Chapter 6

Rian kept pacing back and forth.

Wala na ang kaibigan niyang si Jessica. Lumalalim na rin ang gabi. Ilang oras na ang lumipas.

Pero hindi pa rin siya kumakalma.

“Gusto kita...”

Mas lalo siyang hindi mapakali nang maalala na naman ang boses ni Jin, nang lumitaw na naman sa isip niya ang hitsura nito kanina habang sinasabi ang dalawang salitang iyon. Parang nag-slow motion ang mga labi nito habang binibigkas ang bawat kataga.

Nakatulala lang siya habang nakatitig sa mga mata niya ang binata. Ramdam na ramdam pa niya ang panlalambot ng mga tuhod at malakas na kabog ng kanyang dibdib.

Kung hindi pa tumikhim at lumapit sa kanila ang tito niya, hindi pa siya mababalik sa huwisyo. Sandali nitong binati si Jin, bago siya hinarap at kinausap.

Ang binata naman ay muling lumabas matapos nitong kumuha ng ice cubes. Naiwan silang dalawa ng Tito Kasimir niya sa kusina, na kung hindi lang dahil kay Jessica ay baka na-stuck na siya roon kausap ito.

They both skip dinner to finish watching a movie. Nang matapos ang palabas ay saka lang sila bumaba sa sala para hintayin ang pagdating ng sundo ng kaibigan. Wala roon ang kanyang tito na ayon sa katulong ay nagtuloy sa library.

Ang Tito Kasimir niya, na nakababatang kapatid ng kanilang ama ang nagsisilbi nilang legal guardian noong wala pa sa legal na edad si Rhein para alagaan siya. Ito rin ang namamahala ngayon sa negosyo na pag-aari ng pamilya nila.

She heard a knock at her door. Napatingin siya sa nakasarang pinto ng kanyang kwarto. Nang muling kumatok ang sinomang naroon, naglakad na siya patungo roon para pagbuksan ito ng pinto.

“Matutulog ka na ba?”

It was her Tito Kasimir. Maluwag ang pagkakangiti nito sa kanya, ang welcoming ng aura. Iyong tipong pwede mong sabihan ng mga problema, pagsumbungan kung mayroong aaway sa ‘yo o iyong mapagkikwentuhan mo lang ng kahit ano.

Hindi nalalayo ang tangkad nito sa kanya, mas matanggkad lang ito ng halos limang pulgada. Maganda ang pangangatawan at palaging malinis at maayos ang kasuotan. Sa edad nito na trenta y nueve, dapat ay nakapag-asawa na ito pero wala na siyang balita sa huling babaeng ipinakilala nito bilang nobya.

“Hindi pa naman po.”

Binuksan niya ang pinto at tuluyang lumabas ng sariling silid. Hindi niya ugali ang magpapasok ng kahit sino sa kwarto niya lalo kung lalaki iyon, maging kuya man niya o ang tito niya.

“Akala ko po kasali ka sa inuman nina kuya at Caspien?”

“Oo pero umalis na rin ako, may tumawag kasi sa phone ko. Then I decided to check on you. Parang ang tagal na kitang hindi nakukumusta, eh.”

Sabay silang naglakad pababa ng hagdan.

“Iyong isang kaibigan ng kuya mo, parang ngayon ko lang siya nakita?”

“Si Jin po?”

“Kakilala mo rin siya?”

“Schoolmate ko po pero taga ibang college siya.”

“Paano siya nakilala ng kuya mo?”

Nangibit-balikat na lang siya. Ang alam niya ay si Caspien ang unang naging kaibigan nito na ipinakilala lang sa kuya niya. Kung paano ito naging kaibigan ng una ay hindi na niya inalam pa. Magkakasundo naman ang tatlo kaya wala siyang nagiging problema roon.

“Wala akong tiwala sa kanya,” mahinang turan ng tito niya.

Nakarating na sila sa sala at mula roon ay naririnig ang malakas na halakhak ni Caspien sa likod-bahay nila.

“’Wag kang masyadong lumalapit sa kanya, ah. I don’t trust those kind of boys. Tingnan mo nga kanina, ni walang paggalang sa ‘kin.”

Hindi na nagtaka si Rian sa naging paalala ng tito niya. He is after all, their late father’s younger brother. Ito rin ang guardian nila at naiintindihan niya kung maging protective ito sa kanya.

“Tito.”

“Hmm?”

Umupo siya sa single seater sofa, nasa mahabang sofa naman ang tito niya.

“Nasaan na po si Kelly? Iyong girlfriend ninyo?”

Just three months ago, their Tito Kasimir arranged a dinner for them to introduce his girlfriend Kelly. Minsan na rin silang nag-bond ng girlfriend nito sa mall, shopping for anything they wanted.

“We broke up. She cheated on me.”

Naging malungkot ang boses ng kausap niya, maging ang mukha nito ay bahagya ring parang nagdilim. Nawala ang magandang ngiti sa labi at ang kislap ng mga mata.

She felt sorry for him.

“Siguro kasalanan ko rin naman. I became too busy with the business that I tend to ignore her. Kaya siguro siya naghanap ng atensyon ng iba.”

“It’s not your fault, tito. She should have understood your situation. CEO ka ng isang company, it’s natural na busy ka talaga,” pakli niya, bahagyang bumangon ang pagkainis para sa babae.

“It’s okay. I’ll move on from her.” Malungkot itong ngumiti at tumingin sa kanya. Kapagkuwan ay may dinukot ito sa bulsa ng suot na pantalon at inilapag sa center table.

Isang pulang kahita.

“Ibibigay ko na dapat 'to sa kanya. Pero mukhang hindi na mangyayari 'yon.”

Kinuha niya ang maliit na kahon at binuksan iyon. It was a diamond ring. Hindi siya maalam sa mga alahas pero sigurad siyang mahal ang halaga ng singsing.

“She's not worth yur love, Tito kung gano'n na mabilis naman pala siyang bumitaw sa 'yo. Siguradong may iba pang nakalaan para sa 'yo na pahahalagahan ang pagmamahal mo.”

“I know that,” sagot nito.

Binitawan na niya ang singsing at tumuwid ng upo. Napatda siya nang makita ang kausap na matamang nakatitig sa kanya. Bahagya siyang nailang kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

“Can you keep that for me?” tanong nito katagalan.

“Po?”

“Nalulungkot lang kasi ako habang nakikita ko 'yan. Hindi ko naman magawang itapon.”

“Pero para po 'yan sa pakakasalan mo 'di ba?”

“Oo. That's why I wan you to keep that. Siguro isuot mo na lang din.”

There's an unsettling emotion inside her. Parang gusto niyang tawagin si Jin.