CHAPTER 97

Mayamaya pa ay um-order na sila Savannah kasama ang dalawa pa niyang kaibigan na hindi ko kilala.

Pinagmamasdan ko lang sila habang sila'y abala sa pakikipag-kwentuhan sa isat-isa.

Ilang saglit pa ay dumating na ang kanilang order. Um-order sila ng aming specialty na main dish which is Spicy buttered chicken.

"Wow it looks like delicious!" Sabi pa ng isa sa mga kasamahan ni Savannah.

Nang magsimula na silang kumain ay biglang tumayo si Savannah sa kaniyang kina-uupuan at sabay nagpatawag ng isang waiter.

Sa paraan pa lang ng kaniyang pagkilos at reaksyon sa kaniyang mukha na makikita ay halatang may hindi ka nais-nais diri.

Agad naman na pumunta ang isa sa mga waiter ko at hinarap si Savannah.

"Yes ma'am what can I do for you?" Mahinahon na pakikipag-usap ng waiter sa kanya.

"Yet the food is so delicious but what the f*ck ! It's very spicy which I hate it and I don't like to eat!" Reklamo pa ni Savannah sabay napataas ang tono ng kaniyang boses.

"Nako I'm sorry for that ma'am but your order is Spicy buttered chicken. Obvious naman po na maanghang iyan," sagot pa ng waiter sa kanya na siya namang ikinagalit niya dahil sa pilosopong sagot nito which is tama naman. The waiter is just stating the fact.

"At napakapilosopa mo pa! Ilayo ko sa akin ang pagkain na iyan baka matapon ko pa sa mukha mo!" Ani pa niya na sabay binantaan ang waiter.

Hindi na lamang nagsalita ang waiter bagkos humingi pa ito ng paumanhin sa kanya at pagkatapos ay agad na kinuha ang pagkain niya sa mesa at dinala sa kusina.

"Hoy kalma ka lang girl, kawawa naman 'yung waiter. Masarap naman ang pagkain nila ah," ani pa ng isang kasama ni Savannah.

"Oo nga masarap naman, paubos na nga itong sa akin," sambit pa ng isa.

"Masarap nga subalit ma anghang naman. Alam niyo naman na ayaw na ayaw ko talaga sa ma aanghang. Sinira lamang nila ang aking pagkain! Ani oa ni Savannah sabay pagtirik ng kaniyang mga mata.

Mayamaya pa nang makita ko ang waiter na ibanabalik sa kusina ang pagkain na in-order nina Savannah ay agad na pinuntahan ko siya sa kusina at tinanong patungkol dito.

"Ate Je, sandali lamang. Ano iyan at bakit ibinabalik mo iyan sa kusina? May problema ba?" Pagtatakang tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang pagkain na hawak niya.

"Kasi po ma'am Kristina pinapabalik po sa akin ng babaeng naka kulay blue na damit itong order niya. Masarap naman daw kaso ma anghang daw. Eh talaga naman na ma anghang ito sapagkat nakalagay pa lang sa pangalan ay Spicy buttered chicken tapos magrereklamo na ma anghang daw, malamang!" Sabay tiningnan si Savannah sa kabilang table. "Binantaan pa nga ako na itatapon niya sa mukha ko itong pagkain kung kaya't kinuha ko at inalis na lamang," dugtong pa nya habang may inis at galit na makikita sa kaniyang mukha.

"Talagang hinahamon ako nito," mahinang boses na pagsabi ko sabay pagtaas ng aking dalawang kilay habang pinupukol bsi Savannah ng masamang tingin.

"Ano po ang sabi niyo ma'am?" Pag-aalinlangan na tanong pa ni Ate Je, habang napapaisip.

"Wala Ate Je, sege pumasok kana roon sa kusina at palitan mo iyan. Pakisabihan na lang din si kita Tommy na 'wag lagyan ng pam-paanghang," tugon ko pa sa kanya sabay huminga ng malalim.

Matapos ang pagluluto ng bagong pagkain para kay Savannah ay dadalhin na sana ni Ate Je itong bagong lutong Spicy Buttered Chicken without spicy nang bigla ko siyang hinarang sa pinto at pinakiusapan na ako na lamang ang magdadala ng order para sa customer na si Savannah.

"Anyway Ate Je, ako na lamang ang magdadala niyang order para sa customer natin," saad ko pa kay Ate Je na siya namang ikinagulat niya at ipinagtaka.

"Ano po? Nako po ma'am Kristina ako na po lalo pa at trabaho ko po ito," wika pa ni Ate Je.

"Pagbigyan mo na ako Ate Je. Ako naman ang may gusto niyan kung kaya't ako na. Mapagbibigyan mo ba ako sa aking kahilingan?" Ani ko pa sabay ngumiti sa kanya.

"Pero?" Sabay napapaisip siya ng husto.

"Please?"

Dahil dito ay nagawa ko nga na makumbinsi si Ate Je sa aking pag-agaw ng kaniyang obligasyon bilang isang waiter.

Dahan-dahan kung dinala ang order papunta kay Savannah na siya namang ikinagulat ng lahat ng taong kumakain sa loob lalo na ang aking mga tauhan.

Ilang saglit pa ay nakalapit na ako sa table nina Savannah habang nagulat naman ang dalawang kasama niya ng makita ako na siyang nagdala ng order niya.

"Excuse me, here is your order ma'am!" Mahinahon na pagsabi ko sabay dahan-dahan na inilapag sa mesa ang pagkain.

"Mabuti naman at pinalitan mo dahil kung hindi itatapon ko talaga iyon sa mukha mo!" Galit na boses na pagsabi ni Savannah habang abala sa paglalagay ng lipstick sa kaniyang labi. "Why are you two looks like parang may nakita kayong multo?" Pagtatakang tanong ni Savannah sa dalawa niyang kasama habang tulalang nakatingin sa akin.

"Ang ganda naman ng waiter," ani pa ng isa sa mga kasama niya na siyang nakatunganga lamang sa akin.

"What maganda? Are you insane?" Wika pa niya habang napatawa sabay na tiningnan ako.

Nagulat siya bigla at nanlaki ang kaniyang mga mata ng makita niya akong nakatayo mismo sa kaniyang harapan.

"Wait, what?! Gulat na reaksyon niya sabay napalunok ng kaniyang laway.

"Oh hi Savannah anyway dinalhan pala kita ng Spicy buttered chicken without spicy. Hindi ba at ayaw mo sa ma anghang, ayan na your request has been granted" Wika ko pa sabay pinukol siya ng tingin tsaka ningitian pa siya ng kunti.

Napatigil naman si Savannah at tila natagalan pa bago nakapagsalita.

"Ikaw pala my dear Kristina. Hindi ko alam ay isa ka na rin pa lang waiter ngayon," ani pa niya sabay tumawa habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa.

"Well, for your information I'm not a waiter besides I am the owner of this Restaurant," pakilala ko pa sa kanya sabay pagtaas ng aking dalawang kilay.