CHAPTER 90
Hindi ko na rin na malayan na unti-unti na pa lang tumutulo ang aking mga luha galing sa aking mga mata.
Hindi ko na rin napigilan ang lapitan siya kahit na sobrang sakit para sa akin na makikita ko siya sa ganitong kalagayan. Napaluhod ako sa sahig habang hinahawakan ang kaniyang kamay habang patuloy sa paghagulhol ng iyak dahil sa aking awa at sakit sa dibdib na nararamdaman para sa kanya.
"Wake up Troy. I know you're strong enough. Lumaban ka lang at makakaya mong lagpasan ang lahat ng ito," mahinang boses na pagbulong ko sa taenga ni Troy habang patuloy ang aking pag-iyak.
"I'm sorry kung ako pa ang naging dahilan kung bakit nangyari sa iyo ito ngayon. Alam kong masakit sa loob mo ang sinabi ko sa iyo kagabi at alam kong dinibdib mo iyon ng husto. Dahil doon ay sinampit mo ang ka lunos-lunos na pangyayaring ito. Napakagaga ko, napakatanga at wlanag kwentang tao sa mundo. Dahil sa akin nag-aagaw buhay ka ngayon. Please mabuhay ka lamang Troy at gagawin ko ang lahat para sa iyo. I need you Troy. Hindi ko kakayanin ang mawala ka sa akin, ikakamatay ko iyon Troy. So, please lumaban ka," bulong ko pa sa aking sarili habang patuloy ang pagtulo ng aking mga luha.
Dahil sa aking sobrang emosyon at lungkot na nadarama ay hindi ko na namalayan na marami pa lang tao sa loob na siyang nagbabantay kay Troy.
Hindi ko man sila kilala subalit natitiyak kong pamilya ito ni Troy. Ang tanging nakilala ko lamang ay ang kaniyang lolo na minsan ko nang nakasalamuha at nakausap nu'ng nasa Laguna pa ako.
"Um, pasensya na po kung bigla-bigla po akong pumasok na wala man lang pasabi sa inyo. Pasensya na dahil sa akin ay naabala ko pa kayong lahat," pagpapaunmahin ko pa sa kanilang lahat sabay pagpahid ng aking luha.
Tila nabigla at nagulat naman ang lahat lalo pa at hindi nila ako kilala
"Are you one of Troy's friend?" Tanong ng babaeng around 50's na walang iba kun'di ang Mommy ni Troy.
"She is Kristina Delos Santos," sambit pa ng Lolo ni Troy habang nakangiti sa akin.
"Oh ikaw ikaw pala si Kristina Delos Santos. I'm glad to see you iha mabuti naman at nakadalaw ka," ani pa ng Mom ni Troy sabay lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit na siya namang ikinagulat ko ng husto sa kaniyang naging kilos sa akin.
"Kilala niyo po ba ako?" Pagatatakang tanong ko sa kanya sabay tiningnan siya at ang iba pa nitong kasamahan sa likuran.
"Yes I know you ikaw ang girlfriend ng anak ko. Actually lahat kami ay kilala ka. Palagi ka kasing ikinu-kwento sa amin ng anak kong si Troy. By the way I am her mother Loueza but you can call me Tita Eza. And this is our family," pakilala pa sa akin ng Mommy ni Troy sabay isa-isang ipinakilala ako sa kaniyang pamilya.
Nagulat naman ako ng makilala ako ng lahat ng pamilya ni Troy na naririto ngayon sa loob lalo na sa Mommy niya na minsan ay hindi pa naman kami nagkita o nagkakilaka bagkos ay ngayon pa lamang.
Lalong lalo na sa isang bagay na ang kanilang pagkakilala sa akin na girlfriend pa rin ako ni Troy kahit ang totoo ay hindi naman sapagkat matagal nang wala kami.
Nakilala ko rin nga at nakausap ang pamilya ni Troy subalit sa ganitong pagkakataon pa. Kung saan ganito ang sinapit niya.
"Alam mo ba na palagi kang bukam-bibig ng anak ko. And wait there's more nag-open up siya sa amin noong nakaraang buwan lang na nagbabalak na raw siyang mag-proposed sa iyo na magpakasal. Kaso nga lang at na aksidenti pa siya. Kaawa-awa naman ang anak ko. Hindi ko akalain na mangyayari at magaganap ito sa buhay niya," wika pa ng Mommy ni Troy habang may lungkot na makikita sa kaniyang mukha.
"Kahit na po ako Tita ay hindi rin makapaniwala sa sinapit ngayon ni Troy. Subalit manalig lang tayo at magtiwala sa diyos. Didiringgin niya rin ang ating panalangin sa kanya," ani ko pa sabay tiningnan si Troy sa kaniyang kalagayan. "And anyway po Tita sa sinabi niyo pong binabalak ni Troy na mag-proposed sa akin ay anong araw o buwan niya po ba iyon sinabi o ipinaalam sa inyo?" Tanong ko pa sa kanya sabay napapaisip ng husto habang may pagatataka sa aking isipan.
"Sa panginoon ko na nga lang pinpaubaya ang lahat, alam ko at naniniwala naman ako na pakikingagan niya ang ating mga panalangin para kay Troy. At patungkol naman sa tanong mo ay sinabi niya sa amin noon nakaraang buwan lamang nang June. Kaya nga pumunta siya rito nang General Santos para sa kaniyang paghahanda na mag-proposed sa iyo. Siguro nga ay su-surpresahin ka pa niya,"
Nagulat naman ako at hindi makapaniwala sa sinabi ni Tita Eza na Mommy ni Troy bagkos ay sa buwan na sinabi niya sa kaniyang pamilya ang binabalak niyang mag-proposed sa akin ay wala na kami at kasalukuyang boyfriend ko na si Mike.
Wala rin kaming komunikasyon noon at opisyal ng hiwalay kami subalit ipinagtaka ko kung paano at bakit niya sinabi iyon sa kaniyang pamilya lalo pa at alam niya rin mismo sa kaniyang sarili na wala nang kami.
"Bakit nga ba nagawa pang sabihin iyon ni Troy sa kaniyang pamilya? Ano nga ba ang malalim niyang dahilan?" Pagtatakang tanong ko sa aking sraili habang palihim na napapaisip patungkol dito.
"At alam mo ba na ikaw pa lang ang kauna-unahang babaeng ipinakilala sa amin ni Troy na girlfriend niya kahit na hindi pa man tayo nagkita o nagkakilala noon subalit ipinakilala ka na niya agad sa amin. At ngayon nga ay nagkakilala at nagkita na tayong dalawa. Tama nga ang sinabi ng anak ko na sobrang ganda mo raw,"
"Talaga po ba Tita? You mean ako pa lang ba ang napakilala niya sa inyo as her girlfriend? Hindi po ba at marami naman naging girlfriend before si Troy? Hindi niya po ba ibinaggit sa inyo ang kanilang pangalan at kahit na ipinakilala sa inyo? By the way thank you po Tita napakaganda niyo rin at napakabait.