Chapter 9
"Ito mabuti naman. Wala ka ba ngayong trabaho?" Sabay tingin sa ibabaw ng kisame.
"Day off ko ngayon eh. Ikaw ba?"
"Eto breaktime namin."
"Mabuti naman kung ganoon, maiba nga pala ako ng usapan."
"Oh ano naman iyon?"
"May balak ka bang magtrabaho abroad? Dito sa London sa ospital na pinapasukan ko ngayon? Diba matagal mo ng plano iyan?"
Napatigil ako nakaramdam ng kunting kaba sa dibdib sa sinabi niya.
"Oo nga Annabelle ang liit lang kasi ng sahod ko rito, 'di tulad diyan double ang ang sweldo kumpara rito sa Pilipinas."
"Oh e-di mag-process kana diyan para makapunta kana rito ng sa ganoon ay magkasama tayo rito," ani pa ni Annabelle na halatang nagagalak na akong makasama.
"Kaya nga Annabelle hayaan mo sa susunod na buwan titiyakin kong matapos na itong mga requirements ko para ng sa ganoon ay makapunta na ako diyan at makapagrabaho," pangiting pagsabi ko sa kabilang linya.
"Ganyan nga Kristina, I can't wait to see you here."
"Me too. Oh sege na Annabelle may trabaho pa ako, tawag ka na lang ulit."
"Sege Kristina mag-ingat ka diyan."
"Ikaw din, sege ibaba ko na itong cellphone ko." ( Call ended )
Gabe na nang matapos ang operasyon namin, marami kasing pasyente kaya ginabi na naman ako sa pag-uwi ko.
Habang nasa gilid ako ng kalsada nag-aabang ng Taxi pauwi ng bahay ay hindi ko inaasahan na may bigla-bigla na lamang na humintong sasakyan sa aking harapan.
Nagulat naman ako kung bakit basta-basta na lang ito huminto subalit hindi ko naman ito pinarahan.
"Ah sorry po kuya pero hindi po 'yung kotse niyo ang pinaparahan ko," saad ko sabay umatras ng kunti sa aking kinatatayuan.
Mayamaya pa ay binuksan ng nagamamaneho ng kotse ang kaniyang bintana. Nagtaka naman ako sa aking nakita.
" Hi," pangiting sabi ng lalaki sa akin.
Napangiwi naman ako dahil dito.
"Hello?" Pagtatakang sabi ko naman na tila nagtatanong ang tono ng pananalita ko dahilan sa labis kong pag-iisip dahil dito.
Ilang saglit pa nang minasdan ko ng mabuti ang mukha ng lalaki ay tila nagulat ako bigla sapagkat parang kilala ko ang lalaking kausap ko ngayon. Inisip ko ng mabuti kung saan ko ito nakilala at bakit parang familiar sa akin ang mukha niya.
"Do you still remember me?" Tanong pa niya sa akin habang ngumingiti.
"Um, nagkita na ba tayo?" Pagtatakang tanong ko sa kanya habang may pag-aalinlangan.
" I think so, pero matagal na iyon I don't think, kung kilala mo pa ako o natatandaan mo pa ako," ni pa niya sabay ayos ng kaniyang suot na eye glass.
Napaisip ako ng husto ng mga sandaling iyon dahil sa hindi ako mapakali sapagkat parang alam ko sa aking sarili na minsan ko na itong nakilala, hanggang sa matandaan at maaalala ko nga siya.
Napahawak ako sa aking noo.
"Ah, right ikaw iyong lalaki sa bar. Am I right?" Sabay napapaisip. "But wait talagang natandaan pa kita ha, it's been a year bago tayo nagkita ulit. My God!" Palakas na boses na pagsabi habang hindi makapaniwala kung bakit ko pa siya natandaan.
"Yeah! Tama ka. Pauwi na ako ng makita kita, napaisip nga ako parang kilala kita. And then, I remember I meet you in my bar. Kaya huminto ako. Nice to meet you again." Sabay kumaway ant ngumiti sa akin.
"Parang himala nu? Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong ko pa sa kanya habang napapaisip
"I'm Mike," sagot niya.
"Oh, sabi ko na nga ba Mike."
"And you are Kristina? Right?"
"Yes, I'm Kristina. Natandaan mo pa talaga pangalan ko."
"Syempre naman ikaw pa. Anyway uuwi ka na ba?"
"Actually pauwi na nga"
"Tamang tama pauwi na rin ako, sumabay kana sa akin."
"Ah hinid na nakakahiya naman."
"No! It's okay 'wag kang mahiya."
"Oh sege na nga."
Habang nasa byahe kami ni Mike ay naisipan namin na kumain muna sa restaurant. Bago umuwi ng bahay.
Sa restaurant habang kumakain kami.
"Maganda ka parin kagaaya ng dati Kristina," wika pa niya habang umiinom ng champaign.
"Ah nako, anyway salamat," sabi ko pa sabay ngumiti ng kunti.
"Diyan ka pala nagtatrabaho sa Gen. San Hospital, matagal ka na ba nagtatrabaho diyan?" tanong pa niya sabay subo ng kaniyang pagkain.
"Oo matagal, na limang taon na nga akong nagtatrabaho diyan," wika ko pa habang umiinom ng tubig.
"Ganoon ba, alam mo hidi ko inaasahang isa ka pa lang nurse," pagtatakang sabi niya na tela napapaisip.
"ha ? Eh bakit naman?" tanong ko sa kanya sabay napaisip sa kaniyang sinabi.
"Iba lang kasi ang pagkilala ko sa'yo 'nung una kitang makita sa bar," ani pa niya sabay napatawa ng kunti.
"Eh ano ba ang pagkilala mo sa akin?" sabay tiningnan siya ng mabuti.
"Haha wala 'wag mo nang isipin iyon," wika pa niya sabay napatawa ng husto na tila may malisyang pagtawa.
Bigla naman akong napapaisip sa naging pagtawa niya. "Siguro ay masamang babae ang tingin mo sakin nu?"
"Nako hindi! Akala ko lang kung sino sinong babae ka lang. 'Yun pala isa kang nurse, at hindi naman sa ganoon kasama ang tingin ko sa iyo 'nung una ha," ani pa niya habang napatigil sa pagtawa.
"Ah ganon ba," sabi ko naman na tila may pag-aalinlangan.
"Actually, minsan diyan kami nag pa pa-check up ng dad ko sa Ospital niyo. Pero hindi pa kita nakita," sabay tingin sa akin na tela may iniisip.
"Marami naman kasi kami siguro hindi niyo lang ako napansin," sabay tingin sa reception.
"Ganoon na nga, pero sa totoo lang sa lahat ng nurse na nakikita ko sa ospital niyo ikaw lang ang pinakamaganda," wika pa niya habang nakangiting tumitingin sa akin.
"Sos ano ba iyan kayo talagang mga lalaki bolero. Hay nako," palakas na boses kong pagsabi sabay huminga ng malalim habang palihim na napangiti sa sinabi niya.
"Honestly, totoo 'yang sinasabi ko," sabi pa niya na hatalang nagsasabi ng totoo.
"Oh sege na nga," sabay pagtawa ko.
"Oo nga eh. By the way bakit hindi kana pala pumupunta sa bar," tanong niya habang pumapahid ng tissue sa labi niya.