Chapter 8
Natapos silang kumain na hindi na muling nag-uusap pa. Rian seemed to avoid talking so Jin doesn't force a conversation with her. Isang tanong, isang sagot na lang ang nangyari sa kanila.
Tinanong niya kung gusto nitong manuod ng sine, hindi raw. Inaya niyang pumunta sa arcade, umiling ito at tumanggi. Walang nagawa si Jin kung di ang sundan na lang si Rian habang nag-iikot ito sa department store.
“Gusto mo ba 'yan?” tanong niya. Huminto kasi si Rian sa tapat ng isang malaking stuffed teddy bear.
“May ganyan na 'ko sa kwarto ko.”
Then Rian moved on to another stall. Sandali itong humihinto kapag may nakitang nakakakuha ng atensyon nito. Ilang saglit na titingnan, hahaplusin at pagkatapos ay iiwan. Nakarating na sila sa women's apparel, women's shoes at bags.
Mukhang wala naman talaga itong balak na bumili.
Nang makarating sila sa cosmetics section, bigla na lang itong huminto at humarap sa kanya. Nabigla si Jin kaya hindi siya nakabuwelo at muntik na silang magkabangga.
“Wala ka bang lakad ngayon?” tanong nito.
“Wala.”
“Wala kang kakatagpuin? Bakit mo 'ko sinusundan?”
“Sabi ko naman sa 'yo di ba, papunta talaga ako sa inyo nang makita kitang sumakay ng taxi.”
Hindi na ito umimik at muli siyang tinalikuran. Diretso lang itong naglakad hanggang sa makalabas sila ng store.
“Gusto ko nang umuwi,” sabi nito katagalan. Nasa escalator na sila at pababa sa second floor ng mall.
“Then let's go.”
“Nang mag-isa.”
“That, I can't let you.”
Muntik pa itong matumba dahil hindi namalayan ng dalaga na nasa second floor na sila. Hindi agad ito nakahakbang paalis sa escalator nang lingunin siya.
“Be careful, Rian.” Maagap niyang nahawakan sa siko ang dalaga kaya hindi ito tuluyang nabuwal.
“Bakit mo kasi ako kinakausap?” maktol nito sa kanya.
Unti-unti nang nawawalan ng pasensya si Jin. Kung hindi lang talaga siya nag-aalala para sa dalaga, kanina pa niya ito iniwan.
“Nasa parking lot ang kotse ko, ihahatid na kita. May kailangan din naman ako sa kuya mo.”
Ilang sandali pa silang nakatayo lang muna hanggang sa tumango ito at tuluyan nang sumunod sa kanya.
Pagdating sa parking lot, walang imik pa rin ang dalaga nang sumakay ito at umupo sa passenger's seat. Napailing na lang si Jin.
“Tatawagan ko lang ang kuya mo,” paalam niya. Baka kasi magmaktol na naman ito kapag hindi pa niya pinaandar ang sasakyan.
Rhein picked up at the fourth ring. Mukhang wala pa ito sa huwisyo nang sagutin ang tawag niya.
“Miss mo 'ko agad?” tanong nito mula sa kabilang linya.
“We need to talk.”
Rhein grunted. Jin imagined him getting up from bed. Mukhang nakuha na rin nito ang kaseryosohan sa tinig niya.
“Tungkol saan?”
“Luna,” he answered.
“Okay. Kasama mo ba si Rian?”
Jin glanced beside him. The girl is staring in front but he knows she's listening to their conversation.
“Pauwi na kami.”
“Ingat kayo.”
Nang matapos ang pakikipag-usap niya, ibinaba na niya ang cellphone at pinaandar na ang sasakyan. He's vigilant with their surroundings. Halos isang oras ang naging biyahe nila na hindi siya kinikibo ng dalaga. At wala rin siya sa mood para intindihin ang tantrums nito.
Pagpasok nila sa bakuran, matapos niyang tuluyang patayin ang makina ng sasakyan, hindi na siya hinintay nito. Walang imik itong bumaba ng kotse at napailing na lang si Jin habang sinusundan ito ng tingin papasok sa loob ng bahay.
“What's happening? Rhein called me to rush over here,” agad na tanong ni Caspien na kakarating lang din.
Hindi pa sila tuluyang nakakapasok nang salubungin sila ng kuya ni Rian.
“Saan tayo mag-uusap?”
“Sa hindi maririnig ng kapatid mo,” Jin answered.
Nagtungo ang tatlong binata sa lumang office room ng ama ng magkapatid. Wala nang gumagamit ng silid na iyon at halos naging tambakan na lang ng ilang gamit nila. Kung hindi lang dahil sa pakiusap ni Rian ay matagal na iyong ipinabago ni Rhein.
Jin locked the door after checking the whole room.
Naupo si Rhein sa malaking swivel chair sa likod ng mahogany table. Caspien sat at the receiving chair in front of it while Jin remained standing.
“What is it now?” Rhein queried.
“May sumusunod kay Rian kanina.”
He watched as the other two lads changed their expression from smiling to being serious this time.
“Namukhaan mo ba?”
“Hindi. He's wearing glasses. Mukhang napansin din niyang alam ko ang ginagawa niya kaya bahagya siyang lumayo. Hindi ko na siya napansin sa parking lot.”
“Ni hindi ka man lang nagpanggap na hindi siya napansin? Paano na lang kung manganib ulit ang buhay ng kapatid ko?” malakas ang boses na sita ni Rhein sa kanya.
“Sa tingin mo ba hindi ko inaalala ang kaligtasan ni Rian?” ganting sigaw niya, matapos ay si Caspien naman ang binalingan, “ano nang ginagawa ng mga tao mo? Ilang buwan na pero wala pa rin kayong lead sa investigation ninyo,” akusa niya.
Caspien's expression became more serious this time. Umupo ito nang tuwid at masama ang tingin na binalingan siya. “We're trying our best. Pero laging dead end ang napupuntahan namin.”
“Hindi ito ang oras para mag-away tayong tatlo. Alalahanin n'yo ang kaligtasan ng kapatid ko. Buhay ni Rian ang nakataya rito.”
Caspien's family owned a private investigation and security agency. Ito ang nangangalaga sa kaligtasan ng magkapatid. Bata pa lang sila ay may banta na sa buhay nila.
College graduate na si Rhein at nagsisimula nang magtrabaho sa sarili nilang kumpanya nang madiskubre niya ang katotohanan sa pagkamatay ng mga magulang nila.
Sa tulong ni Caspien na kasalukuyan na ring namamahala sa ahensya, nalaman ni Rhein na hindi aksidente ang pagkamatay ng mga magulang nila. It was staged, fabricated but up to now, they have no idea of who the culprit was.
“Hindi ko hahayaang mawala ulit si Luna sa akin,” pahayag ni Jin. Wala sa dalawang kausap ang atensyon niya. He's staring hard at the tiled floor, but his mind was to somewhere else.
“May I remind you that it's my sister we're talking about here. Hindi siya si Luna, Jin Lucas.”
Kumuyom ang mga palad ni Jin. Alam niya ang katotohanang iyon. Hindi na makakabalik si Luna sa kanya. Pero may isang pagkakataon pa siya para iligtas ang kapatid ni Rhein, para makabawi siya sa dalaga.
“Hindi naman tayo dapat ang nag-aaway ngayon,” kalaunan ay paliwanag ni Caspien para pahupain ang init ng ulo ng dalawa.
“I'll stick around to secure her safety,” ani Jin. Hindi iyon pagpapaalam kung di pag-imporma.
Kung nawala man si Luna sa kanya noon, hindi niya hahayaang mawala si Rian ngayon.