Chapter 6

BreakfastNagising ako sa buhos ng malamig na tubig at nakita ko ang lalaki na nasa harapan ko " hhhhhohhhhhhh " na agad akong napaupo muka sa pagkakahiga " Hindi kita pinunta rito para magpasarap buhay, kaya ano pang hinihintay hintay mo Jan tumayo ka atbipag handa akong pagkain" anang lalaki na pasigaw ang boses

Agad akong tumayo at nagtungo sa banyo upang maghilamos at gawin na ang utos ng lalaking yon. Paglabas ko ng cr dali dali akong nagpuntang kusina Hindi ko na hinanap si nanay Linda. Nanginginig ang buong katawan ko dahil na rin siguro sa takot sa lalaking yon. Hindi ko lubos maisip na sa katangahan Kong iyon magiging mesirable ang buhay ko.

Sa sobrang nervous na baka masigawan ulit Hindi ko na alam kung ano dadamputin ko sa ref may kalakihan ang ref dito at maraming stock pero Hindi ko alam kung ano ang lulutuin ko para rito. Gusto ko magtanong Kay nanay Linda para magkaroon ako ng idea pero Hindi ko sya makita sa mansion. "Lord please help me . anong ihahain ko ? " bulong ko sa kawalan

Hindi ako ganun ka experto sa pagkain pero normal lang namn sa umaga ang sangag na kanin may bacon namn at tukwa tas nag nag prito ng chicken legs at itlog ito lang ang alam Kong karaniwang niluluto pang breakfast. Kukuha rin ako ng tinapay at tinoasted ito inihanda ko na ito sa table at nakita ko namn na pababa na yong lalaki na masungit may hawak siyang aso at napaka cute into. Agad siyang umupo para kumain yong cute na asong hawak niya nilagay niya sa kabilang upuan malapit sa kaniya.

Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya pag natikman niya ang luto ko. Hindi ko na rin kasi ito nilasahan kanina sa sobrang pag mamadali kaya wala din akong idea kung anong lasa. Kinabahan ako ng tumungin siya sa akin " jusko sana masarap yong luto ko " bulong ko sa sarili ng bigla siyang nagsalita

"anong tinitingin tingin mo Jan ?" na nakatingin sa akin ng Mariin "p--p--po" pautal Kong sabi nakaka kaba bawat galaw talaga sisitain ka.

"Just made a coffee for me" utos niya sa akin "o--o--okay po sir" at mabilis na naglakad papuntang kusina para ipagtimpla siya ng Kape. Kung sa kape lang ang usapan masarap akong magtimpla yon din ang sinasabi sa akin ng mga katrabaho Kong nakikisuyo magtimpla ng kape.

Agad ko itong binigay sa kaniya. Isang higop ng kape wala siyang nasabi. Masarap nga talaga ako magtimpla.

Nandito ako ngayon sa gilid ng pool sabi niya kasi linisin ko baka may balak siyang maligo. Pinagmamasdan ko ang mukha ko sa reflection ng tubig at agad akong natulala. Hindi ko alam kung ilang minuto akong tulala na nakatingin sa reflection ng mukha ko. Naalimpungatan ako ng biglang may nagtulak sa akin dahilan para mahulog ako sa pool. Naririnig ko lang ang pag tawa ng isang lalaki. Hindi ako makahinga medyo may kalaliman ang pool Hindi ako marunong lumangoy ranging sigaw ko lang "help!!! Siiiiiirrr!!!!!! Help!!! " at tinataas taas pa ang akong kamay para humingi ng tulong nakatingin lang siya sa akin ng may demonyong ngiti ito na ata ang papatay sa akin.

" ohh c'mon don't be so OA hahah" sabay tawa na nakaharap sa akin

Nahihirapan na akong huminga at maraming na ring tubig ang nakapasok sa ilong at bunganga ko feeling ko ilang Segundo na lang malulunod na talaga ako

" Zeus!! Nak ano tinitingin tingin mo jan iahon mo siya" sabay tampal sa braso ng lalaki "diyos ko !! ZEUS !! Naririnig Moba ako. iahon mo siya!!" May pagalala na sabi ng matanda