin. "I m-mean, mas la-lo pa kitang na-nagugustuhan."
Napayuko ako. "Why?"
"Ha?"
"Bakit mo ako nagustuhan?" I eyed him. " Hindi mo naman ako talaga ako kilala. Dahil ba nagagandahan ka sa akin? Yun ang sabi mo...."
Tumango siya. "Hmmm..."
"You know, Lanz. I am not the type of person that you will really like, ibang-iba ako sa ibang babae---"
"Kaya yun nga ang rason kung bakit kita nagustuhan."
Napangisi ako habang umiiling. "No, you don't get it. I'm not fun to be with, kaya nga isa lang ang bff ko eh, konti lang ang pumapansin sa akin. I prefer inside my unit, to read books, to study. I'm a boring person."
"But I'm not bored when I'm with you. My heart is actually in chaos. I'm having fun when I'm with you, kahit hindi mo man ako kausapin ay masaya ako. Seeing you is enough for me," giit niya at puno ng sensiridad ang boses.
I bit my lip. "Yan naman ang laging sinasabi ninyo eh, okay lang kung hindi ako mahilig gumala, okay lang kung boring akong kasama but as time passes, magrereklamo na kayo. Ilang lalake na ba Lanz? Ang mga sinabi mo ang unang naging linya din nila pero sa huli..... ay madidismaya rin sila at magsisisi."
Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero agad ko iyong iniwan. "Yasmin---"
Tumayo ako. "Hindi ako ang babaeng magugustuhan mo talaga Lanz, maghanap ka na lang ng iba. Yung babaeng magiging masaya ka talaga kapag kapiling mo siya. Tigilan mo na ang panliligaw mo sa akin dahil wala kang mapapala. Hindi ako interesado sa iyo."
Maiyak-iyak akong lumabas. I'm was hurt because I will be going to disappoint people again. Ayun ang pinakayaw ko sa lahat kaya talaga kung may pagkakataon ay umiiwas ako.
......
"Miss Allejo, ano ang relasiyon mo sa CEO ng Verona Airlines?" Yun agad ang pambungad na tanong sa akin ng professor namin sa pagpasok niya sa classroom.
Naging usap-usapan kasi si Lanz sa university. Siyempre, di siya basta-bastang mamamayan lang ng bansa. Maraming tao ang tumitingala sa kanya. Di lang sa kanyang kaguwapuhan kundi na rin sa antas ng kanyang buhay.
"Manliligaw niya po prof," agad na sagot ng mga kaklase ko.
Agad naman akong umiling nung tinaasan ako ng kilay ni prof. "Hindi po. Magkaibigan lang kami," mahina kong sagot.
I heard a lot of complaints pero mabilis silang pinatigil ni prof.
"Then, why he's the one who attended the meeting for you?"
"Hindi po kasi puwede ang ama ko, nandito naman siya sa univ kahapon at nalaman na walang mag-a-attend para sa akin kaya siya na lang daw."
Tumango-tango siya. "Okay, wala naman ako pake kung ano man ang relasiyon mo kay Mr. Verona tinanong ko lang dahil malapit na ang training niyo. Nasabi ko naman sa inyo iyon di ba?"
Nagsitanguan kaming lahat. We will be having a training sa mismong totoong eroplano katulad nung ginawa ng mga dati naming seniors. It will last for two weeks.
"Last year, sa Louel Airlines naganap yung training nung mga seniors niya and this time, you are lucky dahil sa Verona Airlines na iyon mangyayari," he announced and we all gasp in surprise.
Napatili ang iba sa excitement dahil matagal ng gusto ng university na sa Verona Airlines makapag training ang mga future FA's nila dahil mas maganda ang kalidad doon ng mga eroplano. Ilang beses na silang humingi ng permiso at ngayon lang ang mga itong pumayag.
"I guess, we should thank Ms. Allejo dahil kaibigan niya ang CEO."
Pinalakpakan nila ako habang ako naman ay napangiwi na lang. Di ko alam kung matutuwa ba ako na roon magaganap ang training namin. The training will about to start next three weeks.
Habang busy ang professor ko sa minor subject namin sa pagtuturo ay gumagala naman ang isip ko. I'm staring the empty hallway the whole time, nakabukas ang kurtina at gawa naman sa salamin ang bintana kaya nagawa kong makita ang nangyayari sa labas ng classroom.
Wala namang pake sa akin si prof dahil wala talaga siyang pakialam kung nakikinig ba ang mga estudyante niya, ang mahalaga ay makapagturo siya at sa report card na lang kami magkikita. Mataas naman siyang magbigay ng grade kaya hindi ako nabahala.
I'm thinking about the upcoming midterm exam. Isang term na lang at patapos na ang first sem namin. Ilang buwan na lang din ang bibilangin at makakapagtapos na rin ako.
Sa wakas. Nakakapagod din kayang mag-aral. It often suffocates me. Gusto ko ng magtrabaho at pumunta sa iba't-ibang bansa.
Napatigil ako sa pag-iisip nang may dumaang limang lalake sa tapat ng classroom. They are wearing their formal attires and there's a one guy who caught my attention.
He's the tallest among the others. His broad shoulders are oozing confidence and also the way he walks. He shows superiority.
Nakikipag-usap siya sa mga kasama niya kaya siguro hindi niya ako napansin.
Sinundan ko siya ng tingin at napatingin lang sa white board nung hindi ko na siya makita.
What he's doing here inside of the university?
Nung i-dismiss ang klase ay agad kong hinanap si Lanz. Kung saan ako napunta at halos mabali ang leeg ko kakatingin sa paligid pero tumigil din nung maalala na pinapatigil ko na pala siya sa panliligaw sa akin.
Baka naman about sa partnership ng university namin sa kanilang airlines ang pinunta niya rito, hindi dahil sa akin.
That's good.
Kumakain kami sa cafeteria nang makarinig ng bulong-bulungan. Napatingin kami sa pinto at agad na nagtama ang mga mata namin ni Lanz. May bitbit siyang tatlong piraso ng pulang rosas at nakangiting naglakad papalapit sa puwesto namin.
My classmate nags my shoulder. "Nakakakilig naman."
Pinagkunotan ko ng noo si Lanz nang makalapit. "What are you doing here? And those flowers?" Nginuso ko iyon.
He handed it to me. "It's for you."
Humigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara. "Hanggang kailan ka ba titigil?" pigil ko ang mainis.
Nawala ang ngiti niya. "Let's talk somewhere."
Wala akong nagawa nung masuyo niya akong hilain patayo. Palabas na kami ng cafeteria nung humarang si Kuen. Masama ang tingin niyang pinupukol kay Lanz.
"At saan mo dadalhin si Yasmin?"
"Eh ano namang pake mo? Ex ka na niya kaya wala ka ng karapatan pang mangialam sa buhay niya."
Napamulagat ako. He really knows my ex pero paano? Pinaimbestigihan niya kaya ako?
"Ex niya nga ako pero may balak akong balikan siya kaya magkakaroon na rin ako ng karapatan."
Humigpit ang pagkakahawak ni Lanz sa pulsuhan ko at ang ugat ay unti-unting dumaloy sa kanyang leeg.
"As if naman papayagan kitang makuha siya. She's mine, back-off."
Mabilis na pinigilan ni Kuen si Lanz sa dibdib nung aalis na sana kami.
"Di pa tayo tapos---"
"Give us way Kuen. May pag-uusapan kami," sumabat na ako. Mahirap na at magkainitan pa sila staka magkagulo.
Napipilitan siyang nagbigay daan at ako na ang humila kay Lanz palabas.
Pumunta kami sa di mataong lugar, sa may likod ng abandonadong building. Hinarap ko siya at sisinghalan na sana nang mabilis niya akong sinandal sa pader.
I whimpered when he claimed my lips. I can't able to push him away because he's pinning my hands on the wall.
At first, I refuse in his kisses but later on, I can't stop myself anymore and kiss him back. Nagiging marupok na naman ako. Alam ko sa ginagawa kong ito ay mas lalo ko pa siyang bibigyan ng lakas ng loob na mas lalo akong kulitin pero hindi ko mapigilan ang sarili. Nadadarang ako sa halik niya.
Agad na pumalibot ang kamay ko sa kanyang batok nung bitawan niya ako at hapitin papalapit. His hand is at my nape while the other one is slipping inside my clothes, caressing my back.
"Hmmm."
I moan as he bit my lip and suck it. He kiss me like a madman, ginalugad ng kanyang dila ang aking bibig habang ang kamay ay humahaplos paitaas.
Bumitaw kami sa halikan nang parehong kapusan ng hininga. Naglandas pababa ang kanyang dila sa aking leeg at mababaw na kinagat ang aking balat.
"L-lanz...." I moan because of pleasure.
"Yes, moan my name. I'm craving for you, Yasmin," bulong niya at ang pagtama ng kanyang mabibigat na paghinga sa loob aking tenga ay naghahatid ng kiliti sa akin. Naninindig ang aking balahibo. "I miss your moans. I want you in bed."
I am too. I want him.
Muli kaming naghalikan, uhaw na uhaw sa isa't-isa. Narating naman ng kanyang kamay ang strap ng bra ko at napamulat nang mai-unhook niya iyon. Doon ako natauham at malakas siyang tinulak.
"Lanz!" I hissed at him as I pant. Habol niya rin ang kanyang hininga.
Napatingin ako sa paligid at mabuti na lang ay walang tao. Mabilis kong inayos ang hook ng aking bra at tinaliman siya ng mata.
"We are at the outside. Are you out of your mind?" galit kong tanong.
Napahilamos siya ng mukha. "I'm sorry, I just miss your lips."
I shook my head in disappointment. "Ang sabi mo hindi ang katawan ko ang habol mo sa akin but the way you kissed me; it shows that you’re lying."
"Yas...." He cupped my cheeks. "Nagkakamali----"
I step backwards. " Sana inamin mo na lang, di sana mas masakit."