Chapter 68
Ilang saglit pa ay kinuha ni Mike ang natitirang mango float na aking kinain kanina at ibinuhos sa aking tiyan gayon din sa aking malusog na dibdib.
Tinitigan niya ako mula sa aking pusod papunta sa aking mukha at walang pag-aalinlangan o pagdadalawang isip na kinain ang mango float na nakahain sa aking malambot na tiyan at malusog na dibdib gamit ang kaniyang dila.
Hanggang sa maabot namin ang pinakadulo ng hangganan na siyang nagpainit pa lalo ng aming mga katawan at nagpasarap ng aming pakiramdam.
Nu'ng gabi na iyon ay pangalawang beses ng may nangyari sa amin ni Mike na pareho naming ginustong dalawa. Tila iba na nga ang magiging kasunod na yugto nito sa aming pagiging magkaibigan lang.
Kinabukasan paggising ko ay para akong bunugbog ng tatlong lalaki sa kanto dahil sa sobrang sakit ng aking mga katawan at bigat ng pakiramdam. Para rin akong nakipagsabunutan sa pitong demonyo dahil sa sobrang unot ng aking buhok.
Subalit may isang bagay akong napansin na siyang umagaw sa akin ng atensyon. Nakita ko na lang kasi na ang linis ng living area lalo na rito sa parting bahagi ng sofa na kagabi ay sobrang kalat pa.
Napansin ko rin na nakayupi ang mga damit ko na siyang nakalakat lang sa sahig kagabi. At ang higit sa lahat ay nakabalot na itong hubad kong katawan ng kumot samantalang wala naman kaming kumot na ginamit kagabi.
"Wow talagang binalutan mo ako ng kumot," sabi ko p sa aking sarili habang napangiti.
Mayamaya pa ay bigla kong naiisipan si Mike sapagkat hindi ko siya nakita o nadatnan sa aking paggising.
Agad akong nagbihis at hinanap siya sa ibat-ibang sulok ng aking bahay hanggang sa may narinig akong text message sa aking phone.
"Baka si Mike siguro ang nag-text sapagkat wala naman siya rito sa aking bahay.
Agad kong binasa ito at hindi nga ako nagkamali ng akala na si Mike nga itong nag iwan ng text message sa akin.
"Hi good morning Kristina. Have a nice day. By the way I'm sorry kung hindi na kita ginising pa para magpaalam sa iyo sa aking pag-alis. Nakita ko kasi na sobrang himbing ng tulog mo kung kaya't hindi na kita ginising pa. Anyway may inihain na akong breakfast sa iyo diyan, I hope na magustuhan mo ang luto ko. Kumain ka ng mabuti I love you!," Laman ng iniwang text message ni Mike sa akin.
Matapos kong mabasa ang text message ni Mike ay agad akong pumunta ng kusina and yet nadatnan ko nga sa mesa na mayroon nang nakahain na breakfast para sa akin.
Napangiti na lang aki habang pinagmamasdan ang nilutong breakfast ni Mike sa akin.
"Nag-abala ka pa Mike. But anyway you made my day happy. Thank you so much," bulong ko pa sa aking sarili habang may malaking ngiti sa aking labi at tila ba parang kinikilig pa ako.
Habang si Mike naman ay tila tulala lang sa kaniyang opisina na bigla-bigla na lang kung ngumiti at kiligin.
Dumaan pa ang maraming araw ay padalas nang padalas ang pagdalaw ni Mike sa aking bahay. At kung minsan naman ay doon sa aking pinapagawang building that soon to be my first ever restaurant.
Mas lalo pa na dinagdagan niya ang kaniyang mga efforts sa tuwing pupunta siya sa akin. Palagi niya akong dinadalhan ng mga bulaklak, chocolates at kung ano-ano pa basta't magugustuhan ko lang.
Palagi rin kaming lumalabas para gumala at pumunta sa mga bagong bukas na pasyalan para mamasyal. Dinadala niya rin ako sa mga magagarbong lugar na hindi ko pa minsan na puntahan.
Halos araw-araw at gabi-gabi kami kung minsan lumabas ni Mike na magkasama. Ngunit sa tinagal tagal ng aming palaging magkasama dalawa ay hindi pa siya pormal na nagsabi sa akin na nanliligaw siya o gusto niya akong ligawan subalit alam ko naman at nadarama na ako'y nililigawan niya na kahit na hindi pa man siya nagtatapat sa akin patungkol sa bagay na ito.
Nakikita ko naman sa paraan ng kaniyang pagkilos lalo na nang kaniyang mga pinapakita sa akin.
Habang patagal nang patagal ang aming pagsasama palagi ni Mike gayon din ang unti-unting may namumuong matinding closeness sa aming dalawa ay naramdaman ko ang tinatawag na "I'm feeling safe and comfortable kapag kasama ko siya o kapag nasa tabi ko siya".
Tila unti-unting kong naramdaman na mas sumasaya ako sa tuwing kasama ko siya kumpara noong dati.
Nararamdaman ko na rin na tila pagaan ng pagaan ang aking loob kay Mike at higit sa lahat ay tila napapawi na ang sakit at pighati rito sa aking puso simula noong maghiwalay kami ni Troy.
Hindi ko na malayan na si Mike lang pala ang magiging lunas para mawala ang sakit na iniwan ni Troy sa aking puso. Na siya lang pala ang tila magiging daan upang tuluyan kong makalimutan at mawala sa aking isip si Troy.
Dahil sa mga kabutihan at kagandahang asal na pinapakita ni Mike sa akin ay parang unti-unti nang nahuhulog ang aking loob sa kanya. Tila mas somobra pa sa isang kaibigan ang aking nararamdaman sa kanya ngayon.
It was Tuesday in the afternoon habang nag-aasikaso ako ng mga tauhan kong nagtatrabaho sa pinapatayo kong building nang biglang tumawag sa akin si Mike.
Dahil insakto rin break time at pauwi na ako ng bahay ay sinagot ko ang tawag ni Mike sa aking cellphone.
"Oh hi Mike napatawag ka yata. Ano ba atin?" Tanong ko sa kanya sa kabilang linya habang binubuksan ang pintuan ng aking kotse.
"Oh hello Kristina, are you busy right now?" Tanong pa ni Mike na halatang tono pa lang ng kaniyang pananalita ay may nais ng sabihin sa akin.
"No I'm not. Actually papauwi na ako ngayon sa bahay. Papasok na nga ako sa loob g aking sasakyan," ani ko pa sabay pasok sa loob ng aking sasakyan.
"Pauwi? Bakit na saan ka ba ngayon?"
"Nandito ako ngayon sa building na pinapatayo ko. May kunting inasikaso lang ak but ngayon ay wala na. Kaya nga uuwi na ako," sabay suot ng aking seatbelt.