Chapter 9

“Luna... Luna...” Rian keeps repeating as if it is an enchantment. She’s been bothered by the name ever since the first time she heard it.

“Problema mo? Kanina ka pa tulala,” untag sa kanya ng kaibigan.

Hindi niya ito sinagot at bumuntong-hininga lang siya.

Nakatambay sila sa hallway, sa tapat lang ng room nila. The class just ended but she’s waiting for Jin.

“Susunduin ka na naman ba ng prince charming mo?” tanong ni Jessica.

Inirapan niya ito.

Isang linggo na siyang palaging isinasabay ni Jin sa pag-uwi. Kahit na out of the way naman talaga ang bahay niya sa lugar nito pauwi ay mapilit pa rin ito. Minsan na niyang sinabihan ang kuya niya pero magkasundo ang dalawa kaya wala rin siyang nagawa.

Just then, naramdaman niya ang pagkuwit ni Jessica sa kanya. Nang tingnan ito, inginuso naman nito ang direksyon ng hallway. Jin was there, striding toward their direction with eyes looking directly at her.

Napansin ni Rian na halos lahat ng madaanan ni Jin ay nakasunod din ang tingin dito. Hanggang sa tuluyan na nga sila nitong malapitan.

“Ihahatid na kita,” sabi nito.

“Hindi naman kailangan.”

“I insist.”

“G na, girl,” bulong sa kanya ng kaibigan. “Wala ka namang magagawa.”

Rian heaved a heavy sigh, tama naman kasi ang kaibigan niya. Wala siyang magagawa kahit pumalag siya.

Pagsakay nilang dalawa sa sasakyan, doon lang niya naisip na kausapin ang binata.

“Hindi ba muna tayo kakain? Wala na ba tayong ibang dadaanan?”

“Nagugutom ka na ba?”

Umiling siya. “Hindi naman.”

“Saan mo gustong kumain?”

“Hindi nga ako nagugutom.”

“Eh bakit ka nagtatanong?”

Hindi na siya nakasagot. Bakit nga ba niya iyon natanong? Hindi rin siya sigurado. Pero ayaw lang kasi niya ang routine na iyon.

Parang ang naging purpose na lang ni Jin ay maging tagahatid niya pauwi sa kanila. Naaabala pa niya ito.

“Ano bang gusto mong kainin?” tanong ulit nito.

“Wala nga, hindi naman ako gutom. Naisip ko lang itanong.”

“At naisip mo ‘yang itanong dahil?”

Masama ang tingin na muli niya itong nilingon. Naglalaro ang ngiti sa manipis na labi ni Jin.

“Wala,” tipid na sagot niya at padaskol nang sumandal sa kanyang upuan. Rian crossed her arms and looked outside the car.

“Pwede mo naman kasing aminin na gusto mo lang akong makasabay, I won’t judge.”

“What?!” Marahas niyang tiningnan ang binata pero umiiling lang ito habang nakangiti. Halatang nang-aasar na naman kahit hindi nagsasalita.

Naiinis na nagbaling na lang ulit siya sa labas ng sasakyan. Inaasahan niyang didiretso sila pauwi pero namalayan na lang niya katagalan na iba na ang direksyon na tinatahak nilang dalawa.

“Sabi mo ihahatid mo na ‘ko?”

“Sabi mo nagugutom ka na?”

Jin did a reverse parking. Matapos masigurong maayos nang nakaparada ang sasakyan nila, pinatay na nito ang makina at inaya siyang bumaba.

Hindi naman talaga nagugutom si Rian. Pero nang makita kung nasaan sila, nang masamyo ang mabangong amoy ng spices pagpasok nila sa restaurant, bigla na lang siyang natakam.

Jin brought her to a Pasta House. Maraming taong naroon para kumain pero mabilis silang nakahanap ng bakanteng lamesa.

Pagkaupo, agad silang nilapitan ng unipormadong staff para bigyan ng menu.

“Pumili ka na, sagot ko ngayon,” turan sa kanya ni Jin.

Inilapag ni Rian ang menu at tinitigan ang kaharap.

“Pinapasahod ka ba ng kuya ko?” puno ng duda na tanong niya. There’s no way Jin would do things without gaining something in return. Baka pinapasahod siya ng kuya nito para sunduin siya at ihatid palagi.

Pero mukha namang hindi ito gipit sa pera. Alam niyang nasa isang high end condo nakatira ang binata, palagi ring maayos ang pananamit nito, hindi ito maporma pero pansin niyang branded ang lahat ng isinusuot nito. Ni minsan ay hindi rin niya ito nakitang nag-ulit ng damit na suot.

Mula sa menu booklet ay nag-angat ng tingin sa kanya ang binata. Magkasalubong ang dalawang kilay nito, halata sa mga mata ang pagkamangha sa kanya habang ang labi naman ay halatang nagpipigil lang na mapangiti.

“Anong nakakatawa sa tanong ko?” naiinis na turan niya.

“Wala naman. Pero mas nakakatawa ang mga iniisip mo. Bakit mo naman biglang naisip na pinapasahod ako ng kapatid mo?” anito, bahagya nang natatawa.

“Mukha kang errand boy ni kuya.”

“Do I look one now?” tanong nito, naroon pa rin ang pagkamangha sa boses. “Ang gwapo ko naman palang errand boy.”

Muli nitong dinampot ang menu at muling itinuon ang buong atensyon doon. “Um-order ka na, para makauwi na tayo pagkatapos nating kumain,” sabi nito nang hindi siya tinatapunan ng tingin.

Rian sighed and decided to pay her attention to the menu. Since it’s a pasta restaurant, mostly sa sini-serve na pagkain ay iba’t ibang uri at luto ng pasta. Based on the pictures in the menu, the spaghetti meatballs look appetizing, but Rian is not a fan of red sauce so she settled on carbonara. Iyon na rin ang naging order ng kasama niya.

While waiting for their food, Rian has no choice but to talk to him. Sumasagot naman ito kapag tinatanong niya, hindi nga lang maiwasan kung minsan ang pagiging sarkastiko nito.

Papalubog na ang araw ng mga oras na iyon. Nakapuwesto sila sa gilid ng binata kaya tumatama sa kanila ang mapusyaw na sikat ng araw.

The orangey shade of sunrays illuminate Jin’s white complexion, it also gives his brown hair a golden look and his face an ethereal effect. Para tuloy siyang nakatunghay sa isang demigod. Nang iangat nito ang isang kamay para suklayin ang buhok, agad iyong sinundan ng kanyang mga mata.

“Bakit?” tanong nito nang marahil ay mapansin ang titig niya. Nasa labas kasi ang atensyon nito kanina pa.

“Wala naman,” sagot niya sabay iwas ng tingin.

Hindi na nagpumilit pa si Jin na tanungin siya hanggang sa dumating na ang order nila. Tahimik silang kumain at hindi na nag-usap muli.

Bawat paglunok ng dalaga ay parang may bikig sa lalamunan niya. She only forced herself to finish her food, but she wanted to leave already. Kung hindi lang niya kasama si Jin, kung hindi lang ito ang maghahatid sa kanya pauwi. Kung hindi lang siya inihabilin ng kuya niya rito.

She felt betrayed, thinking about Jin and his confession.

May nakita siya at nagsimula na namang mabuo ang pagdududa niya.

Matapos bayaran ng binata ang bill nila, hindi na nag-atubili pa ang dalaga na tumayo at umalis. Hindi na rin siya kumibo nang makasakay silang pareho pabalik ng sasakyan. Bawat tanong nito ay tango lang o pag-iling ang naging sagot niya.

Nakakabingi ang katahimikan sa buong biyahe. Hanggang sa huminto na sila sa gilid ng kalsada, sa tapat ng bahay niya.

“Ano bang problema mo?” tanong nito bago pa niya mabuksan ang pinto ng sasakyan.

“Wala akong problema,” walang ganang sagot niya at pilit na binabawi ang kamay mula sa pagkakahawak nito. “Bitawan mo na ‘ko,” mariing utos niya.

“No! I won’t let you go until you tell me what’s bothering you.”

“Wala nga kasi!” bulaw niya. Nilingon niya ito pero agad na natuon ang tingin niya sa kamay nito kung saan nakasuot ang beaded bracelet nito.

Luna. He’s wearing the bracelet bearing the name of the girl named Luna, and it bothers her.

Umamin si Jin noon na gusto siya nito. Palagi nitong ipinaparamdam sa kanya na importante siya at mahalaga siya rito. Ayaw niyang maniwala noong una, pero sa dalas nilang magkasama, unti-unti na rin siyang nahuhulog sa binata.

At nagseselos siya sa isiping mayroon itong hindi makalimutang pangalan. Naiinis siya. Pero hindi niya iyon masabi rito.

With one swift movement, she was able to free herself from his grip. Jin was caught off guard and she used the moment to climb out of the car. Mabilis niyang tinungo ang nakasaradong gate ng bakuran nila at nag-doorbell doon.

Hindi pa man lumilipas ang isang minuto, nakasunod na agad si Jin sa kanya.

“Kausapin mo ‘ko, Rian,” utos nito.

Masamang tingin lang ang naging sagot niya.

“Ano ba kasi talaga ang problema?” tanong ulit nito,

Pumalatak siya. Umaakyat na sa kanyang ulo ang pagkainis niya. “Ikaw ang problema.”

“Anong ginawa ko sa ‘yo?”

“Totoo ba’ng gusto mo ‘ko?”

Hindi agad sumagot ang binata. Rian took the gesture as an answer. It means no for her.

“Umalis ka na,” nanginginig ang boses na utos niya sa binata. “Please…”

‘Sinabi ko na di ba? Gusto nga kita.”

Rian bit her tongue to prevent herself from screaming. Isa sa pinakaayaw niya ay ang niloloko siya.

“Kung gusto mo ‘ko talaga, sino si Luna?” she asked.

Minsan na niyang narinig sa usapan nina Caspien, Jin at Kuya Rhein niya ang pangalang iyon. Malinaw pa rin sa alaala niya ang sinabi ni Caspien noon, isang hopeless romantic daw si Jin, hindi naman ito tumanggi noon.

And the bracelet he’s wearing just proved it more.

Yumuko ito.

“Luna is already a part of my past, a remnant of my memories. Wala na siya.”

“Eh bakit suot mo pa rin ang bracelet na may pangalan niya?”

Muling tumingin sa kanya ang binata. Sinalubong niya ang titig nito.

Naiinis pa rin siya pero ayaw niyang ipahalata ang nararamdaman niyang awa. Malungkot ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. She tried not to blink in order not to break their eye contact.

Malalim ang naging buntong hininga ni Jin. Pagkatapos ay marahan nitong hinubad ang suot na bracelet.

“Kung dahil dito, nagdududa ka sa nararamdaman ko para sa ‘yo…”

Rian gasped when the bracelet broke. Sinira na iyon ni Jin at nakasunod na lang siya ng tingin sa mga beads na nalaglag sa sementadong kalsada.

“Ayan na,” dugtong ng binata, mabigat ang bawat salita.