Chapter 69
"Ah kaya pala, malapit na rin matapos iyang building. Excited na rin ako sa pagbubukas mo ng iyong ka una-unahang negosyo,"
"Nako thank you. Ako nga rin parang hindi na ako mapakali sa sobrang excitement na aking nadarama,"
"Nakaka-excite naman kasi talaga. By the way available ka ba ngayon?"
"Um, oo available naman. Bakit naman?" Sabay napapaisip ako.
"Um, kasi gusto sana kitang yayain mamayang gabi na gumala. You know may alam kasi akong bagong bukas na pasyalan at maganda roon. Eh gusto ko sana na mamasyal doon nang kasama ka," paliwanag pa niya.
"Bagong bukas na pasyalan? Wow! Parang maganda nga iyan ah,"
"So, payag ka ba mamaya sa aking paanyaya?"
"Um, wait lang pag-iisipan ko pa," pabiro kong sabi sa kanya sabay napatawa. "Hindi biro lang, syempre sasama ako," dagdag ko pa habang napatingin sa side mirror.
"Kinabahan ako doon ah," sabay napatawa siya. "By the way susunduin ba kita diyan sa inyo?"
"Ano ka ba binibiro lang naman kita. Um, I think 'wag mo na lang siguro akong sunduin sa bahay kasi mamayang mga 6 PM ay pupunta naman ako ng mall at pagkatapos nu'n at dadaanan na lang kita diyan sa Bar mo,"
"Ganoon ba. Well, pwedi naman tawagan mo na lang ako kapag papunta kana rito nang sa ganoon ay maabangan kita agad,"
"Okay! By the way tumawag ka na lang mamaya kasi ba-byahe na ako pauwi sa amin,"
"Sure! Anyway take care and have a safe trip,"
"Thank you!" Sabay na pinutol ko ang aming pag-uusap dalawa ni Mike.
Umuwi agad ako ng bahay at pagkatapos ay pumunta ako ng mall.
Matapos ang aking pamimili at pag-shopping ay dumiritso na ako sa bar ni Mike.
Habang nasa byahe ako ay tinatawagan ko na si Mike para sa aking nalalapit na pagpunta sa kanya. Subalit tila parang busy siya kung kaya't hindi niya na pansin na tumatawag pala ako sa kanya dahilan upang hindi niya masagot ang two missed calls ko sa kanya.
Hindi na ako nag-atubili pa na tumawag sa kanya bagkos ay gugulatin ko na lang siya sa aking pagpunta sa kanya roon.
Ilang minuto lang ng aking pagba-byahe ay nakarating na ako bar ni Mike. Ipinarada ko ang aking sasakyan at agad na pumasok sa loob ng bar upang hanapin siya.
Hindi pa man ako nakapasok sa loob subalit tiyak ko nang maraming tao sapagkat ingay pa lang at hiyawan nila ay rinig na rinig ko na.
"Kaya pala hindi nagawang sagutin ni Mike ang mga tawag ko sa kanya kanina sapagkat marami pa lang tao rito ngayon. Tiyak nga na busy siya at maraming inasikaso," sabi ko pa sa aking sarili sabay tingin sa mga tao sa loob.
Naging abala ako sa pagtingin sa palibot ng bar baka sakaling mahagip ng aking mata si Mike ngunit dahil sa dami ng mga tao sa loob ay tila mahihirapan ako nito na mahanap siya.
Mayamaya pa ay may dumaan na isang waiter sa aking harapan kung kaya't nagmamadali akong tawagin siya upang pagtanungan kung saan naroroon si Mike.
"Wait, waiter?" Palakas na boses na pagtawag ko sa waiter habang sinusundan siya sa kaniyang paglakad.
Napahinto naman at agad napalingon ang waiter sa akin dahil sa lakas ng aking pagtawag sa kanya. "Miss Kristina? Ikaw nga miss Kristina," sabay napangiti ang waiter ng makita ako at agad na lumapit sa akin.
"Hay mabuti naman at narinig mo ang pagtawag ko sa iyo," sabi ko pa sa waiter sabay huminga ng malalim.
"Abay syempre naman po miss Kristina. Napakaganda niyo naman ngayong gabi," ani pa ng waiter habang nakangiting tiningnan ako.
"Haha nagbiro pa, by the way salamat ano. Sandali lang may itatanong pala ako sa iyo. Na saan ba 'yung boss niyo? Si Mike nakita mo ba siya, kasi kanina ko pa siya tinatawagan sa phone niya subalit hindi niya naman sinasagot ang mga tawag ko," saad ko pa sa kanya habang napapaisip.
"Ah si Sir Mike po ba? Nandoon po siya sa gilid ng Reception at nakaupo lang po siya roon miss Kristina. Kung gusto mo ay sasamahan kita papunta roon sa kanya," wika pa ng waiter sabay inayos ang kaniyang suot na pulo.
"Ah hindi na baka kasi may gagawin ka pa o aasikasuhin ka pa. Ako na lang ang pupunta roon sa kanya," pangiting sabi ko sa kanya sabay tingin sa Reception.
"Talaga po ba miss Kristina?"
"Oo 'wag na nang sa ganoon ma-surpresa ko 'yung boss niyo. Hindi niya kasi alam na maaga akong pupunta rito. Sege na at pupunta na ako roon. Salamat pala ha," ani ko pa habang may malaking ngiti sa ating mga labi.
"Wow parang maganda nga iyan. Osya papaano po miss Kristina ako'y aalis na rin at marami pang customer na aasikasuhin," saad pa niya habang patuloy lang sa pag-aayos ng kaniyang suot na pulo.
"Sure just take your time," pangiting sabi ko sabay kinawayan siya.
Matapos ang aming pag-uusap ng waiter ay agad akong pumunta ng Reception upang surpresahin doon si Mike.
Nang papalapit na ako ng Reception ay nakita agad ng aking mga tingin si Mike na siyang nag-iisang nakaupo sa mesa sa tabi mismo ng Reception habang umiinom ng wine.
Makikita rin na may isang notebook at ballpen na nasa kaniyang harapan na tila ba parang ito ang kinaaabalahan niya kanina.
Napangiti naman ako at nagpatuloy sa paglakad papunta sa kanya hanggang sa isang beses ay nabigla ako na may isang babaeng biglang lumapit kay Mike at umupo mismo sa kaniyang tabi na siyang umagaw talaga sa akin ng atensyon.
Dahil dito ay bigla akong pumrino sa aking paglalakad habang pinukol ng masamang tingin ang babaeng nasa kaniyang tabi.
Habang pinagmamasdan ko silang dalawa ay bigla-bigla na lamang na bumilis ang pagtibok ng aking puso na parang ba nakaramdam ako ng selos sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Tila parang nakuryente itong buo kong katawan kung bakit parang nababalutan ng init at nanginginig sa galit habang pinagmamasdan ko sila.