Chapter 74
Subalit ngayon ay pormal na. Pormal na nga magkarelasyon kaming dalawa ni Mike. Ma uulit man namin na gawin ang matulog nang magkatabi at masiping sa kama ay hindi na iyon maging bago sa amin o maging palaisipan pa kung bakit iyon nangyari.
Hindi ko rin itinago o iprinabado ang aming relasyon ni Mike bagkos ay ipinubliko ko pa ito. Marami man mga sari-saring komento at reaksyon ang mga kaibigan ko subalit hindi ko na lamang iyon pinansin pa. Ngunit may iba naman na sumoporta sa aking panibagong relasyon lalong lalo na ang aking matalik na kaibigan na si Annabelle na saksi sa lahat ng aking paghihirap at masakit na pinagdaanan o dinanas nu'ng si Troy pa ang naging boyfriend ko.
Ipinakilala rin ako ni Mike sa parents niya, mga kamag-anak niya, kaibigan at mga mas malalapit na kaibigan o barkada. Dahil doon ay mas naging comfortable kami ni Mike sa isat-isa dahil wala kaming tinatago sa lahat.
Gayon din ako ay ipinakilala ko rin siya sa lahat ng taong malalapit sa buhay ko lalong lalo na sa Mommy and Daddy ko. Tila nagulat man sila at nabigla sa aking naging panibagong relasyon at kung bakit kami nagkahiwalay ni Troy ngunit ipinaliwanag ko naman sa kanila ang aking mga naging dahilan at ito nga ay nabigyang linaw ko ang kanilang mga pagtatakang katanungan sa akin.
Sinuportahan naman nila ako at masaya sila kung saan ako masaya.
Mas lalo pa nga na lumapit sa isat-isa ang aming loob ni Mike. Mas sumaya pa lalo ang aming bondings na magkasama kumpara nu'ng dati. At kagaya rin nu'ng dati na magkaibigan pa lang kami at hindi mag-on ay panay pa rin ang kaniyang pagdalaw sa aking bahay at pagbibigay ng mag flowers at chocolates.
Tila wala talagang sawa si Mike sa pagbibigay niya ng kaniyang mga efforts sa akin basta't maging masaya lang ako.
Tila siya itong naging lunas sa aking sugatang puso. Tila si Mike ang naging sagot upang ako'y muling sumaya sa buhay at nabigyang kulay itong malungkot kong pag-ibig.
Minsan nga masasabi ko na lang na ang swerti ko at ako itong naging girlfriend ni Mike. Bukod kasi sa sobrang bait at maalaga niya. Mapagmahal talaga siya at mapagkumbaba. Mas sweet din siya kumpara kay Troy.
Tumagal pa ang aming relasyon dalawa ni Mike at umabot kami ng pitong buwan. Sa pitong buwan na relasyon namin ay hindi ko pa siya nakitang nagalit sa akin o minsa'y pinagtaasan niya ako ng boses kahit na dinadalaw ako ng masama kong modo. Kahit na pinapakita ko sa kanya na somosobra na itong masamang side ng pag-uugali ko ay still mapagkumbaba talaga siya at aminado ako na sobrang haba ng kaniyang pasensya pagdating sa akin.
Dahil dito ay mas minahal ko pa talaga ng husto si Mike. Hindi ko man maikakaila sa aking sarili na parang mas masaya ako na kasama si Mike kaysa kay Troy noon.
Kung pagbabasehan lang naman sa pag-uugali ay lamang na lamang si Mike kumpara kay Troy. Ngunit kung pagbabasehan naman pagdating sa katawan at sa hitsura ay lamang na lamang si Troy.
Pareha naman silang makikisig ang katawan at may magandang mukha subalit nga lang ay lamang talaga itong si Troy. Kaya nga maraming babae ang nababaliw at naloloka sa kanya dahil din sa taglay niyang karisma at kagwapohan ay naagaw siya tuloy ng iba sa akin.
It was Tuesday in the morning at exactly 10 nang bumisita ako sa aking on going building construction. Ilang araw na lang ang bibilingan at matatapos na itong pinapatayo kung restaurant. Hindi na talaga ako makapaghihintay na masimulan ko ang aking ka una-unahang negosyo.
Mas paiigihin ko talaga na umusbong itong negosyo ko sapagkat mas pinili ko ito kesa sa carrier ko o trabaho ko bilang isang Nurse.
Ilang saglit pa ay nag message sa akin si Mike sa cellphone ko at pinapaalala sa akin na mayroon kaming dinner mamayang gabi sa kanilang bahay sapagkat mayroon silang selibrasyon o party sa kanilang pagpapasalamat sa paglago pa ng kanilang fast food factory na siyang nasa ilalim ng pangangalaga ng kaniyang Dad.
Mas lumaki kasi ang income at mas gumanda pa lalo ang takbo ng kanilang fast food factory na siyang naging Top 1 big sales sa buong manila kung kaya't gusto nila itong e-celebrate.
Habang binabasa ko ang text message ni Mike ay bigla ko itong naalala.
"Nako mabuti na lang at pinaalala mo ito sa akin Mike. Balak ko pa naman sana na magpalipas ng oras dito hanggang maghapon. Subalit 'wag na lang at uuwi na lang ako nang maaga sa bahay upang makapagligpit at makapag-ayos," sabi ko pa sa aking sarili habang napangiti ng kunti.
Nanatili lang ako ng tatlong oras dito sa Restaurant na pinapatayuan ko. At pagkatapos ay umuwi rin ako para sa aking paghahanda sa pagpunta mamayang gabi sa party doon sa bahay nila Mike.
Alam ko na maraming bisita ngayon ang dadalo at mga malalaking tao pa kung kaya't pinaghandaan ko talaga ang aking sarili upang sa ganoon ay maging kaaya-aya akong tignan lalo na sa paningin ni Mike.
4:30 na nang hapon na ako'y nakapagsimulang mag-ayos ng aking sarili mayroon pa naman akong isang oras sa pag-aayos ng aking sarili dahil 6:30 ay mag-uumpisa na selibrasyon.
Naligo ako naglinis ng aking buong katawan at nag-make up. Matapos ang halos kalahating oras nang pag-make over ko ay agad na pumunta ako sa aking aparador upang humanap ng maganda at nababagay na suot mamayang gabi para sa party.
At dahil sa malaki ang party na ito at makakasalamuha ako ng malalaking tao ay pinili ko ang magsuot nang kulay silver na dress which is sobrang fit sa body ko at labas ang ang aking likuran na siya namang unique kung titingnan.
At dahil sa mahilig ako na nakatali itong buhok ko kung kaya't inayos ko ito ng naka-pony tail ang pagtali.
Nakasuot ng fitted silver dress na labas ang likod, naka-ponty tail ang ayos ng buhok, kunting alahas sa katawan, kunting kuliriti sa mukha at may dalang kulay silver din na hand bag. Pak! Sobrang ayos na at presentbling tignan.