CHAPTER 85

"Sino kaya ang nasa loob ng sasakyan itim na iyan na siyang huminto mismo sa labas ng bahay ni Kristina? Kaibigan niya kaya iyan o hindi ba kamag-anak?" Pagtatakang tanong ni Troy sa kaniyang sarili habang tutok na tutok sa itim na kotse at hinihintay ang paglabas ng taong nasa loob nito.

"At ano naman kaya ang punterya ng taong ito at bakit dis-oras na nang gabi ay pumunta pa rito sa bahay ni Kristina," dagdag pa niya habang napapaisip ng hindi ka nais-nais patungkol dito.

Mayamaya ay biglang bumukas ang pintuan ng kotsing itim kung kaya't mas inigi pa ni Troy ang pagtutok dito nang sa ganoon ay makita niya ng mabuti ang taong nasa loob nito.

Tila hindi na siya mapakali sa kaniyang sarili dulot sa labis na paggalak na makita ang taong ito. Tila naghahalo halo na ang kaniyang mga iniisip. Sapagkat disidido talaga siya na malaman kung sino nga ba ang taong ito. Ito ba ay isang babae o di kaya isang lalaki.

Ilang saglit pa ay tuluyan na ngang bumukas ang pintuan ng kotse at nakalabas ang taong sakay nito. At nang makita ng kaniyang mga mata ang taong lumabas ay biglang nanlaki ang kaniyang mga mata sapagkat lalaki ang kaniyang nakita na walang iba kun'di si Mike ang aking boyfriend sa kasalukuyan na hindi niya rin alam.

Tila parang nakaramdam siya ng kaka-iba sa kaniyang nakita lalo pa at kaka-iba ang tindig ng lalaking ito na si Mike.

"Bakit lalaki? Sino ang lalaking ito?" Bulong pa niya sa kaniyang sarili habang pinukol ng masamang tingin si Mike.

Mayamaya pa ay biglang bumukas ang pintuan ng aking bahay at nakita niya rin akong lumabas at siyang papunta papalapit sa kinatatayuan ni Mike.

Sa hindi niya inaasahan at akalain ay makikita niya at matutuklasan ang ginawang yakap at halik ni Mike sa aking labi na siyang labis niyang ikinagulat.

Mismo nakita ng kaniyang dalawang mata ang aming mahigpit na pagyayakapan ni Mike sa isat-isa at pagsasalo ng aming halik sa isat-isa. Kung kaya't bigla-bigla na lamang bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso sapagkat aminado si Troy na sobrang nasaktan siya sa kaniyang nakita.

Dahil sa kaniyang nalaman at natuklasan ay napagtanto niya sa kaniyang sarili na mayroon na nga pala akong ibang boyfriend at mayroon nang nagmamay-ari ng aking puso at walang iba kun'di si Mike.

Tila parang pinukpok ng martilyo ang puso ni Troy sa kaniyang sakit na naramdaman. Nanginig ang kaniyang buong katawan dahil sa bilis ng tibok ng kaniyang puso dahil sa hindi niya inaasahan na makita o matuklasan.

Sa hindi na malayan ni Troy ay bigla-bigla na lang din na pumatak ang kaniyang mga luha galing sa kaniyang mga mata habang pinagmamasdan kami ni Mike na siyang masayang naghahalikan.

Tila parang kinapos siya ng kaniyang hininga na para bang nawalan siya ng lakas ng loob at pag-asa na muli pa kaming magakakabalikan dalawa lalo pa at nagaptanto niya sa kaniyang sarili na lubos kaming nagmamahalan dalawa ni Mike sa paraan pa lang ng kilos at galaw namin.

Na alala niya bigla ang aming masayang alala at pinagdaanan dalawa nu'ng panahon na kami pa. Na alala niya rin ang mga masasakit na ginawa niya sa akin noon, ang mga panloloko niya at pagtataksil sa akin na minsa'y hindi ko ginawa sa kanya.

Tila parang na-realize ni Troy sa kaniyang sarili na masakit pala kapag binalikan ka ng karma sa iyong mga pinaggaagawa. Na-realize niya na masakit pala makitang masaya na sa piling ng iba ang taong minahal mo ng lubos noon.

Para bang napagtanto niya sa kaniyang sarili na deserve niya ang magsisi sa huli dahil sa panahon na sinayang niya ako. At ngayon nga ay lubos na nagsisisi si Troy sa kaniyang pagsayang sa akin na ngayon ay nakahanap na nang bagong kapalit niya na bubuhay muli at magbibigay ng magandang kulay sa aking puso na nawasak at nasira niya noon.

"Why? Karma na ba ito para sa akin? Hindi ko akalain na masasaktan ako ng sobra sa aking makikita at matutuklasan ngayong gabi. Lalo pa at hanggang ngayon ay mahal ko pa rin ang babaeng may mahal ng iba ngayon. Diyos ko! Alam kong makasalanan akong tao pagdating sa pag-ibig ngunit bakit kailangan kong masaktan ng ganito at pagdaaanan ito?" Bulong ni Troy sa kaniyang sarili sabay napasandal sa driver's seat habang patuloy ang pagpatak ng kaniyang mga luha galing sa kaniyang mga mata.

Ngayon na naramdaman din ni Troy ang aking mga masasakit na naramdaman noon sa kanya. Pinadama ko rin sa kanya ang kaniyang pinadamang sakit at hirap noon sa akin.

"Ngayon ay naramdaman kung ano ka sakit at kahirap ang aking naibigay sa iyo noon Kristina at mismo ngayon ay ako na ang nakadama. Sobrang sakit pala!" Sabay na inuntog ni Troy ang kaniyang ulo sa manobela na nagdulot ng pasa at sugat sa kaniyang noo.

Mayamaya pa ay napagdesisyonan na lamang ni Troy na umuwi sa kaniyang condo units at doon ipagpatuloy ang paglabas ng kaniyang sama ng loob at sakit nadarama.

Pagdating na pagdating ni Troy sa kaniyang condo unit ay agad na nagbukas siya ng mga inumin upang maglaklak ng alak at maglasing dahil sa hindi niya matanggap ang kaniyang natuklasan at nalaman kanina patungkol sa amin dalawa ni Mike.

Patuloy lang siya sa paglalak ng alak habang mayroong galit sa kaniyang mukha na makikita. Kasabay na rito ang kaniyang pag-iimagine sa aking hubad na katawan na naging dahilan upang mas naglaklak pa lalo siya ng alak. Hanggang sa isang beses ay mapunta ang kaniyang imahinasyon sa aming masilan na ginagawa ni Mike lalo pa at alam niyang kami lang dalawa doon ni Mike sa aking bahay.

Dahil dito ay hindi niya napigilan ang kaniyang sarili dahil siya'y labis na nagalit sa kaniyang mga iniisip patungkol sa amin ni Mike kung kaya't bigla-bigla niyang hinampas ang mga bote sa pader dahilan upang ito'y mabasag.

Pagkatapos ay pinagsusuntok niya ang matigas na pader dahil sa kaniyang galit at emosyon na nadarama. Hindi niya na talaga kinaya kung kaya't nagawa niyang saktan ang kaniyang sarili na sa huli ay siya rin naman ang mahihirapan nito.