CHAPTER 98
Napakagat labi naman siya habang napapaisip. "Oh wow! Nice to hear that. I like the ambiance of this Restaurant bu I don't like the people in this Restaurant," sabay pinukol niya rin ako ng masamang tingin.
"Well to tell you prankly I don't need your comments, opinions or any violence reactions against the people of this Restaurant. But because you are the customer ay pagbibigyan kita," ani ko pa sabay ngumiti ng kunti habang palihim na naiinip na sa galit sa kanya.
"Of course customers is always right. Anyway I have more comments and violence reactions regarding to the food you serve to me earlier. I'm sorry to tell you this but the food is not worth it. Sayang naman sa ganda at laki ng iyong Restaurant kung hindi namn masarap ang mga pagkain dito. In fact ay nasasayang lang ang pera sa paggastos ng mga taong kumakain dito sa Restaurant mo. Well, I'm just stating the fact and I'm sorry if I offend you," sabay sinandal niya ang kaniyang likod sa sa likuran ng upuan at tsaka tinarayan ako ng tingin.
"Oh I'm sorry but hindi ako aware sa ganyan. Actually, you are the only one customer who give that irrelevant opinion in my Restaurant and besides ay puros magagagandang opinyon na at komento ang aking naririnig sa iba. But I wonder, kung hindi nga masarap ang pagkain namin na sini-serve ay bakit ubos na ubos ang pagkain sa plato ng dalawa mong kaibigan? Tanungin naman natin sila patungkol sa sinabi mo kung talagang totoo nga iyon o hindi? Kasi obviously parang sarap na sarap sila, nakadalawang beses pa nga silang nag-oder ng Spicy Buttered Chicken," ani ko pa sabay tinakpan ang aking bibig dahil sa aking malakas na pagtawa. Lalo pa at tila napahiya ko pa tuloy si Savannah.
Hindi na nakapagsalita pa si Savannah bagkos ay napatingin pa siya sa dalawa niyang kasamahan. Tikom bibig naman ang dalawa habang naguguluhan sa nangyayari sa pagitan namin dalawa ni Savannah.
Ilang saglit pa ay kumuha ng pera si Savannah sa kaniyang bag at inilapag ito sa mesa pambayad sa kanilang kinain. Tila nagpapakita lamang siya na aalis na sila sa aking Restaurant.
Mayamaya pa ay tumingin siya sa akin. "Anyway here is our payment sa in-order namin at may tip pa iyan para sa iyo," agad siyang tumayo at pinukol ako ng masama niyang tingin.
Tiningnan ko lang siya sabay pinag-cross ang aking magkabilang bisig.
"Let's go girls. Nakakasuka ang lugar na ito," hirit pa niya sabay na umalis at dumaan mismo sa aking harapan.
Sa hindi ko inaasahan ay na amoy ko ang kaniyang pabango nu'ng siya ay dumaan mismo sa aking harapan. At ito ay siyang umagaw sa akin ng atensyon sapagkat parehas sila ng amoy ng pabango sa pabangong minsan ko nang na amoy noon kay Mike. Hindi lang isang beses kun'di dalawang beses na.
Dahil dito ay biglang nanlaki ang aking mga mata sa gulat at pagdududa ko sa kanya. Bigla ko siyang nilingon at sa isa pang pagkakataon ay napansin kong maikli ang kaniyang buhok at golden brown ang kulay nito na siyang pareho rin sa hibla ng buhok na aking nakuha na dumikit sa jacket ni Mike nu'ng isang gabi.
Dahil dito ay biglang bumilis ang pagtibok ng aking puso at mas tumatag pa lalo ang aking kutob at paghhinala na baka siya ang babae ni Mike. Lalo pa at ex-girlfriend siya ni Mike.
Mayamaya pa ay dali-dali akong pumunta ng banyo dahil parang sumabog itong puso ko sa bilis ng pagtibok nito. Gayon din ang aking biglaang pagkabalisa sa sarili.
Doon na muna ako nagpalipas oras para mahimasmasan naman itong nararamdaman ko at pag-iisip ko.
Matapos ang limang minuto ay lumabas na ako at humarap sa mga taong makakasalubong ko na ayos lang ako kahit na ang totoo ay gulong gulo na itong isip ko.
Kinabukasan araw ng Linggo kung saan tumungo ako nang simbahan upang magsimba. Nang palabas na ako nang simbahan upang umuwi ng bahya ay nagulat ako ng makita ko si Savannah na siyang sakay ng kaniyang sasakyang nakaparada sa gilid nang simbahan.
Mayamaya pa ay ay napansin kong tila may kinakaabalahan siya sa kaniyang cellphone hanggang sa may kinausap na siya sa tawag.
Napansin kong tila ang saya-saya niya habang kausap niya ang taong nasa kabilang linya. Hanggang sa biglang sumagil sa aking isip na baka si Mike itong kinakausap niya.
Dahil dito ay agad akong napaisip na tawagan si Mike sa kaniyang number upang alamin ko kung ma kontak ko ba siya o hindi. Lalo pa at may kausap ngayon si Savannah sa kaniyang cellphone.
Agad ko naman na kinuha ang cellphone ko sa bag at walang pag-aalinlangan na tinawagan ang number ni Mike. At sa hindi ko akalain ay hindi ko nga magawang ma kontak si Mike dahil sa may iba siyang kausap sa cellphone.
Tila tama itong aking iniisip na baka si Mike nga itong kinakausap ni Savannah sa kaniyang cellphone.
Mayamaya pa ay ibinaba na ni Savannah ang tawag. At naghahanda na sa kaniyang pag-alis sakay ng kaniyang sasakyan.
Agad naman akong tumalikod nang sa ganoon ay hindi niya ako makita at nang makaalis na siya sakay ng kaniyang sasakyan ay agad akong tumungo sa aking sasakyan at pinaandar ito upang sundan siya kung saan nga ba ang punta niya. Lalo pa at tila kinakabahan ako ngayong araw.
Patuloy lamang ako sa pagsunod at pagmanman sa likuran ni Savannah. Wala siyang ka alam-alam sa aking ginagawang pagsunod ngayon sa kanya.
Mayamaya pa ay bigla siyang lumiko ng daan at gayon din ay patuloy pa rin ako sa pagsusunod sa kanya. Hanggang sa isang beses ay nagulat ako nang dumiritso ang kaniyang pagmamaneho papasok ng San Carlos St. Kung saan minsan ko ng nakita si Mike na pumasok din sa lugar na ito.
Dahil dito ay nanginginig na ang buo kong katawan at tila kinakapos na ako ng hininga dahil sa kaka-ibang pagtibok ng aking puso.