Chapter 13

“Ano’ng nangyari sa sasakyan mo?”

Jin wanted to curse, pero nanahimik na lang muna siya dahil kasama niya ang dalaga. Halos isang oras lang silang nawala, sandali lang silang kumain.

Rian traces the scratches in his car hood with her fingers.

“Sinong gumawa nito sa kotse mo?” muling tanong sa kanya ng dalaga.

Nararamdaman na ni Jin ang pag-akyat ng dugo niya sa kanyang mukha. Bumibilis at bumibigat ang bawat paghinga niya. Ilang beses siyang lumingon sa paligid sa pagbabakasakaling makita pa ang may gawa sa kotse niya.

Wala.

Walang ibang taong nasa parking lot maliban sa kanilang dalawa ni Rian.

Umikot siya sa gilid ng sasakyan para tingnan ang gulong. Flat ang gulong sa driver’s side, halatang binutas.

“Nasa area lang naman ang kuya mo ‘di ba?” tanong niya sa dalaga pagkatapos inspeksyunin ang kabuuan ng sasakyan.

“I guess? Nabanggit niya sa ‘kin kanina na may meeting siya malapit sa kung saan tayo kakain, e.”

“Call him. Sabihin mo daanan tayo rito.”

Mabilis siyang sinunod ng dalaga. Agad nitong kinuha sa maliit na bag ang cellphone para tawagan ang kapatid nito.

“In ten minutes daw, madadaanan na niya tayo.”

“Good.” He made sure to bring the important things in his car and double checked the locks of his car doors. Matapos mag-check, inalalayan na niya si Rian at sabay na silang naglakad paalis ng parking lot.

Bumalik sila sa entrance ng restaurant para doon maghintay.

“Wala ka bang gagawin tungkol sa nangyari sa kotse mo?”

“Someone will take care of it.”

Hindi na nagtanong pa ulit ang dalaga.

May lounge area sa restaurant para doon umupo ang mga naghihintay na customers. Doon na rin sila naghintay ng dalaga.

“Okay ka lang ba?” tanong nito sa kanya.

Rian is sitting at one of the sofa while he remains standing beside her.

“What do you mean?”

“Iyong nangyari sa kotse mo.”

“It’s an isolated case. Baka nagkataon lang na ang sasakyan ko ang nakursunadahan ng kung sino.” Umupo siya para magpantay ang mga mukha nila. “Don’t worry about it, Rian. Maaayos pa naman ang sasakyan.”

Just in time, someone called their attention.

Si Rhein na mabilis silang nilapitan.

“What’s happening?” agad na tanong nito.

“Sa bahay na ninyo tayo mag-usap,” sagot niya. Rhein’s about to ask him more but he stopped him silently and implied that they can’t talk in her presence.

Magkakasabay na silang lumabas ng restaurant. Naka-park sa gilid ng kalsada ang sasakyan ni Rhein. Nang makalapit, doon niya nalaman na kasama nito ang isa pa nilang kaibigan na nakaupo sa driver’s seat.

No one dared to talk until they arrived home.

Kinausap niya lang sandali ang dalaga, in-assure na magiging ayos lang siya at ang sasakyan niya at nagpaalam na nang sabihin nitong aakyat na sa kuwarto nito para magpahinga.

He was left with the two other boys.

Caspien prepared three bottles of beer for them. Dumiretso sila sa garden para doon mag-usap.

“May nag-asikaso na ba ng sasakyan ko?” agad niyang tanong sa dalawa.

“Ando’n na ang tao ko. Sila na rin ang bahalang mag-retrieve ng dash cam mo kung sakali na may nahagip do’n,” paliwanag ni Caspien.

“Nagsisimula na naman ba ang nangyari dati?” tanong ni Rhein, nakatingin ito sa kawalan habang hawak ang bote ng beer.

“Wala pa rin bang result ang investigation ninyo, Cas?” baling niya sa binata.

Umiling lang ito at tumungga ng beer.

“Isa lang ang confirmed ko sa mga investigations na ginagawa ng agency namin...” Sandaling huminto si Caspien. Tumingin ito kay Rhein na ngayon ay nakatingin na rin dito.

Jin observed his two friends. Nawala na ang mapagbirong aura ni Caspien ngayon, magkalapat ang dalawang labi nito. Habang si Rhein naman ay mahigpit ang pagkakakuyom ng isang kamao.

“Their parent’s death wasn’t an accident. It was staged. Nasabi ko na ‘to kay Rhein kanina.”

“Kaya ba magkasama kayo ngayon?” tanong niya.

“Pauwi na ‘ko nang tumawag si Rian para magpasundo. Kakatapos lang naming mag-usap ni Cas no’n,” paliwanag ni Rhein sa halip na sagutin ang tanong niya.

“Ang inaalala ko lang ay kung paano ko ‘to ipapaliwanag sa kapatid ko.”

“Do you really need to? Especially now. Hindi natin alam o hindi tayo sigurado kung ang mga nangyayari sa ‘kin ay may kinalaman na naman sa kanya.”

Hindi ito ang unang beses na may nagtangka sa buhay niya. Jin’s injury before wasn’t an accident. Naglalakad siya sa kalsada patungo sa parking lot nang isang sasakyan ang bumunggo sa kanya. Wala iyong plate number, masyado rin niyang ininda ang pagkakahagip sa kanya kaya hindi na niya natingnan ang kabuuan ng sasakyan.

It was also when Rian visited his condo unit for the first time.

Masyado siyang nag-alala sa dalaga nang bigla itong magpakita sa pintuan niya. Natakot siya para sa kaligtasan nito. The perpetrator, with no identity as of now seemed to target everyone around her.

At hindi siya exception.

“Sa tingin niyo ba may kinalaman ang death ng parents namin sa kidnapping na nangyari sa kapatid ko?”

“Wala ba talagang maalala si Rian sa nangyari sa kanya?” tanong ni Caspien, halata sa boses nito ang frustration.

Caspien’s agency, who specializes in private investigations, reinvestigated their parents’ death and Rian’s kidnapping from three years ago. Kaya naiintindihan ni Jin ang frustration nito ngayong mukhang nauulit na naman ang nangyayari dati pero wala pa rin itong magawa.

“Wala bang possible link? Mga business competition or kung sino man ang may interes sa negosyo at yaman ninyo?” naiinis na tanong niya.

Panay lang ang iling ni Caspien.

“Ang tito mo?” Jin asked.

Caspien’s eyes grew bigger as he looked at him. Parang isang taboo na banggitin niya ang pangalan ni tito ng magkapatid. But Jin can’t really be at ease within the presence of their uncle. Isang beses pa lang niya itong nakita pero hindi na agad siya palagay rito.

Noong una ay naisip niya baka dahil kay Rian. Naiintindihan niyang maging overprotective ito sa dalaga lalo nang ipaalam rito ang paliligaw niya. He was after all, their legal guardian.

“Pati si Tito Kasimir pinaghihinalaan mo na ngayon?” tanong ni Rhein sa kanya.

“We really can’t trust anyone at this moment, Rhein.”

“Wala akong nakikitang motibo ni Tito Kasimir para saktan kami o ang mga magulang namin, lalo na si Rian.”

Katahimikan ang namagitan sa kanilang tatlo.

Jin stared at the untouched bottle of beer in his hand, Rhein started zoning out again and Caspien is thinking sislently.

Nabulabog lang ang katahimikan nila nang patakbong lumapit sa kanila ang isang katulong.

“Si Rian, umiiyak at nagwawala!” puno ang takot sa mukha na paalam nito sa kanila.