Chapter 10

"Ah kasi masyadong busy ako palagi," ani ko pa sabay napakamot sa ulo.

"Ganyan ba talaga pag nurse? tanong pa niya habang napapaisip.

"Siguro nga, eh ikaw ba?"

"Well, a lil bit busy pumupunta lang naman ako sa bar kapag maraming aasikasuhin. And then, kaplpag waala ay nasa bahay lang ako minsan tumutulong ako sa dad ko sa pag-aasikaso sa factory namin," wika pa niya.

"Ah may factory pala kayo, ang dami mo naman pa lang pinag-aabalahan," sabi ko naman sabay kumuha ng panyo sa aking bag.

"Well, parang ganoon na nga pero kahit papaano may time pa naman ako para mag saya . Like this," pangiting sabi niya sabay tingin sa aking mga mata.

"Well, sabagay nga naman may point ka."

Napatagal at napasarap ang usapan namin ni Mike sa isat-isa. Kahit na ngayon lang ulit kami nagkita ay parang nagkalapit agad ang loob namin sa isat-isa.

At tela kampanti kami pareho sa isat-isa kapag magkasama kami.

Matapos ang dinner namon sa labas ay agad niya rin akong hinatid sa bahay ko.

Nang pagbaba ko sa kaniyang sasakyan.

"Um, anyway thanks for the time," pangiting sabi ko sa kanya.

"Actually, ako dapat ang magsabj niyan, kasi pumayag ka sa pa-anyaya ko sa'yo," sabi pa ni Mike sabay ngumiti sa akin.

"Oh ganoon ba. sege e-di welcome," pabiro kong pagsabi sabay tumawa.

"Nakakatuwa ka pa lang kasama hindi ko en-expect iyon," ani pa niya sabay tumawa habang nakatitig sa aking mukha.

"Ah, ikaw din naman m. By the way baka gusto mong pumasok sa bahay ko. Baka gusto mong magkape nakakahiya naman kapag hindi man lang kita papasukin," wika ko pa sabay tumawa ng kunti habang tinitingnan siya sa kaniyang mga mata.

"Oh sege ba, gusto ko iyan," sabay bumaba sa kaniyang sasakyan.

"So, tara na pumasok na tayo," sabay bukas ng pintuan at pumasok sa loob ng bahay.

Sa loob ng bahay pagpasok namin ay agad napatingin si Mika sa mga litratong nakasabit sa dingding at agaw pansin sa kanya ang ganda at linis ng aking munting tahanan.

"Ang ganda naman ng bahay mo at maganda rin ng lugar dito. Asan ba ang parents mo bakit parang ang tahimik naman yata ng bahay niyo?" pagtatakang tanong niya sa akin habang abala sa pagtitig sa aking mga litrato.

"Ah salamat. Um, actually ako lang mag-isa dito sa bahay. Nasa Laguna ang parents ko, may bahay din kami roon. Sa katunayan ay tubong Laguna talaga ako. Napadpad lang ako rito sa Gen. San ay dahil nandito ang trabaho ko o dito ako nakapagtrabaho," wika ko pa habang nagpapainit ng tubig sa heater.

"Ikaw lang mag-isa dito? Wala kang kasama o katulong sa bahay na ito?" palakas na boses na pagsabi niya sabay tingin na tela napapaisip.

"Well, definitely ako lang nga, hindi na ako kumuha ng kasambahay. Wala naman kalat itong bahay ko at palagi pa akong wala rito. Gabe na rin akong umuuwi kaya hindi na ako kumuha ng katulong, tsaka bumibili lang ako palagi ng pagkain sa labas kaya hindi ko kailangan ng tagaluto," paliwanag ko pa sa kanya sabay kumain ng grapes.

"Pero mas mabuti na 'yung may kasama ka. Eh papano kapag may magnanakaw na magtangkang pumasok?" sabi pa niya na tela may pag-aalala sa tono ng kaniyang pananalita.

"Hindi naman siguro, secure naman palagi ang bahay ko at chini-check ko nga palagi kapag matutulog na ako o di kaya kapag umalis ako ng bahay papuntang trabaho o kung saan-saan," ani ko pa habang pinagtitimpla siya ng kape.

"Mabuti naman kung ganon. Mas kapanatag ng loob kapag ligtas ka palagi," wika pa niya sabay ngumiti.

"Sabagay nga naman tama ka."

Nagmasid masid lang sa paligid ng bahay si Mike samantalang ako ay nag titimpla ng kape.

Nang matapos akong magtimpla ng kape ay agad ko itong inabot sa kanya. "Oppss here's your coffee sir!" dahan-dahan na inabot ang kape sa kanya.

"Haha nako, nag-abala ka pa na tawagin akong sir ha," wika pa niya sabay abot ng kape habang may ngiti sa kaniyang labi.

"Haha medyo na kasanayan ko na rin kasi iyan," sabi ko pa sabay umupo sa tabi niya.

"Ganon ba, maiba nga ako ng usapan natin. Kamusta naman pala ang buhay pag-ibig mo ngayon?" tanong pa niya sabay higop ng kape.

"Ha? Buhay pag-ibig? Para yatang speechless ako diyan ah," pag-aalinlangan g pagsabi ko sabay kamot sa ulo.

"Speechless? Oh bakit naman? Don't tell me..." bigla siyang napatigil sa kaniyang pagsasalita dahil sa bigla-bigla kong pagtawa ng malakas

"Haha ito buhay single, kahit papaano masaya naman ang buhay ko nasanay na siguro akong mag-isa sa buhay," wika ko pa sabay huminga ng malalalim.

"Wala kang love life? I mean wala kang boyfriend?" pagtatakang tanong niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa na tela may pagtataka sa kaniyang mukha.

"Ganoon na nga. Sarili ko nalang at carrier ko ang pinagkakaabalahan ko ngayon," sagot ko sa kanya sabay tingin sa mga painting na nasa aking harapan.

"Sa ganda mong iyan wala kang boyfriend? Parang hindi naman yata kapani-paniwala iyan Kristina," pagtatakang sabi niya na halatang hindi makapaniwala.

"Kayo talagang mga lalaki iyan palagi ang lumalabas sa bibig niyo kapag sinasabi ng babae na wala silang boyfriend ganoon ba talaga kayo ha?"

Sabay pinag-cross ang aking magkabilang braso.

Napataas ang kaniyang dalawang kilay. "Totoo naman napakaganda mo para sabihing walang boyfriend,"

"Well, actually natanong ko rin iyan sa sarili. Hindi biro lang," sabay tumawa ng malakas.

"Bakit ka naman natatawa diyan? Seryoso kaya ang mga tanong ko subalit tinatawanan mo lang," seryosong sabi niya.

"Hindi naman, ang ibig ko kasing sabihin tinanong ko ang sarili ko bakit hindi pa dumarating sa buhay ko 'yung taong sabihin nating the one ko," sabay buntong hininga.

"Dadating at dadating din iyan sa tamang panahon at pagkakataon," pangiting sabi niya.

"Bakit ikaw nahanap mo na ba 'yung the one mo?"

"Um, actually akala ko nahanap ko na siya pero hindi pa pala," ani pa ni Mike na tila parang may bahid ng lungkot ang kaniyang mukha.