Chapter 7

“Bakit?”

“Anong bakit?”

Sandaling natigilan si Rian. Wala na siyang ibang masabi. Mukhang wala rin namang sasabihin si Jin kaya tumalikod na lang ang dalaga at ipinagpatuloy ang paglalakad.

It's Sunday and she's supposed to meet Jessica. Pero sa last minute, bigla itong nag-cancel ng lakad. Kakarating lang niya sa mall entrance nang tumawag ito sa kanya at sinabing hindi na ito matutuloy. Nainis siya at nagreklamo pero wala na rin naman siyang magawa.

Naisip niyang mag-ikot na lang muna baka sakaling may magustuhan siyang bilhin. Nasalubong niya si Jin habang tumitingin siya sa isang mobile shop. Gusto niya sana itong batiin pero mukhang wala naman itong balak na kausapin siya. She chose to ignore him then.

Naglakad-lakad na lang siya. Nang mapansin na nakasunod pa rin si Jin sa kanya, huminto na siya at muling hinarap ang binata.

“Sinusundan mo ba 'ko?” nag-aakusang tanong niya.

“Bakit naman kita susundan?”

Bakit nga ba? Tanong niya rin sa sarili. Baka nga may hinihintay lang ito at nagpapatay lang ng oras habang wala pa ang katagpo nito.

Natigilan si Rian. Was he finally meeting the girl who confessed to him last time?

“May hinihintay ka ba?” tanong niya sa binata.

“Ikaw.”

“Ako?” Kumunot ang noo niya. Ako, as in “ako” ang hinihintay o ako as in “kung may hinihintay rin ako?” tanong niya sa isip.

She realized that Jin was someone hard to fathom. Hindi lahat ng sinasabi nito ay iyon talaga ang gusto nitong ipahayag. Hindi rin lahat ng ikinikilos ay umaayon sa sinasabi nito. Though Jin remains a mystery to her, she's still drawn to him.

“Kumain ka na ba?” tanong nito katagalan at tumingin sa suot na wrist watch. “It's almost lunch time.”

No wonder her stomach started to grumble. Naalala niyang hindi siya nag-agahan. Tanghali na kasi siyang nagising at sa pag-aalala na ma-late sa usapan nila ng kaibigan, hindi na siya nakapag-almusal.

Sumimangot siya nang maalalang hindi rin naman siya sinipot ng kaibigan niya.

“Sa'n mo gustong kumain? Sagot ko na.”

Hindi na hinintay ni Jin ang sagot niya. Naglakad na ito sa hilera ng mga kainan sa loob ng mall. Nakasuksok sa likod na bulsa ng pantalon nito ang dalawang kamay at bahagyang nakatingala para tingnan ang mga dinaraanang kainan.

Ilang sandali lang, mga ilang dipa ang layo mula sa kanya ay nilingon siya nito.

“Gusto mo bang buhatin pa kita?” nagsusungit na tanong nito sa kanya.

Inirapan niya ito pero kapagkuwan ay sumunod din naman dito. Ilang fast food at restaurant ang dinaanan nila. Wala siyang mapili sa mga iyon.

Gutom siya pero wala siyang maisip na gustong kainin. Isa pa, hinihintay niyang si Jin ang magdesisyon dahil hindi niya alam kung sasang-ayon ito kapag siya ang pumili ng kakainin nila.

“Ano na? Wala ka pang napili?”

Umiling siya. Pero nang makita ang isang Korean resto, itinuro niya iyon sa binata. Walang imik itong nagpatiuan at tahimik na lang siyang sumunod.

Gaya nga ng sabi ni Jin, tinanong lang nito kung ano ang order niya, pagkatapos ay inutusan na siya nitong maghanap ng table at hintayin na lang siya.

Hindi lumayo ang dalaga sa cashier kaya habang nakaupo sa napiling puwesto at hinihintay ang binata, nagkaroon siya ng pagkakataon na pagmasdan ang kabuuan nito.

Jin is in his usual getup, tattered jeans, a plain shirt with small print on the chest part that says “f*ck life” in gray this time and a dark shades hanging on the neckline of his shirt. Magulo na naman ang buhok nito, parang hindi sinuklay pero hindi naman ito mukhang madungis.

Pinanuod niya si Jin habang nakikipag-usap sa cashier para ibigay ang order nito. Nakatingala ang binata, panaka-naka ay nagkakamot pa ng ulo, tumatango at umiiling. Pagkatapos ay dumukot na ito ng wallet sa suot na pantalon at nagbayad.

Napatungo si Rian nang makitang papalapit na sa puwesto niya si Jin. Ni hindi man talaga ito ngumiti sa durasyon ng pakikipag-usap nito. Maging nang umupo ito sa tapat niya ay blangko pa rin ang ekspresyon ng mukha nito.

“Anong ginagawa mo rito nang maabutan kita kanina?” tanong ng binata.

“Magkikita dapat kami ni Jessica. Pero hindi na siya tumuloy.”

Tumango lang si Jin at hindi na muling nagtanong. Inilibot nito ang tingin sa kapaligiran. Bihira lang ang gaya nilang customer. May kasabay silang isang pamilya na kumakain sa dulo, may mga magnobyo rin at dalawang magkaibang grupo ng magkakaibigan.

“Ikaw, anong ginagawa mo rito? May hinihintay ka ba?”

“Ikaw.”

“Ako?”

Pumiksi si Rian nang may maalala. Ganoon din ang usapan nila kanina. Nalilito na naman siya. Ginugulo na naman ng binata ang utak niya.

“Anong ako? Ako ang hinihintay mo?”

“Oo.”

His answer caught her off guard. Umupo siya nang tuwid at sumandal sa silya niya. Hindi na niya alam kung ano ang sunod na itatanong.

Mabuti na lang at dumating na ang server dala ang mga pagkain nila. Matapos nitong ilapag ang lahat ng orders ay nagpasalamat na silang dalawa.

Inabala ni Rian ang sarili sa pagkaing nasa harap. Jin gave her utensils after wiping them with tissue paper. She only said thanks and dig in.

“Papunta dapat ako sa inyo dahil may usapan kami ng kuya mo.”

Nag-angat ng tingin si Rian. Natigil din siya sa pagnguya.

“Kanina pa nga tawang nang tawag, eh,” patuloy nito at ipinakita sa kanya ang cellphone nito na kasalukuyang may tumatawag nga ang kuya niya.

“Kung may usapan naman pala kayo ni kuya, bakit nandito ka ngayon?”

“Priorities.”

“What?”

“Bakit nag-commute ka lang? Hindi mo ba alam na delikado ang ginawa mo? Bakit pinayagan ka ni Rhein na mag-isang umalis?”

Pinaikot ni Rian ang mga mata. Naiinis siya kapag itinuturing siyang parang bata. Ang totoo ay nagsinungaling siya sa kuya niya. Sinabi niyang susunduin siya ni Jessica kaya pumayag ito na hindi na siya magsama ng driver sa pag-alis niya.

Pero nakita pa rin pala siya ni Jin. Wala talaga siyang takas.

“Kaya ko naman na ang sarili ko. Maanda na ako, Jin.”

“Alam mo bang ito ang unang beses na tinawag mo ang pangalan ko?”

Natigilan siya. Ngayon lang niya na-realize ang bagay na iyon. She just wasn't used into calling him in first name, wala pa sila sa ganoong level ng closeness.

“So bakit mo nga ako sinundan?”

“Dahil nag-aalala akong mapahamak ka.”

“Wala namang threat sa buhay ko,” balewalang sagot niya habang nasa pagkain ang atensyon.

Nang hindi umimik ang kaharap, natukso siyang mag-angat ng tingin.

Muntik na niyang mabitawan ang hawak na kutsara't tinidor.

It was there.

Again.

His eyes of longing. The mysterious stare as if wanting to tell her something he can't. And Rian can't understand but it feels familiar to her.