Chapter 77

Nakaramdam naman ako ng kunting inis sa kaniyang sinabi sapagkat tila parang pinapamukha niya sa akin na hindi ako importanting tao para kay Mike. Bagkos ay kung sino-sino lamang.

"Excuse me?! Malamang ay iimbitahin ako ni Mike sa kanilang party sapagkat girlfriend niya ako at importante akong tao para sa kanya at sa pamilya niya. And I'm wondering na bakit ka nga ba nandito at nakadalo sa kabilang party subalit kakasabi mo lang kanina na ex-girlfriend ka niya. Mayroon ka pa bang puwang sa buhay ni Mike?" Palakas na boses na pagsabi ko sabay tinitigan siya sa kaniyang mga mata habang nakatakaas ang aking kaliwang kilay. "Oh I'm sorry to say that word. By the way I'm just stating the fact my dear," dugtong ko pa sabay pagtirik ng aking mga mata.

Tila parang natulala naman at naging speechless si Savannah sa aking naging sinabi sa kanya kung kaya't para siyang isang bata na tikom ang bibig dahil sa walang naisip na sabihin.

"Magaling kang magsalita at hindi ko iyon in-expect. Anyway hindi mo pa ako kilala at marami ka pang dapat na malaman patungkol sa aming dalawa ni Mike it's because_," biglang naputol ang sinasabi ni Savannah dahil sa biglang dumating si Mike.

"Oh I'm sorry Kristina kung natagalan ako sa aking pagbalik sapagkat marami pa akong kinausap na bisita ni Dad and anyway_," biglang napatigil si Mike sa kaniyang pagsasalita ng lumingon sa kanya si Savannah at nakita niya ito. "Savannah? Why are you here?" Gulat na tanong ni Mike sa kanya habang hindi makapaniwala na makikita niyang muli si Savannah.

"Oh hi Mike, inimbita lang naman ako ng Dad mo na pumunta rito para sa iyo. Did I make you surprised? Anyway I'm happy to see you again," biglang tumayo si Savannah sa kaniyang kina-uupuan at walang pag-alinlangan na hinalikan si Mike sa kaniyang pisngi.

Mismo nakita ko pa sa aking harapan kung paano halikan ni Savannah si Mike na siyang ex-boyfriend niya.

Dahil dito ay biglang nanlaki ang aking mga mata at hindi makapaniwala sa aking makikita.

Para rin akong natigilan at nanigas ang aking buong katawan dahil sa parang hindi ko ito maigalaw dahil sa nakaramdam ako bigla ng sakit dito sa aking puso.

Agad naman na umiwas si Mike at dumistansya kay Savannah. Halata ang pagkagulat at pagkabigla sa kaniyang mukha dahil sa biglang paghalik ni Savannah sa kanya lalo pa at mismo sa aking harapan.

"Are you insane Savannah! Bigyan mo naman ako ng kunting kahihiyan sa maraming tao at lalong lalo na sa aking girlfriend," wika pa ni Mike habang nakaramdam ng kunting inip at galit kay Savannah dahil sa kaniyang ginawang paghalik nito sa kanya na mismo pa sa aking harapan.

"What? Why?! What's wrong with that Mike? In the first place ay hindi naman tayo nag-break together, we haven't closure. Umalis lang ako ng bansa and then I found out na may iba ka na pa lang girlfriend. Did you haven't tell her about our relationship before?" Ani pa ni Savannah sabay pagtaas ng kaniyang boses at pinukol ako ng kaniyang masamang tingin.

"Enough Savannah. 'Wag kang gumawa ng eskandalo rito. At tungkol sa mga sinasabi mo ay matagal na tayong tapos. You left me remember? So, wala ka nang babalikan pa. Masaya na ako ngayon kay Kristina at kontento na ako sa kanya, kaya please 'wag mo na kaming guluhin pa," wika pa ni Mike sabay lumapit sa akin at hinawakan ang aking kamay tsaka umalis kami at iniwan ng mag-isa si Savannah habang napahiya sa aming dalawa.

Napahiya tuloy si Savannah sa kaniyang ginawa, dahil dito ay hindi na lamang siya at umimik at bumalik na lamang sa kaniyang table.

Habang hawak-hawak ni Mike ang aking kamay at patuloy ang paglalakad papasok sa loob ng kanilang bahay ay bigla akong napaisip ng hindi ka nais-nais para kay Mike.

Mayamaya pa ay bigla akong napahinto sa paglalakad at dahan-dahan na inaalis ang aking kamay mula sa mahigpit na pagkahawak ni Mike.

Nabigla naman at napalingon si Mike sa aking ginawa. "Are you alright Kristina?" Pagtatakang tanong niya sa akin habang halata ang pagkabahala sa kaniyang mukha na makikita.

Huminga naman ako ng malalim habang napapaisip ng husto sa aking sasabihin. "Tell me the truth?" Maikling tanong ko sa kanya habang pinapakalma ang aking sarili.

"The truth? I have nothing to tell you Kristina. I know napapaisip ka ng husto at nagtataka sa sinabi kanina ni Savannah but don't mind it. Matagal na kaming wala," paliwanag pa ni Mike sabay napahawak sa kaniyang noo na tila napapaisip ng husto. "Iyon lang ang pagkakamali ko dahil sa hindi ko ito sinabi sa iyo. Subalit wala naman sigurong dahilan pa para sabihin ko pa iyon sa Kristina. It's past at hindi na iyon maibabalik pa," dugtong pa niya habang nababahala sa aking magiging reaskyon ko.

"So, bakit hindi mo nga ba sinabi sa akin? Akala ko ba ay wala tayong may itatago. And then, sa harap ko pa mismo makikita kung paano ka halikan nang ex-girlfriend mo," wika ko pa habang pinigilan ang aking sarili na magalit dahil sa selos.

"I don't know! Hindi ko nga akalain na gagawin niya iyon. In the first place hindi ko alam na pupunta siya rito sa party sapagkat hindi ko naman siya inimbita. Maski ako ay nagulat din sa nangyari. But I'm sorry kung wala man lang akong nagawa. Na hinayaan ko lang na halikan ako at mismo sa iyo pang harapan. I know masasaktan ka talaga dahil kapag sa akin din nangyari iyon ay tiyak na masasaktan din ako at magagalit," paliwanag pa ni Mike sa akin habang balisa at hindi mapakali sa kaniyang sarili.

Napapaisip naman ako sa aking sasabihin kung kaya't natagalan pa bago ako nakapagsalita. "At bakit parang ganoon-ganoon na lamang ang iyong reaksyon nang makita siya? Bakit parang tila kaka-iba, na para bang galit na galit ka sa kanya. Tama ba ang sinabi niya that both of you broke up without closure? Am I right?" Ani ko pa habang napalakas ang tonog ng aking boses.