CHAPTER 99
"Diyos ko 'wag naman sana magkatotoo itong iniisip ko ngayon. Sana ay mali lang ako ng iniisip 'wag naman sana umabot pa sa puntong magkakaroon ulit ako ng trauma. Ikaw na lamang ang bahala," bulong ko pa sa aking sarili sabay huminga ng malalim habang balisang balisa na.
Ilang saglit pa ay nakita kong pumasok sa isang private house si Savannah kung kaya't pinahinto ko na lamang ang aking sasakyan lalo pa at makikita nila ang aking pagpasok doon.
Humanap muna ako ng magandang pagtaguan ng aking sasakyan upang hindi nila ito makita. At nang makahanap na ako ng magandang lugar na pagtaguan ng aking sasakyan at agad akong tumungo sa entrance ng private house na pinasukan ni Savannah.
Wala namang ka tao-tao ang lugar na ito pero bakit naririto ngayon si Savannah. Ano naman ang gagawin niya rito, imposibli naman na pupunta siya rito ng mag-isa.
Siguro ay may taong nag-aantay sa kanya sa loob ng private house na ito.
Mayamaya pa ay napaisip ako sa aking gagawin upang makapasok sa loob ng hindi nila makikita kung kaya't pumunta ako sa likod ng bahay at humanap ng pweding paglusutan o pagdaanan. At sa kagandahang palad ay nakahanap nga ako ng maliit na daraan kung kaya't nakapasok ako sa loob ng private house na ito.
Ilang saglit pa ay nakita kong papunta mismo si Savannah sa aking kinatatayuan kung kaya't agad akong nagtago sa damuhan para lamang hindi niya makita.
Mayamaya pa ay umalis na siya at nakita ko siyang pumasok sa isang kwarto. Dali-dali ko naman siyang sinundan habang dahan-dahan lamang sa aking paglalakad nang sa ganoon ay wala silang marinig na yapak ng paa.
Nang makarating ako sa labas ng kwarto ay may narinig akong boses ng isang lalaking kausap ni Savannah sa loob. Hindi ko masyadong ma-identify ang boses ng lalaki sapagkat maingay dito sa labas sanhi ng tunog ng mga sari-saring ibon sa lugar na ito.
Humanap ako ng pweding pagsilipan para masilip ko sila sa loob at nang sa ganoon ay malaman ko ang lalaking kasama ni Savannah sa loob.
Insakto at may bintana sa gilid kung kaya't dali-dali akong tumungo roon upang silipin sila.
Nang magawa ko nga ang makasilip sa loob ay si Savannah lamang ang aking makikita. Nakita ko siyang unti-unting humuhubad ng kaniyang suot na damit habang nasa kaniyang harapan ang lalaking hindi ko makita ang mukha dahil nahaharangan niya.
Mayamaya pa ay hinubad niya ang damit na suot ng lalaking nasa harapan niya pagkatapos ay naghalikan silang dalawa.
Napagatal na ng kunti ang kanilang paghahalikan dalawa ngunit tanging buhok lamang at kamay ang aking nakikita sa parti ng katawan ng lalaki. Bukod doon ay wala na.
Hanggang sa isang beses at tumayo ang lalaki at sa hindi ko inaasahan ay makikita ko nang buong-buo ang kaniyang mukha.
At magugulat nga ako ng husto sa aking makikita dahil si Mike nga ang lalaking kasama ni Savannah sa loob na siyang kahalikan niya.
Nanlaki ang aking mga mata at tila hindi ko maigalaw ang aking buong katawan sa aking makikita at matutuklasan ngayon. Parang pinana ng palaso itong puso ko dahil sa sobrang sakit at kirot sa dibdib na aking naramdaman ngayon.
Hindi ko inaasahan na mangyari ito at mismo makikita ko pa sa aking dalawang mga mata ang mga kababuyang ginawa ni Mike.
Kung paano niya ako lokohin at pagtaksilan ng ganito.
Napasandal na lamang ako sa pader habang napaiyak ng sobra kasabay ng pagpigil ng aking sarili na sugurin silang dalawa sa loob at mag-iskandalo baka kung ano pa magawa ko.
Hinayaan ko na lamang na gawin nila ang kanilang kababuyan lalo pa at wala naman akong magagawa pa at pakinggan na lang ang bawat ungol ng kanilang pangbababoy sa akin.
Umuwi na lamang ako sa bahay ng luhaan at puno ng pasakit sa aking dibdib.
Nakuha ko man ang sagot sa lahat ng aking pagdududa at paghihinala kay Mike subalit sobra-sobra naman ang naging epekto nito sa akin.
Halos mabaliw ako sapagkat hindi ko lubos na inaasahan na magagawa sa akin ni Mike ito. Sobrang sakit sa pakiramdam ang makita mo mismo sa iyong harapan kung paano nola ginagawa ang kanilang kababuyan.
"Bakit Mike? Anong kasalanan ko sa iyo? Mga hayop kayo! Binaboy niyo ako mga hayop!" Pasigaw na pagsabi ko habang hinahampas sa pader ang bawat babasaging bagay na aking mahahawakan.
Napa-upo na lamang ako sa sahig habang humahagulhol sa pag-iyak dulot sa labis na sakit at kirot dito sa aking puso.
Kinabukasan paggising ko ay hindi ko na namalayang nakatulog na lamang ako sa sofa kagabi. At mabibigla na lamang ako sa aking makikita sapagkat sobrang kalat na ng aking bahay at maraming mga sirang bagay na aking nabasag dahil sa aking pinanggagawa kagabi.
Huminga na lamang ako ng malalim habang napakamot sa aking ulo.
Kahit na sobrang bigat ng aking pakiramdam ngayon at tila wala ako sa tamang katinuan ng aking sarili ay nagawa ko pa rin ang pumunta nang ospital upang muling dalawin doon si Troy katulad ng aking pinangako sa kaniyang Mommy nu'ng isang araw.
Mag-aalas onse na nang umaga nang ako'y makapunta sa ospital. Kahit papaano ay humarap pa rin ako ng maayos sa Mommy ni Troy.
Nang ako na lamang at si Troy ang naiwan sa loob ng kwarto ay hindi ko na napigilan ang emosyon at sakit na aking naramdaman kung kaya't basta-basta na lamang akong humagolhol sa iyak.
Ito naman ay ikinagulat at ikina-bigla ni Troy habang nagkukunwari sa kaniyang pagkawala ng malay.
Mayamaya pa ay ipwenisto ko malapit sa tabi ni Troy ang aking inuupuan at doon ko na inilabas ang sakit na aking naramdaman nang dahil kay Mike.
"I can't believe Troy. Niloko na naman ako ng taong mahal ko. Ganito na ba talaga itong buhay ko na lahat ng taong mahal ko ay iiwanan lang ako? Mike is cheating on me Troy. Yesterday I saw him and her ex-girlfriend kissing and doing sex. Mga hayop sila nagawa pa talaga ang kumuha ng private house para lamang gawin ang kanilang kababuyan dalawa. Sobrang sakit Troy I can believe he will do this to me. Gusto ko silang sapakin ng ex-girlfriend niya, gusto ko silang saktan but I can't. Sa huli ako lang din ang masasaktan at kawawa," habang inilalabas ko ang aking sama ng loob kasabay nito ang patuloy na pag-agos ng aking mga luha.