Chapter 15

Rian kept toying with her food. Wala siyang ganang kumain.

Her uncle took her out for a late lunch. Na-stuck daw kasi ito sa isang meeting kaya hindi na nakakain sa tamang oras.

Nagkataon naman na nasalubong niya ito sa mall kaya ngayon ay magkasama silang dalawa. Maayos ang relasyon niya sa nakababatang kapatid ng yumao niyang ama. Wala siyang maitulak-kabigin dito.

Pero nagtatampo pa rin siya.

“Ayaw mo ba ng pagkain mo?”

Nahinto ang kamay niyang may hawak ng tinidor nang marinig ang boses ng kanyang tiyo. Nag-angat siya ng tingin.

“Busog lang po ako...” pagdadahilan niya katagalan.

“Nagtatampo ka ba?”

Binitiwan niya ang hawak na kutsara’t tinidor, pagkatapos ay pinagsalikop ang dalawang kamay.

“Tito...”

“Yes, princess?”

“Mabait naman si Jin...” panimula niya.

Biglang naglaho ang ngiti nito. Naging madilim din ang tingin. Ramdam niya ang pagbigat ng mood ng kapaligiran.

Hinamig ni Rian ang sarili. She’s ready to receive an earful because it’s obvious that her uncle doesn’t approve of Jin.

Kinabukasan matapos ang gabi na nagkaroon siya ng masamang panaginip, bumalik si Jin para kumustahin siya. Nagkataon naman na dumating ang tito niya at naabutan silang nag-uusap sa garden.

It was okay at first. Until her uncle learned that Jin was in her room the night before. Kinuwento ng isang katulong, minasama iyon ng tiyuhin niya, pinagbintangan ang binata na sinasamantala ang kanyang kabaitan.

Their heated argument turned into a fist fight. Nasuntok nito ang binata na akma ring gaganti kung hindi lang niya napigilan. Para makaiwas sa mas malaki pang gulo, sinabihan niya si Jin na umuwi na lang muna.

Wala noon ang kuya niya.

Nang silang dalawa na lang ang naroon, pinagalitan siya nito.

No one must enter her room, he said. She must protect her privacy, he implored. Ano na lang daw ang iisipin ng iba kapag nalaman na nagpapapasok siya ng lalaki sa kuwarto niya. Nagsimula itong magsalita tungkol sa delikadesa at magandang pag-uugali.

She wanted to reason out, but she was not given a chance. Sa huli, nanahimik na lang siya at hinayaan ito sa pagsermon sa kanya.

“I don’t think he’s good enough for you.” Kasimir reached out for her hand and squeezed it gently. “I’m just worried about your welfare, sweetheart. I don’t trust the guy.”

“Kaibigan po siya ni kuya, Tito Kas,” she argued.

“Still...”

Rian glanced at their hands when she felt his grip tightened. Gusto na niyang bawiin ang kamay niya pero hindi siya makawala mula rito.

“May pupuntahan ka pa ba pagkatapos nating kumain?”

“Wala na po.”

Kasimir signalled for the waiter to have their bill. Ilang minuto lang ay tumayo na ito at inaya na siyang lumabas.

“Ihahatid na kita pauwi.”

“Hindi na po kailangan. I’m actually waiting for Jessica. Pupunta kasi siya sa bahay ngayon kaya hinihintay ko na lang siya na sunduin ako rito.”

Kasimir looked at her suspiciously. Parang hinihintay nito na pumiyok siya o kumurap.

“I was waiting for her actually,” she added. Kinuha niya ang cellphone at kunwari ay tumipa roon. “Parating na raw po siya...”

Hindi sumagot ang kausap niya. Kinakabahan naman siya habang pinipilit ang sarili na huwag kumurap at gawing mukhang natural lang ang ngiti niya.

“Jessica is your friend from college, right?” katagalan ay tanong nito sa kanya.

“Yes po.”

“Hindi ba siya bad influence sa ‘yo? She might be pushing you to meet boys. I don’t want you to meet other boys. Dapat focus ka lang sa pag-aaral mo.”

“I do well in my study, tito. You don’t have to worry about me,” sagot niya at maluwag na ngumiti.

Nakatayo na sila at naghihintay sa labas ng mall. Nang may itim na sasakyang huminto sa tapat nila, nagpaalam na sa kanya ang lalaki.

“Take care, sweetheart,” turan nito. Naglakad na ito patungo sa backseat ng sasakyan. Pero bago ito tuluyang pumasok sa loob, muli itong naglakad palapit sa kanya. “I don’t want you talking about boys with your friend, ha. Focus on your study.”

He leaned closer and gave her a kiss on her cheeks. Pero dahil bahagya siyang umiwas, tumama ang halik nito malapit sa kanyang labi.

She wanted to react. Her face turned into a sour expression that the guy seemed not to notice as he was headed back to his car.

Nang makasakay na ito, kumaway pa muna ito sa kanya bago tuluyang umalis ang sasakyan nito.

Hindi pa nagtatagal, isang pamilyar na sasakyan na naman ang huminto sa tapat niya.

“Hop in.”

Hinintay niyang mag-unlock ang car door sa passenger’s seat.

"Tito Kasimir mo ba 'yon?" tanong nito sa kanya habang ikinakabit niya ang seatbelt.

Nilingon niya si Jin at alanganing nginitian.

"Oo. Nasalubong ko siya kanina habang hinihintay ka."

Yes, she lied. She lied about meeting Jessica when in fact, she's actually meeting Jin.

Gusto kasi niya itong kumustahin. Nag-aalala pa rin siya sa binata.

"Does he always treat you like that?" tanong nito habang minamaniobra ang sasakyan.

"Like what?" naguguluhang tanong niya.

Hindi na sumagot si Jin. Tahimik na itong nagmaneho nang makarating sila sa highway.

Hindi na rin siya nagpumilit na sagutin ang tanong nito. Pinagmasdan niya ang mukha ng binata.

Nagkukulay ube na ang kanang pisngi nito na tinamaan ng suntok ng tito niya.

"Masakit pa rin ba ang pasa mo?" nag-aalalang tanong niya katagalan.

"No. Mahina sumuntok ang tito mo," nakangising sagot nito. Sandali siyang nilingon.

"Mahina pa ba 'yon? Nakita ko kayang dumugo 'yan."

"Tumama rin kasi ang singsing niya, pero kung wala 'yon, I doubt kung magkasugat ako. Parang daplis nga lang, e."

"Kailangan mo pa ring gamutin 'yan. Baka ma-infect ka."

Nakarating na sila sa parking lot ng condo building ni Jin. Nang makababa, doon lang niya naalalang kumustahin ang kotse nito.

"Ano nga palang nangyari sa kotse mo?" tanong niya habang naglalakad sila papunta sa elevator.

"Nasa repair shop. For the mean time, pinagamit muna sa 'kin ni Caspien ang kotse niya."

Pagpasok nila sa condo unit ng binata, doon lang napalagay ang dalaga.

Pakiramdam kasi niya ay palagi na lang may sumusunod sa kanya at nagmamasid kapag nasa labas siya.

“What’s wrong?”

Biglang lumayo si Rian mula sa bintana nang tanungin siya ni Jin. Naglakad na siya patungo sa sofa at umupo roon. “Wala naman,” sagot niya.

“You can tell me anything.” Jin moved and sat beside her.

Sumandal siya sa katawan nito nang maramdaman ang pag-akbay nito sa kanya. She feels secured beside him, she feels protected.

“Do you usually have this gut feeling of someone observing you from afar or someone following you from behind?”

Naghintay siya ng sagot.

Wala.

Tahimik si Jin.

Tiningala niya ito para siguruhing nakikinig pa rin sa kanya ang binata.

He’s looking at her. Intently.

Puno ng emosyon ang mga mata nito.

“B-bakit?”

“Nararamdaman mo ba ang mga ‘yan ngayon?” His voice was deep and dark.

“Hindi naman.” She sighed. “Maybe I’m just worried. Hindi lang siguro ako sanay na nagsisinungaling kay Tito Kas. Sinabi ko sa kanya na magkikita kami ni Jess, pero ikaw naman talaga ang kasama ko ngayon.”

Muling katahimikan.

“I don’t want you to lie too.” Jin moved his arm away from her and made her sat in his lap. “And I always want to keep you safe.”

“I… can’t see how this is safe,” she answered, suppressing a smile and talking about the way she’s sitting in his lap now.

“Let’s talk about how to keep you safe later,” he whispers as he gently pulls her closer for a kiss.