CHAPTER 100

"Una ikaw tapos pangalawa si Mike. Sobrang hirap na talaga Troy. Wala naman akong maling ginagawa at pagkukulang pero bakit nga ba ako iniiwan at pinagpalit sa ibang babae diyan? Ka palit-palit nga ba talaga ako Troy? Ano ba ang kulang sa akin? Ano ba ang wala sa akin na meron sa ibang babae? Bakit ako pa subalit matino naman akong babae," patuloy lamang ako sa pag-iyak.

"Siguro ito na ang sign na sarili ko na lang ang uunahin ko. Siguro sign na rin ito upang piliin ko na lamang ang mapag-isa at huwag nang tumanggap pang muli ng pag-ibig,"

Mayamaya pa ay hinawakan ko ang kamay ni Troy. "Sana Troy kung sino man ang babaeng mahahanap mo. Pakiusap ay mahalin mo siya at 'wag mong pagtaksilan. Kasi sobrang sakit at hirap ang masaktan. Kahit anong pakatatag ang pilit kong gawin subalit hindi ko pa rin magawa. Malambot pa rin itong puso ko at sobrang ma emosyonal. Pasensya kana kung sa iyo ko pa mismo inilalabas itong problema ko sa pag-ibig. Dagdag lang ito ng sakit sa iyong ulo at higit sa lahat alam kong hindi mo naman ako naririnig,"

Nakikinig lamang si Troy sa aking paglabas ng aking mga nararamdaman. Nalaman niya ang lahat patungkol sa aking kalagayan ngayon at iyon ay labis niyang ikina-lungkot sapagkat muli na naman akong nagsayang ng aking nga luha para sa maling tao.

Matapos kong bumisita kay Troy sa ospital ay tumungo ako sa aking Restaurant. Hindi batayan ang sakit sa aking puso upang pabayaan ko ang aking negosyo. Kaya't tuloy pa rin sa laban kahit papaano.

Habang nakaupo ako sa table at malayo ang tingin nang biglang tumawag sa akin si Mike.

Maka-ilang tawag na siya sa akin subalit hindi ko pa rin magawang sagutin ang kaniyang tawag. Lalo pa at ayaw ko siyang maka-usap lalo na ang makita siya.

Bago ko maisipan na umuwi ay nagdesisyon muna akong dumaan sa Vinas beach resort upang magpalipas oras doon.

Ginugol ko ang aking dalawang oras na pananatili roon habang pinag-iisipan ko ng mabuti ang desisyong gagawin ko sa aking buhay. Lalong lalo na ang aking desisyon patungkol sa status ng relasyon namin ni Mike.

Habang naglalakad ako sa gilid ng dalampasigan ay bigla akong napahinto ng makita ko ang magandang liwanag at kabilogan nang buwan.

Habang pinagmamasdan ko ang buwan ay biglang tumulo ang aking mga luha, kasabay na rito ang aking iniisip at binabalak na tapusin na lamang ang relasyon namin ni Mike at magsimula akong bumangon na tanging ako na lamang.

Alam kong mahirap subalit kailangan kong gawin ang tama at nararapat para lamang maibsan na itong sakit at bigat na aking nararamdaman sa aking puso.

Alas syete nang gabi ng umuwi ako ng bahay nang madatnan ko sa labas ng aking bahay ang sasakyan ni Mike.

Pagbaba ko ng aking sasakyan ay agad na sinalubong ako ni Mike.

"I've been calling you for many times and yet ni isa sa tawag ko ay hindi mo man lang nagawang sagutin. Ganoon ka ba talaga ka busy sa Restaurant mo?" Wika pa ni Mike sabay halik sa aking labi.

Agad naman akong umiwas sa halik niya kung kaya't hindi niya nagawa ang halikan ako.

"Hey is there any wrong? Napansin ko yata lately na parang kaka-iba na iyang kinikilos at pinapakita mo sa akin. May mali ba?" Palakas na tanong niya habang pinukol ako ng tingin habang nakatalikod kanya.

Bigla naman akong napahinto sa aking paglalakad at dahan-dahan na lumingon sa kanya. "I think there is something wrong between us Mike. By the way bakit ka pa nga ba rito pumunta? Anong masamang hangin at pumunta ka pa rito? I thought your busy doing your new business together with your dad? Business nga ba o baka babae?" Sabay pinukol ko ng masamang tingin si Mike.

Nagulat naman si Mike at biglang nanlaki ang kaniyang mga mata.

"What? What are you saying Kristina? Are you okay?" Pagatatakang tanong niya habang napapaisip ng husto. "And of course pupunta talaga rito, ano ba iyang mga pinagsasabi mo. Siguro ay pagod ka lang sa trabaho mabuti pa at magpahinga kana muna," dugtong pa niya sabay nilapitan ako.

"'Wag mo akong lapitan at mas lalong 'wag mo akong mahahawakan. Nandidiri ako sa iyo Mike!" Palakas at galit na boses na pagsabi ko sa kanya sabay tinarayan siya ng tingin.

"Ano ba iyang mga sinasabi mo. Alam mo hindi kita maintindihan. Basta kung ano-ano na lamang ang pumapasok diyan sa isip. Diritsohin mo nga ako?"

"'Wag ka nang magkunwari Mike lalo pa at alam ko na ang lahat ng bahong tinatago mo! Gusto mo ba talagang diritsohin kita? Well, I am BREAKING UP WITH YOU! Tama na at ako'y pagod na pagod na sa mga panloloko niyo sa akin. You know, malaki ang pagtitiwala ko sa iyo Mike at muntik pa kitang ma idolo sa aking pag-aakala na bukod tangi kang lalaki, na ibang-iba ka sa lahat at hindi ka manloloko. Subalit I am very wrong dahil nagtiwala ako sa iyo na mas higit ka pa sa baboy. Baboy ka Mike binaboy mo ako. But this is enough naimulat ko na itong mga mata ko sa katotohanan. Kaya't wala nang dahilan pa para ipagpatuloy pa natin itong relasyon nating dalawa. I'm breaking up with you. So, makakaalis kana sapagkat hindi kita kailangan sa buhay ko," palakas na boses na pagsabi ko kay Mike na siyang labis niyang ikinagulat at hindi makapaniwala.

"I can't understand Kristina. Ano ba iyang mga sinasabi mo. Can you please give me some ideas what I have done wrong to you kung bakit bigla-bigla ka na lang nakikipaghiwalay sa akin? Please ayusin mo naman iyang mga pananalita mo," agad niyang hinawakan ang aking kamay habang may makikitang lungkot sa kaniyang mga mukha.

Mabilis ko naman na kinuha ang aking kamay mula sa kaniyang mahigpit na pagkahawak. "Enough Mike! 'Wag mo na nga akong gawing tanga dahil papunta ka pa lang pabalik na ako! At 'wag kang umasta na parang hindi mo alam because I know you already know what I mean to say! Simula pa lang ay nagdududa na ako at naghihinala sa iyong mga kinikilos at galaw and yet tama nga ako na may iba kang kinaaabalahang babae bukod sa akin."