Chapter 71
My God!! It's so embarrassing. Nagselos ako na wala sa lugar at ang masaklap ay nagpakilala pa ako sa pinsan ni Mike na girlfriend niya subalit ang totoo ay hindi naman.
"Bangag ka talaga Kristina. Nakakaloka ka," bulong ko pa sa aking sarili habang naiinip kapag maisipan ko ang aking nagawang kahihiyan kanina.
"Are you alright Kristina? Para yatang tulala ka lang diyan. Is there something wrong?" Biglang tanong ni Mike sa akin habang may pagtataka na makikita sa kaniyang mukha.
Bigla naman akong napaimik at nakapagsalita. "Ah yes I'm fine Mike. May iniisip lang kasi ako," ani ko pa sabay ngumiti ng kunti.
"Anyway kwentuhan niyo naman ako sa relasyon niyong dalawa. Kasi it looks like it's very interesting and exciting. Um, matagal na ba kayong mag in a relationship together?" Sambit pa ni Yassy sabay tinitigan kami ni Mike habang may malaking tuwa at kilig na makikita sa kaniyang mukha.
"Wait. What?" Palakas at gulat na pagsabi ko sabay tingin kay Yassy na pinsan ni Mike.
"Um, actually hindi pa kami kasing tagal na mag-on ng girlfriend kong si Kristina. Honestly ay bago pa lang kami sa aming relasyon dalawa. But matagal na kami nitong magkakilala nitong si Kristina at dumaan muna kami sa pagiging magkaibigan bago humantong sa magka-ibigan," sambit pa ni Mike habang nang ba-blush ang mukha dahil sa kilig na kaniyang nadarama kahit pa man nagkukunwari lamang siya sa pagsagot sa tanong ng kaniyang pinsan na si Yassy.
"Oh I see. Well I hope you two will still longer and will build a strong relationship together," pangiting sabi pa ni Yassy sa amin.
"Um yeah, you're right. In God's will," sambit ko pa habang may kaka-ibang tono ang aking pagkasabi sabay tinitigan si Mike.
Mayamaya pa ay biglang tumunog ang cellphone ni Yassy kung kaya't kina-kailangan niyang lumabas upang sagutin ang tawag sa kaniyang cellphone. "Opss there is someone calling on my phone. By the way excuse me guys I'm just going to answer this phone call. Maiwan ko muna kayong dalawa rito at lalabas muna ako," saad pa ni Yassy sabay nagpaalam sa amin ni Mike sa kaniyang pag-alis.
Ilang saglit pa nang makaalis si Yassy ay biglang umimik si Mike dahilan upang ako'y biglang mapatingin sa kanya.
"Um, anyway aalis na ba tayo?" Tanong pa ni Mike habang nakangiting nakatitig sa aking mukha.
"Ngayon na ba? I mean wala ka na bang aayusin, gawin o di kaya aasikasuhin dito?" Tanong ko naman sa kanya sabay huminga ng malalim.
"Actually wala na naman. Ikaw na nga lang itong hinihintay ko," ani pa niya.
"Sure, iyan kung available kana ay e'di pwedi na nga tayong makaalis at nang makapunta sa sinasabi mong bagong bukas na pasyalan," sabi ko sabay napakagat sa aking labi.
"That's what I like. So shall we go?"
"Sure,"
Matapos ang aming pag-uusap ni Mike ay agad din kaming umalis at tumungo sa sinasabi niyang bagong bukas na pasyalan at maganda pasyalan lalo na pag-gabi.
Matapos ang ilang minuto na byahe namin ni Mike ay narating din namin ang sinasabi niyang bagong bukas na pasyalan.
Dahil nga sa kakabukas lang nang pasyalan na ito kung kaya't pagdating namin doon ay bumungad agad sa amin ang napakaraming tao na siyang namamasyal din sa lugar.
Tama nga ang sinabi ni Mike na maganda ngang pasyalan ang lugar na ito lalo pa kung gabi. Sapagkat makikita mo ang mga maliliwanag na ilaw sa syudad. Gayon din ang mga nagagandahang liwanag at ilaw sa lugar na ito o sa pasyalan na ito.
Nagmasid masid muna kami ni Mike sa lugar at pagkatapos ay nilibot namin ang buong lugar ng pasyalan na ito upang maglibang. Kumain kami sa mga street foods, picture taking at nang mapagod kami ay nagpahinga muna kami sa isang bench malapit sa dagat.
"Maganda nga ang pasyalan na ito parang gusto ko rito magpabalik-balik," wika ko habang masayang pinagmamasdan ang mga humahampas na alon sa dalampasigan.
"Sabi ko naman sa iyo na maganda rito. Anyway nag-enjoy ka ba tonight? I mean sa mga ginawa natin," tanong pa ni Mike sabay tingin sa akin.
"Oo syempre naman nag-enjoy kaya ako. Eh ikaw ba nag-enjoy ka rin ba?"
"Oo naman syempre. Mag-eenjoy talaga ako lalo na kapag palagi kitang kasama o ikaw ang makakasama ko," ani oa ni Mike sabay ngumiti habang umiiwas sa aking bawat tingin sa kanya.
Napangiti naman ako ng kunti. "Haha nambola kana naman," sabay buntong hininga.
"Totoo naman ah. Sino ba naman ang hindi ma-eenjoy o matutuwa lalo na kapag kasama nila ang girlfriend nila," sabi pa ni Mike habang nakangiti lang at tila namumula ang mukha dahil sa kilig na nadarama.
Napatigil naman ako saglit at biglang napaisip sa naging sinabi ni Mike lalo na nang sabihin niya ang salitang "girlfriend."
"Um, by the way Mike about sa sinabi ko kanina sa pinsan mong si Yassy. Pasensya kana kung nasabi ko iyon at tila naging assuming pa ako sa part na sinabi ko at nagpakilala akong girlfriend mo even though hindi naman," mahinang boses na pagsabi ko sabay yuko ng aking ulo habang biglang nakaramdam ng hiya kay Mike.
Bigla naman napatingin si Mike sa akin habang napatigil sa kaniyang pag-ngiti. "Why? What's wrong, I think there is nothing wrong with your words you said a while ago. Bakit ka naman humihingi ng pasensya. Bakit hindi ba kita girlfriend?" Palakas na boses na pagsabi ni Mike habang panay ang pagtitig sa akin.
Nagulat naman ako sa sinabi ni Mike kung kaya't akong ko siyang tinitigan sa kaniyang mukha. " I can't understand Mike. 'Yung punto ko kasi is pareho tayong nagkunwari sa pinsan mo na we're in a relationship together kahit na hindi pa naman o wala pa naman tayo. At aminado akong nakakahiya talaga ang ginagawa mo kanina dahil sa part na naging assuming ako and dahil sa_," hindi ko na naipagpatuloy pa ang aking sinabi kay Mike dahil sa tila nag-aalinlangan ako na ipagtapat sa kanya na ako'y nagseselos kanina nu'ng akala ko ay inaakit siya ng babaeng napagkamalan kung ibang tao.