CHAPTER 91

"Nako wala iyon. Although meron naman siyang naging girlfriend before but never ni isa sa kanila ay may binaggit siyang pangalan at ipinakilala sa amin na girlfriend niya bukod sa iyo. Ikaw lamang ang babaeng narinig namin na binaggit niya at ipinakilala sa amin na girlfriend niya," wika pa niya sabay huminga ng malalim habang napatingin sa malayo.

Tila hindi naman ako makapaniwala sa aking nalaman. Ngunit ipinadama lamang ni Troy sa akin na napaka-espesyal ko pa lang tao para sa kanya. Hindi ko lubos na akalain na kahit wala na kami ni Troy ay nanatili pa rin pala akong espesyal na tao para sa kanya.

Ang dating Troy na kilala ko na maraming babae at nakarelasyon ko noon ay siya rin pala ang magpapadama sa akin ng ganitong kasarap na pakiramdam.

Hindi ko na muna sinabi at ipinagtapat sa Mommy ni Troy gayon din sa kaniyang pamilya ang totoong status sa relasyon namin ngayon.

Hindi ko ipinagtapat sa kanila na matagal na kaming wala ni Troy at ngayon ay may iba na akong boyfriend sa kasalukuyan.

Mas makakabuti na lang siguro na huwag ko na munang ipagtapat sa kanila ang lahat lalo pa at pagkakilala nila sa akin ay ako pa rin ang girlfriend ni Troy at maayos pa ang aming relasyon dalawa. Gayon din sa sitwasyon ngayon ni Troy ay kailangan ko siyang asikasuhin at alagaan sapagkat alam kong kailangan niya ako ngayon. Kahit na hindi na ako nagtatrabaho rito bilang isang Nurse ay gagampanan ko pa rin ang aking tungkulin na pangalaagan si Troy lalo pa at hindi siya bago sa akin at higit sa lahat ay mayroon pa rin siyang puwang dito sa aking puso. Kahit na paulit-ulit ko man na sabihin sa aking sarili na pabayaan ko na siya at layuan ay hindi ko pa rin kayang magawa ang bagay na iyon..

"Kailangan ko na lang muna na magpanggap sa kanila habang nasa ganitong sitwasyon pa. Ang kinakatakot ko lamang ay ang malaman ito ni Mike ang tungkol sa aking ginagawa ngayon. Lalo pa at dito pa mismo sa General Santos naka-confine si Mike na malapit na malapit lamang sa aking Restaurant na pinatayo. Sana huwag lang umabot sa punto na mabubuko ako sa aking pagpapanggap lalong lalo na sa Mommy ni Troy at gayon din ang mabuko ako ni Mike sa aking pagdalaw at pagpunta rito kay Troy sa ospital. Kailangan kung ayusin ang aking mga kilos, hindi dapat ako magpapahalata sa aking magiging kilos," bulong ko pa sa aking sarili habang napapaisip ng husto patungkol dito.

Buong araw akong nasa ospital at nagbabantay kay Mike kasama ang kaniyang pamilya. Hapon na nga ng makalabas ako nang ospital at nakapunta sa aking Restaurant.

Marami rin akong natanggap na tawag mula kay Mike subalit palagi ko lang sinasabi sa kanya na busy ako ngayon dito sa aking Restaurant.

Kahit papaano ay tila makakalusot naman ako sa kanya oras na tanungin niya ako sa bagay na ito.

Simula nang ma askidendte si Troy ay nahahati na ang aking oras sa kanya at kay Mike. Araw-araw kasi akong dumadalaw kay Troy sa ospital upang bantayan siya at alagaan. Mas napapadalas pa nga ang aking pagpunta kay Troy sa ospital kaysa kay Mike.

Nababawasan na rin ang aking oras na ibinibigay sa kanya at ang tanging rason ko lamang ay marami akong kinaaabalahan sa Restaurant.

Isang gabi habang nasa Restaurant ako at nagliligpit na ng ibang mga gamit para sa aking pag-uwi ay biglang tumawag si akin si Mike.

"Oh hi, nagliligpit na kami rito para sa pagsasarado ng Restaurant at mayamaya lang din ay uuwi na ako. Dadaanan na lang kita diyan sa Bar. Insakto at may niluto ako ritong hapunan para sa ating dalawa. Doon na lang tayo kakain sa bahay," wika ko pa kay Mike habang kinakausap ko siya sa kabilang linya.

"Um, sure. Anyway 'wag mo na lang akong daanan dito at susunod na lag ako roon sa bahay mo. Baka kasi matagalan ka sa paghintay sa akin dito sa Bar, marami kasing tao rito ngayon na kailangan ko pang asikasuhin," ani pa ni Mike.

"Ganoon ba, well pwedi naman. So, mauuna na lang ako ha at susunod ka na lang,"

"Okay, you'll take care ha. I love you!"

"Ikaw din, I love you too,"

Matapos ang aming pag-uusap ni Mike ay agad na rin akong umuwi ng bahay ngunit bago iyon ay dumaan mo na ako ng ospital upang tignan si Mike kahit saglit.

Nang makauwi ako ng bahay ay inilabas ko ang aking mga nilutong pagkain doon sa Restaurant nang sa ganoon pagdating ni Mike ay nakahanda na ang pagkain.

Makaraan lang din ang limang minuto ay dumating si Mike.

Papasok pa lang siya sa loob ng bahay ay sinalubong ko na siya agad ng isang mahigpit na yakap at halik sa kaniyang magkabilang pisngi at labi.

"Mabuti naman at dumating kana," pangiting sabi ko pa kay Mike sabay ayos ng kaniyang suot na pulong damit.

"Of course naman, bakit ba hindi?" Wika naman na Mike sabay paghalik sa aking labi.

Agad ko siyang niyakap ulit hanggang sa isang beses ay parang may na amoy akong kaka-ibang amoy ng pabango sa kaniyang liig. Na tila ba parang pabango ng isang babae subalit iba naman ang ginagamit ni Mike na pabango.

Nagtaka naman ako kung kaya't tinanong ko siya patungkol sa bagay na ito. "I smell something different perfume on your neck. Bakit tila parang pabango ng isang babae?" Mahinahong tanong ko kay Mike habang mayroong pagtataka na makikita sa aking reaksyon sa mukha.

Nagulat naman si Mike at biglang nabalisa sa kaniyang sarili.

"What? A perfume?" Sabay inamoy ang kaniyang suot na damit. "Wala namang iba sa amoy ng pabango ko ah. At ano ba iyang sinasabi mong pabango ng babae. Haha, nakakatuwa ka talaga Kristina. Baka naman iniisip mo na mayroon akong ibang babae dahil lang sa nakaamoy ka ng ibang perfume na pambabae. Remember marami akong nakakasalamuhang customer sa bar. Siguro ay baka kumapit lang ang amoy sa akin," paliwanag pa ni Mike sabay huminga ng malalim habang napakamot sa kaniyang ulo.