Chapter 63
It was Saturday in the morning kung saan sinimulan ko na ang pagpapatayo ng building. Alam kong malaki ang puhunan ko sa project na ito subalit pinaghandaan ko naman ito nang maiigi.
Hihintayin ko na lamang ang 2 months estimated bago matapos ang pagpapatayo ng aking building that soon to be "K Restaurant."
Sabado nang hapon kung saan kakauwi ko lang galing mall nang tumawag sa akin si Mike para sa kaniyang pagbabalak na pumunta sa aking bahay.
"Hi Kristina busy ka ba ngayon?" Tanong ni Mike galing sa kabilang linya.
"Oh hi Mike, ikaw pala iyan. Um, bakit naman?" Tanong ko pa sa kanya habang nabigla sa kaniyang pagtawag.
"Um, anyway pasensya kana pala kung ngayon lang ako tumawag ulit sa iyo kasi maraming inasikaso sa Bar," ani pa ni Mike na tila nagdalawang isip sa kaniyang sinasabi.
Napabuntong hininga naman ako.
"No it's okay. Actually naiintidihan kita kasi alam kong busy person ka," sabay lapag ng aking bag sa sofa at tsaka umupo habang tinatanggal ang sintas ng aking suot na sapatos.
"Oo nga eh. Um, anyway may gagawin ka ba ngayon? Kasi nagbabalak sana akong pumunta diyan sa bahay mo upang bisitahin ka diyan. Iyon kung ayos lang sa iyo. Wala naman problema sa akin kung ayaw mo dahil baka may iba ka pang gagawin o aabalahin,"
"Actually wala naman," sabay napapaisip ako ng husto kung papayag ba ako na pumunta si Mike ngayon dito sa bahay ko o hindi. "Um, pwedi ka naman makapunta rito ngayon Mike kung gusto mo nga. Total wala naman akong ibang gagawin.
Pumayag na lamang ako sa pagbabalak niyang pumunta ngayon sa aking bahay kahit na gabi na dahil sa hindi ko magawang tanggihan siya lalo pa at nakakahiya rin na tatanggihan ko siya.
Napangiti naman ng malaki si Mike sa aking naging sagot sa tanong niya.
"Well that's good. Pupunta ako diyan at exactly 7. 'Wag ka nang magluto sapagkat dadaan ako nang restaurant at bibili ng hapunan natin," habang kinikilig na kinakausap ako sa tawag.
Napakagat labi naman ako habang napapaisip sa naging kaka-ibang kilos ni Mike. "Magluluto sana ako ng hapunan kasi pumunta ako kanina ng mall at bumili ng groceries kaso sabi mo 'wag na lang. So, maghahanda na lang ako ng dessert dito, insakto at may pinamili ako kaninang mangga at grahams. Gagawa na lang ako ng mango float,"
"Wow mango float, that's my favorite! Sigurado masarap iyan lalo pa at ikaw ang gumawa,"
Napatawa naman ako ng kunti.
"Nako nagbiro ka pa. Osya sege gagawa na ako rito ng mango float at nang sa ganoon pagdating mo rito ay malamig na at pwedi ng kainin. Mamaya ka na tumawag kapag papunta ka na rito," ani ko pa sabay huminga ng malalim habang inilalabas sa supot ang mga mangga na binili ko kanina sa market.
"Sure Kristina. After ko matapos ang pag-aasikaso ko rito sa bar ay pupunta agad ako diyan," sabay napangiti habang nakatingin sa salamin.
Matapos ang naging pag-uusap namin ni Mike ay agad na akong naghanda para sa aking gagawing homemade mango float.
Pero bago ko sinimulan ang paggawa ay pumunta muna ako ng aking kwarto upang magbihis ng damit pambahay.
Habang naghahanap ako ng aking maisusuot na damit sa aking aparador ay may isang bagay akong nakita na siyang nagpaalala sa aking ex-boyfriend na si Troy Madrigal.
Aksidenti ko kasing nakuha ang kaniyang damit sa aking aparador na san'ay isusuot ko at akala ko ay damit ko. Hindi ko naman kasi akalain na mayroon pa siyang maiiwang gamit dito sa bahay ko. At iyon nga ay ang black t-shirt niya na naging suot pa niya nu'ng araw na huli kaming nagsiping sa kama, rito mismo sa aking kwarto.
Habang tinitignan ko ng mabuti ang t-shirt niya ay naalala ko ang aming masasayang alaala rito sa bahay ko, nu'ng panahon na nandito pa siya at magkasama kami sa iisang bubong na tila para bang isang mag-asawa.
Naalala ko lang ang mga pangyayari sa amin ni Troy nu'ng maayos pa kaming dalawa at hindi pa dumadaan sa isang mahirap na pagsubok sa aming relasyon. Sa panahong hindi pa kami binibigyan ng panahon ng isang pagsubok.
Habang abala ako sa pag-iisip at pag-alala sa aming mga pinagdaanan dalawa ni Troy ay hindi ko na lang namalayan na may tumutulo na pa lang luha sa aking mga mata.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pala tuluyan na naiwala si Troy sa aking isip gayon din sa aking puso. Sapagkat hanggang ngayon ay sumasagil pa rin siya sa aking isipan at maalala ko lamang ang aming masayang panahon na magkasama kami ay parang sinaksak ang aking puso dahil sa sakit na aking naramdaman.
Hindi lang sakit kun'di paghihinayang din sa aming naudlot na masayang relasyon noon na ngayon ay hindi na maibabalik pa.
"Mahigit limang buwan na tayong hiwalay Troy at mahigit limang buwan na rin tayong walang kumunikasyon o balita sa isat-isa. Subalit nandirito ka pa rin sa aking isipan. Gusto ko nang burahin ka sa aking isip at sa aking puso ngunit bumabalik ka pa rin. Bumabalik pa rin sa aking memorya ang ating pinagsamahan noon. Galit ako sa iyo Troy, kinamumuhian kita katulad ng pagkamuhi ko sa iyo noon. Ayoko nang isipin ka pa I hate you!" Galit at pasigaw na pagsabi ko sabay tapon ng kaniyang t-shirt sa sahig.
Mayamaya pa ay tumungo ako ng banyo at tinignan ang aking sarili sa salamin. Sabay paglabas sa lahat ng aking dinadalang sama ng loob sa aking dibdib.
Dagdag na rito ang aking mga masasakit na salitang ibinabato kay Troy.
"I trusted in you Troy. I gave my heart, body and soul to you but you betrayed me. Wala na akong naitirang pagmamahal sa sarili ko dahil sa ibinuhos kong lahat sa iyo. Alam mo ba kung ano ka sakit ang pinadama mo sa akin? Alam mo ba kung ano ka sakit ang iniwan mo at idinulot mo sa aking puso?! You shit!" Habang inilalabas ko ang lahat ng gusto kung sabihin kay Troy kahit sa pamamagitan lang sa pagharap sa salamin.