CHAPTER 92
"Oo nga pala nu, marami ka nga pa lang customers na nakakasalamuha at baka nga tama ka na kumapit lang sa iyo ang pabango na iyan," ani ko pa habang palihim na nagdududa kay Mike.
"Oh baka kung ano na iyang iniisip mo ha," sabay hinawakan niya ang aking kamay at tsaka kaniyang hinalikan.
"Hindi ah, alam ko naman na mapagkakatiwalaan ka at nagsasabi pa ng totoo. Anyway 'wag na lang natin pag-usapan iyan at kumain na lang tayo habang mainit pa ang pagkain na inihain ko sa mesa,"
Kinabukasan around 10 o'clock in the morning ay pumunta ako nang ospital para dalawin muli si Troy. Pagdating ko roon ay kinausap ko ang doctor na umasikaso kay Troy.
"Actually maganda na ngayon ang ratings ng pasyente compare dati. In fact, ay pwedi na siyang makalabas ng ospital after two weeks dahil unti-unti na siyang gumagaling. But sa ngayon ay sinisiguro pa rin namin na walang masamang epekto sa kaniyang katawan at pagkabagok ng kaniyang ulo lalo na at sobrang lakas ng impak ang pagtama nito sa matigas na bahagi ng sasakyan," paliwanag pa ng doctor sa akin na si Doctor Steve.
"Mabuti naman po kung ganoon doc sapagkat nakakabuhay po talaga ng loob. Sana nga po ay tuloy-tuloy na po ang paggaling ng pasyente," wika ko habang nakaramdam ng kunting ginhawa sa dibdib. "By the way po doc, may nakikita na po ba kayo kung kailan makakagising ang pasyente? Dagdag ko sabay napapaisip.
"Manalangin lang tayo sa diyos Kristina at tiyak na pakikinggan niya tayo. Honestly hindi ko pa masasabi ang patungkol sa bagay na iyan ngunit natitiyak kong sa susunod ay makakagising na siya. Maghintay lang tayo dahil unti-unti na naman na bumabalik ang lakas sa kaniyang katawan," sagot pa niya sa aking tanong sabay napatingin sa kaniyang relo.
"Salamat po doc sa inyong magandang impormasyon ngayon," napangiti ako ng kunti habang napabuntong hininga.
"You're welcome, sasabihan lang kita sa magandang balita na aking makikita sa kanya. Anyway hindi na ako magtatagal and I have to go sapagkat marami pa akong ibang pasyente na aasikasuhin. Maiwan na muna kita Kristina. I hope makakagaan sa loob mo ang susunod na ibabalita ko sa iyo," wika pa ni Doctor Steve sabay hinawakan ako sa balikat habang may ngiti sa kaniyang mga labi.
"Hoping and praying po doc. By the way maraming salamat po sa inyong oras na ibinigay para sa akin," pagpapasalamat ko pa sa kanya.
Matapos ang aming pag-uusap ni Doctor Steve ay bumalik ako sa loob ng room upang tignan ko si Troy.
Pagpasok ko sa loob ay kumuha ako ng isang upuan at aking ipwenisto malapit sa higaan ni Troy.
Umupo ako sa tabi niya habang pinagmamasdan ang kaniyang mukha. Habang pinagmamasdan ko siya ay napaluha ako dahil sa awa na aking naramdaman para sa kanya.
Lalo na at alam kong nahihirapan na siya subalit lumalaban pa rin siya upang mabuhay.
"Lumaban ka lang Troy alam kong matatag at matapang ka. Naniniwala ako sa iyong kakayahan, malalagpasan mo rin ang lahat ng hirap na ito. Nandito lang ako sa tabi mo, hinding hindi ako magsasawang alagaan ka," mahinang boses na pagsabi ko sa kanya sabay hinawakan ko ang kaniyang mainit na kamay.
"Alam mo ba Troy na may maganda akong balita na sasabihin para sa iyo. Kausap ko lang kanina si Doctor Steve at ang sabi niya sa akin ay pa unti-unti ka na raw gumagaling at gumaganda pa raw lalo ang ratings mo. Ang sabi niya pa nga ay baka after two weeks ay pwedi ka nang makalabas ng ospital at magpagaling. I can't wait to happen that and I can't wait seeing you in a better condition. Magpagaling ka pa lalo Troy at sa susunod ay marami pa tayong lugar na pweding puntahan kagaya ng ating ginagawa noon," sabay ngumiti ako ng kunti kahit na patuloy lang ang pagpatak ng aking mga luha.
Patuloy lamang ako sa pagsasalita at pagkaka-usap kay Troy kahit na alam kong hindi niya naman ako naririnig.
Hanggang sa inilabas ko lahat ang nasa loob ng aking puso na matagal kong kinimkim na taguin.
Para man akong tanga na nakikipag-usap sa isang walang malay na pasyente subalit hindi alintana sa akin iyon. Ang mahalaga ay mailabas ko lang ang lahat ng aking saloobin at gustong sabihin sa kanya.
"Mayroon man akong boyfriend at mahal ko siya. Ngunit mahal din kita bilang isang taong naging parte ng buhay ko," huling sinabi ko kay Troy bago ako umalis nang ospital.
Umalis na ako nang ospital habang ang Mommy niya naman ang nagbabantay at nag-aasikaso roon sa kanya.
Habang pinapahidan ng towel ni Tita Eza si Troy ay laking pagkagulat niya at pagkabigla ng makita niya na biglang gumalaw ang mga kamay ni Troy. Dahil dito ay bigla-bigla siyang nabalisa sa sarili dahil sa kaniyang tuwa na naramdaman at magakahalong emosyon.
Dali-dali siyang tumawag nang Doctor upang ipagbigay alam sa kanila ang patungkol sa bagay na ito.
Agad naman na inasikaso nang Doctor si Troy at sa kagandahang palad ay biglang naimulat ni Troy ang kaniyang mga mata kasabay ng kaniyang paghinga ng malalim. Na siyang ikinagulat ng lahat dahil sa magandang balita at nangyari para kay Troy.
"Thanks to God your already awake," palakas na boses na pagsabi nang Doctor habang masayang tinititigan si Troy.
Halos hindi naman makapaniwala ang buong pamilya ni Troy sa magandang balita na ito kung kaya't napatalon na lamang sila sa saya at tuwa dahil unti-unti na nga ang paggaling ni Troy. Lalong lalo na at naimulat na niya ang kaniyang mga mata sa loob ng mahabang araw na pagkawala ng malay.
Wala naman sa oras ang pag-alis ko kung kaya't hindi ko nalaman at nasaksihan ang kauna-unahang pagmulat ni Troy ng kaniyang mga mata mula sa kaniyang pag-aksidenti noon.
Wala akong ka alam-alam at ka malay-malay sa magandang balita na dumating kay Troy.
Alas singko iyon nang hapon kung saan pauwi ako ng bahay sakay ng aking sasakyan.