CHAPTER 84
Mayamaya pa ay bumalik na ako sa flower shop upang kunin ang mga pinamili kong bulaklak at upang makapunta na sa Restaurant ko para maglagay ng mga palamuti at ibat-ibang design para rito.
Hindi na ako makapaghihintay na mabuksan ko na ang Restaurant ko lalo pa at matagal ko itong hinintay.
Nang makalabas ako ng mall ay dumiritso ako ng parking lot upang kunin ang aking sasakyan.
I'm about to go palabas ng parking lot nang aksidenting makita ako ni Troy na sakay ng aking minamanihong sasakyan habang siya ay papasok ng parking lot sakay din ng kaniyang sasakyan.
Tila laking gulat ni Troy at paglaki ng kaniyang mga mata ng makita niya ako sa hindi niya inaasahang lugar at pagkakataon.
"Kristina?" Wika ni Troy sa kaniyang sarili habang tulalang nakatingin sa akin palabas ng parking lot.
Wala rin akong ka alam-alam na umuwi na pala ng Pinas si Troy at dumiritso rito sa General Santos. At mas lalong wala akong ka malay-malay na nakasalubong pala ako ni Troy sa parking lot at gayon nga ay harap-harapan niya akong nakita. Samantalang ako ay hindi alam ang patungkol dito.
Napahinto si Troy sa kaniyang pagmamaneho at nagbabalak sana na habulin ako kung hindi lang naging conflict ang daraanan sa parking lot. Insakto rin kasi na may papasok at lalabas ng parking lot kung kaya't hindi niya nagawa ang lumabas at habulin ako.
Dumiritso na lang siya sa pagparada ng kaniyang sasakyan at agad na bumaba at mabilis na tumakbo palabas ng parking lot baka sakaling hindi pa ako nakalabas at magkikita kaming dalawa. Subalit huli na siya dahil sa nakaalis na nga ako.
"Kailangan kong kausapin ka at itama ko ang aking mga pagkakamaling nagawa sa iyo noon Kristina. Alam kong masama talaga ang loob mo sa akin at hindi rin ako sigurado kung mayroon nang nagmamay-ari ng iyong puso subalit titiyakin ko at gagawin ko ang lahat maibalik lang kita muli sa aking piling," bulong pa ni Troy sa kaniyang sarili habang nanghihingal sa pagod dahilan sa kaniyang pagtakbo palabas ng parking lot. "Gusto kitang puntahan sa bahay mo ngunit tila hindi pa ito ang tamang panahon para magkaharao tayong muli lalo pa at nasaktan ka ng husto sa aking nagawa sa iyo noon. Kailangan ko munang manmanan ang bawat mga kilos mo bago ko simulan ang aking plano at galaw para sa iyo," dagdag pa niya sabay huminga ng malalim habang napapaisip ng husto.
Ngunit ang hindi alam ni Troy ay mayroon na akong bagong karelasyon which is si Mike at magwawalong buwan na kami this coming October. Wala siyang ka alam-alam na matagal ko na siyang binura sa aking isipan at gayon din sa aking alala simula nu'ng dumating si Mike sa aking buhay. Ang hindi niya alam ay sumaya na ako sa piling ng iba.
Kung nu'ng una ay nagkamali ako sa aking pag-aakala na si Troy ang lalaking hinabol ko kanina sa Mall. Subalit ngayon ay tunay na nga na nandito si Troy sa General Santos at mismo pumunta rin sa mall na pinanggalingan ko kanina.
Pagadating ko sa aking Restaurant ay sinimulan ko na agad ang pag-aayos at paglagay ng mga design sa buong paligid ng Restaurant para sa aking paghahanda sa nalalapit na pagbukas nito sa susunod na araw.
Kasama ko sa pag-aayos ang mga tauhan kong tinanggap ko sa trabaho.
Halos umabot ng tatlong oras ang aming pag-aayos at pagkatapos nu'n ay dumiritso ako sa bahay upang makapagpahinga.
Mag-aalas sais na nang gabi bago ako makauwi ng bahay pero bago iyon ay dumaan muna ako sa isang malapit na Restaurant upang bumili ng aking magiging hapunan. Ito rin ang Restaurant na parati naming pinupuntahan at kinakainan ni Troy matapos kaming gumala o bago kami umuwi ng bahay lalo pa at kinapos kami sa pagkain.
Sa hindi ko rin namamalayan na sinusundan pala ako ni Troy nang gabing iyon. Nasa labas lang siya nang Restaurant habang palihim na minamanmanan ako.
Sa loob ng kotse ni Troy kung saan panay ang kaniyang pagmanman sa akin sa loob nang Restaurant.
"Hindi ka pa rin pala nagbabago ng taste Kristina hanggang ngayon ay parati ka pa rin na pumupunta sa Restaurant na iyan kung saan diyan din tayo parating kumakain at nagte-take out ng foods. Marami na ang pinagbago sa lugar na ito at marami na rin ang mga sari-saring Restaurant ang nakatayo rito subalit patuloy ka pa rin na tumatangkilik sa Restaurant na iyan kung saan sarap na sarap ako sa mga pagkain diyan," bulong pa ni Troy sa kaniyang sarili habang palihim na napangiti tuwing maalala niya ang aming mga ginagawa sa Restaurant na iyan.
"At hanggang ngayon at nanatili pa rin ang iyong kagandahan at ka sexyhan. Natanong ko nga ang sarili ko kung bakit ko pa nagawa ang mambabae subalit napaka-swerti ko na sa iyo. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit kita nagawang saktan at lokohin sa kabila ng kagandahang loob at kabutihang puso na pinapakita mo sa akin. Na sa iyo naman ang lahat ng katangian ng isang babae pero bakit pa kita sinayang? Ang gago ko at ang tanga sa part na inulit ko ang aking nagawang pagkakamali sa iyo. Nadala lamang ako sa init ng aking katawan at pangungulila ko sa iyo kung kaya't naghanap ako ng iba na pwedi kong parausan. And this is my big mistake in life," habang panay ang paninisi ni Troy sa kaniyang sarili dulot sa kaniyang mga kasalanang ginawa sa akin.
Patuloy lamang ang pagmanman at pagmamasid ni Troy sa akin hanggang sa makauwi ako ng bahay.
At habang sa kalagitnaan ng kaniyang palihim na pagmanman sa akin ay may nakita siyang isang itim na sasakyan na ang dereksyon ay papunta sa aking bahay.
Nagtaka si Troy at napaisip sa kotsing itim na kaniyang nakita na siyang huminto mismo sa labas ng bahay ko.
Dahil dito ay inilapit pa niya ng konti ang kaniyang sasakyan sa aking bahay upang maabot ng kaniyang mga mata at makita ng mabuti ang taong lalabas na sakay ng itim na kotse na siyang kakarating lang.