Chapter 11

Jin insisted the dinner so she stayed longer. Kasalukuyan itong nasa banyo ngayon at naliligo. Siya naman ay nakaupo sa dining table habang nakikipagtitigan sa delivered food na in-order nila. Gusto sana niyang magluto ng hapunan pero halos wala namang lamang pagkain ang maliit na ref ng binata. They settled for delivered food instead.

Nang bumukas ang pinto ng banyo at naramdaman niya ang paglabas ng binata, pakiramdam niya ay dinaanan ng malamig na hangin ang kanyang likod. Pinilit niyang huwag itong lingunin kahit na nangangati siyang pagmasdan ito.

“Dumating na ang order natin?” tanong nito.

Mas lalong kinabahan si Rian. Nakatayo lang ang binata sa likod ng kinauupuan niya. Naaamoy na niya ang mabangong samyo ng sabong ginamit nito at naglalaro na sa kanyang balintataw ang palagay niyang hitsura nito ngayon.

“Magbibihis lang ako.”

Tumango siya.

Tahimik niyang sinundan lang ng tingin si Jin habang naglalakad ito patungo sa kuwarto. Wala itong suot maliban sa tuwalya na nakatapis sa ibabang bahagi ng katawan nito. Kitang-kita ang malapad na likod ng binata na may tumutulo pang butil ng tubig mula sa basang buhok.

Napalunok siya at mabilis nag-iba ng tingin, takot na bigla na lang itong lumingon at mahuli siyang nakatitig.

Ilang minuto siyang naghintay bago siya dinaluhan ni Jin sa hapag. Naihanda na niya ang mga pagkain at naisalin sa mga plato.

“Pagkatapos mong kumain, ihahatid na kita sa inyo. Tumawag na ‘ko sa kuya mo para hindi siya mag-alala kakahanap sa ‘yo sakaling makauwi siya nang wala ka pa.”

“Hindi na ‘ko bata para bantayan ninyo 247.”

“I know, but we’re all worried about you. Nag-iisang kapatid ka lang ni Rhein, natural na mag-alala siya sa ‘yo palagi. You already lost your parents, he can’t lose you too.”

“How much do you know about my family?”

“Iyong mga nakwento lang ng kuya mo. Iyong gusto ko lang alamin tungkol sa ‘yo.”

Natigilan si Rian. Binalingan niya si Jin na mukhang hindi naman apektado sa bigat ng salitang binitiwan nito.

He’s interested to know her. He likes her. He’s concerned about her.

Naalala niya ang pinakadahilan kung bakit siya nagpunta roon. Gusto niyang magtanong. Gusto niyang manigurado kung totoo ba ang sinasabi nito sa kanya. Kung totoo ang nararamdaman nito para sa kanya.

“Hindi mo ba gusto ang pagkain?”

“Huh?” Ilang beses siyang kumurap.

Huminto sa pagnguya ang binata at tumitig sa kanya. “Hindi mo ba gusto ang pagkain? Hindi ka na kasi kumakain,” tanong nito.

“G-gusto…”

Mabilis na niyang ipinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos sila, ipinilit niyang siya na ang maghugas ng mga kinainan nila. Pinaghintay na lang niya si Jin hanggang matapos siya.

Pero paano siyang matatapos kung katabi niyang nakatayo sa harap ng lababo ang binata? Dinadaldal siya nito kaya halos hindi siya magkamayaw sa kung ano ang uunahin niya. Ang paghuhugas ba ng pinagkainan nila o ang intindihin ang mabilis na tibok ng puso niya dahil sa sobrang kaba.

Ilang beses na muntik dumulas sa kamay niya ang plato, muntik siyang makabasag ng baso at pinagtawanan siya nito nang tumulas hinugasan niyang mga kutsara at tinidor. He only stopped laughing when she sent him death glare. Nang sa wakas ay matapos na siya, inabot ni Jin ang malinis na towel sa kanya para punasan ang mga kamay niya.

“Ihahatid na kita sa inyo.”

No! She wanted to shout but she can’t voice out.

Injured si Jin ngayon. He met an accident, maybe the reason why he’s not seeing her after he confessed. Pero nandito na siya ngayon. Siya na ang lumapit dito, hindi pa ba sila mag-uusap?

Nang magsimula nang maglakad si Jin paalis ng kusina, pinilit niya ang sarili na sundan ito. Mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ng dalawang paa niya.

“Make sure na wala kang maiiwang gamit,” bilin nito sa kanya.

She repeated the whole sentence to herself. Napaismid siya pagkatapos.

Parang ayaw na ayaw kasi ni Jin na bumalik pa siya. Mukhang sinisiguro rin nito na wala siyang maiiwang bakas ng pagpunta niya roon.

“Bakit nakasimangot ka?”

Napatungo siya sa binata. Sa sobrang okupado niya dahil sa sariling iniisip, hindi na niya namalayang nakatingin na pala sa ito sa kanya.

“What were you thinking?” tanong nito.

Rian’s mouth left hanging open, her mind on haywire and her heart in an uncontrollable beating. Ang lapit na kasi ng distansya ng binata sa kanya. Napaatras siya pero mas lalo lang itong humakbang palapit sa kanya.

Nagpatuloy siya sa pag-atras hanggang sa naramdaman na niya ang sandalan ng sofa. She looked back and realized she had nowhere else to go.

Dumukwang naman si Jin sa kanya kaya bahagya siyang napaliyad para lang iwasan ito.

“Palagi ka na lang nakasimangot kapag magkasama tayo. Parang hindi ka masaya kapag ako ang kasama mo.”

Kumunot ang noo ng dalaga. Hindi niya alam na ganoon ang impresyon na nabibigay niya kay Jin. Hindi naman siya malungkot, pero aminado siyang palagi siyang nag-iisip dahil na rin dito. Dahil hindi niya mabasa ang nararamdaman nito.

“Wala na ba ‘kong nagawang maganda? I want to see you smile. I want you happy.”

Suminghap ang dalaga. Mas lalong nagwala ang tibok ng puso niya nang dumapo sa kanyang pisngi ang palad ng binata.

“Can you smile for me, Rian?” Jin asked in a deep voice. Parang puno ng pangungulila ang tinig ng binata.

Pumikit si Rian. Pinakalma niya ang sarili. Nagbilang siya sandali.

At sa pagdilat niya, nakangiti niyang sinalubong ang malamlam na tingin ng binata sa kanya.

“I’m happy when I’m with you, Jin,” she declared in a soft voice.

A small smile played on Jin’s lips.

Inangat ni Rian ang isang kamay niya at kumapit iyon sa T-shirt ng binata. She pulled him a little. Jin’s smile grew bigger as he leaned closer.

Hindi naputol ang ugnayan ng mga tingin nila, his eyes on hers, and hers on his moist lips. She wondered how it would feel being kissed by him.

Jin moistened his lips with his tongue. Rian followed the gesture and thought it was sexy. She gulped.

As Jin’s face inches closer, Rian’s heartbeat accelerates. She almost feels his breath fanning her face.

Rian’s eyes automatically closed with anticipation. Just when Jin’s just a dot closer, his phone rang.

“Tumatawag na ang kuya mo.”

Mabilis na napadilat si Rian, bahagya pang nakaawang ang labi.

Jin turned his back to answer the call. Tumayo naman si Rian nang tuwid at inayos ang sarili. Nang matapos ang tawag at muling humarap sa kanya ang binata, iba na ang ekspresyon ng mukha nito.

Mabilis itong nagtungo sa pinto, hinaklit ang susi ng sasakyan mula sa key holder at inaya na siyang lumabas. Tahimik siyang sumunod sa binata.

Their car ride was silent, wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Hindi alam ni Rian kung paano pa kakausapin ang binata. She was left hanging. She already bared herself on him. Nagmukha siyang desperada na mahalikan nito at naiinis siya sa isiping iyon.

Pagdating sa bahay, si Rhein ang bumungad sa kanila pagpasok nila. Nakasuot pa ito ng polo, nakatupi lang ang sleeve hanggang sa braso nito. Mukhang kakarating lang at parang hindi pa kumakain.

“Kuya,” tawag niya.

“Pinag-alala mo ako Riyanna!” bungad nito, nakahalukipkip ang dalawang braso.

“She’s safe, Rhein. ‘Wag mo nang pagalitan ang kapatid mo.”

“Alam mo naman ang sitwasyon ‘di ba! Nag-aalala lang ako sa kapatid ko.”

“Nasabihan ko na siya, Rhein. Kausapin mo na lang ulit,” malumanay na sagot ni Jin.

Natahimik naman ang kuya niya, mukhang nag-iisip.

“Kakain lang ako.” Bumaling ito sa kanya, “kumain ka na ba?”

Tumango siya. Tumingin ito sa bisita nila pero hindi na nagsalita. Umalis na ito at nagtungo sa kusina. Nakasunod lang ang tingin niya sa kanyang kuya.

“Aalis na rin 'ko, Rian.”

“Ihahatid na kita palabas,” pahabol na turan niya ang binata nang magsimula na itong maglakad patungo sa pinto hanggang sa makalabas sila.

Hindi na ipinasok ni Jin ang sasakyan nito dahil wala naman itong balak na magtagal.

“Pumasok ka na sa loob,” utos nito dahil nanatili siyang nakatayo sa may gate.

“Hihintayin muna kitang makaalis.”

“Paano kung pag-alis ko biglang may dumating na masamang tao at bigla ka na lang dukutin?” tanong nito, napairap siya. “Pumasok ka na. I’ll leave when I secured you’re safe inside your home.”

“Kaya ko namang alagaan ang sarili ko.”

Jin stopped playing with his car key and stared at her. “I know.”

“Kaya ko nang ipagtanggol ang sarili ko,” she added, trying to convince the guy.

“I believe so,” he uninterestingly replied, shifting his weight from one foot to the other.

Naiinis na si Rian. There she was, trying everything to convince him and yet he’s there, standing in front of him while listening uninterestingly too all her rants.

“Malaki na ‘ko, Jin...”

Humakbang palapit sa kanya ang binata.

“Obviously,” he answered. Kinabig nito ang ulo niya at ginawaran ng halik ang kanyang noo.

Rian’s heart dropped. Hindi niya inaasahan ang gesture na iyon.

Jin stared at her with a little smile and an endearing look in his eyes. He brushed her cheeks with his thumb then bid her goodbye.

Just when he’s out of her sight and she’s at the safety of her own room when it all sunk into her.

Jin just kissed her on her lips.