CHAPTER 96

"Kailangan ko na munang umalis Tita at maiwan kayo, tumawag kasi sa akin ang isa sa mga tauhan ko na may kunting problema roon sa aking Restaurant. Gusto ko man sanang manatili pa rito upang bantayan si Troy subalit kailangan din ako roon. At kailangan ko rin na ayusin ang problema na ito bago pa lumaki. Pasensya na talaga Tita but don't worry babalik naman ako rito mamayang gabi bago ako umuwi ng bahay," saad ko pa kay Tita Eza sabay tingin sa aking cellphone.

"No it's okay ija I know you're a busy person. Nahihiya nga ako sa iyo sapagkat nahahati mo pa ang oras sa trabaho mo at sa pagbabantay sa anak ko. Subalit nandito naman ako na nagbabantay sa kanya pero salamat talaga dahil hindi mo pinapabayaan ang anak ko," wika pa niya sabay hinawakan ang aking kamay habang nakangiti sa akin.

"No Tita, obligasyon ko rin ang bantayan at pangalagaan si Troy lalo pa at_," sabay napaisip ako sa aking karugtong na sasabihin sa kanya. "Lalo pa at girlfriend niya ako," mahinang boses na pagsabi ko sabay tiningnan si Troy habang nakaramdam ng guilty sa aking pagkukunwari na sabihin ito lalo pa at may iba akong boyfriend at si Mike iyon.

"Thank you so much ija, ang swerti naman ng anak ko at nakahanap siya ng babaeng katulad mo. Tiyak na matutuwa talaga siya kapag malaman niya ang mga sakripisyo at hirap mo sa pag-aalaga at walang sawang pagbabantay mo sa kanya rito sa loob ng mahabang araw," pangiting sabi ng Mom niya na halatang laki ang pasasalamat sa akin.

"Nako wala po iyon Tita, maliit na bagay lamang po iyan. Hindi naman pu-pwedi na pabayaan ko na lang siya at ipagwalang bahala," ani ko pa sabay ngumiti sa kanya.

"Napakabuti mo talagang bata. Oy teka baka mahuli kana sa lalakarin mo,"

"Ah nako po, aalis po pala ako ngayon. Anyway Tita hindi na po ako magtatagal at ako'y aalis na. Kayo na lang po muna ang bahala kay Troy, babalik na lang po ako rito mamayang gabi Tita," tugon ko pa sa kanya sabay nagmamadaling umalis.

Nang makalabas ako ng kwarto ay agad na isinarado ni Tita Eza ang pintuan at siniguro na ako'y nakaalis na nga ng ospital.

Mayamaya pa ay nagising si Troy sabay tingin sa kaniyang Mommy habang sinasarado ng mabuti ang pintuan ng kwarto. May makikita itong saya at tuwa sa kaniyang mukha dahil sa kaniyang narinig na aking mga sinabi kanina sa kanya. Gayon din sa naging pag-uusap namin ng Mom niya

"Nakaalis na po ba siya Mom?" Tanong ni Troy sa kaniyang Mommy sabay buntong hininga.

"Nakaalis na siya anak so you don't need to worry," sabay lumapit ang kaniyang Mom sa kanya habang hinahawakan ang kaniyang kamay.

"Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbabago. Maalaga pa rin talaga siya," pangiting sabi ni Troy sabay tingin sa labas ng bintana.

"Kaya nga napaka-swerti mo sa kanya at nakatagpo ka ng isang babaeng katulad niya. Bukod sa maganda na ay sobrang maalaga pa. Alam mo ba kung anong hirap at sakripisyo ni Kristina sa iyo nu'ng kasalukuyang wala ka pang malay?"

"Kaya nga po Mom," maikling sagot ni Troy habang napapaisip ng husto kung paano niya sasabihin sa kaniyang Mom ang totoong status sa aming relasyon. Gayon din na ako'y may iba ng karelasyon sa buhay.

"Bakit mo pala naisipan ang hindi agad ipagbigay alam sa kanya na ikaw ay nakagising na? Bakit kailangan mo pang itago ito sa kanya. Tila parang na guilty naman ako sa aking pagsisinungaling at pagkukunwari ko sa kanya kanina," ani pa ng Mommy niya sabay uminom ng tubig.

"Malalaman niya rin naman ito Mom. By the way maraming salamat din po sa inyong walang sawang pag-aalaga at pagbabantay sa akin dito sa ospital sa loob ng maraming araw. Ang swerti ko rin po at kayo ang naging Mommy mo," wika pa ni Troy sabay hinawakan sa kamay ang kaniyang Mommy.

"Ano ka ba naman anak, malamang ay gagawin ko iyon it's because your my son and my life," sabay niyakap si Troy at hinalikan ito sa noo. " I love your so much excited na akong makalabas na tayo rito sa ospital," dugtong pa niya.

"I love you so much Mom," sabi pa ni Troy sa kanya sabay ngumiti na tila naging emosyonal.

Mayamaya pa ay napatingin si Troy sa isang basket ng prutas na aking dinala kaninang umaga. Kumuha siya ng mansanas at matiim na tinitigan.

"Kahit ganoon na ka laking kasalanan ang aking nagawa sa iyo subalit magagawa mo pa rin pala akong patawarin sa kabila ng paulit-ulit kong sakit na ibinigay sa iyo. Hindi ko akalain na magagawa mo pa ang pagsilbihan ako sa kabila ng hindi magandang naidulot ko sa buhay mo Kristina. Subalit nagpapasalamat pa rin ako sa iyo sa mga kabutihang pinapakita mo sa akin. Nahihiya man akong aaminin sa iyo ito, ngunit ako'y labis na nagsisisi kung bakit kita sinayang. And now mayroon ka nang ibang mahal," bulong pa ni Troy sa kaniyang sarili habang may lungkot sa kaniyang puso na nadarama.

"Pangako ko sa iyo na babawi ako sa lahat ng mga kabutihang ginawa mo sa akin. Babawi ako kahit na impossible nang mangyari ang muli pa kitang makasama sa aking piling," sabay naptulo ang kaniyang luha habang iniisip ako.

It was Saturday in the morning kung saan nasa isang sulok ako habang nakaupo sa isang table at nagche-check ng aking mga income and expenses sa aking Restaurant.

Hindi ko inaasahan na may dadating na tatlong babaeng customers na siyang kakain sa aking Restaurant at ang nakakagulat ay isa sa kanila ay ex-girlfriend ni Mike na si Savannah.

Nang makita ko siya ay laking gulat ko at pagtataka lalo pa ay dito pa siya mismo pumunta upang kumain sa Restaurant na aking pagmamay-ari.

"Is that Savannah Lee who's Mike's ex-girlfriend? And what is she doing her in my Restaurant?" Mahinang boses na tanong ko sa aking sarili habang palihim silang pinagmamasdan.