CHAPTER 87
"Tama na siguro ang nagkita tayo kanina, wala ng dahilan pa para muli tayong magkita ulit o magkausap man lang. Masaya na ako ngayon sa piling ni Mike at magiging masaya na rin ako para sa iyo Troy," pangiting sabi ko pa sabay huminga ng malalim.
Mayamaya pa ay pinutol ko na ang aking pag-iisip patungkol kay Troy at napagdesisyonan ko na lamang na magbihis upang ako'y makatulog na.
Magbibihis na sana ako ng mga sandaling iyon ng may narinig akong kaka-ibang ingay sa labas ng aking kwarto na siyang umagaw sa akin ng atensyon. Kung kaya't hindi ko naituloy ang aking pagbibihis at napag-isipan ko na muna na lumabas ng aking kwarto upang tignan ito.
Lumabas ako ng kwarto na nakatapis lamang ng tuwalya habang napapaisip sa ingay na aking narinig kanina.
Nang makalabas ako ay tila biglang huminto ang ingay na aking narinig. Tila parang wala namang kaka-iba rito kung kaya't bumalik na lang ako papasok sa loob ng aking kwarto. Hanggang sa isang beses ay may narinig akong may parang bumukas ng pintuan sa aking kusina na siyang ikinabahala ko ng husto.
Agad naman akong napahinto sa aking paglalakad papasok ng kwarto at mabilis na napalingon dahil sa ingay na aking narinig.
Dahil dito ay naisipan kong pumunta ng kusina upang alamin ang bagay na ito. Nang pababa na ako ng hagdan at patungo papuntang kusina ay biglang may tumambad sa aking harapan na isang ligaw na pusang nakapasok sa aking bahay.
Bigla naman akong nabigla at kinabahan sa biglaang pagtambad ng pusa sa aking harapan. "My God akala ko kung ano na ngunit pusa lang naman pala. Muntik na akong ma nerbyos sa iyo pusa ka. At bakit ka nga ba nakapasok dito ligaw na pusa ka?" Palakas na boses na pagsabi ko sabay huminga ng malalim dahil sa nerbyos na aking naramdaman kanina.
Habang palaisipan sa akin kung paano nakapasok ang ligaw na pusang ito nang bigla kong naisip na may maliit pa lang pintuan malapit sa kusina na pweding pagdaaanan ng pusa o aso. "Hay nako, kaya naman pala nakapasok kang ligaw na pusa ka. Ikaw din pala iyon ang naging dahilan upang makarinig ako ng tunog na parang may bumukas ng pintuan. Akala ko ba naman ay kung ano na," wika ko pa sabay buntong hininga habang pinagmamasdan ang pusang nakaupo sa aking harapan. "Nang dahil sa iyo hindi ko pa tuloy na gawang magbihis. Halika nga rito at ilalabas na kita sa bahay ko at baka hinahanap ka na rin ng amo mo," dugtong ko pa sabay binuhat ang pusa at tsaka pumunta sa aking kusina at inilabas ito sa aking bahay.
"Umuwi kana sa inyo at tiyak nag-aalala na 'yung amo mo,"
"MEOW"
Ngumiti na lamang ako sabay isinarado ang pintuan.
Matapos kong isarado ang pintuan ay nagbukas muna ako ng ref para kumuha ng malamig na inuming tubig.
At nang isarado ko na ang pintuan ng ref ay bigla kong nakita ang mukha ni Troy sa isang maliit na salaming nakadikit sa pintuan ng ref kung kaya't nabitawan ko ang basong hawak-hawak ko dahilan upang ito'y bumagsak sa semento at mabasag.
Dahil sa aking pagkagulat ay bigla akong napalingon sa likod dahilan upang makita ko ng harap-harapan si Troy. Nakatayo siya sa aking harapan habang pinupukol niya ako ng kaniyang tingin.
Halos manlaki sa sobrang gulat ang aking dalawang mata nang makita ko siyang tumambad sa aking harapan. Tulala lamang akong nakatingin sa kanya habang hindi ko alam ang aking gagawin ngayon.
Hanggang sa isang beses ay nagising ako mula sa aking pagkatulala at biglang napasigaw sa hindi ko mapaliwanag na dahilan.
"Aaaaahhhhhhh!!"
Mabilis akong lumayo at dumistansya mula sa kaniyang kinatatayuan habang hindi pa rin makapaniwala na naririto siya ngayon mismo sa loob ng aking bahay at kaharap ko pa.
"Bakit ka nandito anong ginawa mo rito?! Palakas na boses na pagsabi ko sabay takip ng aking dibdib lalo pa at nakatapis lamang ako ng tuwalya.
Huminga ng malalim si Troy sabay tinitigan ako mula ulo hanggang paa.
"Nakalimutan mo na ba? Na hanggang ngayon ay tago-tago ko pa rin ang duplicate key ng bahay mo. Kung kaya't nakapasok na lamang ako basta-basta sa bahay mo," wika pa ni Troy habang dahan-dahan na lumapit sa akin.
Napaisip naman ako. "Oh eh ano naman ngayon kung nasa iyo pa nga iyan. Wala ka pa rin karapatan na basta-basta na lamang pumasok sa bahay ko lalo pa at hindi ko nalalalman. At bakit ka nga ba nandito, ano pa ba ang dahilan ng iyong pagpunta rito gayon din ang iyong pagpapakita sa akin ngayon. Hindi pa ba sapat na nagkita na tayo kanina? So please Troy umalis kana sapagkat ayoko nang makita ka pa!" Galit na pagsabi ko sabay buntong hininga.
"Hindi naman ako pumunta rito para manggulo o guluhin pa ang buhay mo. Alam ko naman na mayroon ka nang minamahal, na mayroon nang ibang nagmamay-ari ng iyong puso at iyon ay igagalang ko. Pumunta lang naman ako rito upang kamustahin ka Kristina? Anyway kamusta kana pala?" Wika pa ni Troy sabay ngumiti ng kunti na tila parang napipilitan lamang.
"Ayos na ako Troy. Maayos na ang kalagayan ko ngayon so you don't need to ask me that question. Nasa mabuting kamay na ako at sapat na iyon para hindi mo na ako tanungin pa sa bagay na iyan,"
"Alam kong malaki ang galit mo sa akin at alam kong masama ang loob mo sa akin dahil sa aking ginawang pagkakamali sa iyo noon. Subalit gusto ko lang na humingi sa iyo ng paumanhin at kapatawaran kahit alam kong malabo nang mangyari ang muli mo pa akong patawarin. Ngunit hihingi pa rin ako sa iyo ng kapatawaran gustuhin mo man o hindi,"
"Enough please! Ayoko nang marinig ang mga salitang iyan. Isang pagkakamali lang ay sapat na subalit inulit mo pa eh, kaya't tama na! Ayos na naman ako Troy at masaya na ako sa piling ni Mike. Wala ng dahilan para humingi ka pa ng sorry mo sa akin because sorry is not enough sa lahat ng masasakit na idinulot mo sa akin. But don't mind it sapagkat matagal na kitang pinatawad Troy, kahit na matagal din akong naghirap bago ako maka-recover sa traumang natamo ko ng dahil sa iyo. At nagpapasalamat ako kay Mike dahil siya ang naging paraan o susi para maibsan ang sakit dito sa aking puso."