Chapter 76

"Thanks, ikaw din naman Mike ang gwapo-gwapo mo ngayon. Na pansin ko nga na panay ang titig at tingin ng mga babae sa kabilang table sa iyo. Parang maseselos naman ako niya," pangiting sabi ko kay Mike sabay pagtaas ng aking dalawang kilay.

"What? Ano ka ba, wala ka naman dapat pagselosan dahil hindi ko ugali ang tumingin sa ibang babae ano. At tsaka wala na akong dahilan pa para maghanap pa ng iba. Ang ganda-ganda at ang hot kaya ng girlfriend ko. Maghahanap pa ba ako ng iba? It's a big NO!" Ani pa ni Mike sabay hinawakan ang aking kamay at kaniyang hinalikan.

"Haha biro lang. Alam ko naman iyan," maikling sabi ko habang napatawa ng kunti.

"By the way ihaharap muna kita kay Dad," galak na pagsabi niya habang panay lamang ang pag-ngiti niya sa akin.

Matapos ang aming maiksing pag-uusap ay agad na tumungo kami sa kaniyang Dad. Ipinakilala niya rin ako sa mga kaibigan ng Dad niya at mga kasosyo nito sa trabaho.

Sobrang bait pala nang Dad ni Mike. Ramdam ko talaga ang taos puso niyang pagtanggap sa akin bilang girlfriend o kasintahan ng anak niyang si Mike.

Matapos lang din ang aming mga pag-uusap ay puwesto na kami ni Mike sa isang bakanting table. Samantalang inu-umpisahan na ng kaniyang Dad ang pagsisimula ng selibrasyon.

Nagbigay ng kunting pahayag patungkol sa negosyo ang Dad niya sa lahat ng mga taong naririto sa loob. Pagakatapos ay nagbigay na rin ng kaniyang saloobin at pagpapasalamat niya sa tuloy-tuloy na paglago ng kanilang negosyo at pagiging Top 1 big sales nito.

Kalakip na dito ang pagpasok ng mga magagandang nangyari sa buhay nila ng kaniyang anak na si Mike kahit pa man bukot tangi niya itong pinalaki at binuhay na ngayon ay may sarili na rin negosyo na siyang lumalago na rin.

"Mahirap man na tumayo bilang nag-iisang magulang sa aking nag-iisang anak subalit laking pagpapasalamat ko pa rin sa buong maykapal na ibinigay siya sa akin. Siya ang aking naging inspirasyon sa buhay kung bakit naririto ako ngayon sa ganitong katuyuan. Para sa akin ay siya itong nagdala ng swerti sa aking buhay. Ladies and gentlemen ikanagagalak kong ipakilala sa inyo ang aking pinakakamahal na unico-ijo na ngayon ay may sarili na rin negosyo. Walang iba kun'di si Mike. Palakpakan po natin siya," palakas na pagsabi ng Dad ni Mike na halata ang pagkagalak sa kaniyang mukha at pagka-proud nito sa kanya.

"Come over here my son," sabay pagtawag niya kay Mike.

Tila nabigla naman at nagulat si Mike sa pagtawag nito sa kanya at pinagmamalaki na ipinakilala sa lahat ng mga bisita nito.

Sa pag-aakala niya kasi ay patungkol lamang sa negosyo ang lahat ng sasabihin ng kaniyang Dad kung kaya't nabigla na lang siya ng isinali siya nito kabilang sa pagpapasalamat sa paglago ng kaniyang pinapangalagaang negosyo.

Mabilis naman na tumungo si Mike sa stage at niyakap ng mahigpit ang kaniyang Dad. Nagbigay na rin siya ng ibang pahayag patungkol sa kaniyang pinapangalagaang negosyo at ang pagbigay ng pasasalamat sa kaniyang Dad na walang sawang nag-alaga sa kanya mula pagkabata. At siyang sumusuporta sa kanya sa bawat mga plano niya sa buhay.

Makikita ang malaking tuwa at ngiti ni Mike kaniyang mukha. Gayon din ang kaniyang Dad na naging emosyonal pa habang nagpapahayag ng kaniyang saloobin sa lahat ng tao patungkol sa kanilang mag-ama.

Matapos ang mga sandaling iyon ay malugod na pinalakpakan ng mga tao ang mag-ama. Kasunod na rin dito ay ang pagdiwang ng masayang selibrasyon para sa lahat.

Nagsimula na rin ang lahat na kumain ng hapunan. Samantalang ako ay nakaupo lang sa aking table habang hinihintay ko ang pagbalik ni Mike sapagkat abala pa siya sa pakikipag-usap sa mga malalaking taong bisita ng Dad niya.

Mayamaya pa habang abala ako sa paghihintay kay Mike na dumating ay mayroong babaeng hindi ko kilala na bigla-bigla na lamang na lumapit sa akin.

Maiksi ang buhok niya, matangkad siya at hindi maikakaila na maganda siyang babae ngunit parang ma attitude ito sa aking palagay.

Hindi ko man siya kilala subalit ningitian ko pa rin siya. Ngumiti rin siya sa akin ngunit tila parang pagkukunwaring pag-ngiti lamang.

"Um, hi do you know me?" Pag-aalinlangan na tanong ko sa babae habang nakangiting tinitigan siya.

Napataas naman ang kilay ng babae at sabay na umupo sa aking harapan na siya namang ipinagtaka ko bigla.

"Yes actually kilala kita. You are Kristina Delos Santos right?" Palakas na boses na pagsabi ng babae sabay tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

Nagulat naman ako at nabigla nang makilala niya ako at malaman ang buo kong pangalan subalit ni minsan ay hindi ko pa siya nakita, nakausap o nakasalubong man lang sa daan. Bagkos ay ngayon ko pa lamang siya nakita o nakasalamuha sa buong buhay ko. "Wait, what? Do you know me? How did you know my name? Hindi naman kita kilala and for sure ay ngayon pa lang tayo nagkita o nag meet dalawa subalit alam mo na ang pangalan ko. May I know you?" Wika ko pa sabay napapaisip ng husto.

Ngumiti naman siya sabay huminga ng malalim. "By the way I'm Savannah Lee, and I'm the ex-girlfriend of your currently boyfriend who's named Mike," pakilala pa ng babae sa akin sabay pagtaas ng kaniyang kaliwang kilay.

Nanlaki naman bigla ang aking mga mata at tila nabigla sa kaniyang sinabi at pagpapakilala sa akin.

Natagalan pa nga bago ako nakapagsalita dulot sa aking labis na pagkagulat. "Ah ganoon pala, anyway nice to meet you Savannah Lee. And as you said a while ago I'm Kristina Delos Santos who's Mike's girlfriend," ani ko pa sabay ngumiti habang palihim na napapaisip ng husto patungkol dito.

Mayamaya pa ay inilahad ko ang aking kamay upang makipag-kamayan sa kanya subalit hindi ko inaasahan na titigan ya lamang ito at hindi makipagkamayan sa akin.

"Kamusta naman pala kayo ni Mike? Tila hindi ako makapaniwala na iimbitahin ka niya rito upang dumalo sa kanilang party," ani pa niya sabay pinukol ako ng kaniyang masamang tingin.