Chapter 14
Pakiramdam ni Jin ay pinipiga ang puso niya sa tuwing lumalakas ang pag-iyak ni Rian. Nasa labas lang siya ng silid nito, kasama si Caspien.
Tahimik na nakatayo lang din doon ang kaibigan niya, paminsan-minsan ay sumisilip ito sa loob para tingnan ang nangyayari sa dalawa.
Ayon sa kuwento ng katulong na patakbong lumapit sa kanila, bigla na lang daw nagsisigaw ang dalaga. Nang buksan nito ang pinto ng kuwarto ay mas lalong nagwala si Rian kaya naisip na ng katulong na tawagin sila.
Ilang minuto pa ang lumipas, marahang lumabas si Rhein at agad na tumingin sa kanya.
“She’s looking for you.”
“Ako?” gulat na tanong niya.
Rhein made a way for him.
“Ano’ng sabi niya?”
“Wala siyang sinabi. Hinahanap ka lang.”
Naglalakad na siya papasok ng silid nang maramdaman ang isang kamay sa balikat niya. Nilingon niya ang may-ari niyon.
“Tingin mo may naaalala na siya sa nangyari sa kanya noon? She wouldn’t be asking for you if not.”
Bigla siyang nag-alangan. Paano nga kung naaalala na ng dalaga ang nangyari rito? Hindi niya alam kung ano ang gagawin.
“Hindi ko alam, Caspien.”
“Be careful with her,” singit ni Rhein. “She’s fragile,” paalala pa nito.
Tumango lang siya at tuluyan nang pumasok sa silid.
Narinig niya ang marahang pagsara ng pinto. Hindi na niya nilingon iyon at alam niyang aalis na rin ang dalawang naiwan sa labas.
Rian’s room looks so soft and feminine. Iba’t ibang shades ng pink ang makikita sa paligid, mula sa wallpaper, curtain, built in cabinets at furnitures.
“Jin...”
Agad niyag dinaluhan ang dalaga nang tawagin siya nito. Her arms were outstretched, as if waiting for him to return the embrace.
“What made you cry, Rian?” malumanay ang boses na tanong niya.
“Bad dreams.”
“What are those bad dreams?”
Naramdaman ni Jin ang tensyon na nagmumula sa dalaga. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap dito.
“Nothing bad will happen to you, Rian, as long as I’m here. We will protect you.”
“But you can’t protect me from my dreams.”
He moved to face her, cupping her small face with both hands, he planted a soft kiss on her temple. “Tell me about your dreams.”
Hinawakan ni Rian ang dalawang kamay niya, marahan iyong pinisil bago siya ginawaran ng tipid na ngiti.
“I was in a dark room. Nakakatakot, malamig. Nakakadena ang paa ko, nakahiga ako sa kama. I... I can’t move...”
Her breath hitched. Nagsisimula na namang mamuo ang luha sa magkabilang mata nito.
“It’s okay. Kung hindi mo kayang magkwento, ‘wag mo nang pilitin ang sarili mo.”
“Sasamahan mo ba ‘ko hanggang sa makatulog ulit ako?”
“Dito lang ako.”
Huminga nang malalim si Rian, a sigh of relief.
Pagkatapos ay kumilos na ito para humiga. Inalalayan niya ito, inayos ang kumot at muli itong kinintalan ng halik sa noo. Nanatili siyang nakaupo sa kama, nakasandal sa headboard ang likod at nakahawak sa kamay ng dalaga.
“Alam mo bang nakita kita sa panaginip kong ‘yon?”
“Ako?”
Tumingin nang diretso sa mga mata niya ang dalaga.
“Takot na takot ako, may anino na humahawak sa ‘kin pero hindi ko makita kung sino ang nagmamay-ari ng anino na ‘yon. Nagpumiglas ako sa kanya at tumakbo ako palayo. Pero kahit anong takbo ang gawin ko, parang hindi ako makawala sa kanya.”
She smiled timidly at him.
“Tapos dumating ka. Parang hindi ikaw ‘yon, parang ibang tao pero Jin ang tawag ko sa kanya. Parang ikaw na parang hindi ikaw. Ang gulo...”
“Malay mo, ako rin pala ‘yon.”
“I know it’s you. I’m sure it’s you. Your presence, the assurance, the security, nararamdaman ko ‘yon ‘pag ikaw ang kasama ko.”
“You can trust me, Rian.”
“Alam ko...”
“Matulog ka na...”
Muli itong ngumiti bago pumikit.
He keeps whispering words of assurance, casually stroking her hair until she calms down and eventually falls asleep.
Tumagal siya ng lagpas isang oras sa pagbabantay sa dalaga. When he’s sure she’s already in deep sleep, he sent his friends a text message.
Ilang sandali pa, nakarinig na siya ng mahinang katok sa pinto. Sumilip doon si Rhein.
Marahan siyang gumalaw, maingat na inalis ang kamay ng dalaga sa pagkakahawak sa kanya at saka walang ingay na lumisan ng silid nito.
“May sinabi ba siya sa ‘yo? Nakakaalala na ba siya?”
“Wala pa rin siyang naaalala.”
Sinundan niya si Rhein nang maglakad ito patungo sa dating office room ng yumao nilang ama. Naroon na rin si Caspien pagpasok niya.
“Anong kalagayan ni Rian nang magising siya?”
“Ayoko nang alalahanin ang araw na ‘yon.”
“Kailangan kong malaman, Rhein!” malakas na sagot niya rito.
He’s been deprived of the knowledge about her.
Natagpuan niya si Rian na nakahandusay sa kalsada isang gabi. Napakadungis nito, walang sapin ang mga paa. Puno ng sugat at galos ang buong katawan.
Ilang tusok din ng karayom ang nakita sa braso nito. She was drugged, maybe to keep her out of her right state of mind or to force her to sleep.
Hindi makausap nang matino ang dalaga nang matagpuan niya, mas madalas itong umiiyak, nanginginig sa takot ang katawan.
Nang dalhin niya ito sa hospital, biglang dumating doon sina Rhein at Caspien. Wala siya ng mga panahong iyon. Ang pinsan lang niya ang nakausap ng dalawa. Ang pinsan na rin niya ang nagsabi sa kanya na ililipat ng hospital ang dalaga.
Isang linggo ang inabot bago niya nasundan si Rian. Dumalaw siya sa kung saan ito naka-confine. Doon na rin niya nakilala at nakausap sa unang pagkakataon si Rhein na kuya ng dalaga at si Caspien na kaibigan ng magkapatid.
Rian’s body was too tired, her state of mind unstable and health too weak to stay awake for a long time. Matapos niyang magpakilala at magkwento sa dalawang binata, doon lang siya hinayaan ng mga ito na masilip ang dalaga.
Nandoon lang siya at nakabantay sa nahihimbing na dalaga habang tumutulong sa abot ng makakaya niya sa ginagawang imbestigasyon na may kinalaman sa pagdukot dito.
She was physically tortured. Halata rin sa pulsuhan at sakong ang pagkakagapos dito at ang pagpupumiglas para makalaya.
Isang linggo pa ang muling lumipas noon na nasa ospital lang siya. The other two guys started to warm up to him after coming out clean with the background check Caspien made on him.
Siya ang nakabantay sa ospital nang muling magising ang dalaga sa mas malinaw nang kaisipan. Siya ang naroon nang magpumilit itong bumangon para humingi ng tubig.
Siya ang naroon nang hanapin nito ang nakatatandang kapatid.
Siya ang naroon nang ilibot nito ang tingin sa buong kapaligiran at madiskubreng nasa ospital ito.
Siya ang naroon pero hindi siya nito nakilala.