Kabanata 17
Nagising ako na sapo ang aking ulo. Para itong binibiyak sa sobrang sakit nito. Pumikit ako pabalik at kinumutan ang sarili. Gusto ko pang matulog ulit, para makabawi man lang sa pagod na naranasan ko sa mga nakalipas na araw. Wala rin akong gagawin kaya gusto ko pang magpahinga.
Kapag nakakatulog ako ay doon ko lamang nararamdaman ang tunay kapayapaan.
Unti-unti akong nilalamon ng antok nang makarinig ako ng ingay mula sa labas. Dali-dali akong dumilat at pinakiramdaman ang paligid. Ilang sandali pa ay natampal ko ang aking sariling noo.
Paano ko nakalimutan na nandito nga pala si Bernard sa aking bahay? Kinutusan ko ang aking sarili at dali-daling bumangon. Ni hindi na ako nag-abala na mag-ayos. Nang sulyapan ko ang aking alarm clock ay napamura ako sa isip. Alas diyes na nang umaga at tiyak kong gutom na ito.
'Nakakainis.' pagkastigo ko sa aking sarili.
Mabilis ang aking mga hakbang patungo sa aking maliit na sala. Nilibot ko ang aking paningin at nagtaka nang wala na doon ang aking dating asawa. Maayos na rin nitong naitupi ang ginamit na higaan kagabi. Isang bagay na nakakapanibago para sa akin.
Ipinagkibit balikat ko na lamang ang aking nakita at sinundan na lamang ang mahinang ingay na aking naririnig. Galing ito sa kusina kaya dali-dali akong nagtungo doon.
Bumungad kaagad sa akin ang nakatalikod na pigura ni Bernard. Abala ito sa pagluluto ng kung ano habang umaalog ang balikat nito. Tumikhim ako upang makuha ang kaniyang atensyon at hindi naman ako nabigo.
"Kinatok mo na sana ako. Hindi ka pa naman sanay magluto." wika ko kaagad nang lumingon siya sa akin. Nilapitan ko siya at tiningnan ang kaniyang ginagawa. Napataas pa ang kilay ko nang hindi lamang simpleng agahan ang ginawa nito.
Isang shrimp and bacon fried rice iyon na may maraming dahon ng sibuyas sa ibabaw. Tapos na rin siyang nagluto ng hotdog at sunny side up na itlog na napakagandang tingnan dahil gitnang-gitna ang yolk.
"Ayos lang. Naaalala ko kasi noong magkasama pa tayo, ni hindi man lamang kita naipagluto kahit kailan." wika nito. Saglit niya akong tinitigan at nginitian ng bahagya pagkatapos ay ibinalik na naman niya ang atensyon sa kaniyang ginagawa.
"Ako na gagawa niyan. Umupo ka na," wika ko na lamang kapagkuwan.
Tumigil si Bernard sa kaniyang ginagawa at tinitigan ako ng mariin. Ang mga mata nito ay katulad pa rin ng mga nakaraan. Malungkot at umaasam.
"Laura, hayaan mo naman akong pagsilbihan ka. Gusto kong makita mo na nagsisisi na ako. Na sana, sinabi ko sa'yo ang totoo." nahihirapang sambit nito.
Napabuntong hininga ako at hindi na lamang siya pinansin. Sumasakit ang ulo ko at ayaw ko nang dagdagan pa ng isang isipin. Tumango ako kay Bernard at nagtungo sa bakanteng silya. Umupo ako roon at hinayaan siyang pagsilbihan ako na tulad nang nais niya.
Isa-isa niyang inilalagay ang mga pinggan na may lamang pagkain sa mesa. Habang ako naman ay mataman lamang na nakamasid sa kaniya. Hindi ko maiwasang isipin na sa loob ng isang taon at mahigit na pagsasama namin ni Bernard ni minsan ay hindi niya pa nagawa ang bagay na ito.
Napangiti ako ng mapait. Unti-unti na namang sumibol sa aking puso ang isang hindi maipaliwanag na pakiramdam. Pakiramdan na dahan-dahang bumabalot sa aking puso na lumilikha ng isang walang kamatayang kahungkagan.
Sadyang may mga bagay na tyaka na lamang natin mapapansin kong kailan pa natin ito naramdaman. Minsan tayong nagbibingi-bingihan ngunit madalas nagbubulag-bulagan.
Binulag ko ang aking sarili sa pag-aakalang kailangan kong ibigay ang lahat kay Bernard. Na kailangan ko siyang pagsilbihan dahil asawa niya ako. Ngunit ngayon, napagtanto kong mali pala ako. Na dapat pala sa isang relasyon ay dalawa kayong kikilos. Sa isang relasyon dapat may ibigay ka ngunit dapat din ay mayroon kang makuha.
In a relationship, it should be give and take.
"Pasensya ka na at 'yan lang ang alam kong lutuin. Nakialam na rin ako sa kusina mo. Kumain ka na, Laura." pag-agaw ni Bernard sa aking iniisip.
Tumango ako at dinampot ang tinidor na inilagay niya sa aking plato. Tiningnan ko rin siya habang nakatayo at nakatanghod lamang sa akin.
"Kumain ka na rin, Bernard." aya ko dito.
"Pero Laura, para sa'yo 'yan."
"Hindi ako nakakakain kapag may nanonood sa akin. Hindi mo nga talaga ako kilala, Bernard." mapait kong sabi dito kapagkuwan.
Tumango siya at agad na tumalilis upang kumuha ng sariling plato. Pagkatapos ay umupo siya kaagad sa katapat kong silya. Akmang kukuha ako ng pagkain ng inunuhan niya ako sa paglalagay nito sa aking plato. Gusto kong mainis sa kaniya ngunit pinigilan ko ang sarili.
"Kailan ka ba, uuwi?" putol ni Bernard sa aming katahimikan. Kanina pa kami kumakain at wala ni isa sa amin ang naglakas ng loob na magsalita.
"Hindi ako uuwi, Bernard. Ito na ang bagong buhay ko." sagot ko sa kaniya.
Nakita kong nalukot ang mukha nito. Nagyuko din ito ng ulo pagkatapos. Nakakaawa kong titingnan ang isang Mayor na nagpapakababa para sa akin. Marahil ang iba ay magagalit pa sa akin. Ngunit, masisisi ba nila ako? Nasaktan ako, ginago at higit sa lahat nawalan ako ng anak.
Nagtagal pa nang ilang oras si Bernard sa aking unit. Pilit siyang gumagawa ng paraan upang kausapin ako at humingi ng tawad ngunit lagi na lamang ay nababara ko ang kaniyang mga sinasabi.
"Laura, patawarin mo na ako. Nagsisisi na ako." pagsusumamo pa nito. " Bakit ba tayo nagkaganito?" dagdag pa nito.
"Bakit hindi mo naaalala? May amnesia ka na ba?" sarkastiko kong tanong dito.
"Alam ko, nagkamali ako, Laura. Pero hindi mo ba ako mapagbibigyan?" dagdag pa nito.
Sinamaan ko siya ng tingin. Nasa sala kami ng aking unit at parehong nakaupo. Kanina ko pa siya pinapaalis ngunit palagi na lamang itong nagmamatigas. Hindi ko alam kung nakakaintindi ba siya sa akin o talagang makapal ang kaniyang mukha.
"Sa tingin mo ba, ganoon lang kadali 'yon? Na kapag hihingi ka ng tawad ay agad-agad kitang patatawarin? Hindi mo alam kung gaano kasakit ang ginawa mo sa akin, Bernard? Sa lahat ng babae, ang kakambal ko pa? Hindi ko nga alam kung bakit maayos pa rin ang pakitungo ko sa'yo." mahabang litanya ko dito.
Muli ay nalasahan ko na naman ang pait sa aking buong pagkatao. Natanong ko rin ang sarili kung kailan ba ako makakawala sa masalimuot na pakiramdam na iyon? Siguro kailangan ko pa ng mahabang panahon. Marahil ay hindi pa sa ngayon.
"Wala akong kasalanan. Inakit niya lang ako. Ikaw ang mahal ko, Laura. Maniwala ka naman sa akin." mahinang sagot naman nito.
"Kung mahal mo ako, hinding-hindi mo ako sasaktan. Masama ba ako Bernard?" tanong ko dito.
Nagkatitigan kami ni Bernard ng ilang sandali. Pagkatapos ay kusa siyang nagbaba ng kaniyang ulo. Alam kong may agam-agam kami pareho. Alam kong kailangan namin ni Bernard na hanapin ang aming sarili. Kung ano ba talaga ang tunay naming nadarama para sa isa't isa.
"Umuwi ka na," huling sinabi ko dito.
Ramdam ko man ang sinseridad sa boses ni Bernard. Ramdam ko man ang kaniyang pagmamakaawa. Ngunit, tanging iling pa rin ang kaya kong isagot sa kaniyang hiling na kapatawaran.
Tumango siya at laglag ang mga balikat na nilisan niya ang aking apartment. Nang tuluyan siyang makaalis ay napabuntong hininga na lamang ako. Mapapatawad ko man si Bernard ngunit hindi pa ngayon.
Maraming nangyari. Maraming nagbago. Hindi pa rin ako bumabalik ng San Vicente tulad ng sinabi ko. May mga tao akong gustong madalaw. May mga tao akong gustong makausap. Ngunit, hindi ko alam kung natatakot ba ako o nasasaktan ang dahilan kung bakit hindi ko magawang umuwi.
Alam kong malapit na akong magbalik sa lugar na iyon. Election is approaching and it is inevitable. Minsan dinadalaw ako ng Mama ni Bernard ngunit hindi rin ito nagtatagal. Hindi na rin katulad ng dati ang pakikitungo nito. Two years is enough to change everything.
"Grace, may ibibigay ako sa orphanage ah, baka makalimutan mo. Pwede bang daanan mo na lang?" pakiusap ko sa aking P. A. Nasa dressing room kaming dalawa at handa na para umalis.
"Oo naman po, Miss Laura. Tyaka, bigay po pala ng asawa niyo." sagot naman nito sabay abot sa akin ng isang pumpon ng mga bulaklak. "Mahal na mahal talaga kayo ni Sir Bernard. Ngayon lang kayo hindi nasundo." dagdag pa nito.
Napangiti ako at tinanggap ang bulaklak. Magmula ng magpunta si Bernard sa aking apartment ay lagi na itong nakabuntot sa akin. Nagbabyahe ito mula San Vicente hanggang Maynila para lamang madalaw o masulyapan ako.
"May trabaho 'yon. Kaya, wala." sagot ko na lang.
Life is tough for me that I need to be tougher. Hindi naging madali ang pagsuong ko sa aking bagong buhay. I am coping and still striving from all the pain while, loving myself more in the process.
Hindi ko man masasabing naging matagumpay ako sa paglimot. Ngunit masasabi kong malaki ang naging pagbabago sa akin. I am stronger now.
'Huwag kang mag-alala, Miss. May bago kang taga sundo. Mas gwapo." kinikilig na sabi nito.
Napailing ako sabay napangiti. " Sino naman? Ikaw talaga, napakarupok mo sa mga gwapo."
"Naman! Very rare na ang species nila Miss!" natatawang sagot naman nito.
"Talaga? Naku! Grace, mas mainam pa rin ang mabait kaysa gwapo. Okay," pairap kong sabi dito.
Tumawa ito ng malakas kaya sinamaan ko ito ng tingin. Nag-aalala ako na baka sitahin kami ng production. Maging ng ibang artistang kasama ko.
"Naku! Looks matter Miss." naiiling pang sabi nito.
Hindi na lamang ako nakipag-argumento pa dito. Tumango na lamang ako at napabuntong hininga. Maybe, look really did matter. Pero mas mainam pa rin ang kabutihan ng puso.
True love. A genuine one whom wouldn't alter when temptation comes. A marriage of true minds.