CHAPTER EIGHT

I SIGH AS I saw a bouquet of flowers and small box on my desk as I entered the classroom . Kilig na kilig naman ang mga kaklase at naiinggit daw sa akin.

Matapos sabihin ni Lanz na gusto niya ako ay ito na ang nangyari. Pinapadalhan niya ako ng bulaklak, chocolates, teddy bear, cards, pagkain at kung ano pa. Tiyak na may inuutusan siya, it's either classmate ko or nag-aaral dito sa university dahil hindi naman siya puwedeng pumasok.

"Taray, ang haba talaga ng buhok natin. Mas mahaba pa sa hair ko." Inirapan ko lang ang pang-aasar ni Monde habang sinusuklay ang kanyang buhok, sinenyasan pa niya ang iba na umatras kasi naapakan na raw nila ang buhok ko.

Ang baklang 'to.

Ibinigay ko rin iyon kay Lanz nung hapon, tulad ng ginagawa ko sa mga pinagbibigay niya nitong mga nakaraang araw ay padaskol kong tinapon iyon sa loob ng sasakyan niya staka siya hinarap.

"Ano ba ang pinagagawa mo?"

He spread his arms. "It's obvious. I'm courting you."

Napahilot ako ng sentido. "Una, ang sabi mo sa akin ay gusto mong mapalapit sa akin. Sunod ay gusto mo ako, ngayon naman nanliligaw?"

"Oo, bakit? Tama naman ang ginagawa ko di ba? Dumadamoves muna bago umamin at pagkatapos nun ay manliligaw na. Ganun naman dapat di ba?"

"Hindi, kasi dapat tinanong mo muna ako kung magpapaligaw ba ako."

"Owss ganun ba?" Umalis siya mula sa pagkakasandal sa kanyang kotse. Titig na titig siya sa akin habang may matamis na ngiti sa labi.

"Yasmin Allejo," malambing niyang banggit sa pangalan ko habang nilalapit ang kanyang mukha. Napapaatras naman ko. "Can I court you?"

Napapikit ako ng mariin. Ang kulit niya talaga.

As I open my eyes, he's tilting his head as he waits for my answer. Ikinuyom ko ang kamao. "It's a no, Lanz."

Dahan-dahang nawala ang ngiti sa kanyang labi at napaayos ng tayo. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil tiyak na susuko na siya ngayon.

Sana----

"I'm sorry but I don't take no as answer, Yasmin." The smiles appeared again.

My jaw drop and from this moment, I wanted to cry so loud. Gusto ko siyang tirisin.

Ibubuka ko sana ang bibig para bulyawan siya nang hindi ko na maituloy iyon dahil may tumawag sa kanya.

He excuse himself to answer the call. It didn't take a lot of time before he face me.

"Lanz---"

"Bukas na ulit tayong mag-usap. Kailangan ako sa airlines ngayon," nagmamadali niyang sabi. Mahina niyang pinisil ang pisngi ko bago siya pumasok ng kanyang sasakyan.

Bagsak ang balikat kong sinundan siya ng tingin kapagkuwan ay napahawak sa pisngi. At sino naman siya para kurutin ako? Close ba kami?

"Gusto mo ako na ang magpatigil sa kanya?"

Nilingon ko si Kuen na nakatayo sa tabi ko. Nasa bulsa ang mga kamay niya at nakatiim bagang na nakasunod ang mga mata sa sasakyan ni Lanz.

"Buhay ko 'to kaya huwag kang mangialam."

Pinigilan niya ako sa pag-alis. Napabuntong hininga ako at napapikit ng mariin. Gosh, I'm so stress with these two.

"I want you back again. Can you give me a chance?"

Pagod ko siyang tiningnan.

"Kuen, please. I'm tired. Huwag ka ng dumagdag."

.....

Napahilamos na lang ako ng mukha nung sa pagpasok ko ng classroom ay may nakita akong donuts sa ibabaw ng aking lamesa.

Binasa ko ang letter na nakadikit doon.

A box of donuts for you. Masiyado pang maaga kaya huwag mong damahian ang kain ka ha. Just like what I said yesterday, I don't take ‘no' as an answer Yasmin. I'm sorry if I'm pissing you but I badly admire you. Actually, sa pangbubusted sa akin na sa buong buhay ko ay di ko pa naranasan kundi kahapon lang ay mas lalo mo pang pinalakas ang loob ko, mas lalo mo pang pinalalim ang nararamdaman ko sa'yo. Pinatunayan mo sa akin na hindi ka basta-bastang babae. Dapat kang pinaghihirapan para makuha.

You're worth fighting for.

---- Lanz Verona.

Suminghap ako nang bigla akong sundutin ni Monde sa tagiliran, sinabayan niya pa iyon ng nakakarinding tili.

"Sana all deserving ipaglaban!"

Ngumiwi ako. "Napaka stismosa mo."

"Hindi ah. Makikihingi lang ako ng donut."

Kinuha ko iyon at ibinigay sa kanya. "Sa'yo na yan. Hindi ako kumakain niyan."

"Talaga?"

"Oo, bigyan mo rin ang iba."

Tuwang-tuwa naman siyang umalis. Napaupo ako sa upuan at napatitig sa sulat ni Lanz.

I'm worth fighting for? Talaga lang ha? Madali lang namang magsalita pero sobrang hirap gumawa. Mga pakulo niya sa buhay na laos na naman at puno naman ng kasinungalingan.

Simula nung makilala ko siya ay hindi na ako mapalagay, lagi na lang nag-iinit ang ulo ko. His presence, his face, him being hard headed pisses me off. It makes me exhausted.

Gustong-gusto ko siyang sigawan sa totoo lang pero hindi ko magawa dahil maraming tao sa paligid. Ayoko naman siyang ipahiya o lumabas na ako yung masama.

My blood boils as I face my right side, I bump into him. Nandito ako ngayon sa 7/11 at kanina pa siya sunod ng sunod sa akin kahit hindi ko naman siya pinapansin.

Bakit di na lang siya kaya magresign as CEO at mag-apply bilang anino? Bagay naman sa kanya.

He laugh while helping me to pick the snacks. Nanatili namang seryoso ang mukha ko.

"Remember this scene?"

Nakita niya ang pagkunot ng noo ko kaya dinugtungan niya ang pangungusap.

"Nung gabing may mangyari sa ating dalawa, di ba bago nun ay nagkita muna tayo. We bumped each other and I help you."

Oh that, yes. I remember it pero wala akong pake.

"Saglit ka pang napatulala sa akin. Aminin mo, naguguwapuhan ka sa akin noh?"

Hindi ako umimik at tumayo matapos magpulot. Kinuha ko sa kanya ang mga chichirya at pumunta ng counter.

"Thank you, ma'am. Come again."

Tinanguan ko ang cashier at lumabas. Plano kong maglakad na lang tutal ay di naman kalayuan ang condominium dito at nakasunod naman siya sa akin.

"Why don't we eat noodle for a while? Just like that night?" anyaya niya.

Napatingin naman ako sa lamesang nasa labas. May dalawang babae ang umuukupa ng isang lamesa at masayang nag-uusap. Umuusok pa ang noodles na kinakain nila, tamang-tama iyon sa malamig na gabi ngayon.

Naglaway ang bagang ko at biglang gustong kumain nun kaya tinanguan ko siya.

I heard him exclaimed lowly a 'yes' before he went inside to buy a cup noodle.

Pumuwesto ako sa bakanteng lamesa at nakapangalumbabang naghintay sa kanya. Ilang beses akong malalim na bumuntong hininga at naabutan niya akong ganun.

Nilapag niya ang noodles staka hotdog with bun sa lamesa. Napaayos naman ako ng upo at umiwas ng tingin dahil titig na titig siya sa akin. Nakikita ko sa kanya na gusto niyang magtanong pero pinipigilan lang niya ang sarili.

We eat quietly. I am thanking him because he knew I'm not in the mood and he's not blabbering nonsense things. Nakatingin lang ako sa kalsada habang mabagal na ngumunguya at nasa kabilang dako ng planeta ang isipan.

I jump out of shock when he tuck my hair at the back of my hair. Doon lang ako napatitig sa kanya.

May pag-aalala ang kanyang mukha. "Ang lalim ng iniisip mo, okay ka lang ba?"

Napatitig ako sa disposable na bowl at pinaikot-ikot ang kutsara.

"I'm just worried...."

"About what?"

"Kung dadalo ba ang ama ko sa meeting."

That will happen next week. That may not a big deal to the other student but for me it does. Sabi nga ng kaklase ko, bakit daw ako namroroblema kung hindi man dumalo ang ama ko eh hindi na naman kami elementary pa. Gusto kong um-attend ang ama ko, gusto kong maramdaman na may pake rin siya sa akin, na tinuturing niya akong anak kahit sa maliit na paraan lang.

"Sinabihan mo na ba siya tungkol diyan?" he asked.

I nodded. Sinabihan ko na siya pero wala akong may nakuhang sagot kung pupunta ba siya o hindi. He just ended the call because his wife called him.

"At anong sabi?"

Mabagal akong umiling at huminga ako ng malalim.

"Gusto mong ako na lang ang um-attend?"

Bigla akong nabulunan ng laway. "What? You're not my parent!"

"And so?"

"No, ayoko!" Baka magwala ang mga kaklase ko kapag pumunta siya.

"You sure?"

"Oo, tita ko na lang ang papupuntahin ko."

"How about your mother?"

Padabog kong binitawan ang kustara at padaskol na tumayo. Ang lungkot na nararamdaman ko ay nabahiran ng inis dahil sa tanong niya. "Uuwi na ako. Tigilan mo na ang panliligaw."

"Bakit naman?"

"Kasi nakakabuwesit ka!" I hissed. Get my things and left him.

I tried to stop Lanz from courting me for a lot of times but he didn't listen, he's really persistent. Minsan, sa iritasiyon ay galit kong tinatapon sa kanya mismo ang mga bigay niya. Wala na akong pake kung marami man ang nakatingin.

Nakikita ko kung paano siya masaktan, akala ko nung una ay namamalikmata lang ako but I saw it multiple times. Hindi ko na lang pinapansin dahil kasalanan di naman niya.

Ganun ba siya kaseryoso sa akin at nasasaktan siya sa tuwing pinagtatabuyan ko siya at pinapatigil na?

Sa totoo lang, wala naman talaga problema sa kanya eh. He's an actually an ideal man and the problem here is not him but me. I don't think I deserve him. I'm not a girl he will really like.

Nagsimula ng magsidatingan ang mga magulang ng mga kaklase ko habang ako naman ay nag-aabang pa rin sa ama ko sa tapat ng gate. Sa tuwing may sasakyan na papasok na kapareha ng sasakyan ng ama ko ay umaasa akong baka siya na iyon pero nadidismaya rin agad pag hindi siya ang lumabas.

"Yas, malapit na raw magsimula ang meeting."

Tinanguan ko ang kaklase. "Sige, habol lang ako."

I tried to call my dad. At first, it was ringing until he turned off his phone.

Napaupo ako sa may plant box at nakatanggap naman ng mensahe mula sa tita ko.

'I can't able to go there, hija. I'm really sorry. May emergency kasi habang ang ama mo naman ay umattend sa meeting ng kapatid mo kasama ang tita Beatrice mo.'

Tita Beatrice is his wife.

Humigpit ang hawak ko sa cellphone at di napigilan ang pag-alpas ng luha habang nakayuko ako. My hands are trembling and as well as my lips.

Anak din naman niya ako ah. Nandun naman pala si Tita kaya sana sa akin na lang siya pumunta.

Bakit ba laging yung half-sister ko na lang ang inuuna niya? Porke ba ako ang anak sa labas? It's not my fault that I'm was an accident.

Napatigil ako sa paghikbi nang may sumukot sa tapat ko. I slowly lift my head to see who is it and taken a back when it is Lanz.

"Huwag ka na riyang umiyak, ako na attend sa meeting niyo." Pinunasan niya ang mga luha ko habang may matamis na ngiti sa labi. Hindi ko naman maalis ang tingin sa kanya habang may kung anong humaplos sa aking puso.

Tumayo siya at inayos ang kanyang suot. He's wearing formal clothes. Naka-tuxedo na may puting polo sa loob at slacks. Medyo magulo ang kanyang buhok pero ang guwapo niya roong tingnan.

Nilahad niya ang kamay at napatitig ako roon. "Tara na?"

"Sure kang ikaw ang attend? Wala ka bang trabaho?"

"I have but you need me. Mas importante ka."

My stomach churned and my chest feel heated. I'm more than important, sana marinig ko rin iyan mula sa mga taong gusto kong magsabi nun. Tulad ng ama ko.

"Pagnalugi ang airlines niyo, huwag mo akong sisihin ha?" biro ko bago tinanggap ang kanyang kamay.

Napatawa naman siya at masuyo niya akong hinila patayo.

"Sisingilin lang kita ng konti."

"Wala akong pera."

Inakbayan niya ako at inilapit ang bibig sa aking tenga. "Hindi naman pera ang gusto ko. Maniningil ako sa kama."

Kumalabog ang puso ko at pumasok sa aking isipan ang nangyari sa amin nung gabi yun. Naramdaman na lang basta ang kanyang mga halik at haplos na siyang naghahatid ng init sa aking katawan.

"Uy, nagblublush siya. Gusto mo?"

Malakas ko siyang tinulak para makalayo mula sa kanya. "Ang manyak mo talaga."

Sapo niya ang tiyan sa kakatawa na lumapit sa akin pero agad akong lumayo sa kanya. Nauna ako sa paglalakad at humabol siya.

"Kapag may nagtanong pala kung kaano-ano mo ako, sabihin mong asawa mo ako ah."

Gulat ko siyang nilingon. "A-ano? Ba-liw ka ba?" Ang bata ko pa.

"Alangan namang sabihin mong ama mo ako? Ang bata ko pa noh at hindi yun bagay sa ating dalawa." Ngumisi siya.

Sinapak ko siya sa braso. "Puwede namang pinsan di ba?"

"Ayoko. Ayaw kitang maging kamag-anak."

"At bakit naman?" Humalukipkip ako.

"Kasi pagnaging ganun, edi hindi kita mapapakasalanan."

Natuptop ko ang bibig at sinita ang sarili nung may maramdamang kakaiba sa aking sistema. "Kapal. Di pa nga kita pinapayagang manligaw eh."

"Bakit? Ayaw mo ba sa akin? Manliligaw na guwapo na, CEO pa?" puno ng pagmamayabang niyang tanong at nagpogi sign pa. "Di katulad sa ex-mong palamunin." Pabulong ang pagkakasabi niya ng kanyang huling pangungusap pero nagawa ko iyong marinig.

"You know my ex?"

"Ha--- Di ba ito ang building niyo? Anong floor?" At nauna siyang maglakad kaysa sa akin. Iniiwasan ang tanong.

Pinaningkitan ko naman siya ng mata. He seems like hiding from me something.