Chapter 72
Napapaisip naman si Mike.
"Um, bakit mo nga pala nasabi iyon kanina? Bakit ka nga ba nagpakilala sa pinsan ko as my girlfriend. But okay lang naman sa akin ang naging sinabi mo at naging pakilala sa pinsan ko sa katunayan nga ay natuwa pa ako at nagustuhan ko pa iyon," ani pa ni Mike na halatang seryoso sa kaniyang pagkasabi.
Nanlaki naman ang mga mata ko habang bigla-bigla na lang na balisa at hindi mapakali sa aking sarili.
"Kasi nakaramdam ako ng selos kanina sa aking pag-aakala na nilalandi ka ng ibang babae ngunit pinsan mo lang naman pala Mike. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko napigilan ang aking sarili kanina na mag-react ng ganoon at kumikilos na lang nang pa bigla-bigla. At muntik ko nang maka-away ang pinsan mo dahil lang sa selos. Alam ko naman na wala pang tayo Mike subalit nagseselos na ako. Ano ba itong nararamdaman ko para sa iyo? Sa palagay ko ay hindi na ito pakiramdam ng isang kaibigan lamang. Pakiramdam ko ay mahal na kita Mike, siguro ay nahuhulog na itong puso ko para sa iyo," bulong ko pa sa aking sarili habang bigla-bigla na lang na bumilis ang pagtibok ng aking puso.
"Ayos ka lang ba Kristina. Hindi kana yata nagsasalita diyan," pagatatakang tanong ni Mike sa akin.
Bigla naman akong gumalaw at umusog sa aking kina-uupuan.
"Um, kasi Mike," habang napapaisip ako ng tudo. "Nakakahiya man na sabihin sa iyo ito ngunit nahihirapan na rin ako na itago ito. Honestly, ako itong tipo ng tao na hindi kayang magtago ng tunay na nararamdam. Ayaw ko kasing panatilihin na lamang sa loob ng aking puso ang aking mga nararamdaman bagkos ay gusto ko itong ilabas para gumaan itong pakiramdam ko. Actually na sabi ko ang bagay na iyon at nagawa ko ang magpakilala na girlfriend mo sa pinsan mo ay dahil sa aking naramdamang selos Mike. Hindi ko akalain na ang napagbuntungan ko pala ng aking selos ay pinsan mo lamang na sa aking pag-aakala ay ibang tao. I'm sorry to say this but I can't hide it anymore," paliwanag ko pa kay Mike habang walang pag-alinlangan na ipagtapat sa kanya ang aking naramdaman kanina nu'ng nasa bar kami.
Natulala naman si Mike at tila natagalan pa bago nakapagsalita hanggang sa magsalita na nga siya.
"Selos? You mean nagselos ka kanina sa amin ng pinsan ko dahil sa akala mo ay ibang babae siya? Is that true Kristina?" Sabay napatayo si Mike at biglang nabalisa sa kaniyang sarili. " Wow! I can't believe it, matagal ko rin itong hinintay na dumating" dugtong pa niya habang may malaking tuwa sa kaniyang mukha na makikita.
Napataas naman ang aking dalawang kilay habang napapaisip sa kaniyang naging reaksyon. "Ayos ka lang ba Mike? Para yatang naguguluhan ako ngayon.
Bumalik ulit si Mike sa kaniyang kina-uupuan at sabay na hinawakan ang aking dalawang kamay.
"Masaya ako Kristina! Actually, sobrang saya ko sa iyong sinabi ngayon. Alam mo ba na matagal ko rin na hinintay ang bagay na ito na mangyari? Pinaalam mo lang at pinadama sa akin na may halaga pala ako diyan sa buhay mo na tila parang may puwang pala ako diyan sa puso mo. Hindi ko akalain na magseselos ka dahil parang hindi ko iyon nakikita sa iyo rati. 'Yung akala ko na ako lang itong nagseselos sa iyo subalit ngayon maririnig ko na lang galing sa iyo na nagseselos ka dahil sa may kasama akong ibang babae na siyang pinsan ko lang naman. Hindi ka naman siguro magseselos na walang dahilan hindi ba Kristina? Now tell me, nagseseloos ka ba dahil sa may nararamdaman ka nang pagmamahal sa akin? Nagseselos ka ba dahil sa mahal mo na ako?" Mahinahong tanong ni Mike sa akin habang titig na titig sa aking mukha.
Huminga naman ako ng malalim sabay humugot ng lakas ng loob para sa aking susunod na sasabihin sa kanya, lalo pa at nagbabalak na rin akong magtapat ng nararamdaman ko sa kanya. "Hindi ko alam kung ano itong sinasabi ng aking puso at isip Mike. Nagseselos nga na lang ako kahit na walang tayo subalit hindi na ito pakiramdam lang ng isang kaibigan. I think I'm falling in love with you Mike. I think nahuhulog na itong loob ko sa iyo. I think mahal na kita Mike, hindi lang isang kaibigan kun'di higit pa sa isang kaibigan," sabi ko pa kay Mike habang hindi ko mapagilan ang aking sarili na maging emosyonal ng mga sandaling iyon.
Nang masabi ko nga ang lahat na nasa loob ng aking puso o ang aking mga nararamdaman kay Mike ay napansin kong nanginginig ang mga kamay niya sa kaniyang paghawak sa aking kamay. Tila nanlalamig ang kaniyang mga kamay dahil sa kaniyang emosyon na nararamdaman ngayon.
Ilang saglit pa ay nakita kong parang balisa si Mike sa kaniyang sarili hanggang sa bigla niya na lang na hinalikan ang aking mga kamay.
"I can't believe na mangyayari ang aking matagal na pinangarap at inaasam asam Kristina. I thought I'm dreaming but I found out I'm not and it really happening right now. Tama ba ang aking narinig Kristina? Tama ba ang aking pagkakarinig na you already falling in love with me? Na mahal mo na ako at hindi lang bilang isang kaibigan kun'di higit pa sa isang kaibigan? Alam mo umaapaw ang saya at tuwa sa aking puso ngayon ng dahil sa iyo Kristina," ani pa ni Mike habang emosyonal na nagsasalita sa aking harapan.
Tila hindi ko naman napigilan ang aking naramdaman kung kaya't napangiti na lang ako imbis na pairalin ko ang aking emosyonal na nararamdaman. "Hindi ka nga nagkamali Mike. Tama lahat ang iyong narinig," maikling sabi ko sabay hinawakan siya sa kaniyang kaliwang pisngi.
Dahan-dahan niya naman na hinawakan ang aking kamay at itinapat sa kaniyang kaliwang dibdib malapit sa kaniyang puso na kay bilis ng mga pagtibok nito. "Hindi mo pa man sinabi sa akin ang bagay na iyan ngunit matagal ka nang naririto sa loob ng aking puso. At itong pagtibok ng aking puso ay dahil sa iyo Kristina. Binigyan mo ng kulay at buhay itong nangungulila kong puso noon.