CHAPTER 88
"Nang dahil sa kanya ay unti-unti akong naka move on sa iyo, gayon din ang mabura kita sa aking puso at isipan. At sa tagal ng panahon na sumaya ako sa piling niya ay unti-unti na rin kitang napatawad. Sobrang saya ko kasi sa kanya at mahal na mahal ko siya higit pa sa aking pagmamahal sa iyo noon," paliwanag ko pa kay Troy habang pinipigilan ko lamang ang aking sarili na maging emosyonal sa kaniyang harapan.
Tila natigilan naman si Troy kung kaya't natagalan siya bago muling makapagsalita.
"Tama ka nga naman Kristina. Nakikita ko naman na masaya kana sa piling ng bago mo ngayon. Deserve mo naman talaga ang sumaya at makahanap ng isang matinong lalaking magmamahal sa iyo ng tudo na hindi kagaya ko, sapagkat mabuti kang babae. Baliw, gago at tanga talaga ang lalaking magloloko sa iyo," sabay napatawa si Troy ng malakas habang sarili niya mismo ang tinutukoy niya na baliw, gago at tanga.
"I know that I deserve someone better. Hindi ko kasi ugali ang magloko at magsinungaling sa taong mahal ko. Lalo na ngayon na ako'y nasa tamang tao na ay hinding-hindi ko gagawin ang magloko o lokohin siya, pagtaksilan at lalong lalo na ang ipagpalit siya sa ibang lalaki,"
Napatingin si Troy sa taas ng kisame upang hindi agad tumulo ang kaniyang mga luha dahil sa aking tagos pusong masasakit na salitang sinabi sa kanya.
"Wala na nga akong ibang sasabihin pa ang masasabi ko lang ay sundin mo kung ano ang tinitibok ng iyong puso at makakabuti para sa iyo. Anyway this is the duplicate key of your house, ibabalik ko na pala sa iyo," dahan-dahan niyang inilapag sa mesa ang susi na ibinigay ko sa kanya noon
"And about earlier, pasensya kana kung bigla-bigla na lamang akong pumasok sa bahay mo ng walang pasabi sa iyo lalo pa at matagal na akong hindi welcome sa bahay na ito," sabay tiningnan niya ang buong palibot ng bahay kasabay ng kaniyang pag-ngiti ng kunti kahit alam kong napipilitan lamang siya.
"Ngunit bago ako umalis dito ay may huli akong sasabihin sa iyo," huminga siya ng malalim sabay humugot ng lakas ng loob para sabihin sa akin ang bagay na ito. "Mahal pa rin kita hanggang ngayon at kahit nagawa ko man ang ipagpalit ka sa ibang babae noon subalit mananatili ka pa rin dito sa aking puso at patuloy kitang mamahalin kahit alam kong hindi na ako ang mahal mo ngayon. Pinagsisihan ko man ang aking nagawang kasalanan sa iyo noon subalit huli na ang lahat para sisihin kong muli ang aking sarili lalo pa at may iba nang nagmamay-ari ng iyong puso. Wala ng silbi pa ang lahat dahil huli na bago ako magsisi pa,"
"Also, I will not blame you kung ayaw mong maniwala sa akin. In the first place matagal nang nasira ang pagtitiwala mo sa akin," sabay tinitigan niya ako sa aking mukha habang nakikita ko na nanlulumo ang kaniyang mga mata na tila parang may tutulo ng luha.
"By the way hindi na pala ako magtatagal at ako'y aalis na. Siguro ay ito na rin ang una at huling pagkikita nating dalawa. Gagawin at susundin ko na lang ang iyong sinabi na ayaw mo na akong makita, kaya't ito na ang magiging huling araw na magpapakita pa ako sa iyo. Masakit man pakinggan at damhin subalit tatanggapin ko pa rin para sa ikabubuti mo," ngumiti siya sa akin habang damang-dama ko ang sakit at bigat sa kaniyang puso.
"Paalam Kristina_," malungkot na pagkasabi niya. "Mahal ko," dagdag pa niya habang dahan-dahan na tumalikod sa akin kasabay ng kaniyang paglakad palabas ng aking bahay.
Hindi na lang ako nagsalita sa mga sinabi ni Troy dahil tila parang nakaramdam din ako ng sakit at lungkot dito sa aking puso sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Hinayaan ko na lamang siya na lumabas ng aking bahay. Habang natigilan ako sa kaniyang mga sinabi.
Nang makalabas siya ng bahay ay wala man lang akong imik o kahit kunting sinabi sa kanya bago siya tuluyan na umalis.
Nang makaalis na nga siya sakay ng kaniyang kotse ay doon na ako labis na naging emosyonal. Hindi ko akalain na maapektohan pa rin ako ng ganito at makadama ako ng sakit sa mga sinabi ni Troy.
Hindi ko akalain na malaki ang magiging apekto sa akin ang muli naming paghaharap dalawa.
Bigla-bigla na lamang akong nanghina at umiyak ng umalis siya lalo na sa huling sinabi niya sa akin.
Na ito na ang huling pagkikita namin dalawa.
Kahit anong gawin kong limot at bura kay Troy dito sa aking puso at isipan ay hindi ko naman pala kayang gawin lalo na kapag makikita ko siya.
Kahit na minsan ko na siyang makalimutan at napabayaan hanggang sa humantong na tila tuluyan ko na nga siyang binura sa aking alaala ay babalik at babalik pa rin talaga siya rito sa aking isipan at sa aking puso.
Bigla ngang nagbago ang lahat simula nang maging magkarelasyon kami ni Mike sapagkat nabalin ang aking pagmamahal sa kanya at tila biglang nawala ang natitirang pagmamahal ko kay Troy na pilit kong tinatago sa loob ng mahabang panahon.
Aminado nga ako na itong isip ko ay nagdidikta at nagsasabi sa akin na hindi ko na mahal si Troy at wala na akong pagmamahal pa sa kanya subalit kasalungat naman sa aking puso dahil hanggang ngayon ay nandito pa rin siya kahit matagal nang panahon ang nagdaan. At kahit na nagkaroon na ako ng bagong karelasyon and yet he still inside my heart.
Paulit-ulit ko man na sinasabi sa aking sarili na maayos na ako ngayon sa pangangalaga ni Mike subalit minsan ay mapag-isipan ko na mayroon talagang kulang. At iyon nga ay si Troy.
Naging masaya man ako sa loob ng kunting panahon na magkasama kami ni Mike subalit hindi pa rin talaga matutumbasan ang aking saya at kaligayahan noon kay Troy.
Hindi ko alam kung ano itong sinasabi ng aking puso. Mahal ko nga si Mike subalit sa kabilang side ko ay nagsasabi rin na mahal ko pa pala hanggang ngayon ang ex-boyfriend ko na si Troy.