Chapter 70

Mayamaya ay nakita ko mismo sa aking harapan na tila inaakit ng babae si Mike kung kaya't wala akong pag-alinlangan na pumunta at sumugod doon habang pilit na pinapakalma lang ang aking sarili.

Ilang saglit pa nang paglapit ko sa kanila ay agad akong nakita ni Mike dahilan upang mabalin ang kaniyang tingin sa akin at hindi sa babaeng inaakit siya ng tingin.

"Kristina dumating kana pala. Hindi ka man lang nagsabi sa akin. Kanina ka pa ba rito?" Tanong ni Mike sa akin sabay tumayo sa kaniyang kina-uupuan.

Tila nagtaka naman ang babae ng makita ako.

"Hindi naman actually, kakarating ko nga lang and then you make me surprised. You know tinawagan kita kanina sa phone mo subalit hindi mo naman sinasagot sapagkat busy ka nga pala," palakas na boses na pagsabi ko sabay pinukol ng tingin ang babaeng katabi niya kanina na siyang hindi ko pa kilala.

"Oh my bad. I'm sorry Kristina I left my phone in my car. Nagmamadali kasi ako kaninang bumaba ng sasakyan dahil sa may kunting gulo kanina na naganap dito sa bar. Pasensya kana talaga," paliwanag pa ni Mike na tila balisa sa kaniyang sarili.

"It's okay that should be no problem. Anyway may bisita ka pala I mean kasama," wika ko pa sabay ngumiti sa kanilang dalawa habang palihim na kumukulo ang aking selos na naramdaman sa loob.

"Ah yeah. By the way Kristina she is Yassy and Yassy she is Kristina my_," hindi na nagawang ipagpatuloy pa ni Mike ang kaniyang mga sinasabi dahil sa bigla akong sumulpot at nagpakilalang_

"Hi, I'm Mike's girlfriend," pakilala ko pa sa babaeng katabi ni Mike habang pinupukol ito ng masamang tingin.

Bigla-bigla na lamang akong nagpakilala na girlfriend ako ni Mike sa babaeng ito kahit na ang totoo ay hindi pa naman kami mag-on dalawa ni Mike and still magkaibigan pa rin kami.

Nagawa ko lamang na sabihin ang bagay na iyon dahil sa aking selos na naramdaman at kalakip na rito ang panginginig ng buo kong katawan dahil sa inip at galit sa babaeng akala ko ay naglalandi kay Mike.

Nang magpakilala nga ako sa babae at nasabi ko na ako'y girlfriend ni Mike ay siya naman itong ikinagulat ng dalawa at ikinatulala lalong lalo na si Mike.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? I said I'm Mike's girlfriend at siguro naman ay alam mo na kung saan ka lulugar lalo pa at alam mong may girlfriend na ang lalaking kinakatabi mo ngayon," sabi ko pa sa babae sabay ngumiti ng pakunwari habang nakatakaas ang kaliwa kong kilay.

Tila natagalan naman bago nakapagsalita ang babae hanggang sa tumayo siya at nagpakilala sa akin.

"Oh nice to meet you. By the way I'm Yassy and I'm Mike's first cousin," pangiting sabi ng babae sa akin sabay paglahad ng kaniyang kamay upang makipag-kamayan sa akin.

Nanlaki naman bigla ang aking mga mata at natulala sa naging sabi ng babae sa akin. Mayamaya lang din ay nakagising ako mula sa pagkatulala dahil sa biglang tumunog ang cellphone ko.

"Um, what? You mean magpinsan kayo ni Mike dalawa?" Gulat na tanong ko sabay tiningnan si Mike na siyang tulala lang at tila nabigla sa kaniyang narinig na aking sinabi kanina.

"Yeah you're right magpinsan nga kami nito ni Mike," ani pa ng babae sabay napangiti habang tinitigan kami isa-isa ni Mike.

"Oh my bad!" Bulong ko naman sa aking sarili habang damang-dama ang pagkahiya ko ngayong gabi lalong lalo na sa kanilang dalawa ni Mike at ang pinsan niyang babae.

Napalunok ako ng laway at sabay na ngumiti habang nagkukunwari lamang. "Hi nice to meet you by the way," mahinang boses na pagsabi ko at dahan-dahan na nakipag-kamay sa babaeng pinsan ni Mike.

"Nice to meet you Kristina. I mean my cousin's girlfriend. You look so beautiful and gorgeous tonight," pangiting sabi pa ng babae sabay tiningnan si Mike. "Anyway my cousin's Mike hindi mo man lang sinasabi sa akin na may girlfriend kana pala at sobrang ganda pa niya. Talagang mahilig kang manggukat," dugtong pa ng babae sabay tingin kay Mike na siyang nakanganga ang bibig dahil sa hindi makapaniwala.

Tila biglang nabalisa naman si Mike sabay napakamot sa kaniyang ulo habang napapaisip sa kaniyang sasabihin. Hanggang sa tila nilamon siya ng kaniyang kilig sa kaniyang narinig kanina kung kaya't napangiti na lang siya at napatawa.

"See, kinikilig ka pa diyan ha," sabi pa ng babae kay Mike habang di napigilan ang tumawa.

Mayamaya pa ay biglang nagsalita si Mike habang panay ang mga ngiti sa kaniyang labi. "Ah yeah. Kristina is my girlfriend at hindi ka nga nagkakamali pinsan. Napakaganda nga naman talaga nang girlfriend ko, bukod pa roon ay sobrang bait pa niya. And you know what is the most exciting part? Iyon ay ang swerte-swerte ko na nakilala ko siya at naging girlfriend pa. Tila ako na yata ang napaka-swerting lalaki sa mundo," palakas na boses na pagsabi ni Mike na halata ang saya, tuwa at pagkakilig sa kaniyang pagkilos.

Habang nakikinig ako sa pag-uusap ng dalawa ay tila para akong tulalang aso dagdag pa rito ang pagiging tikom bibig ko. Sapagkat aminado nga ako na napahiya ako dahil sa aking padalos dalos ng desisyon na hindi muna inaalam ang lahat bago magsabi ng mga bagay na sa huli ay ako lang din naman pala ang mapapahiya.

Subalit tila na antig din itong puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Mike na para bang damang dama ko talaga iyon sapagkat masarap pakinggan at masarap din sa pakiramdam.

Dapat din sana ay magsabi siya nang totoo patungkol sa amin dalawa bagkus ay sinabayan pa niya ang aking naging pahayag o sinabi sa kaniyang pinsan para lang hindi ako mapahiya.

"Wow nakaka-touch naman. Actually bagay na bagay nga kayo nitong si Kristina," ani pa ng pinsan ni Mike sabay tingin sa akin.

Napangiti na lang ako habang hindi alam ang aking sasabihin sa kanilang dalawa.

Tila wala nga akong maiharap na mukha dahil hiyang-hiya talaga ako. Nagselos ako sa maling paraan, pinagselosan ko ang taong hindi ko alam na pinsan lang naman pala ni Mike. At higit sa lahat ay muntik ko talagang mapagsabihan ng hindi maganda ang pinsan niya.