Chapter 18
The gifts from unknown sender keep coming and Rian’s anxiety keeps growing. Isang beses ay pinagbawalan na niya ang mga katulong na tumanggap ng kahit anong para sa kanya. Pero isang umaga ay gigising na lang siyang may package na naman na naghihintay sa kanya sa silid niya.
At habang dumarami ang mga regalo sa silid niya, mas lalong lumalaki ang takot na nararamdaman niya. Hindi na siya makapunta sa isang lugar na hindi nag-aalalang sa ‘di kalayuan ay may lihim na nagmamasid sa kanya.
Hindi rin nakakatulong ang mga masasamang panaginip na nararanasan niya tuwing gabi, especially with Jin in it. She feels secure yet uncertain with him around. Alam niyang hindi siya mapapahamak kapag ito ang kasama, pero marami siyang tanong para sa binata na hindi niya maisatinig.
Bakit palagi itong sumusulpot sa panaginip niya? Bakit paulit-ulit ang nangyayari sa panaginip na iyon? At bakit sa tuwing, kasama niya si Jin, kalaunan ay may masamang nangyayari sa kanya?
“What do you mean you’re breaking up with me?”
Rian was brought back to her reverie when Jin held onto her wrist.
“I’m sorry...” Yumuko siya para iwasan ang tingin nito sa kanya.
Ramdam niya ang paghigpit ng dalawang kamay ni Jin sa magkabila niyang pulsuhan. Rinig niya ang mabibigat na buntong-hininga nito at nabibingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya.
“May nagawa ba akong mali? May nasabi ba ‘kong hindi mo nagustuhan?”
Mabilis siyang umiling habang nakayuko. Reasoning out the popular “it’s not you but it’s me” is too cliché already. But it is exactly what she feels. She’s breaking up with him because of her uncertainties and fears.
“Give me a good reason, then,” Jin said after a long silence.
Nakaramdam ng kahungkagan si Rian nang tuluyan na siyang bitiwan ni Jin. Umupo ito nang tuwid at diretsong tumingin sa harapan. Nasa park silang dalawa, malapit sa building kung saan nakatira ang binata.
Kaninang umaga paggising niya, doon nabuo sa kanya ang desisyon na tuluyan nang makipaghiwalay rito.
“H-hindi na mababago ang desisyon ko.” Kumuyom ang dalawang kamay niya, nalulukot na ang bahagi ng kanyang suot na bestida. She has one reason to breakup with Jin right now and has so many reasons not to.
“So nagpunta ka rito, woke me up early in the morning just to break my heart?” Jin asked, face full of betrayal.
Sandaling nilingon ni Rian ang binata pero hindi niya kinayang makita ang mukha nito na puno ng sakit at hinanakit dahil sa kanya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin sa binata.
“Sino si Luna?” tanong niya mula sa kawalan.
“Matagal ko nang naipaliwanag sa ‘yo kung ano si Luna sa buhay ko, Rian. Parte na siya ng nakaraan at hindi na babalik pa.”
“Pero nakalimutan mo na ba siya?”
“Kailan ba siya naging sagabal sa ating dalawa? Naging tapat ako sa ‘yo.”
“Ako ba talaga ang gusto mo o nakikita mo lang siya sa akin?”
“Rian...”
Mabilis na pinahid ni Rian ang mga luhang nag-uunahang tumulo mula sa magkabilang niyang mga mata. She’s being unreasonable now. The issue with Luna has long been settled before, pero iyon lang ang nahahanap niyang rason para tuluyang makipaghiwalay sa binata.
“It will always be an issue between us, Jin. Dahil alam kong may itinatago ka pa rin. May hindi ka pa sinasabi sa akin.”
Katahimikan.
Nagsisimula nang magsidatingan ang mga tao sa park. May ilang nagmamadaling maglakad dahil papasok na sa trabaho, may mga matatandang nagpapaaraw at nag-eehersisyo, ang ilan ay dala ang mga alagang aso nila.
Bumuntong-hininga ang dalaga. She gathered all her courage and finally stood up.
“Uuwi na ‘ko,” paalam niya.
Sandali siyang huminto. Naghintay. Hanggang sa tuluyan siyang tumalikod at nagsimulang maglakad palayo.
Nakailang hakbang na siya nang maramdaman niya ang kamay sa kanyang pulsuhan. Napatungo si Rian at marahang nilingon ang may-ari ng kamay na pumigil sa kanya.
“At least let me take you home,” turan nito, hindi nakatingin sa kanya, bakas sa boses lungkot.
“Kaya ko na ang sarili ko.”
“You already broke up with me. Wala akong magagawa kung ayaw mo na talaga. Pero hayaan mong masiguro ko man lang na ligtas kang makakauwi sa inyo. Para sa kapanatagan ng loob ko.”
Nawala ang pagkakakuyom ng palad ni Rian, lumuwag naman ang pagkakahawak ni Jin sa kanya. Kalaunan ay nagpatiuna na ito sa paglalakad at nakasunod na lang siya rito pabalik sa condo building nito.
Hindi sila nag-uusap sa buong biyahe. Halos nabilang na ni Rian sa isip niya kung ilang beses nang bumuntong-hininga ang kasama niya. Iniwasan niyang lingunin ito, iniwasan niyang makipag-usap dito.
Hindi dapat ganito, anang isip niya. Pero nabitiwan na niya ang mga salita, nasimulan na niyang manakit. Hindi na niya mababawi ang naging desisyon niya. Hindi na niya pwedeng balikan ang sitwasyon na inalisan niya.
“Andito na tayo.”
Tumingin si Rian sa labas ng sasakyan. Ang nakasarang malaking gate nila ang sumalubong sa kanya. Even their gates scream extravagance.
Nagdadalawang isip siya kung bababa ng sasakyan o mananatili roon. Sinasabi ng utak niya na gawin ang dapat pero ayaw gumalaw ng mga paa niya.
Hanggang sa si Jin na ang naunang bumaba para pagbuksan siya ng pinto. Wala siyang nagawa kung 'di ang lumabas na.
Jin stood tall beside her, his presence dominates her and his smell lingers on her nose.
“Nag-breakfast ka na ba?” mahinang tanong niya.
“Hindi pa. Kakain na lang ako pag-uwi ko ng bahay.”
Tiningala niya ang binata, at sa unang pagkakataon simula nang sabihin niyang makikipaghiwalay na rito ay tinitigan niya ito nang diretso sa mga mata.
“You can stay here, I’ll prepare our breakfast.”
Malungkot na ngumiti ang binata at marahang umiling.
“I can’t stay any longer. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang nakipaghiwalay ka na.”
“I’m sorry...” Rian bit her lower lip to suppress her tears. She can’t cry in front of him. She can’t show him she regrets her decision. She can’t hurt him more.
“Don’t be.” He cupped her face and stared at her lovingly with a sad smile. “Don’t be sorry for something you thought you did right. Kahit naguguluhan ako, kahit nasasaktan ako, iintindihin kita.”
“I don’t deserve you, Jin.” Sinapo niya ang kamay nitong nakadampi sa kanyang pisngi.
“I’m just right here,” halos pabulong na sabi nito bago tuluyang bumitiw sa kanya.
Nakapasok na siya sa sariling silid niya, nakaalis na si Jin at naiwan na siyang mag-isa nang tuluyan niyang pakawalan ang pag-iyak na kanina pa niya sinusupil.
She lost her appetite for breakfast, ate a little at lunch and skipped dinner. She kept staring at her ceiling while rewinding the event this morning.
Sumilip sa balintataw niya ang malungkot na mukha ni Jin. Parang naglalaro sa tainga niya ang malumanay na tinig ni Jin. Ramdam pa rin ng kanyang balat ang haplos nito, ang init ng kamay nito at mas lalo lang siyang napahagulgol nang maalala ang lungkot sa mga mata nito.
“This can’t be happening.”
Bumangon siya at nagmamadaling binitbit ang wallet niyang nakapatong sa side table ng kama. Lumabas siya ng kuwarto at sinalubong ng isang katulong.
“Dumating na ba si Kuya?” tanong niya.
“Tumawag siya kanina at kinukumusta ka. Hindi ka raw kasi sumasagot sa phone mo.”
Napatingin siya sa dalawang kamay. She put her phone in silent at ngayon, na-realize niyang hindi niya rin iyon dala.
“Mag-overtime daw siya ngayon kaya binilinan na lang ako na siguruhing kakain ka ng hapunan,” dugtong pa ng kausap niya.
Matipid siyang ngumiti. “Kakain na po ako.”
Nagliwanag ang mukha ng kausap niya at maluwag na ngumiti. “Ihahanda ko lang ang pagkain mo,” anito at mabilis na siyang tinalikuran.
Sumunod naman ang dalaga pero taliwas sa sinabi niya, marahan siyang lumabas ng bahay. Sinikap niyang huwag gumawa ng ingay nang lumabas siya ng gate nila. At nang tuluyan nang makalabas ay lakad-takbo ang ginawa niya habang naglalakad sa kalye palabas ng subdivision nila.
She’s determined now.
Babawiin niya ang sinabi niya kay Jin. Sa kabila ng takot na nararamdaman, mas nananaig pa rin ang pagmamahal niya. To heck with her stalker and all the warnings she received. To heck with everything and her fears, she wanted to be with Jin.
Nakarating na siya sa waiting shed sa labas ng subdivision nila. Nag-aabang na siya ng masasakyan niya. Walang masyadong dumadaang sasakyan, bihira rin ang mga tao kahit na hindi pa naman lumalalim ang gabi.
Isang itim na kotse ang huminto sa tapat niya. Bahagya siyang umatras para pagmasdan ito. There’s no taxi sign above the car, no indication that it was a rent for ride car.
Nang sabay na bumukas ang passenger’s seat at backseat, at dalawang lalaki ang bumaba mula roon, inatake ng kaba ang dalaga.
Hindi na dapat siya lumabas pa. She should have just called Jin instead.
It was when the two strangers grabbed her and helplessly dragged her to the car when she felt the regret of being impulsive. It was when someone covered her nose and mouth and breathes something that made her felt dizzy that she felt threatened.
“Hello, love. How are you...”
Rian felt the shiver down her spine upon hearing the menacing voice and seeing the familiar face.
“Y-you...” she uttered before finally blacking out.