Chapter 17

“What happened to her?”

Mabilis na nag-angat ng ulo si Rian nang marinig ang boses ni Jin.

“Matamlay. Brokenhearted yata,” sagot ng kaibigan niyang si Jessica.

Tiningnan niya ito nang masama na nagkibit-balikat lang.

Agad na dumalo sa kanya si Jin nang magtama ang tingin nilang dalawa.

“Okay ka lang?” tanong nito.

Pinilit niya ang sarili na ngumiti. “Ayos lang. Hindi lang siguro naging maganda ang gising ko kaninang umaga.”

Jin looked at her intently. Parang nagtatanong ang mga mata nito na agad naman niyang naintindihan. Ngumiti siya at tumango para siguruhin dito na ayos lang siya.

“May klase ka pa ba?” tanong na lang nito katagalan.

“Wala na.”

“Gusto mong ihatid na kita pauwi?”

“May afternoon class ka pa ‘di ba?” tanong niya. Jin already told her about his schedules. “Nasa parking lot na ang sundo ko.”

They haven’t talked about the status of their relationship yet. Walang malinaw na panliligaw o pagsagot ng oo sa pagitan nilang dalawa. But it seems like they already established their feelings for each other. They act as lovers now and it’s obvious with the way Jin has become very attentive of her.

“Sigurado kang hindi ka na magpapahatid?”

“Kailangan mo pa ring mag-aral. You have a life of your own. Don’t let your life revolved around me, Jin.”

Tumayo na siya at isinukbit ang shoulder bag. She gave him a lazy smile and asked Jessica to leave with her. Naiwang nakatulala lang si Jin habang tinatanaw silang dalawa.

Once out of earshot, Jessica stopped her from walking.

“What was that for?” tanong nito sa kanya.

Kumunot ang noo ni Rian dahil sa tanong ng kaibigan.

“What do you mean?”

“Your attitude. Ano ‘yong inasal mo sa harap ni Jin? Magkaaway ba kayo?”

She shook her head in confusion. “Hindi naman. Bakit?”

“Hindi naman? Pero ang cold ng pakikitungo mo do’n sa tao.”

“Wala naman akong ibang sinabi, ah. Hindi lang ako nagpahatid. May mga classes pa siya at nagpasundo na ako sa driver namin,” pagdadahilan niya.

“Yeah, I know. Kanina mo pa ‘ko kasama at alam kong tumawag ka na sa inyo para magpasundo. Pero seryosong hindi mo talaga alam?”

“Ang alin ba?” naiinis na tanong niya.

“The cold treatment with Jin. Hindi mo ba nakita ‘yong reaction niya kanina? Parang nasaktan ‘yong tao dahil sa sinabi mo. He was just being concerned. Tapos sinabihan mo na ‘wag paikutin ang mundo niya sa ‘yo? That’s rude, Aryana.”

Rian was left speechless. Lumingon siya sa direksyon na pinanggalingan nila. Wala na roon si Jin.

Marami kasi siyang iniisip. Totoong hindi naging maganda ang gising niya dahil sa masamang panaginip. Pero hindi niya inaasahan at hindi rin naman niya sinasadya na ibunton ang nararamdaman niya sa binata. She’s just uneasy and afraid.

Para kasing totoo ang masamang panaginip na iyon. Hanggang ngayon ay parang nararamdaman pa rin niya ang magaspang na kamay na naglalakbay sa kanyang balat. Kahit mag-isa kanina sa banyo, pakiramdam niya ay may mga pares ng mata na nagmamasid sa kanya.

Hindi siya mapalagay pero wala siyang mapagsabihan dahil ayaw niyang mag-alala ang ibang tao sa kanya. She thought that maybe it was just one of those nightmares.

“Alam mo kapag nagsawa iyong tao sa panunuyo sa ‘yo, ewan ko na lang talaga,” muling turan ni Jessica at nagpatiuna na.

Tahimik siyang sumunod sa kaibigan hanggang sa makarating sila sa parking lot. Naroon na ang sundo niya habang si Jessica ay mag-isa lang dahil mas gusto nito ang mag-drive.

Bago sila tuluyang maghiwalay, muli siyang kinausap ng kaibigan.

“Get enough sleep, Rian. Magpahinga ka,” habilin nito.

Jessica is a little taller than her and some months older so she sometimes acts like an older sister to her. Noong una, alam niyang nakipagkaibigan lang ito sa kanya dahil may gusto ito sa kanyang kuya. Pero katagalan ay naging tunay na rin silang magkaibigan.

“Thank you.”

“Call me later. Usap tayo,” she added and hugged her before she proceeded to her parked car.

Sumakay na rin siya sa sariling sasakyan at sinabihan ang driver na diretso na silang uuwi ng bahay. The whole ride was smooth. She sent a few text messages to Jin and Jessica that she arrived home safe and told them both that she’d take some rest.

The whole house was expectedly quiet. Wala roon ang kuya niya dahil nasa trabaho ito. Isang katulong ang lumapit sa kanya para itanong kung gusto niyang kumain. She said she already had lunch at the university cafe. Umalis na ito matapos siyang sabihan na may package para sa kanya.

Pagpasok niya sa sariling kwarto, ang malaking box ang agad na bumungad sa kanya. She put her bag on one of the sofas and immediately checked the box. Malaki iyon, may magarang laso at may nakadikit na card.

Iyon ang una niyang tiningnan para malaman kung kanino galing.

For my woman, it says. Walang pangalan kung kanino galing.

Pinakatitigan ng dalaga ang nakasulat doon. The whole phrase was printed in black except for the word “my” which was printed in red with added glitters for emphasis.

“My”, a possessive pronoun which means belonging to someone. “My woman” as if indicating that she belongs to someone and that someone owned her.

It feels romantic to think that someone wants to own you, but it gives anxiety to Rian for some unknown reasons. Who would want to own her like that?

Napailing siya at binitiwan na ang card. Tinanggal niya ang riboon sa box at binuksan iyon. Bumungad sa kanya ang isang sariwang tangkay ng pulang rosas. She heaved another heavy sigh. Hindi na maganda ang mood niya habang nakikita ang puro pulang bagay sa loob ng kahon.

Matapos sandaling titigan ang rosas, inilapag na niya iyon sa lamesa, sa tabi ng card para kunin ang natitira pang laman ng kahon. Itinaas niya iyon at inispeksyon.

It was a dress, screaming in flame red. Manipis ang shoulder strap ng pulang bestida, yari sa makintab na silk ang tela nito at mababa ang neckline. Siguradong kapag isinuot niya iyon, kitang-kita ang umbok ng dibdib niya.

She shivered at the thought and immediately dropped the red dress. Sino naman kaya ang magbibigay sa kanya ng ganoong regalo? Mabilis siyang lumabas ng kwarto ang hinanap ang katulong na tumanggap ng kahon.

“Wala bang sinabi kung kanino galing ang box na tinanggap mo?” tanong niya.

“Wala, eh. Basta ang sabi lang para sa ‘yo raw,” sagot nito.

Tinitigan niya si Mercy. She was the same maid who told her Tito Kasimir about Jin being in her room. She was hired by their uncle.

“Sige salamat na lang,” sabi na lang niya katagalan. Ayaw niyang tumatagal at humahaba ang usapan kapag ito ang kausap niya. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin siya rito.

“May problema ba sa package mo?” usisa nito.

“Wala naman. Wala lang kasing return address,” pagsisinungaling niya.

“Ibabalik mo ba?”

“Hindi," pagsisinungaling ng dalaga. "Sige, salamat.”

Agad na siyang tumalikod at bumalik sa kanyang silid. Iniligpit na niya ang mga gamit at ibinalik sa malaking kahon. Matapos ay dinala niya iyon sa kanyang walk-in closet at tinago sa pinakasulok.

The sight and thought of all those things from unknown sender give her creeps.