Chapter 75
Mayroon na lamang akong natitirang 30 minutes para sa aking pagbyahe papunta sa bahay nila Mike at bago magsimula ang party.
Hindi pa man ako nakaalis ng bahay ay tumawag na sa akin si Mike para sa kaniyang pagsundo sa akin ngayon.
At dahil sa alam kong marami pa na inasikaso sina Mike sa bahay nila para sa nalalapit na pagsapit ng party o celebration mamaya ay tinanggihan ko na lang ang kaniyang pag-alok sa akin na sunduin ako rito sa bahay.
May kotse naman ako kung kaya't hindi na kailangan na sunduin pa niya ako lalo na at may importante pa siyang inaasikaso roon sa kanila.
Agad ko naman na nakumbinsi si Mike kung kaya't pumayag na lang siya na huwag na akong sunduin at ako na lamang ang magbabyahe mag-isa papunta sa bahay nila.
Pero syempre bago iyon ay nagbilin siya nang kaniyang paalala sa akin na mag-ingat ako sa aking pagmamaneho.
Matapos ang aming naging pag-uusap ni Mike telepono ay agad na rin akong umalis at bumyahe papunta sa kanilang bahay.
Matapos ang mahigit labing limqng minuto na byahe ko ay narating ko na rin ang bahay nila Mike.
Pagdating pa lang nang pagdating ko sa labas ng kanilang gate ay makikita ko na ang ibang sasakyan na siyang nakaparada at ang iba naman ay kasabayan ko pang dumating.
Hindi muna ako lumabas ng aking sasakyan sapagkat hinihintay ko pa ang muling pagtawag ni Mike sa akin upang ako'y ma sundo niya rito sa labas ng kanilang bahay.
Naghintay pa muna ako ng ilan pang minuto baka sakaling tumawag sa akin si Mike hanggang sa isang beses ay mapansi kong nag-iwan pala siya ng text message sa akin. Na nagsasabing baka hindi siya makatawag sa akin dahil sa marami silang inaasikaso ng dad niya. At kung hindi niya man ako magawang sunduin sa aking pagdating ay pumasok na lang daw ako sa loob at doon ya na lamang ako aabangan.
Dahil dito ay nagpasya na lang akong lumabas ng aking sasakyan at pumasok sa loob kahit na mag-isa lang at walang kasama.
Pagbaba ko pa lang ng aking sasakyan ay tila agaw pansin na ako ng mga tao na nasa labas at siyang papasok na sa loob ng bahay. Ang iba ay napahinto pa sa kanilang paglakad dahil sa naagaw ko ang kanilang atensyon sa akin.
Mayamaya pa na isang hakbang na lang ay makakapasok na ako sa loob ng gate ay huminga muna ako ng malalim habang kumukuha ng lakas ng loob para sa aking pagpasok sa loob.
Ilang saglit pa ay pumasok na ako sa loob ng gate at pagpasok ko pa lang ay pareha rin na ang tingin ng karamihan ay sa akin diritso.
Halos parang ako itong naging sentro ng tingin ng mga tao sa loob. Bawat paglakad ko sa gitna ay nakasunod ang mga mata nila sa akin.
Mapapansin talaga na halos may pagkamangha na makikita sa kani-kanilang mga mukha. Ang iba pa nga ay tila natulala habang nakatitig sa akin.
Talaga nga naman na halos sila ay nagagandahan ngayong gabi sa akin na siyang ka akit-akit pa sa kani-kanilang mga mata.
Hindi ko rin naman kasi maikakaila sa aking sarili na sobrang ganda ko ngayong gabi at sobrang sexy ng aking kasuotan na siyang makaka-agaw talaga ng pansin ng bawat tao lalong lalo na sa mga kalalakihan.
Napansin ko rin kasi na parang ako lang ang bukod tanging nakasuot ng ganitong kasuotan. Tila ang ibang babae kasi ay normal lang ang kanilang kasuotan at meron pang iba na balot na balot ang suot.
"Parang nakakahiya naman. Required ba talaga na sundan ako ng tingin? Required ba talaga na pagmasdan ako ng mabuti habang ako'y naglalakad?" Bulong ko pa sa aking sarili habang lumalakad sa gitna ng maraming tao kasabay nang pagpakita ng aking ngiti sa lahat na alam ko naman sa aking sarili na ako'y napipilitan lamang.
Mayamaya pa habang abala si Mike sa kaniyang pakikipag-usap sa kaniyang dad ay bigla siyang napatingin sa mga bisita sa loob at sa hindi niya inaasahan ay mahagip niya ako ng kaniyang tingin.
"Yes Dad actually hinihintay ko nga ang pagdating ni Kristi_" biglang napatigil si Mike sa kaniyang pagsasalita ng makita niya ako na siyang lumalakad sa gitna at siya itong papalapit sa kanya.
Bigla-bigla na lamang ang pagkatulala ni Mike at paglaki ng kaniyang mga mata ng makita ako. Tila hindi alintana sa kanya na kinakausap siya ng kaniyang Dad sapagkat parang tumigil itong mundo niya at tila ako lang itong nakikita niya. Kaya't kahit na isang salita na galing sa kaniyang Dad o ingay ng mga tao sa loob ay hindi niya naririnig.
Para akong isang anghel na binaba sa langit sa mga mata ni Mike ng makita niya ako. Gayon din ang makita niya ang aking sobrang sexy na kasuotan at ang aking magandang mukha na lalo pang nagpakilig sa kanya ng mga sandaling iyon.
"Wow! Ang hot and sobrang ganda ng girlfriend ko," bulong pa ni Mike sa kaniyang sarili habang panay ang kaka-imagine sa akin.
Ilang saglit pa ay biglang nagising si Mike sa kaniyang pagiging tulala nang hawakan ng kaniyang Dad ang kaniyang kaliwang balikat.
"Hey son! Are you okay? Kanina pa kita kinakausap ngunit tulala ka lamang diyan. Is there something wrong?" Pagtatakang tanong ng Dad ni Mike sa kanya habang napapaisip.
Napalunok naman ng laway si Mike. "Ah no Dad. By the way just wait for a while at may pupuntahan lang ako saglit Dad," wika pa ni Mike sabay umalis ng mabilis.
Agad naman na umalis si Mike at mabilis na sinalubong ako sa aking paglalakad papalapit sa kanya.
Papalapit pa lang siya sa akin ay kitang kita ko na ang malaking ngiti at tuwa sa mukha ni Mike habang tinitingnan ako.
Nang makalapit nga siya sa akin ay agad niya akong hinalikan sa aking pisngi at gayon din siya ay hinalikan ko rin siya sa kaniyang pisngi.
"Wow! You look so very beautiful tonight Kristina. Ikaw ang pinakamagandang babae rito ngayon. And there's more, you made me so in love with you so much," wika pa ni Mike habang matiim akong pinagmamasdan mula ulo hanggang paa.