Chapter 10
“Hindi pa rin si Jin ang sundo mo?”
Inismiran niya ang kaibigan dahil sa sinabi nito.
Dalawang araw.
Dalawang araw nang hindi niya nakikita ang binata. Simula ng komprontasyon nilang dalawa ay hindi pa ito muling nagpapakita sa kanya.
Naiinis na siya. Noong una itong magtapat, ilang araw siya nitong hindi kinausap pagkatapos. Noong nakaraan na muli itong nagparamdam, ilang araw naman itong hindi nagpakita.
At sa lahat ng pagkakataong iyon, palagi siyang umaasa at naniniwala. Kaya bukod sa inis na nararamdaman niya para sa binata, mas naiinis siya sa kanyang sarili.
“Uuwi ka na ba? Hindi mo na hihintayin si Jin?”
“Nang-iinis ka ba?” ganting tanong niya.
“Nagtatanong lang naman ako, bakit galit ka?” sagot ni Jessica. Nakapamaywang itong humarap sa kanya. “Galit ka ba dahil nagtatanong ako o naiinis ka kasi wala na naman si Jin ngayon?”
“Hindi ako galit,” pairap na sagot ni Rian. Itinaboy na niya paalis ang kaibigan na natatawa namang tumalima sa kanya.
Rian thanked the quietness of her ride back home. Nagawa na niyang pakalmahin ang sarili.
Pagdating sa bahay, katahimikan ang sumalubong sa kanya. Maaga pa naman, nasa opisina pa ang kuya niya at mga kasambahay lang ang sumalubong sa kanya.
Dumiretso siya sa sariling kuwarto at doon na nagkulong.
Pero habang tahimik na nakatitig sa putting kisame ng kanyang silid, parang tukso na namang naglaro sa kanyang isip si Jin. Naiinis siyang bumangon at binalingan ang cellphone na hanggang ngayon ay nakatago pa rin sa shoulder bag na ginagamit niya.
May phone number siya ng binata, pwede niya itong tawagan pero may pumipigil sa kanya. It was her pride. Pero hindi siya matatahimi hangga’t hindi niya nalalaman kung ano nang nangyari dito.
Alam din niya kung saan ito nakatira. Minsan na siyang dinala roon ng kuya niya. Hindi siya mismong nakapasok sa unit nito pero alam niya kung sang lugar at anong building naroon ang condo unit ni Jin.
Dahil wala siyang magawa, dahil naiinis na siya at hindi matahimik, nagdesisyon siyang umalis. She’s going to him. She’s going to ask him what his problem is. She’s going to confront as to why would he confess and leave her hanging after.
Kapag umalis siya gamit ang nakaparadang sasakyan sa garahe nila, siguradong malalaman iyon ng katulong nila, itatawag sa kuya niya at siguradong pagbabawalan siyang umalis na mag-isa. So she has no choice but to choose her second best option, to rent a cab and commute.
Sinigurado niyang walang katulong sa paligid nang lumabas siya ng kuwarto, at wala ring katulong sa bakuran na makakapansin sa paglabas niya. Mabilis siyang naglakad hanggang sa makalabas siya ng subdivision gate nila. Pagdating doon ay agad siyang tumawag ng taxi at sinabi sa driver ang destinasyon niya.
Kalahating oras ang naging byahe nila. Pagdating sa building ng condo ni Jin, sinabi lang niya sa guard kung sino ang sadya niya, hiningan siya ng ID at pagkatapos ay hinayaan na siyang umakyat.
Jin’s unit is located at seventh floor.
Nang bumukas ang elevator door sa floor na sadya niya, doon lang siya biglang inatake ng kaba. Anong sasabihin niya sa pagpunta roon? Paano niya ipapaliwanag kung bakit siya naroon?
Natauhan lang siya at mabilis na hinarang ang metal door ng akma na itong magsasara ulit. Mabilis siyang lumabas at malalim na bumuntong-hininga.
Inisa-isa niya ang numbers sa mga pinto. Nang masigurong iyon na ang unit ni Jin, tumayo siya roon at nakipagtitigan muna sa numerong nakadikit sa pinto. There’s a peephole under the number thirteen.
“Nandito ka na lang din, Rian, ituloy mo na,” pangungumbinsi niya sa sarili.
Isang buntong-hininga ulit. Marahan niyang pinindot ang doorbell at sandaling naghintay.
Walang sagot.
Muli siyang pumindot at naghintay. Isa, dalawa, tatlo. Mukhang walang tao.
Tatalikod na sana siya at nagbalak na umuwi na lang, nang bigla namang bumukas ang pinto.
“Rian?”
Paos ang tinig ng binata.
Pumihit siya paharap.
“Anong ginagawa mo rito?”
Magulo ang buhok ni Jin. Namumula pa ang mga mata, halatang kakagising lang. Lukot ang puting t-shirt na suot, malamang dahil sa pagkakahiga nito.
“M-may kasama ka ba?” tanong niya.
“What?” Humakbang si Jin palabas, humarang sa pinto.
Bumagsak ang mga balikat ng dalaga. Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang nararamdaman niya. Mukhang may kasama nga ito. Wrong timing ang punta niya.
“What are you doing here? Sinong kasama mo?”
Nakahawak na ito sa siko niya. Sinundan niya ang kamay nitong nakaalalay sa kanya at doon niya napansin ang benda na nakabalot sa kamay nito.
“Anong nangyari sa ‘yo?” tanong niya, puno ng pag-aalala ang boses.
“Sagutin mo ang tanong ko, Rian? Sinong kasama mo papunta rito?”
“A-ako lang.”
Magkasalubong ang mga kilay ng dalaga habang nakatingala sa binata. Nagtataka siya.
Ilang beses na lumingon sa magkabilang direksyon si Jin. Sandali pa siya nitong iniwan para tumingin sa paligid, mukhang sinisigurong walang ibang taong naroon.
Nang bumalik ito sa harap niya, mabilis siya nitong hinila papasok sa loob ng unit nito.
“How can you be so reckless, Rian? Mag-isa kang nagpunta rito? Ni walang nakakaalam na umalis ka sa inyo.”
“Malaki na ‘ko, Jin. Ano bang ipinag-aalala mo?”
“Your safety, Rian. Paano na lang kung may nangyari sa ‘yo habang papunta rito?”
“Okay ako, Jin. Ligtas naman ako at buhay na buhay akong nakarating sa bahay mo.”
“You don’t understand!”
Lumayo si Jin sa kanya. Naupo ito sa sofa na nakaharap sa may pinto. Nanatili siyang nakatayo roon at nanliliit na ang pakiramdam dahil sa klase ng tingin nito sa kanya.
Maliit lang ang unit ng binata, malinis iyon sa anumang gamit maliban sa ilang kailangan nito. Sa bandang kaliwa ang nakasaradong pinto na hula niya ay ang kuwarto nito. Nasa kanan ang kusina, may four-seater dining table roon, lababo, maliit na ref at isang induction stove.
“Kumain ka na ba?” tanong nito katagalan, malumanay na ang boses kumpara kanina. Sinenyasan siya nitong maupo na agad naman niyang sinunod.
Naupo siya sa malaking sofa na nakapwesto sa gilid ng inuupuan ng binata. Nakaharap siya sa bandang kusina.
“Anong nangyari sa kamay mo?”
“Aksidente.”
“Kailan pa?”
“Bakit ka nga nandito?”
“Kaya ba hindi ka pumapasok? Kaya hindi ka nagpapakita?”
“I can’t drive like this.” Itinaas nito ang kamay na may benda. “Pero I made sure na safe pa rin ang pagpasok mo.”
It’s something Rian can’t understand. Hindi lang si Jin at ang kuya niya ang nag-aalala sa pag-uwi niya. Maging si Caspien ay halos araw-araw din siyang mino-monitor. Naiinis na kasi siya na palagi na lang may nakabantay sa kanya na parang anumang oras ay mawawala siya.
“Kumain ka na ba? It’s almost dinner time.”
Nilingon ni Jin ang bintana sa likod nito. Papadilim na nga, pansin ni Rian nang mapatingin din doon. Nang muli niyang ibalik ang atensyon sa binata, doon niya napansin na may galos din ito sa kanang pisngi.
Kumunot ang noo niya. Because of her impulse, mabilis niya itong nilapitan at sinalo ng dalawang kamay ang mukha nito. Nakaupo siya sa armrest ng sofa.
“Anong nangyari sa pisngi mo?” tanong niya habang sinusuri ang sugat nito.
“Aksidente nga,” sagot ng binata sabay iwas ng mukha sa kanya.
“Anong aksidente ba kasi ang nangyari sa ‘yo?”
“Minor accident lang. ‘Wag mo nang alalahanin, gagaling din naman ako.”
“May benda ang kamay mo, may galos ang mukha at ilang araw ka nang hindi pumapasok tapos sasabihin mong minor accident lang?”
“Kaya ka ba nandito? Kasi nag-aalala ka?”
Biglang inatake ng kaba si Rian nang mag-iba ang boses ni Jin. Umangat rin ang isang sulok ng labi nito habang bakas sa mga mata ang panunukso.
Napalunok siya dahil nadiskubre niyang, ilang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa binata.
“Nami-miss mo ba ‘ko kaya ka napasugod sa unit ko?”
**