Chapter 8

Kinabukasan paggising ko nang umaga ay laking gulat ko na lang nang pagmulat ko ng aking mga mata ay wala na akong suot na damit at alos hubot-hubad na ako lahat.

Para akong nasiraan ng ulo dahil sa bigla akong nagwala at hindi mapakali sa aking sarili dulot sa labis na pagkabahala at pagtataka kung bakit paggising ko na lang ng isang umaga ay hubot-hubad na ako.

Mayamaya pa ay bigla-bigla ko na lang naalala ang lahat-lahat ng nangyari sa aming dalawa ni Troy kagabi, na siyang ikina-tulala ko dahil sa hindi ako makapaniwala na mangyayari ang bagay na iyon.

Parang sa pelikula mo lang makikita ang mga pangyayaring iyon, kung mamarapatin.

Natagalan pa bago ako nakagising mula sa aking pagkatulala. Nagising na lang ako ng may kumagat na langgam sa aking paa. "Aray!"

Bigla akong napaupo sa aking kama at sa hindi sinasadya ay may nahawakan akong basang dugo na tumagos sa kamang hinihigaan ko.

"Ano ito? Dugo?!" Pagtataka at pagkabahala ko habang tinitingnan ang aking kama na may maraming tumagos na dugo.

Agad akong napaisip ng husto patungkol dito. "Oh my God I already lost my virginity! At naibigay ko kay Troy ng ganoon-ganoon lamang. I can't believe why it happened!" bulong ko sa aking sarili habang napakunot ang aking noo sa labis na pag-iisip.

Tila nakaramdam ako ng pagkabahala ng mga sandaling iyon. Ngunit nang inalala ko ang mga nangyari sa amin kagabe ni Troy ay may kunting saya naman akong naramdaman tuwing maiisip ko iyon. Sapagkat hindi ko rin maikakaila na nasiyahan din ako sa nangyari at wala akong pagpigil na ginawa upang hintuin ang aming mainit na ginagawa ni Troy. Since may gusto naman akong naramdaman sa kanya kahit na isang gabe lamang kami nagsama at nagkakilala dalawa.

Mayamaya pa ay bigla akong nagtaka nang mapansin kong wala na si Troy sa tabi ko, subalit katabi ko pa siya sa pagtulog kagabi.

Tumayo ako at tiningnan ang buong paligid ng aking kwarto. "Na saan kaya sa Troy?" Tanong ko pa sa aking sarili habang napapaisip.

Nagbihis agad ako at lumabas ng kwarto upang matignan ko kung nasa labas nga lang ba ng kwarto ko o kaya sa sala naroon si Troy.

Pagkalabas ko ng kwarto ay una ko agad pinutahan ang kusina baka naroon lang siya at kumakain dahil nagutom.

Subalit pagdating ko roon ay hindi ko siya nakita at tanging aso ko lamang ang naroroon. Pumunta rin agad ako ng sala ngunit wala rin siya roon. Halos nalibot ko na yata ang buong bahay ngunit wala pa rin siya at hindi ko mahanap.

Hanggang sa naisipan ko na lang na lumabas ng bahay hanggang sa mapansin ko na lang na wala na ang sasakyan na minamaniho niya kagabi.

Hindi naman sumagil sa aking isipan na ako'y iniwan niya. Baka umalis lang siya saglit at may pinuntahan lang ang naiisip ko ng mga oras na iyon.

Kaya't naghintay ako ng ilang oras baka bumalik siya, subalit makalipas ang tatlong oras ay wala akong may sasakyang nakita o narinig na ingay ng sasakyan na siyang papalapit sa bahay ko. Hanggang sa gumabi na lang at hindi pa rin siya nakabalik. Subalit hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa na bumalik siya. Dahil ni minsan ay hindi iyon sumagil sa aking isipan.

Hanggang sa lumipas na ang ilang araw at ilang linggo ay wala pa rin akong nakitang Troy na bumalik dito sa aking bahay at nagpakita sa akin.

Umabot na nga lang nang buwan ang lumipas ay hindi pa rin siya nagpapakita sa akin. Para na lang siyang isang bula na basta-basta na lang naglaho at di na muling nagpakita pa matapos ang lahat.

Naisip ko na lang tuloy na parang isang laro lang talaga ang nangyari sa amin ni Troy. Na parang ginamit lang namin pareho ang aming mga katawan para lang sa isang gabing iyon.

Parang nagi-guilty nga ako na parang sinisi ko talaga ang aking sarili kung bakit nagpadala ako sa init ng katawan ko kaya't pumayag ako na gawin iyon at ibigay sa kanya ang lahat ng aking dignidad at kalinisan ng aking pagkababae. Sa katunayan kasi ay siya itong kauna-unahang lalaki na nakagalaw sa akin at aminin na nating virgin pa ako nu'ng araw na iyon.

Pero kahit papaano ay sumaya naman ako, ginusto ko naman ang nangyari kaya wala dapat akong pagsisihan. Ang pagkakamali ko lang ay naibigay ko pa sa maling tao sa taong kakilala ko lamang ng isang gabi.

Alam kong walang may namamagitan sa aming dalawa ni Troy ngunit hindi ko akalain na masasaktan ako ng ganito. Hindi ko akalain na malaki ang magiging epekto nito sa aking pagkatao.

Umabot pa sa punto na nagtanim ako ng galit at pagkamuhi sa kanya dahil sa kaniyang pag-iwan sa akin na wala man lang paalam o kahit pasabi man lang. Iniwan niya ako na parang isang maruming babae na basta-basta na lamang itatapon kapag napakinabangan na.

Wala man sanang malalim na dahilan para magalit ako sa kanya since wala kahit na katiting may relasyon kami ni Troy. Subalit patuloy pa rin itong pagtanong ng galit ko sa kanya dito sa aking puso.

Kaya hindi ko talaga makakalimutan ang gabing iyon, ilang buwan o taon man ang dumaan ay mananatili pa rin iyon sa aking isipan.

Fast forward, isang taon na ang nakalipas.

Habang nasa Opital ako kung saan nagpapahinga.

(Phone ringing)

Bigla akong may narinig na tawag mula sa aking cellphone. "Sino naman kaya itong tumatawag?" Pagtatakang sabi ko sa aking sarili.

Agad ko naman na sinagot ang tawag.

"Hello sino po sila?" Mahinahon na taking ko mula sa kabilang linya.

"Hello Kristina si Annabelle ito," galak na pagsabi ni Annabelle sa akin.

"Oh! Hello Annabelle kamusta kana? Ikaw lang pala. Nagulat naman ako akala ko kung sino na. Nag palit ka ba ng number mo?" Tanong ko pa sabay sandal ng aking likod sa pader.

"Ayos lang naman ako ikaw diyan kamusta? Oo ito na ang bago kong phone number."