Chapter 12
Ano na ba talaga sila?
It’s the question that keeps bugging Rian every time she thinks of Jin Lucas.
Jin became extra sweet and attentive. Maging si Jessica ay napapansin iyon.
Isang araw, nang maisipan ng professor nila sa isang major subject ang mag-extend ng lecture, hinintay talaga siya ng binata sa labas ng classroom. Whispers started roaming around the room while stealing a glance at the handsome boy outside.
Nakita ni Rian na ilang babaeng estudyante ang lumapit dito, nagtangka na magsimula ng usapan pero lahat ng iyon ay hindi nito pinansin. When Jin looked inside the room and met her eyes, he smiled and mouthed that he’s waiting. She smiled and nodded in response.
Isang beses pa, nagsabi ito sa kanya na sasabay ng lunch. Hinintay nila ito sa cafeteria at nagulat silang dalawa ni Jessica na dumating itong may dalang sariling lunch bag. He cooked, he explained. Wala raw itong magawa kaya naisipan nitong magluto para sa kanila.
Patuloy pa rin ito sa pagsundo sa kanya papunta sa university at paghatid din sa kanya pauwi. Panay ang tukso sa kanila ni Jessica kapag wala ito pero pinapatigil na lang niya.
They are always together. Gaya ngayon.
Nag free cut ang huling klase niya. Kaya maaga silang pinauwi. Sa halip na ihatid siya sa bahay nila, nagkasundo silang mamasyal na lang muna. Nag-drive through na lang sila ng pagkain.
It’s three in the afternoon so the sun is still high. They returned to the place where they first dated, if Jin also considered it a date like her.
Nanatili sila sa loob ng sasakyan habang inuubos ang pagkain mula sa fast food. They also talk in between.
Nang masimot na ang pagkain, magkatulong nilang iniligpit ang basura at inilapag sa backseat.
They stayed there in silence, contented at the calming beauty of nature in front of them.
“Nakaka-miss din ang buhay sa province. Mas tahimik doon, mas sariwa ang hangin, mas payapa ang buhay,” Jin started.
Nilingon niya ito. She adjusted her position so she's facing him now. Nakahilig ang ulo niya sa sandalan ng passenger's seat. Nakatingin naman si Jin sa harapan, ang isang braso ay nakapatong sa manibela habang ang isang kamay ay nananatili sa kandungan nito.
“If you missed the province so much, why did you transfer here?”
Nilingon siya nito at tinitigan nang malamlam.
“I also wanted to experience the life in here,” he answered.
Nakipagtitigan si Rian sa binata. Napansin na naman niya ang kakaibang emosyon sa mga mata nito. He's keeping something from her, she suspects. There's so much his eyes are telling that his mouth is keeping. Gusto niyang malaman kung ano iyon. Pero alam niyang wala siya sa posisyon para magtanong.
“Bukod sa buhay sa probinsya, may iba ka pa bang nami-miss?” tanong niya ulit. “Your friends, parents...” Nagkibit-balikat siya bago nagpatuloy, “... girlfriend... Si Luna?”
“Are we really going to talk about my ex now?” natatawang tanong nito sa kanya.
Hindi na siya umimik. Mali ba na pag-usapan nila ang nakaraan nito? Minsan na niyang nabanggit kay Jessica ang tungkol doon. Pareho silang curious sa kung anong hitsura nito, kung anong nagustuhan dito ni Jin, kung paano at bakit sila naghiwalay, at kung nasaan na ito ngayon.
“Kung gano'n, ano ba ang pwede nating pag-usapan ngayon?” tanong niya.
Jin drummed the stirring wheel happily.
“Ikaw, kung anong gusto mong pag-usapan. Kung may mga gusto kang itanong.” He leaned closer to her. Umangat ang isang kamay nito at dumiretso sa ulo niya. Ginulo nito ang kanyang buhok at natawa lang nang magreklamo siya. “You seemed to have a lot of questions. Now is your time to spill it all.”
Am I really that obvious? She asked herself. May maitatago pa ba siya sa binata? Kung maging ang pagtahimik niya, bawat kibot ng labi at pagsimangot ay alam agad nito ang ibig sabihin.
“Hindi ka na magkakaroon pa ng ibang chance na magtanong, Riyanna.”
“What did you see in me that made you like me?” diretsong tanong niya.
Katahimikan. Parang gusto nang maglaho na lang ni Rian.
Tumikhim si Jin kaya muli siyang napatingin sa gawi nito.
“Your stubborness. I love how you know to protect yourself, but that made me care for you more. I love how uncertain you are with everything, but still have the courage to confront what you fear. I love your presence.” He touched her cheeks. “I love your smile.”
Rian can only stare while feeling the uncontrollable beating of her heart. There it was again. The sense of familiarity, the sense of déjà vu, as if this isn't the first time, as if this already happened to her, to them, with him.
“What are you thinking again?”
“H-huh?”
“Nakatulala ka na naman,” puna nito sa kanya.
Kumunot ang noo ni Rian. Jin, even after opening his heart to her or sharing his thoughts, remained a mystery to her. Malakas ang pakiramdam niya na marami pa itong tinatago, na may hindi pa ito sinasabi.
May parte ng utak niya ang palaging bumubulong na magtanong pa, na kilalanin pa ito, na may malalaman pa siya.
Huminga siya nang malalim.
“Minsan ba naramdaman mo na ang pakiramdam na may mga pangyayari ngayon na parang naranasan mo na noon? That kind of feeling you feel but you can't explain?”
“What do you mean?”
“This!” mabilis na sagot niya, bahagyang tumaas ang boses. “Parang nangyari na 'to dati. Parang pamilyar na ang ganito.”
“I don't get it, I'm sorry...”
“I know you won't.” Her eyes started to become watery. “Maybe it has something to do with my accident.”
Hinawakan ni Jin ang dalawang kamay niya. Masuyo iyong pinisil.
“What happened?” Jin asked with full of concern in his eyes and voice.
“I... can't remember. Bigla na lang akong nagising isang umaga na nasa hospital bed na. I forgot why I ended up there.”
“Rian...”
Sinapo ni Jin ng dalawang kamay ang mukha niya. Bahagya pa itong lumapit at tinitigan siya sa mga mata.
“Don't force yourself if you can't really remember. Baka may dahilan kaya kinalimutan ng utak mo ang mga alaalang 'yon.”
“Pero paano ako magiging buo? Pakiramdam ko, may parte ng pagkatao ko ang nawawala. Parang may kinalimutan ang utak ko na palaging inaalala ng puso ko. Parang may importanteng parte nito ang hindi ko dapat ibaon sa limot,” turan niya habang nakaturo ang daliri sa kanyang dibdib.
“Rian...”
“Paano ko masasabi na gusto talaga kita kung ang mismong nararamdaman ko nga hindi ko maintindihan.”
Hindi na niya napigilan ang pag-iyak. Patuloy siyang inalo ng binata. Kinabig siya nito palapit at niyakap. Umiyak lang siya habang patuloy ito sa pagpapatahan sa kanya.
Nang lumipas ang ilang sandali, nang pakiramdam niya ay naibuhos na niya ang lahat ng nararamdaman niya, nailabas na ang mga pag-aalinlangan niya, muli nitong sinapo ang kanyang mukha.
“Hindi mo kailangang matakot sa nakaraang hindi mo na maalala, Rian. You just have to live to the present. Nandito kami para protektahan ka. Nandito ako para samahan ka.”
“Hindi kita magagawang mahalin nang buo kung may parte ng pagkatao ko ang hindi ko matandaan.”
“I take what I can get. Kung hindi mo kayang magbigay ng buo, ako na ang magpupuno ng parteng may kulang.”
“Jin... you don’t deserve that kind of love. Masasaktan ka lang.”
“You are worth the risk, Rian. You are worth the pain, you are worth loving.”
Hindi na nagsalita pang muli si Rian. She consumed everything he said. She’s so focused in understanding every word, in imprinting every moment in her mind that when Jin descended to have a taste of her lips, it left her astounded.
And for the second time since Jin kissed her, she felt secured.