Kabanata 18
You can only feel loneliness, when you can feel its existence. You can pretend to be happy but your heart can't deny the emptiness.
Parang ako.
I can pretend to be happy but my heart knew how broken I was. Sugat na unti-unting humihilom sa pagdaan ng panahon. Bitak na nilikha ng mga taong mahal ko.
Mga taong bahagi ng buhay ko.
Pagkatapos naming mag-usap ni Grace ay umalis din ito. Ako na lamang ang narito sa dressing room at nagpapahinga. Ayaw ko pang umuwi. Mas gusto kong mapag-isa sa mga lugar kung saan walang naiwang bakas nina Bernard at Lara.
Lugar kung saan alam kong walang mananakit sa akin.
"Bernard umuwi ka na!" matigas kong wika kay Bernard. Nasa may sala ko ito at prenteng nakaupo roon.
"Ayaw ko pa nga. Mas gusto kong nandito sa tabi mo, Laura. Natatakot akong maagaw ka ng iba." walang pakialam na sagot nito.
Napabuntong hininga ako. Ilang beses na rin sa isang buwan nagpupunta si Bernard dito sa Maynila para akin. Ilang beses na rin niya akong sinusundo mula sa shooting para ihatid pauwi.
Sa takot na maghinala ang medya at mga kakilala ay lagi ko siyang pinagbibigyan. Pinapakitunguhan ng maganda dahil alam kong may mga matang nakatutok sa amin lalopa't nalalapit na ang eleksyon.
Umupo ako sa katapat niyang upuan. I crossed my arms and looked at him with disbelief.
"Hindi ko alam kung manhid ka ba talaga, Bernard o nagpapanggap lang. Alam mo na sa simula pa lang ang sitwasyon natin, di ba? Bakit mo pa pinipilit ang mga bagay na hindi na pwede?" wika ko.
Nakita ko kaagad ang paglamlam ng kaniyang mga mata. Umayos din ito ng upo at nagmukhang maamong bata.
"Laura, hindi ba pwedeng kalimutan na natin 'yon? We can live a new life! Ikaw at ako at ang magiging mga anak natin. Sana naman pagbigyan mo na ako. Patawarin mo na ako," sagot naman nito.
Napangisi ako ng mapait. "I can always forgive, Bernard. But, I can't forget. Ang tasa kapag nagkabitak hindi na pwedeng maibalik sa dati. Parang tayo." mahinang sagot ko dito.
Ilang sandali kaming tahimik. Pareho rin kaming nagulat ng isang malakas na katok kaming narinig. Nagkatitigan pa kami saglit bago ko napagdesisyonan na buksan ang kung sinuman sa pinto.
Nang tuluyan ko itong mapagbuksan ay nagulat ako sa nakita. Ngunit mas nagulat ako nang isang sampal ang bumati sa akin galing sa aking hindi inaasahang bisita.
"Malandi ka talaga!" bulyaw nito sa akin. Hindi pa ito nakuntento at itinulak pa ako nito at agad na pumasok sa aking apartment.
"Lara!" pigil ko dito ngunit naging bingi ito.
"Putang*na ka, Bernard! May sakit ang anak natin pero nakuha mo pang lumuwas ng Maynila?! Puta ka!" sigaw nito sa harap mismo ni Bernard.
Dahil sa narinig ay binaling ko ang atensyon sa kanila. Nakita ko pang tumayo si Bernard at nilapitan ang aking kakambal. Nakita ko rin kung paano umalog ang balikat ni Lara at pumalahaw ito ng iyak.
"Tumahan ka na, uuwi na tayo." pag-alo ni Bernard dito.
"Hanggang kailan mo ba kami sasaktan ng anak mo? Palagi na lang kaming nang-aamot ng atensyon!" narinig kong wika nito.
Nasaktan ako sa nakita. Akala ko matatag na ako. Na sa nagdaang panahon nakalimot na ako sa lahat. Mali pa rin pala.
Ngunit mas mali kung patuloy akong kakapit kung alam kong sakit lang ang ibibigay nito sa akin.
Sa mga sandaling iyon ng aking buhay naisip kong tama ang naging desisyon ko. May mga bagay na kailangan ko nang bitawan dahil may mas higit na nangangailangan nito.
Si Lara at ang anak niya. Kailangan nila si Bernard higit sa akin.
Naputol ang lahat ng iniisip ko nang may marinig akong mahinang pagkatok. Inayos ko ang aking sarili at agad na tinungo ang pinto. Nanlaki kaagad ang aking mga mata nang makita kung sino iyon.
"Akala ko, may masama nang nangyari sa'yo!" wika kaagad nito. Dama ko sa kaniyang boses ang pag-aalala para sa akin na ipinagtaka ko.
"A-Andrew?" tanging nasabi ko na lamang sa sobrang gulat sa naging reaksyon niya.
Napangisi ito ng nakakaloko sa akin. "Alam kong gwapo ako pero hindi ko akalain na nakakatulala pala ang kapogian ko? Kumusta ka na, Laura?"
Nagising ako sa biro na iyon ni Andrew. Ilang beses ko pang ipinikit-pikit ang aking mga mata dahil sa pagkapahiya. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng aking pisngi. Agad ko siyang hinampas sa balikat at inirapan. "Yabang mo! Ano namang mangyayari sa akin, aber?" sabi ko pa.
Tumawa ito habang napapailing. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang kasiyahan. Napangiti rin ako dahil doon at kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam.
"Tara na nga!" nakangiting saad nito.
Tumango ako. Mabilis kong kinuha ang aking mga gamit at sumama dito. Nagpalinga-linga pa ako sa bawat lugar na aming madadaanan. Natatakot na baka may makakita sa amin at pagpiyestahan ng madla.
"Ang lamig ng kamay mo, Laura." wika nito.
"Pasensya ka na, nag-iingat lang kasi ako." sagot ko.
Ngumiti si Andrew sa akin. Nakahinga na rin ako ng maluwag dahil malapit na kami sa kaniyang sasakyan. Kahit medyo ilang ang sitwasyon ay hinayaan ko na lamang. Nakahawak siya sa aking kamay habang dala sa kaniyang balikat ang aking bag. Kung may makakakita man sa amin ay tiyak kong iba ang iisipin.
Mabilis naming nilisan ni Andrew ang lugar. Sumakay kami sa dala niyang sasakyan at parehong tahimik na pinapakiramdaman ang bawat isa. Alam kong sumusulyap siya sa akin. Ramdam ko ang intensidad sa bawat titig niya.
Naninibago din ako sa aking sarili. Naiilang ako kay Andrew na hindi ko maipaliwanag. Imbes na kausapin ay tinanaw ko na lamang ang aming bawat madadaanan. Napangiti ako sa aking naisip. Pagktapos ay mahina kong tinampal ang aking noo.
"Masaya akong makita ka, Laura. Lalo na kapag ngumingiti ka nang ganyan." wika nito.
"Salamat. Bakit ka pala nandito?"
"Sinusundo kita. Nasa Manila Pen sina Papa. Gusto ka niyang makausap."
"Ngayon na ba?" tanong ko. Nagdadalawang isip ako kung kaya ko na bang makaharap ang Papa ni Bernard. Natatakot ako dahil alam kong may galit ito sa akin.
"Hindi. Sinadya ko talagang agahan dahil gusto kong maglibot sa Maynila kasama ka Laura."
Napangiti ako sa sinabi ni Andrew. Sinulyapan ko siya at nakitang seryoso lamang itong nagmamaneho. Sa ganitong pagkakataon hindi ko maiwasang pagmasdan ito.
Gwapo si Andrew. Bagay na bagay sa mukha nito ang kulay kayumanggi nitong balat. Maging ang pangahan nitong mukha ay pumares din sa matangos nitong ilong. Malaki ang katawan ni Andrew na alam kong batak sa gawaing bukid.
Ngunit sa kabila niyon, hindi maitatangging angat ito kumpara sa mga nakikita ko palagi na mga celebrity. At base sa porma nito ngayon, nagmukha itong modelo ng Abercrombie men.
"Hindi ko alam na nakakagwapo pala ang bukid."
Agad kong tinakpan ang aking bibig. Lumingon kaagad ako sa bintana ng kotse at nagkunwaring abala sa panunuod sa labas ng Metro. Kinastigo ko rin ang aking sarili dahil sa kapangahasan. Papaano ko nasabi ang bagay na iyon nang hindi ko namamalayan?
'Napakatanga!' pagkastigo ko sa sarili.
"Hindi ko rin alam na nagiging bolera ang mga taga-Maynila? Pero, salamat pa rin." mahinang anas nito.
Sa sinabi nito ay alam kong mas naging mapula ang aking mukha. Para akong teenager na nahihiya sa harap ng crush nito kung umasta ngayon. Isiniksik ko rin ang sarili sa dulo ng aking kinauupuan.
"Huwag mo akong tuksuhin. Nakakainis 'to." wika ko pa.
Tumawa si Andrew. Hindi isang simpleng tawa ngunit isang halakhak na pumuno sa buong kotse. Weird but I felt relief.
Mula nang mamuhay akong mag-isa lagi na lamang akong nakadepende dito. Minsan dinadalaw ako ni Andrew madalas naman ay tinatawagan. Lagi niyang ipinapakita ang aking kabayong si Kidlat at ang malawak na taniman na kaniyang pinapamahalaan.
Wala man kaming matinong pinag-uusapan ngunit ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin. In life, we only need one person. Isang taong kaya tayong samahan sa lahat ng pighati at kasiyahan. Yung taong hindi tayo iiwan kahit na katapusan na ng mundo.
Maswerte ako dahil hindi lang isa ang meron ako. I had Olive and Andrew with me. At ngayon, nadadagdagan pa sila. Ang orphanage na itinuring ko nang pamilya. Si Laila na laging nagpapasaya sa akin kapag malungkot ako. Silang lahat na laging kasama ko sa pagbabago.
"Saan tayo pupunta ngayon?" tanong ko kay Andrew.
"Kahit saan. Kahit saan mo gusto, Laura." mahinang sambit nito.
Napangiti ako dahil doon. Sa kabila nang nagdaang panahon ay ramdam ko pa rin ang pagkagusto ni Andrew sa akin. Hindi ito maikakaila ng aking sarili. Damang-dama ko at natatakot rin ako sa mga posibilidad.
"Pwede bang mamili tayo sa mall? Tapos punta tayo sa orphanage!" tanong ko sa kaniya.
"Basta para sa'yo. Alam ko kung gaano mo sila pinapahalagahan kaya, syempre naman." sagot naman nito.
"Gusto ko kasing makita ang mga bata. Sayang, nauna na si Grace." wika ko pa.
Family does not define by blood. It is a union of hearts. The willingness to be with each other every time. And the readiness to help when someone is in need. A pure and genuine love without expecting in return.
Sa naisip ay hindi na nawaglit sa aking puso ang saya. Hanggang marating namin ang mall ay naiisip ko na ang ngiti ng mga bata sa aking munting regalo. I give without expecting in return. Masaya na ako sa isang ngiti galing sa inosente nilang mga mata. It is what I call a complete day. Making someone smile.
Hinintay kong mai-park ni Andrew ang kaniyang sasakyan. Dali-dali kong binuksan ang pinto ng kotse ngunit naka-lock pa iyon kaya agad ko siyang binalingan. Nakataas agad ang aking kilay ngunit baliwala iyon kay Andrew bagkos ay may isang ngiti akong mababanaag sa kaniyang mga labi.
"Bakit ka nakangiti d'yan? Buksan mo na, dali!" wika ko. Pinilit kong haluan ng inis ang aking boses ngunit hindi rin niya ito pinansin.
Tumawa si Andrew ng mahina. Tawang nakakaakit pakinggan para sa iba. Pagkatapos ay sumeryoso ang mukha nitong nilapitan ako.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Kumakabog ang puso ko dahil sa kaba habang pinagmamasdan siyang papalapit. I instantly closed my eyes when I saw him nearing me. Natatakot ako. Hindi ko alam.
"Ayan, bagay pala sa'yo ang may salamin sa mata."
I instantly opened my eyes. Bumungad kaagad sa akin ang malabong tanawin. I removed the eyeglasses in my eyes and looked at him with a creased forehead.
"Ano naman ang gagawin ko dito?" tanong ko habang inilalahad sa kaniya ang hawak kong Ray-ban. Plain white lamang iyon at akma sa mga nauusong nerdy look.
"Disguise," maikling paliwanag nito.
Tumango ako at isinuot ko pabalik ang eyeglasses. Kumurap-kurap pa ako upang masanay ang aking mga mata sa aking nakikita. Agad kong binalingan si Andrew at nakitang titig na titig lamang ito sa akin.
"Bagay ba? Hindi na ba ako makikilala?" tanong ko dito.
Tumango ito na tila nahihipnotismo.
"Hanggang kailan mo balak mahalin ang kapatid ko, Laura? Dahil ngayon, gustong-gusto kong halikan ka." bagkus ay sabi nito.
My heart beat faster that it hurts me. They said it only take a second to fall in love but a lifetime to forget. And now, I don't know.